Share

Chapter 7

Papalabas na sa kanilang bahay si Andrea nang biglang tumunog ang cell phone sa loob ng bag niya. Kaagad naman niya na kinuha ito para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Pangalan ng kaibigan niya na si Gretta ang nabasa niya sa screen ng cell phone niya.

"Ano naman kayang kailangan ng babaeng 'to? Bakit na naman tumatawag ito?" bulong ni Andrea sa sarili habang dahan-dahan na sinasagot ang tawag ng kaibigan niya. Nagpawala muna siya nang malalim na buntong-hininga at nagsalita sa kanilang linya.

"O, ba't ka napatawag ngayong umaga? Paalis na ako sa bahay namin at papunta na ako d'yan sa opisina. Nand'yan ka na ba?" tanong ni Andrea kay Gretta na humugot nang malalim na buntong-hininga.

"Wala. Wala pa ako sa opisina ngayon. Hindi mo man lang ba ako babatiin ng good morning, ha?" nagtatampo na sagot ni Gretta kay Andrea na mabilis naman niya na tinawanan.

"Okay, fine. Good morning to you, Gretta. Why are you calling me this early morning? Do you have a problem, huh?" sagot ni Andrea. Binati na niya ito ng good morning. "I greeted you already. Are you happy now?" nakangisi pa ring sabi ni Andrea sa kaibigan niya sa kabilang linya. Napansin ni Andrea na namamaos ang boses ng kaibigan niya ngunit hindi muna siya nagtanong rito.

"Maybe yes. Good morning too," sagot niya na nakangiwi at kahit hindi ni Andrea nakikita ang kaibigan niya ay nararamdaman niya 'yon.

"E, bakit ka tumatawag sa akin, ha? Wala ka pa naman pala sa opisina? Okay ka lang ba, ha? Napapansin ko na namamaos ka ngayon? Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Andrea kay Gretta. Bumuntong-hininga muna ulit si Gretta bago nagsalita kay Andrea.

"Hindi ako makakapasok ngayong araw na 'to," mahinang sagot ni Gretta sa kaibigan na nanlalaki ang mga mata.

"Huh? Bakit naman hindi ka papasok ngayong araw na 'to? Nagbibiro ka ba, Gretta? Hoy, huwag mo ngang mabuti ako. Kilala kitang babae ka," sagot ni Andrea na hindi naniniwala sa sinasabi ng kaibigan.

"Andrea, hindi ako nagbibiro, okay? Totoo ang sinasabi ko sa 'yo na hindi ako papasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Mukhang lalagnatin ako, eh. Kaya napapansin mo na namamaos ang boses ko ay dahil 'yon nga ay masama ang pakiramdam ko. 'Wag kang mag-alala dahil tinawagan ko na ang department head natin. May ipapasa ako sa email mo na mga dokumento na kailangan mo na i-print this morning dahil kailangan 'yon na mapirmahan ng ating department head dahil ipapasa 'yon sa boss natin sa taas. Maliwanag ba 'yon sa 'yo, Andrea?" seryosong sagot ni Gretta kay Andrea. Totoo pala ang sinasabi ng kaibigan niya sa kanya na akala niya ay nagbibiro lang ito. Mabilis naman siyang humingi ng paumahin sa kaibigan.

"Ah, ganoon ba? Sorry kung hindi ako naniwala kaagad. Akala ko kasi ay nagbibiro ka na naman na hindi ka papasok. Sorry talaga," paumahin ni Andrea kay Gretta.

"Okay lang naman 'yon. At least naniwala ka na sa akin," sabi ni Gretta. "'Wag mo nang isipin 'yon. Wala namang problema 'yon sa akin, eh."

"'Wag kang mag-alala dahil gagawin ko ang sinabi mo. Ako na ang bahala na magprint ng mga dokumento na ise-send mo sa akin sa email. Wala ka nang kailangan na problemahin. Ako na ang bahala na gawin ang trabaho mo sana ngayon," nakangising sagot ni Andrea sa kabilang linya.

"Maraming salamat sa 'yo, Andrea. Ikaw na muna ang bahala sa mga dokumento na ipapasa ko sa 'yo ngayon. Maraming salamat talaga!" pasalamat ni Gretta kay Andrea.

"Walang anuman 'yon, Gretta. Magkaibigan tayo, 'no? Kaya ay palagi tayong magtutulungan sa oras ng kailangan natin ang tulong ng isa't isa, 'di ba? You have to go to the nearby clinic para matingnan ka at mabigyan ng gamot na kailangan mo na inumin. Get well soon, Gretta. Magpahinga ka muna, okay?" paalala ni Andrea sa kaibigan.

"Oo naman. 'Wag kang mag-alala dahil magpapa-check up ako sa malapit na clinic para matingnan ang lagay ko at mabigyan ako ng gamot na kailangan ko na inumin. Maraming salamat talaga sa 'yo, Andrea. Hayaan mo dahil pagbalik ko ay ipagpapatuloy natin ang paghahanap ng lalaki na mapapayag natin na maging sperm donor mo," nakangising sagot ni Gretta kay Andrea. Tumawa lang si Andrea sa sinabi ng kaibigan niya na pagbalik nito ay ipagpapatuloy nila ang paghahanap ng lalaki na mapapayag nila na maging sperm donor niya.

"Sige na, kailangan ko na lumakad paalis sa bahay namin. I-send mo na rin sa akin kaagad ang dokumento na kailangan ko na i-print pagkarating ko sa opisina. I'll update you later. Get well soon, Gretta," sabi ni Andrea sa kaibigan niya.

"Yeah, I know. Ingat ka, Andrea," sabi ni Gretta sa kanya na nakangisi kahit hindi sila magkaharap na nag-uusap.

"Oo naman. Palagi naman akong nag-iingat." Sabay nilang dalawa na ibinaba ang mga hawak nilang cell phone. Nagpatuloy na sa paglalakad si Andrea para maghintay ng masasakya patungo sa pinagtatrabauhan nila na kompanya. Gretta sent the documents to her email immediately. Kaagad naman na tig-print ni Andrea ang dokumento na ipinasa sa kanya ng kaibigan niya na si Gretta. Pagkatapos ay inihanda na niya ito para dalhin sa opisina ng head department nila para pirmahan ang dokumento na 'yon. Nang pabalik na si Andrea sa desk niya ay nakasalubong niya si Clarissa na may hawak na puting folder na dadalhin sa loob ng opisina ng department head nila. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kanya at mabilis na ibinuka ang bibig para magsalita sa kanya.

"O, nasaan ang kaibigan mo na si Gretta? Ba't hindi ko siya makita ngayon, ha? Did she resign already?" maarteng pagkakasabi ni Clarissa kay Andrea. Seryosong tinitigan naman ni Andrea si Clarissa na para bang nakikipagsukatan siya ng tingin dito. Tinaasan rin niya ito ng kanyang dalawang mga kilay. Alam niya na aawayin na naman siya ng bruha na si Clarissa.

Andrea took a very deep breath before she speaks to her irritably. "Of course not. Why would she do that?! Hindi nag-resign ang kaibigan ko. Ba't naman niya gagawin 'yon, ha? There's no reason for her to resign, okay? Baka ikaw ang gusto na mag-resign sa kompanya na 'to kaya ay mas mabuti pa na mauna ka na!" matapang na sagot ni Andrea. Matapang naman siya kung sa matapang. Wala rin siyang inuurungan lalo na kung hindi naman siya ang nag-uumpisa ng away o kung ano pa na hindi magaganda. Clarissa clenched her teeth, but she wasn't afraid to argue with her. Andrea didn't start it, so why would she be scared with her? Masamang tinitigan siya ni Clarissa.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sagot-sagutin ako, 'no?! Kayo ang mag-resign sa kompanya na 'to. Hindi ako! Hindi kayo kailangan ng kompanya na 'to, remember?" singhal ni Clarissa kay Andrea.

"Clarissa, ikaw ang nag-uumpisa, 'di ba? Hindi naman kita sasagutin kung wala ka rin naman na sinabi. Ano ako sa tingin mo? Baliw ba, ha? I'm not as crazy as you, remember? Kung meron man na hindi kailangan sa kompanya na 'to ay ikaw 'yon! Alam mo 'yan sa sarili mo! Nagtatrabaho kami ng maayos, okay? Pumapasok kami ng nasa tamang oras na pagpasok. Hindi kami palaging late kagaya mo! Would you please keep your mouth shut? Alam mo lahat ng mga sinasabi mo muli d'yan sa bibig mo at sa 'yo lang naman bumabalik, 'di ba? Parang dumura ka na nakahiga, sa mukha mo lang naman babagsak. I think you know my point, Clarissa," maanghang na sagot ni Andrea kay Clarissa.

Sasampalin sana ni Clarissa si Andrea ngunit hindi 'yon natuloy dahil dumaan ang isa nilang katrabaho na nakakunot ang noo na nakatingin sa kanila.

"O, ano? Ba't naman mo maituloy ang pagsampal mo sa akin? Sampalin mo ako kung ayaw mo na makarating 'to sa taas kahit na sabihin natin na malakas ang kapit mo. D'yan ka naman magaling, eh. Magaling ka na humanap ng kakapitan na mga tao ngunit wala ka naman na alam na gawin na tamang trabaho! Shame on you, Clarissa!" singhal ni Andrea kay Clarissa at mabilis na tinalikuran niya ito.

Hindi nakasagot si Clarissa matapos niyang sabihin 'yon. Natameme ang bruha. Salubong ang mga kilay na nakatingin siya sa likuran ni Andrea na kulang na lang ay kainin niya ng buhay sa galit. Andrea insulted her with the right words she deserves. "May araw ka rin talaga sa akin na babae ka! You'll pay for insulting me!" tiim-bagang niya na bulong sa sarili habang tinatanaw pa rin ang papalayo na si Andrea.

Tinawagan kaagad ni Andrea ang kanyang kaibigan na si Gretta pagkaupo niya para sabihin dito na okay na ang pinapagawa nito sa kanya. Wala nang kailangan na problemahin pa ang kaibigan niya na si Gretta. Ginawa na niya 'yon nang bukal sa kanyang puso. Oras naman na gawin niya ang nakaatang sa kanyang trabaho.

Kumakalam na ang sikmura ni Andrea pagkalabas niya sa pinagtatrabauhan nila na kompanya. Hindi na siya makatiis kaya ay nagdesisyon siya na kumain muna kahit sa malapit lang na fast-food chain. Dali-dali siyang tumungo doon sa malapit na fast-food chain. Maraming mga customers ang nandoon pagkapasok niya. Um-order kaagad siya ng kakainin niya para maibsan ang gutom na nararamdaman niya. Tamang-tama ay may isa na lang na bakanteng mesa ang nandoon kaya mabilis na inokupa niya 'yon bago pa siya maagawan ng ibang mga paparating na mga customers. Habang nilalantakan niya ang kanyang in-order na pagkain napansin niya ang matangkad at guwapo na lalaki na nakasuot ng kulay asul na long sleeve na may hawak-hawak na tray kung saan nakalagay ang in-order niya na pagkain. Naghahanap ito ng mauupuan ngunit wala na ngang bakante na mesa. Kanina pa siguro naghahanap ang lalaki na mauupuan upang makakain na. Nakaramdam naman kaagad ng awa si Andrea kaya mabilis na tinawag niya ang lalaki.

"Kuya! Kuya! Dito po sa bandang likuran mo! Kuya, naghahanap ka po ba ng mauupuan?" malakas na sigaw ni Andrea dahilan upang mapatingin sa kanya ang mga taong kumakain malapit sa kanya. Lumingon sa kanya ang guwapong lalaki. Maganda ang pangangatawan nito na halatang palaging nagwo-work out sa gym. Nagtama ang kanilang mga mata pagkalingon ng guwapong lalaki sa kanya dahilan upang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit. Nakahinga nang maluwag ang guwapong lalaki dahil sa wakas ay may handang makipag-share sa kanya ng mesa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status