Mag-log inSaka lang huminto si Maddison sa kanyang paglalakad. Nilingon niya si Barbara“Pinakain ko si Dudu ng lugaw na niluto ni Mama.”Nanlaki bigla ang mga mata ni Barbara na para bang nakagawa si Maddison ng mabigat na kasalanan.“Paano mo nagawang pakainin ang apo ko ng niluto ng babaeng iyon?!”Nagkibit-balikat si Maddison. “Mahilig si Mason sa lugaw ni Mama.”Gusto sanang saktan ni Barbara si Maddison pero hindi siya makalapit sa bata dahil hinaharangan siya ng mga bodyguard ni Kyle.Sa halip, sinigawan niya ang mga bodyguard. “Bakit ninyo ako hinaharangan?! Dahil bodyguard kayo ni Elcid? Dapat nga ay tulungan ninyo akong dalhin sa akin ang walang utang na loob na batang iyan!”Sumagot ang isa sa mga bodyguard. “Sumusunod lamang kami sa utos ni Sir Kyle. Mrs. Go, pakibantayan ang inyong pananalita.”Nagngitngit si Barbara at wala siyang nagawa kundi panoorin si Maddison at Kyle na pumasok sa elevator. Agad bumalik ang matanda sa ward, binuhat si Mason, at iniharap siya nang nakadapa.“B
Umiling si Maddison.“Palihim kong inilagay sa thermos ang lugaw, hindi alam ni Mama.”Lumabas ang bahagyang pagkadismaya sa mga mata ni Mason. Kumuha naman si Maddison ng tissue at pinunasan ang bibig ni Mason.“Mason, kailangan mong kumain nang maayos at gumaling. Hindi kita madalas mabibisita, pero kailangan mong gumaling agad.”Ang ugnayan ng mga bata ay ganoon kasimple. Kahit pa mag-away at magsabi ng “ayaw na kita,” maaari pa rin silang magkasundo basta’t may isa na handang mag-abot ng kamay.“Uh,” sabad ni Kyle, sabay abot ng notebook kay Mason.Nangunot ang noo ni Mason sa pagtataka kaya ipinaliwanag ni Maddison ang gustong iparating ni Kyle.“Iyan ang mga notes na inihanda ni Kyle para sa iyong private lessons. Maaari mong basahin habang nagpapagaling ka. Sabi ni Kyle, masyadong madali para sa kanya ang private lessons mo. Pero dahil kailangan mo ang mga notes na ito, pinilit pa rin niyang gawin para sa iyo.”Ipinakita ni Kyle kay Mason ang makapal na sulat sa notebook.Mulin
Nung gabing iyon, mahimbing at malalim ang tulog ni Raven. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagmasahe ni Rainier sa kanyang mga kamay upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo at mawala ang pasa, o dahil sa naging unang hakbang niya para makapaghiganti kay Caleb, na nagbigay sa kanya ng lubos na ginhawa.Pagmulat ng kanyang mga mata, umaga na.Pagbangon, agad niyang naisip si Caleb sa katapat na apartment.Ang dating marangyang CEO, na palaging nagmamalaki. Kailangang 42.3-degree ang tubig sa kanyang paliligo—kapag lumihis ng 0.2 degrees, agad siyang nakasimangot.Isang beses lang niya isinusuot ang kanyang mga damit; kung may gusot ang kanyang suit jacket, agad siyang humihingi ng bago.Ayaw niyang makakita ng pagkaing masyadong masarsa, nagiging parang lugaw daw.Ang kanyang mga kumot at kobre kama ay pinapalitan kada dalawang araw, at bawat set ay kailangang magkakulay.Ngayon, ang mapili at maselan na lalaking ito ay nakakulong sa kanyang silid, walang tubig at walang banyo. Kinailan
Nang nakalabas na sa apartment na inupahan ni Caleb, tamang-tama na dumating si Eris.“Okay ka lang ba, girlfriend?” tanong niya kay Raven at saka mabilis na niyakap ito. “Eris, remind lang kita na palabas lang ang relasyon natin,” sabi ni Raven habang naiipit sa mahigpit na yakap ng lalaki. Nagkatinginan naman sila Rainier at Elcid. Iisa ang nasa isip nila sa mga sandaling iyon. Iniisip nila kung isama kaya nilang ikulong si Eris kay Caleb?Humiwalay naman si Eris mula sa pagkakayakap kay Raven. “Sorry na, boyfriend o hindi, natural na mag-alala ako sa ‘yo. Ramdam mo naman siguro na gusto kita. Actually, matagal na.” Naumid ang dila ni Raven, pero nilabanan niyang kiligin sa sinabi ng lalaki. Sa halip, may dinukot siya sa kanyang bulsa at saka inabot ang isang lumang cellphone kay Rainier. Nahulog iyon mula sa bulsa ni Caleb at tumama sa sahig nang hindi namamalayan ng lalaki.“Ito ang cellphone ni Ingrid. Bago mamatay si Coleen, nag-iwan siya ng voice message para kay Ingrid na
“Isinusumpa ko ang aking buhay na mamahalin ko siya, poprotektahan siya mula sa unos at ulan, at hinding-hindi ko siya iiwan. Iyan ang sinabi mo sa akin noon!” sabi ni Rainier. “Kung sisirain ko ang sumpa, nawa’y mamuhay ako nang walang asawa o anak, lubos na nag-iisa, at habambuhay na mamatay sa kapahamakan. Iyan iyon, hindi ba?”Ngunit ang sumpa ni Caleb ay mas marupok pa kaysa papel.Mula nang ikasal si Raven, sinadya ni Rainier na bawasan ang pakikipag-ugnayan sa kanya. Kahit kapag pumupunta siya sa kabisera, hindi niya ito kinikita. Gusto niyang ilibing sa dilim ang nakaraan ni Raven upang hindi na malaman ng mundo.Hanggang sa makipaghiwalay si Raven kay Caleb, dala lamang si Maddison. Saka niya napagtanto na hindi naging ganap na masaya ang kasal nito.Samanatala, iginalaw-galaw ni Raven ang kanyang mga kamay habang pinagmamasdan si Rainier na muling sumuntok kay Caleb.Sumirit ang dugo mula sa bibig ni Caleb. Pero hindi na iyon pinansin ni Raven. Sa halip, binalingan niya si E
“Pinilit ako ng ama-amahan mo na pakasalan ka. At pinilit din ako ng aking tiyuhin! Kung hindi natin kayang ayusin ito, maghiwalay na lang tayo, pero hinding-hindi ko ibibigay sa iyo ang bata!”Naniniwala si Caleb na hindi kailanman hihiwalay si Raven. Ang kanyang karanasan sa pagkabata ang dahilan kung bakit hindi niya kayang iwan ang anak na sariling dugo at laman.“Pinalaya ko si Ingrid.”Nang sabihin iyon ni Caleb, nakita niyang biglang dumilim ang mukha ni Raven.“Hindi mo ba siya pananagutin?” tanong ni Raven habang magkasalubong ang mga kilay.“Pinakialaman niya ang mga helmet ng mga racers, babayaran ko sila. Inutusan niyang pakialaman si Corona. Kung gusto mong panagutin siya, ako ang mananagot! Nag-over speeding siya, nasuspinde ang lisensya. Iyon ang parusang ibinigay ng traffic police sa kanya. Kung tungkol naman sa pinsala ni Mason, iyon ay aral para sa kaY Mason. Naniniwala ako na hindi na muling gagawa ng mapanganib na bagay si Mason.”Matiim na nakatingin si Raven kay







