Share

Chapter 9

"Wala ka na ba talagang balak na mag-asawa? Hindi pa naman huli siguro. Thirty two years old ka pa lang naman, eh. Hindi pa huli para sa 'yo, Andrea," wika ni Martin sa kanya. "You still have a chance and you shouldn't waste it. Sayang naman kung hindi ka mag-aasawa."

May punto naman si Martin sa sinabi niya kay Andrea ngunit buo na ang desisyon niya. Hindi na talaga siya mag-aasawa pa kahit ano'ng gawin na pilit ng mga taong nasa paligid niya. Maghahanap na lang talaga siya ng lalaki na mapapayag niya na maging sperm donor niya para magkaanak siya kahit isa man lang.

Andrea licked her lips and sighed deeply before she answers him.

"Wala na, wala na akong balak pa na mag-asawa pa, eh," nakangusong sagot niya kay Martin.

"E, paano 'yan? Tatanda kang walang asawa't anak n'yan. Walang mag-aalaga sa 'yo 'pag matanda ka na at hindi na makagalaw. Kawawa ka naman n'yan. Mag-asawa ka na lang kaya, Andrea. 'Wag kang magalit sa sinasabi ko dahil para naman 'to sa 'yo, eh," sabi ni Martin kay Andrea.

"Alam ko naman 'yon, eh. Buo na ang desisyon ko na hindi na ako mag-aasawa talaga pero may plano kami ng kaibigan ko na kailangan ko na gawin," mahinang sagot ni Andrea kay Martin.

"Ano 'yon? Ano'ng plano n'yo ng kaibigan mo, ha? Puwede ko bang malaman mula sa 'yo. Wala namang problema kung hindi mo sasabihin 'yon sa akin, I respect you naman. Sorry sa pagiging mausisa ko sa 'yo. Curious lang talaga ako, eh," tanong ni Martin na inaalam niya talaga kung ano 'yon mula kay Andrea.

Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Andrea at saka dahan-dahan na ibinuka ang kanyang bibig upang magsalita.

"Actually ako lang naman ang nagdesisyon ng plano na 'to, eh. Tumutulong lang sa akin ang kaibigan ko na 'yon. Ayaw ko naman na mag-asawa, 'di ba? Kaya kahit hindi ako mag-aasawa gusto ko na magkaroon man lang ng anak kaya—"

"Kaya ay ano? Are you going to adopt a child, huh?" usisa pa ni Martin kay Andrea.

"Hindi. Iyon sana ang gusto ko no'ng umpisa pero gusto ko kasi na magkaroon ng anak na galing talaga sa akin," mabilis na sagot ni Andrea kay Martin na naguluhan sa sinabi niya.

"Huh? Wait, hindi kita maintindihan sa sinasabi mo. Ayaw mo mag-asawa tapos gusto mo ngayon na magkaroon ng anak na galing sa 'yo, eh, ayaw mo rin naman na mag-adopt. Paano ka magkakaroon ng anak sa sitwasyon na 'yan, huh? I can't understand you, Andrea. Sa tingin mo ba ay magkakaroon ka ng anak na galing talaga sa 'yo kung hindi ka mag-aasawa o kaya partner, ha?" naguguluhan na tanong ni Martin kay Andrea na nakakunot ang malalapad na noo.

"Hindi nga ako mag-aasawa pero gusto ko na magkaroon ng anak na mula talaga sa akin kaya nagdesisyon ako na maghanap ng lalaki na mapapayag ko na maging sperm donor ko para magkaroon ako ng anak na galing talaga sa akin. 'Pag nakahanap ako sa tulong ng kaibigan ko ay mangyayari 'yon na plano namin. Kailangan ko na magkaroon ng sperm donor para magkaanak ako. Hindi artificial insemination ang gagawin kasi mapapamahal ako kundi natural method. I think alam mo naman siguro 'yon. Nakakahiya na sabihin pero 'yon ang totoo, eh,'' paliwanag na sagot ni Andrea kay Martin na nanlaki ang mga mata pagkarinig sa sinabi niya na plano nga niya sa tulong ng kaibigan niya. "Iyon ang plano namin ng kaibigan ko. Ngayon ay alam mo na 'yon."

"Are you sure na 'yon talaga ang plano n'yong dalawa ang maghanap ng lalaki na mapapayag n'yo na maging sperm donor mo para lang magkakaroon ka ng anak? Makikipag-sex ka sa lalaki na 'yon na mapapayag mo na maging sperm donor mo?" pangungumpirma pa na tanong ni Martin kay Andrea na mariing tumango sa kanya.

"Oo. Iyon nga ang gagawin ko, eh. Wala naman akong ibang choice kung natural method ang gagawin namin kundi ang makipag-sex ako kahit ayaw ko," sagot ni Andrea. Napangiwi tuloy si Martin matapos niyang magsalita.

"May nahanap na ba kayong lalaki na pumayag sa nais n'yo na mangyari, ha?" mahinang tanong ni Martin.

"Wala pa nga, eh. Naghahanap pa rin kami hanggang ngayon. Sana ay may mahanap kaming dalawa na mapapayag namin na magiging sperm donor ko para magkaanak ako, eh," sagot ni Andrea na nakatingin sa magagandang mga mata ni Martin. She gasped before she continues speaking to him. "Puwede ba kitang matanong?"

"Ano 'yon? Ano'ng itatanong mo sa akin, huh? Importante ba 'yon?" tanong ni Martin. Andrea let out a deep sigh and said, "Puwede ka ba na maging sperm donor ko? Willing ka ba na i-donate ang 'yong sperm cells sa akin para magkaroon lang ako ng anak? Kakapalan ko na ang mukha ko para lang sa bagay na 'yon, eh."

Wala na ngang hiya-hiya na tinanong ni Andrea ang kaharap niya na guwapong lalaki na si Martin kung puwede nga ito na maging sperm donor niya.

"W-what? Tinatanong mo ako kung puwede ako na maging sperm donor mo, ha?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Martin kay Andrea.

"Oo. Tinatanong lang naman kita, eh, baka sakaling gusto mo, eh. Wala namang problema kung sabihin mo na ayaw. At least sinubukan ko lang naman. Wala namang masama na magbakasakali, 'di ba?" sagot ni Andrea. Pakiramdam niya ay luluwa na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Martin frowns as he hears it from her.

Minuto ang lumipas bago sumagot si Martin sa kanya. Siguro ay nagisip-isip ito ng puwedeng sabihin sa kanya.

"I'm sorry but I can't answer you, Andrea," sagot ni Martin sa kanya at nakaramdam tuloy ng hiya si Andrea matapos 'yon. Pakiramdam niya ay para ba siyang tinanggihan nito kahit hindi naman sinabi ng diretso sa kanya na tinatanggihan siya nito. Pilit na ngiti ang iginawad ni Andrea kay Martin pagkasabi nito sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa tungkol dito. Iniba na lang nila ang kanilang usapan habang magkaharap na kumakain sila.

"Saan ka ba nagtatrabaho?" tanong ni Martin kay Andrea makalipas ang ilang minuto. "Maaari ko bang malaman sa 'yo?"

Wala pa ngang dalawang oras silang nagkakilala ay napakarami na nilang napag-uusapan. Daig pa nila ang matagal nang magkakilala sa dami ng pinag-uusapan nila.

Sinabi naman ni Andrea kay Martin kung saan nga siya nagtatrabaho na kompanya. His face lit up as he heard the name of the company where she's currently working. Biglang may naalala siya.

"Matagal ka na ba na nagtatrabo sa kompanya na 'yan?" tanong pa ni Martin sa kanya na para bang may gusto na malaman mula sa kanya o kaya ay related sa kompanya na pinagtatrabauhan niya.

"Matagal na rin akong nagtatrabaho sa kompanya na 'yon. Mahigit sampung taon na kaming nagtatrabaho ng kaibigan ko doon, eh," nakangising sagot ni Andrea.

"Talaga ba, ha?"

"Oo."

"May kilala ka bang Ella Marie Sebastian ang pangalan na d'yan rin nagtatrabaho sa kompanya na pinagtatrabauhan mo, ha?" tanong kaagad ni Martin kay Andrea.

"Oo. May kilala ako. Actually, kilala ko nga ang tinutukoy mo na 'yon, eh. Secretary siya ni Mr. Rodriguez ang CEO ng kompanya na pinagtatrabauhan namin, eh. Bakit mo nga pala tinatanong? Ano mo ba 'yon si Ella Marie, ha? Girlfriend mo ba siya?"

Ngumiwi si Martin pagkatapos magsalita ni Andrea sa kanya. "No. She's not my girlfriend, Andrea. Pero kilala ko siya, eh," mabagal na sagot ni Martin sa kanya. Napatango si Andrea at nagsalita, "Ah, ganoon ba? Akala ko kasi ay girlfriend mo siya."

Napangiti tuloy si Martin. "You're wrong, Andrea. She's not my girlfriend. I'm single, anyway."

"Talaga ba?"

"Yes. I'm single."

"Bakit ka naman single? Gaya-gaya ka naman sa akin. Sa hitsura mo na 'yan ay mawalan ka ng babae. Hindi ako naniniwala sa 'yo. Baka nga hindi lang isa ang girlfriend mo. Baka nga ay mga lima, eh. Tinatago mo lang dahil takot ka na baka mabisto ka." Humagalpak ng tawa si Martin dahil sa sinabi ni Andrea sa kanya.

"Hindi kita ginagaya, 'no? Nagkataon lang siguro na parehas tayong single. Remember, hindi ka lang ang single ngayong gabi na 'to. Bahala ka, basta nagsasabi ako sa 'yo ng totoo. Wala akong girlfriend. Totoo 'yon, eh. Guwapo lang naman ako pero wala akong girlfriend. Alam mo ba kung bakit, ha?"

Nakakunot ang noo ni Andrea. "Ano? Bakit ka single, ha? 'Wag mong sabihin ang mga dahilan ko kung bakit ako wala pa rin na boyfriend hanggang ngayon." Muling humagalpak ng tawa si Martin.

"Of course not. Why would I say that? It wasn't the reason why I was single this time. We're not the same reasons, but we're both single. Hindi kita ginagaya, remember? Alam mo kasi na ang babaeng dahilan kung bakit ako single ay ang babae na gusto ko na maging girlfriend ko kaya nga ako single, 'di ba?" paliwanag ni Martin.

"Talaga ba?" Martin gave her a wide smile on his handsome face and said, "Yes. Iyon ang rason at wala na ngang iba pa, eh." Kinindatan pa ni Martin si Andrea at saka pinagpatuloy ang pagkain nila.

"Sino ba ang babaeng 'yon, ha?" tanong ni Andrea.

"Secret," he said grinning. "I just want to keep it for myself unless may magagawa ka para maging girlfriend ko ang babae na 'yon." Napangiwi si Andrea sa sinabi ni Martin sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status