共有

186 - KIDNAPPED

作者: Cristine Jade
last update 最終更新日: 2025-12-23 12:33:42

“Ano’ng kinalaman ng Santana Tech sa iyo?” tanong ni Raven.

Nanikip ang lalamunan ni Edward; halatang kinakabahan.

“Ano kasi… umaasa ang Micron Technology na ikaw ang magpapadali sa kanilang pagbili ng Santana Technology. Ayaw mo bang sumali sa Micron Technology at maging senior executive sa isang multinational corporation?”

Ngumiti si Raven. “Sa negosyo, ang pinakamataas na bidder ang nananalo. Dahil may dalawa pang kumpanyang interesado sa Santana Tech, kung talagang gusto ng Micron ang Santana, kailangan nilang mag-alok ng presyong makakasiya sa Santana Tech.”

Nagngitngit si Edward. “Hindi patas iyan!”

Kumurap-kurap si Raven; wala siyang makeup, at ang kanyang ekspresyon ay walang emosyon, inosente.

“Sa totoo lang, kakakilala ko lang kay Annabel Zamora, presidente ng The A Group. Interesado rin siyang bilhin ang Santana,” nakangiting sabi ni Raven.

“P-Pati ang The A Group…”

“Kung pipiliin ko ang pinakamababang bidder, ang Micron Technology, para ko ng inaway ang tatlong domestic gi
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Not Your Wife Anymore   187 - PAHALAGAHAN MO SIYA

    Nang magkamalay si Raven, nakaramdam siya ng lamig. Bahagyang nanginig ang kanyang katawan. Pagmulat ng mga mata, nasa isang hindi pamilyar na lugar siya.Mapuputing dingding, mahina ang ilaw. Nakaupo si Caleb sa isang upuan, isang metro ang layo sa kanya.Nakayuko ang lalaki, nakapatong ang mga siko sa kanyang hita, magkahugpong ang mga daliri, tila malalim ang iniisip.Kumilos si Raven, kaya nagkaroon ng ingay sa kinahihigaan niya. Saka lang niya napansin na nakatali siya ng kadena. Nang narinig ni Caleb ang ingay, nag-angat ito ng ulo. Nakaluhod si Raven habang nakatali ang kanyang mga kamay. Tinitigan niya ang lalaki sa harap niya, kinakabahang sinulyapan niya ang tali sa kanyang mga kamay. Ayaw niya ng nakatali, at ang kalabog ng bakal ay lalong nagpawala ng kulay sa kanyang mukha.Noon pa man, ikinakadena na siya ng kanyang unang umampon na mga magulang mula nang matuto siyang gumapang sa takot na siya ay tumakas.Matapos siyang iligtas ni Oscar, matagal bago niya naputol ang t

  • Not Your Wife Anymore   186 - KIDNAPPED

    “Ano’ng kinalaman ng Santana Tech sa iyo?” tanong ni Raven.Nanikip ang lalamunan ni Edward; halatang kinakabahan.“Ano kasi… umaasa ang Micron Technology na ikaw ang magpapadali sa kanilang pagbili ng Santana Technology. Ayaw mo bang sumali sa Micron Technology at maging senior executive sa isang multinational corporation?”Ngumiti si Raven. “Sa negosyo, ang pinakamataas na bidder ang nananalo. Dahil may dalawa pang kumpanyang interesado sa Santana Tech, kung talagang gusto ng Micron ang Santana, kailangan nilang mag-alok ng presyong makakasiya sa Santana Tech.”Nagngitngit si Edward. “Hindi patas iyan!”Kumurap-kurap si Raven; wala siyang makeup, at ang kanyang ekspresyon ay walang emosyon, inosente.“Sa totoo lang, kakakilala ko lang kay Annabel Zamora, presidente ng The A Group. Interesado rin siyang bilhin ang Santana,” nakangiting sabi ni Raven.“P-Pati ang The A Group…”“Kung pipiliin ko ang pinakamababang bidder, ang Micron Technology, para ko ng inaway ang tatlong domestic gi

  • Not Your Wife Anymore    185 - ANO'NG NANGYAYARI?

    Tinanggap naman ni Raven ang inumin, bago sumagot kay Annabel.“Darating ba ang araw na ipapadala mo rin ako sa impiyerno, Ms. Annabel?”Nakangiting itinaas ni Annabel ang baso sa ere.“Raven, hanggang nakikipagtulungan ka sa akin at pareho tayong may benepisyo, hindi ka magiging kaaway ko.”Pro-aktibong nakipag-toast si Raven kay Annabel. “Masaya akong makatrabaho ka.”Pagkatapos ay ibinaba ni Raven ang baso sa kanyang labi at saka tumikim ng alak mula roon. Pasimple niyang minasdan si Annabel na kasalukuyan ding umiinom mula sa baso niya. Si Annabel ay kaakit-akit ngunit mapanganib na babae. Pero kailangang maglakas-loob si Raven na makipagtulungan dito dahil may lihim siyang plano.Hinagod ng tingin ni Annabel ang mukha ni Raven. “Raven, malaki ang inaasahan ko sa iyo. Sa loob ng ilang araw, ipakikilala kita sa ilang malalaking personalidad.”“Salamat sa iyong konsiderasyon, Ms. Annabel.”Itinaas ni Raven ang kanyang baso at muling nakipagg-toast kay Annabel.Ang hindi alam ni Rav

  • Not Your Wife Anymore   184 - CHEERS?

    Agad na kumislap ang mga mata ng babae, at agad na nabuo ang isang plano sa kanyang isipan. Agad niyang hinawakan ang baba ni Xia / Raven, at pilit na pinaharap ang mukha niya kay Oscar.“Sulit na sulit ka sa batang ito. Tingnan mo kung gaano siya kaganda. Mas magiging maganda pa siya sa paglaki niya.”“Sa isang katulad mo, pilay na at nangongolekta lang ng basura, mahihirapan ang anak mong lalaki na makahanap ng asawa! Bilhin mo na lang siya at gawing batang asawa ng anak mo! Twenty-five thousand!”Natigilan at nalungkot si Oscar. Wala siyang ganoong pera at wala rim siyang ipon. Tiningnan niya si Raven na napipilitan lang.Nang nahalata ng babae na wala siyang pera para bilhin si Raven, nagsimula siyang murahin ni Oscar at pinaalis silang dalawa ni Rainier.Lulugo-lugong inakay ni Oscar si Rainier palayo.Nanatili pa si Raven sa pamilyang iyon ng tatlong buwan pa. Isang araw, may dumating na pulis sa bahay nila. Hindi alam ni Raven kung bakit, pero mayamaya lang ay umalis din ang mg

  • Not Your Wife Anymore   183 - MALAS

    Tumigas ang mukha ni Raven sa narinig. “At bakit ako makikipag-tulungan sa iyo?”Ngumiti si Annabel. “Matutulungan kitang pabagsakin ang Santana Technology.”Matiim na tinitigan ni Raven ang babae, pero parang hindi naapektuhan si Annabel.“Alam ko ang sikreto mo. Galit ka sa mga magulang mo.”Bahagyang natigilan si Raven sa sinabi ni Annabel. Sinamantala naman iyon ni Annabel.“Ang pagkakapalit mo sa kapanganakan ay hindi aksidente. Gusto ni Ana ng isang anak na lalaki para maipagpatuloy ang lahi ng pamilya Santana. Idagdag pa na kung lalaki ang magiging anak nila ni Noel, umaasa siyang matatanggap na siya ng pamilya ni Noel. Iyon nga lang… babae ang naging anak niya. Alam mo kung ano ang ginawa niya? Bumili siya ng isang sanggol na lalaki at ibinigay ka bilang kapalit.”Pinigilan ni Raven na mapasinghap sa istoryang narinig niya. “Tapos nakaranas ka ng di-makataong pagtrato mula sa unang umampon sa ‘yo.”Nagulo ang isipan ni Raven. Bigla, parang may mga magugulong mga larawan na n

  • Not Your Wife Anymore   182 - PAGTAKAS

    Kinaumagahan, nakaupo si Caleb sa sofa, mabigat ang ekspresyon.Tumayo siya upang maghugas. Paglabas niya mula sa banyo, matagal nang tumutunog ang kanyang telepono.Sinagot iyon ni Caleb, at narinig ang histerikal na tinig ng kanyang Mama.[“Caleb, may masamang nangyari! Tumakas na naman si Mason mula sa ospital!! Diyos ko! Ano’ng gagawin natin!”]Alam ni Caleb na naguguluhan lang ang kanyang ina, pero nakaka-irita ang ingay nito. Agad siyang nag-isip kung saan maaaring nagpunta ang anak.“Ako na mismo ang pupunta sa apartment ni Raven.”Kagabi pa nag-iingay si Mason tungkol sa lugaw na luto ni Raven; kaya sigurado si Caleb na doon pumunta si Mason.Nang narinig ni Barbara ang pangalan ni Raven, muli itong sumigaw.[“Ibig mong sabihin, pumunta na naman si Mason sa babaeng iyon? Binigyan ba siya ng love potion ng babaeng iyon?!”]Bago pa matapos ang ina sa sinasabi nito, ibinaba ni Caleb ang telepono.SA sandaling iyon, sumilip na ang araw. Nagtago si Mason sa gilid ng kalsada, sa ber

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status