Home / Romance / Not Ordinary Love / Chapter Five — Healing with Laughter

Share

Chapter Five — Healing with Laughter

Author: Amarra Luz
last update Last Updated: 2022-10-16 13:24:33

After 2 years (2007)

Mainit at maingay ang loob ng restaurant, puno ng clinking utensils at low conversations pero sa corner booth sa pinakalikod, may sariling mundo ang dalawa isang mundong minsang inakalang forever pero natapos sa biglaang hiwalayan.

Si Alexie, naka-neutral colors, calm ang mukha pero stiff ang shoulders.

Si Yazzi, naka-clean cut polo, wedding ring glinting under the lights isang paalala ng nakalipas na hindi niya naibalik.

At doon na pumasok si Emman sa restaurant hindi nila napansin ang bawat isa.

Tumigil siya sa pintuan nang makilala niya ang dalawang mukha hindi dapat sila magkasama pero naroon sila, at mukhang mabigat ang usapan.

Umupo si Emman sa malayong side table, kunwari nag-aantay ng order, pero totoo hindi niya maalis ang tingin sa dalawa.

Sa mesa hindi agad nagsalita si Alexie mas pinili niyang obserbahan ang ex na minsang sinaktan siya beyond repair.

Si Yazzi ang unang nag-break ng silence.

"Hindi ko akalaing darating yung araw na kailangan kitang kausapin nang ganito," sabi niya, mahina pero diretso.

Nanatili siyang nakatingin sa basong hawak niya.

"Hindi ko rin akalain na kakailanganin mo pa ako."

"Alexie..." May pakiusap sa tono niya pero walang effect hindi na gaya noon.

"Kamusta ka na, Yazzi?" tanong niya.

Simple, matalim.

"Anong kailangan mo pa sa 'kin?" Napabuntong-hininga si Yazzi. "Hindi ako lumapit dahil sa akin."

Tumaas ang kilay ni Alexie. "Good. Kasi wala na tayong dapat pag-usapan tungkol sa'yo."

Tinuklap ni Yazzi ang wedding ring niya sa daliri isang subconscious habit. "Lumapit ako kasi may mga lumalabas na paparazzi issues. Involving...us. our past."

Parang naramdaman ni Alexie na nanlalamig ang kamay niya.

"Ang past natin," she said, flat, "Dapat matagal nang nakalibing."

"Alam ko." Saglit siyang napapikit, parang namimigat ang mga mata.

"Pero may mga bagay na hindi ko nasabi noon at lumalabas ulit ngayon in the worst timing possible."

Ngumiti si Alexie ng mapait. "Hindi mo nasabi kasi kinasal ka sa iba."

"Alex—"

"Don't call me that." sagot naman niya ng seryoso kay Yazzi.

Sharp.

Unforgiving.

"Wala na tayo karapatan na banggitin ang mga nicknames natin sa harapan ng bawat isa."

Natigilan si Yazzi hindi siya sanay sa malamig na version niya. Noon, siya ang pinaka-malambing, pinaka-pasensyosa, pinaka-bumabalanse sa lahat ng problema nila.

Pero ngayon?

Hindi siya gumuho, siya ang bagyo.

"Huli na ang lahat, Yazzi," dagdag niya.

"You left without a word without a proper goodbye without a closure."

Naramdaman ni Emman ang bigat ng hangin mula sa malayo. Para siyang nanonood ng pelikula na hindi niya dapat nakikita pero hindi niya maialis ang tingin.

Hindi ito simpleng breakup.

Ito ang broken glass na hindi kahit kailan mabubuo ang mga pirasong nabasag.

"I had my reasons," sagot ni Yazzi, mahina pero hindi defensive.

"But the moment you chose someone else after promising me forever," sagot ni Alexie, "Lahat ng dahilan mo naging pang-justify lang."

Hindi na kailangan ni Yazzi mag-react.

Tama siya.

Hindi niya matatanggi.

Nagpakalalim ng hininga si Alexie, steady ang boses.

"You broke me in a way na akala kong hindi ko na mabubuo at ngayon lalapit ka sa akin dahil may lumalabas na rumor? Dahil na-involve ulit pangalan natin?"

Hindi sumagot si Yazzi.

Guilty silence.

Yun na ang sagot.

"Alexie..." This time, hindi na pakiusap ang lumalabas sa bibig nito.

Hindi justification.

Confession.

"I was a coward and I married the wrong person."

Para siyang binagsakan ng bato si Alexie, pero hindi niya pinakita kay Yazzi.

Hindi niya ibibigay ulit ang power na 'yon. "I didn't come here to fix us," sabi ni Yazzi.

"I came here to say sorry and to warn you." sagot niya.

Napatingin siya sa kanya hindi pa rin niya ito tinanggap, pero nakikinig na siya.

"May paparazzi na sumusundan ka dahil sa transfer mo sa network," pahayag ni Yazzi.

"And they're connecting you to...someone."

Saglit siyang napatigil. "Someone na hindi ako."

At doon humigpit ang dibdib ni Emman mula sa kabilang mesa.

Hindi niya marinig lahat, pero sapat ang huli.

"Someone na hindi ako."

Kung paano tumingin si Yazzi kay Alexie may pagtataka sa mukha.

May selos.

May lungkot.

May takot.

Parang hindi pa tapos ang kuwento nila, pero hindi na puwedeng ipagpatuloy.

Umayos ng upo si Alexie, nilapag ang phone, naglakip ng finality ang tono.

"Listen carefully," sabi niya.

"Hindi na ako galit pero hindi rin kita kailangan."

Nararamdaman ni Emman ang pag-igting ng hangin.

Ramdam niya ang panginginig ng boses niya kahit kalmado siya sa labas.

"At kahit ano pang lumabas na issue, hindi kita hahayaang sirain ulit ang buhay ko."

Mas lalo pang namuti ang mukha ni Yazzi.

"I am done," she whispered firmly. "Not with you... but with the pain."

Tumayo si Alexie hindi na siya nagpaalam.

Hindi nagbigay ng second look kay Yazzi na dati niya ginagawa noong panahon may relasyon pa silang dalawa.

She walked away and for the first time since the breakup si Yazzi ang iniwan sa mesa. Bitbit ang bitterness at regrets na siya mismo ang gumawa.

Hindi nakita ni Alexie si Emman pero nakita niya ang lahat.

At habang pinapanood niya siyang maglakad papalayo,

isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ni Emman.

"She deserves better and I don't know why... pero gusto kong maging bahagi nun."

Hindi pa love.

Hindi pa kilig.

Pero may tumubo.

Isang motibo.

Isang instinct.

To protect her.

Pag-alis ni Alexie sa parking lot, sinundan siya ni Emman hanggang masiguro niyang ligtas siyang umuwi. Hindi niya sinabi, hindi niya pinost, hindi niya pinakita kahit kanino para lang siyang aninong sumusunod nang may pag-aalalang hindi niya ma-ipaliwanag. Nang tuluyang sumingit ang sasakyan ni Alexie sa traffic at mawala sa paningin, doon pa lang siya huminga nang malalim.

Pero hindi pa tapos ang gabi para sa kanya pag-lingon niya pakabalik sa restaurant, nakita niyang nakatayo si Yazzi malapit sa poste, nakasandal na parang hindi makagalaw. Hindi ito celebrity mode at hindi rin artista. Hindi ex-fiancé ng kung sino parang lalaki lang na biglang napaharap sa nakaraan niyang hindi niya napagsarhan.

Lumapit naman siya nang mabagal, diretso, walang yabang pero may tindig.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong niya nang hindi agresibo pero may bigat.

Nag-angat ng tingin si Yazzi sa kanya bahagyang nagulat. "Ikaw 'yong kasama niya sa table kanina, 'di ba?"

"Kasama sa project," simpleng sagot niya sa kausap niya.

Tahimik na sandali sa pagitan nilang dalawa hangin lang at ingay ng trapiko ang narinig nila sa kanilang paligid.

Si Yazzi ang unang umiwas ng tingin. "'Di ko naman plano siyang guluhin nagulat lang ako na nandun siya hindi ko alam na dun siya magdi-dinner."

"Pero nangyari na," sagot niya sa kanya at hindi harsh pero hindi rin gentle. "And halata ko—hindi pa kayo okay."

Kumunot ang noo ni Yazzi. "You don't know anything about us."

"No, pero nakita ko 'yong mukha niya paglabas may hindi maganda." sagot niya kaagad ng seryoso sa kaharap niya.

Tumawa ng mapait si Yazzi sa harap niya halos walang tunog. "Hindi maganda? Bro, kung alam mo lang... wala kaming closure....walang goodbye—walang pormal na ending bigla lang siyang nawala bigla siyang... nag-freeze sa lahat."

Hindi naman siya kumurap ang tanga naman ng kaharap niya kung hindi niya matandaan ang ginawa niya kay Alexie. "And whose fault is that?"

Nanahimik si Yazzi at parang tamaan sa lumabas sa bibig niya wala siyang pakialam kung matamaan ito at magalit sa kanya.

"Tingin mo, hindi ako nasaktan?" tanong ni Yazzi medyo nanginginig ang boses kahit pilit niyang ini-straight.

"Hindi ko sinabi 'yon," sagot niya nang calm but firm.

"Pero siya 'yong nakita ko ngayon, siya 'yong nanginginig ang kamay paglabas....siya 'yong huminga nang paulit-ulit bago umayos ng lakad...so, sorry—but I'm going to care about her side."

Matagal bago nakasagot si Yazzi.

"Kasalanan ko rin, okay?" bulong nito sa kanya halos hindi self-defense. "Hindi ko siya naipaglaban hindi ko siya naintindihan nung panahon na 'yon busy ako, ambisyoso at sobrang dami kong 'later'."

Napahawak siya sa batok parang nabibigatan. "Pag-tingin ko ulit, wala na siya."

Huminga na lang siya nang malalim ang bobo ng minahal ni Alexie ang malas niya nagpa-loko siya kay Yazzi at ang tanga ng babaeng pinalit nito kay Alexie.

Hindi naman siya gumalaw at nakatingin lang siya. "Kasal ka na at naka-move on ka na, bakit ngayon kanya mo pa tinitignan?"

Napapikit si Yazzi parang tinamaan nang diretso sa sinabi niya.

"Hindi ko siya tinitignan para bawiin," sagot niya mahina pero totoo. "Tinitignan ko siya dahil hindi ko pa rin alam kung paano ko siya sinaktan nang ganun kalalim."

At doon nagpalit ang tono niya—hindi galit, kundi klaro, at diretso.

"Then do her a favor," sabi niya. "Huwag mo na siyang guluhin ngayon hindi niya kailangan marinig 'yong mga sorry na hindi na niya hiningi...Iniingatan niya 'yong peace na meron siya."

Nagtagal ang mata ni Yazzi sa kanya parang sinusukat kung may intensyon siya kay Alexie. May pagdududa sa mata nito at may halong selos sa kanya...may curiosity.

"Bakit ka concerned?" tanong ni Yazzi mababa ang tono sa kanya.

Emman didn't flinch.

"Because she deserves it."

Walang kaya.

Walang branding.

Simpleng katotohanan lang.

Natawa si Yazzi hindi mockery kundi pagod. "Kilala mo ba talaga siya? Kakatrabaho n'yo lang—"

"Kahit hindi ko siya kilala noon, nakita ko siya ngayon and minsan, sapat na 'yon para protektahan ang tao." putol niya kaagad kay Yazzi.

"Wala akong balak sumingit sa buhay n'yo," dagdag niya. "Pero kung may hindi kayo nalinawan sa past n'yo, ayusin mo sa tahimik hindi sa restaurant at hindi sa harap ng ibang tao...Hindi sa gabi na pagod siya."

Nag-tagal ang katahimikan nilang dalawa.

Hanggang bumaba ang balikat ni Yazzi parang napagod bigla.

"Okay," bulong niya. "Hindi ko siya guguluhin."

"Good," sagot niya.

Pero bago man siya tuluyang maglakad palayo kay Yazzi nagsalita ulit siya.

"Isa pang tanong, Ikaw ba? Guguluhin mo yung peace niya?" sabi nito sa kanya huminto siya at hindi siya  lumingon agad.

Pagharap niya sa kanya naka-steady ang mata niya walang pag-iwas kay Yazzi bago siya magsalita.

"No," sagot niya. "Hindi ko guguluhin."

Bahagyang huminga siya. "Aalugin—maybe."

Tapos umalis na siya ng walang lingon.

Iniwan si Yazzi sa ilalim ng poste kasama ang tanong na matagal na niyang iniiwasan.

Nakatingin lang siya sa kanya naalala niya si Yazzi masakit na malaman may iba nang minamahal ang mahal natin naranasan niya ito sa mga dating naka-relasyon niya.

Mas masakit ang magmahal ka para sa pera at sa sabay-sabay na nakikipag-relasyon.

"Okay ka ba?" tanong nito sa kanya habang pinaparada ang sasakyan sa harap ng building.

"Oo, okay na ako salamat." kaagad niyang sagot sa kanya habang tinatanggal niya ang seatbelt sa katawan niya.

"Walang anuman." sagot niya mabilisan hinalikan niya ito sa pisngi.

"Oh! Ingat ka!" gulat niyang sabi saka lumabas na siya ng kotse niya.

"Salamat!" sabi niya at umalis kaagad siya nang makalabas siya sa kotse nito.

Hindi makakatulog si Emman sa bahay sigurado na makita niya ang nangyari sa kanya kanina sa restaurant.

'Wag mo na siya isipin, Emman pinilig na lang niya ang ulo pagkatapos.

Bumangon siya sa kama dahil hindi naman siya makatulog ng maayos.

"Anong gayuma ang ginawa mo sa akin, Alexie!" bulalas niya.

Hindi naman siya ganito sa mga exes niya kapag na-fall out waley na at kailangan nang mag-move on.

Tinawagan naman niya ang mga kaibigan nang matapos ang taping niya magpunta siya sa bar.

Nang makapasok siya sa condo niya napa-hawak naman siya sa pisngi niya kung saan siya hinalikan ni Emman. Tinampal naman niya kaagad ang pisngi niya at napa-aray na lang siya sa ginawa niya hinagis naman niya sa sofa ang dala niya at tinawagan ang personal assistant na dalhin sa condo niya ang mga naiwan niyang gamit sa hamman network.

Nang makarating sa condo ang gamit niya kinausap naman siya ng personal assistant niya.

"May next schedule ka pa pinapasabi ng manager mo," sabi naman ng personal assistant niya sa kanya at napatingin pa siya.

Nag-aayos naman siya ng mga gamit niya na nakakalat sa iba't-ibang parte ng condo niya.

"Importante ba?" tanong naman niya.

"Parang, Alexie." sabi ng personal assistant niya.

Bumuntong-hininga na lang siya at tumalikod na siya para tawagan ang manager niya. Makalipas ng ilang oras pumayag ang manager niya na hindi siya umalis ng sabihin niya ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Yazzi.

Tinawagan niya ang kaibigan habang napapahangin siya veranda ng condo ko.

Sazzy: Bakit?

Alexie: Nakipagkita pa rin siya sa akin.

Sazzy: Si Yazzi ba?

Alexie: Oo, gusto niyang makipagbalikan sa akin.

Sazzy: Ayaw mo na makipag-balikan dahil nasaktan ka na.

Alexie: Oo.

Sazzy: Pero, bakit masaya ka?

Alexie: Hindi sinasadyang magkita kami ni Emman sa restaurant.

Sazzy: Oh!

Alexie: Oo, hinatid pa nga niya ako.

Sazzy: Talaga? Kahit paano hindi man maganda ang tagpo nyong dalawa napansin ka niya.

Alexie: Oo.

Sazzy: Gusto mo ba na magbago siya?

Alexie: Sana, nanghihinayang ako dahil may itsura siya.

Sazzy: Pero, imposible tama ba ako?

Alexie: Oo.

Sazzy: Pustahan tayo?

Alexie: Hmmm... pag-iisapan ko.

Sazzy: Pero–

Alexie: May tao akong naiisip na pwedeng gamitin para makita na magseselos si Emman.

Sazzy: Sino ba? Kilala ko?

Alexie: 'Yong nasa isip mo? Hindi ko lang sigurado.

Sazzy: Sa susunod kapag nakapagdesisyon ka na.

Alexie: Sasabihin ko sa'yo kung sino siya.

Sazzy: Sige.

Alexie: Salamat.

Sazzy: Wala 'yon.

Habang papasok siya sa dressing room nakita niya na nauunang maglakad siya nasalubong nya si Alenah. Nagbagal lang siya sa paglalakad para marinig niya ang pinag-uusapan nila.

"Why are you in a hurry?" tanong niya nang sumabay siya sa paglalakad ni Alenah.

"Oh! Ikaw pala pinatatawag tayo ni direk ngayon." sagot ni Alenah at tumingin pa siya kay Emman.

"Halika mukhang importante nga," sagot nito at hinawakan niya ang kamay ng kaibigan niya.

"Oo nga eh!" sabi ni Alenah sa kanya.

Ano kaya 'yon?

Nakasunod lang ako sa kanila nang makarating na silang dalawa sa isang silid ng opisina tinitignan kung naroroon na ang lahat ng kasamahan.

"Ang tagal nyo ah!" sabi ni Drei sa dalawang kaibigan niya.

"Na-traffic eh! Ano ba 'yon?" tanong niya at napatingin siya sa kanilang director.

"May bago tayong kasama sa tanghalian!" sagot ng director sa amin.

"Sino naman po?" tanong ng mga host at napatingin sa director.

"Si Alexie Padilla," sagot ng director nakasilip lang siya sa labas dahil hindi pa siya tinatawag.

"Totoo, direk masaya 'yon," sagot ni Eds sa director.

"Tama!" sigaw ng mga host maliban sa kanya na tahimik sa tabi ng kaibigan niya.

"Magiging regular na siya?" sabat ni Alenah sa director.

"Oo, regular host na rin siya sa show." sagot ng director nagulat siya sa narinig mula sa director.

"Hay! Ano kaya ang gagawin ko? Nalilito pa ako." nasabi niya sa sarili habang naglalakad siya papunta sa sarili niyang dressing room.

Nang papunta na siya sa dressing room ng mga babae. Tinawag na siya ng assistant director na nasalubong niya.

"Alexie, pumunta ka sa office ni direk." bungad ng assistant director sa kanya.

"Bakit?" natanong na lang niya nang tumingin sa kanya kunwari siyang walang alam.

Nagkibit-balikat ang assistant director sa kanya napatango na lang ako sa kanya.

Naglakad siya papunta sa office ng director nang mabuksan niya ang pintuan nabungaran niya ang mga kasamahan na nakangiti sa kanya.

"Pinapatawag nyo raw ako, direk?" bungad niya nang mapatingin sa director.

"Oo, Alexie maupo ka." sabi ng director sa kanya.

Umupo naman siya sa bakanteng pwesto sa tabi ni Eds.

"Alexie, may magandang balita ako para sa'yo." nakangiting banggit ng director sa kanya.

"Ano 'yon, direk?" pagtatanong niya napatingin naman siya sa director nag-kunwari hindi pa niya alam.

"Regular host ka na bukas!" sagot ng director sa kanya.

"Talaga po?" sagot niya sa kanya.

"Yes." sabi ng director sa kanya.

"Masaya po ako na natatakot akong hindi nila ako magustuhan." amin niya na kaagad sa kanila lahat.

"Nandito lang kami para alalayan ka." sagot ng director sa kanya.

Gusto niya tumalon sa harap nila dahil sobra siyang masaya pero nahihiya siya ngumiti na lang siya sa kanilang lahat.

"Oo nga!" sabat ni Xhey.

"Okay lang, Alexie nagsisimula ka pa lang ulit eh..." sagot ni Alenah sa kanya nang tignan siya.

"Thanks, guys!" sabi ko niya sa kanilang lahat.

"Welcome!" sabi nilang lahat sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Not Ordinary Love   Third person POV

    Pinapanood nina Emman at Alexie ang kanilang pamilya na naiwan sa lupa. Kasama nila ang kanilang mga kaibigan na malapit din sa kanilang buhay."Ashley!" ngiting sambit ni Jinchi at yumakap ito sa kanya kasing-tangkad niya ang dating baby ng lahat."Namiss ko kayo," sambit ng pamangkin ni Jinchi sa kanya."Kayo din naman, Ash miss ko din kayo nahirapan ka ba sa pag-aaral?" tanong ni Jinchi sa pamangkin niya nang balingan niya ng tingin."Medyo, 'ta pero keri naman." wika ng pamangkin ni Jinchi sa kanya.Tumulong siya sa pagliligpit ng mga pagkain tumulong din ang pamangkin niya sa kanyang tita ninang."Tita, I want to be like you as gangster." bulong ng ni Jinchi sa kanya at napabaling ang tingin niya sa kanya."Kaya mo ba?" tanong ni Jinchi sa pamangkin niya."Mana-mana ba talaga 'yan pwede naman siya mag-showbiz," bulalas ni Emman sa mga kasama niya."Parang hindi niya hilig ang pumasok sa showbiz," sabat naman ni Alexie sa asawa niya."Hindi ba mahilig ang apo natin sa singing?" tan

  • Not Ordinary Love   Alexie POV

    "Busy sila sa utos ng mga anghel sa kanila kaya hindi natin sila nakikita at umakyat na sila dun nauna pa sa atin tinanong ko nga kay Alenah kung ano ang itsura dun walang sinabi sikretong malupit daw." pahayag ko sa asawa ko nang maalala ang dalawang kaibigan na pumunta sa dapat puntahan."Excited ka na bang pumunta dun?" tanong naman ng asawa ko sa akin nabaling naman ang tingin ko sa kanya.Umiling kaagad ako pero tumango natawa na lang siya sa reaksyon ko hindi pa naiisip 'yon. Hindi ko maiisip na mangyayari ito sa buhay ko na sobrang ganda.Si Papa pumunta sa Canada para kalimutan ang ginawang pag-tataksil ni Mama naiwan ako sa panganga-alaga dahil menor de edad pa ako nung panahon na 'yon.Masaya na ako kung ano ang meron ako pagkatapos namin ikasal ng asawa ko masaya ang pamilya ko nang magkaroon ako ng sariling pamilya. Masaya na ako na kasama ko ang mag-ama ko kahit may kulang pa rin darating ang panahon na makakasama namin si Axelle."Malapit na, king...malapit na tayong dal

  • Not Ordinary Love   Elle and Louie POV (1)

    Namatay ako nang dahil sa sakit kong leukemia akala namin ng magulang ko pagkatapos ako operahan noong bata pa ako hindi na babalik ang sakit ko.Sinundo nila ako nung nakarating ako sa langit. Nagulat pa ako na magkasama ang magulang ko at ang dalawang biyenan ko."Mommy!! Daddy!!" tawag ko na lang sa magulang ko nang makita ko sila.Niyakap ko kaagad ang magulang ko nang makita ko sila."Okay ka lang?" pagtatanong ni mommy sa akin na kaagad kong tinanguan umiyak ako nang umiyak bago ako lumayo ng bahagya."Magkakasama na tayo." bungad ni daddy sa akin napalingon ako at tumango na lang.Lumapit din ako sa dalawang biyenan ko na kasama ng magulang ko yumakap na lang ako sa kanila."Iniwan mo man sila sa lupa mauunawaan nila 'yon, anak pwede mo naman sila dalawin," sagot ni Mama sa akin nang lumayo ako tumitig ako kay Papa na ngumiti lang sa akin.Sinama nila ako sa bagong mundo kung saan kasama ko ang pamilya ko nakita ko rin ang bosses namin sa pinag-trabahuan as celebrity. Brother i

  • Not Ordinary Love   Alexie POV

    Nakatingin lang ako sa asawa ko habang nakatanaw sa ibaba nabaling naman ang tingin ko sa taong umakbay sa akin."Balae, ang lalim yata ng iniisiip ng asawa mo," sabi ni Jia sa tabi ko nakatingin din pala siya sa asawa ko."Ganyan lang talaga siya sa tuwing may gumugulo sa isip niya gusto niyang mapag-isa." sabi ko na lang sa kaibigan ko humalukipkip na lang ako ng kamay ko."Pwede ko ba malaman ang kinamatay ni Emman noong buhay pa siya? Tinanong kita nang malaman namin na dinala nyo bigla sa hospital si Emman hindi mo ako sinagot nung araw na namatay siya pagkadala nyo sa kanya sa hospital." bulalas naman ni Jia sa akin bumuntong-hininga na lang ako hindi namin pinagkalat na may matinding karamdaman ang asawa ko.Ayaw niyang kaawaan siya ng mga nakakakilala sa kanya nung panahon na 'yon dumagdag sa kanya ang stress nang malaman niyang may sakit siya noon. "Prostate cancer ang kinamatay niya noong panahon na 'yon kaya pumayat siya at tuluyan na kaming lumayo sa limelight ng showbiz.

  • Not Ordinary Love   Emman POV (2)

    "Salamat, princess at binigyan mo ng kulay ang mundo ko." sabi ko na lang sa asawa ko at bumitaw sa akin ang anak namin.Iniwan na kami nang anak namin umalis na rin ang mga kasama namin. May umakbay sa aming balikat dahilan para mabaling ang tingin namin.Nagulat ako nang makita ko ang kaibigan namin kahit parehas nasa langit na kami hindi naman nagkikita."Drei!" tawag ko na lang sa kaibigan ko na naunang umakyat sa amin dito."Kamusta?" tanong nito sa akin kasama niya ang kasama at kausap naman ng asawa ko."Mabuti na kami, kayo?" pagtatanong ko lang sa kaibigan ko umalis na kaming dalawa sa kinatatayuan namin."Masaya na malungkot, brad awa ang nararamdaman namin para sa bunso ko nagtanim siya ng galit pagkatapos namin namatay." sagot ng kaibigan ko hindi naman ako nakasagot."Gabayan mo na lang siya mag-matured pa siya may taong sasamahan siya alam mo 'yan," bulalas ko sa kaibigan ko mabait na bata ang bunso niya kahit matigas ang ulo habang lumalaki."Gagabayan talaga namin." sag

  • Not Ordinary Love   Emman POV (1)

    Parang kailan lang noon bakla pa ako-bakla pa rin ako pero pamilyado na. Masaya ako na nakikitang masaya na ang mga anak ko sa piling ng lalaking mahal nila. Kasama ko na ngayon ang asawa ko naiwan ang mga anak namin sa lupa kasama ng kanilang pamilya.Naabutan ko pa ang dalawang unang apo ko sa dalawang anak kong babae kahit matanda na ako nun at retired na sa showbiz naalala ko ang lahat bago ako namin malaman ng asawa ko ang sakit ko.Nauna akong nawala sa piling ng mag-iina ko nung nagkasakit ako sa prostate cancer akala ko nga noong unang nalaman ko 'yon ang nasa isip ko HIV dahil sa nakaraan ko pati ang asawa ko nagpa-check up sa doctor. Nung nalaman ko 'yon mula sa doctor napatingin kaagad ako sa asawa ko."Ayokong makita mong malulungkot ako, king umiyak man ako sa harap mo wala naman magagawa dahil nasa katawan mo ang sakit." sabi na lang ng asawa ko hinawakan niya ang kamay ko at bumuntong-hininga na lang ako nalaman namin na stage 3 na ang cancer na kumalat sa katawan ko."D

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status