Share

169 - PANATA

Author: Cristine Jade
last update Last Updated: 2025-12-12 12:23:24

Magkasamang nakaupo sa kotse sina Raven at Eris.

“Gising na si Mason, alam mo na ba?”

Marahang tumango si Raven. “Oo, nag-message sa akin si Sean nung nagising siya.”

Mula nung naaksidente si Mason, hindi na dinala ni Raven si Maddison sa ospital. Sa tuwing dadalhin niya kasi si Maddison sa ospital, ipinapaharang sila ni Barbara at hindi pinapapasok.

Nalaman din niyang naalisan na ng ilang mga honorary positions sa mga charitable organizations ang matandang ginang, at ngayon ay tila gusto na siya nitong balatan ng buhay.

Kung ipipilit niyang pumunta sa ospital, magsisimula lamang ang matanda ng mura at sumpa, na makakaapekto sa paggaling ni Mason.

“Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko,” pahayag ni Raven habang nakatingin sa malayo.

NGAYONG araw, muling tinanggihan ng San Clemente Church ang ibang mananampalataya dahil sa pagdating ng pamilya Go. Eksklusibo muna sa mag-lola ang buong simbahan.

Nakaluhod si Barbara, nakadikit ang mga palad at pabulong na nagdarasal. Si Mason naman ay naka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Evelyn Roque
thank you po sa update
goodnovel comment avatar
rowena Pajalla
more update ......
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Bwsit n Barbara kc to n rain wash kc nia ung bata
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Not Your Wife Anymore   171 - ANG RECORDING

    Isang nakaposas na Ingrid ang humarap kay Caleb.Napansin ni Ingrid ang perpektong pagkaka-plantsa ng kwelyo ng polo ng lalaki, at ang madilim na patterned tie ay akmang-akma sa kanyang custom-made suit.Nakaharap si Caleb kay Ingrid. Malamig ang tingin nito at walang emosyon ang mukha.“Gising na si Mason,” mayamaya ay sabi ni Caleb.Naglaan ng malaking halaga ang pamilya Go para sa buhay ni Mason sa pagkakataong ito.Nakipagsanib ang Go Prime Holdings at ang First Hospital upang bumuo ng expert team overnight para gamutin ang kondisyon ni Mason, at nag-imbita pa ng mga nangungunang international surgeon.Matapos magkamalay si Mason, agad na nagsimula ang rehabilitation team upang tulungan siyang makabalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.Nang narinig ang balitang ito, desperadong gustong lumapit ni Ingrid kay Caleb. Pero nakakahiya ang itsura niya. Mukha siyang gusgusin at walang ayos.“Gising na si Mason, ibig bang sabihin hindi na ako makukulong? Caleb, kailan mo

  • Not Your Wife Anymore   170 - GIRLFRIEND

    Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang huminto sa harap ng gusali ng Santana Technology ang isang magara at custom-made na sasakyan.Bumukas ang pinto, at unang lumabas ang mahahaba at makikinis na mga binti. Ang makintab na leather shoes na may tatlong pulgada ang heels ay dahan-dahang tumama sa marmol na sahig.Lumabas din si Eris mula sa kotse, nakasuot siya ng dark gray na terno na perpektong-perpekto ang sukat sa kanyang matipunong pangangatawan. Paglingon niya, iniabot ni Raven ang kanyang kamay.“Girlfriend, let’s go?”Ngumiti si Raven, tapos ay magkasabay silang pumasok sa gusali kasama ang pinuno ng acquisition project ng Lurara Corporation, pati na rin ang mga tauhan nito mula sa auditing at finance.Dumiretso si Raven at Eris sa elevator. Dalawang beses na siyang nakapunta sa kumpanya nila kaya pamilyar na siya sa layout nito.“Hoy!”Nagmamadaling lumapit sa kanila ang receptionist. Hirap na hirap ito sa paglakad nang mabilis dahil sa suot nitong high heels.“Bakit ka pumipind

  • Not Your Wife Anymore    169 - PANATA

    Magkasamang nakaupo sa kotse sina Raven at Eris. “Gising na si Mason, alam mo na ba?”Marahang tumango si Raven. “Oo, nag-message sa akin si Sean nung nagising siya.”Mula nung naaksidente si Mason, hindi na dinala ni Raven si Maddison sa ospital. Sa tuwing dadalhin niya kasi si Maddison sa ospital, ipinapaharang sila ni Barbara at hindi pinapapasok.Nalaman din niyang naalisan na ng ilang mga honorary positions sa mga charitable organizations ang matandang ginang, at ngayon ay tila gusto na siya nitong balatan ng buhay.Kung ipipilit niyang pumunta sa ospital, magsisimula lamang ang matanda ng mura at sumpa, na makakaapekto sa paggaling ni Mason.“Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko,” pahayag ni Raven habang nakatingin sa malayo.NGAYONG araw, muling tinanggihan ng San Clemente Church ang ibang mananampalataya dahil sa pagdating ng pamilya Go. Eksklusibo muna sa mag-lola ang buong simbahan.Nakaluhod si Barbara, nakadikit ang mga palad at pabulong na nagdarasal. Si Mason naman ay naka

  • Not Your Wife Anymore   168 - IKAW SI RAVEN SANTANA

    Matapos niyang paalisin si Raven at Maddison, naupo si Barbara sa pasilyo ng ospital, habang nagbibigay ng utos sa kanyang assistant.“Maghanap ka ng ilang media outlet at ipasulat na ang batang master ng pamilya Go ay nasa intensive care unit, at si Raven bilang ina, ay wala sa tabi niya. Alam niyang paulit-ulit na isinasakay ng kapatid niya ang kanyang anak sa motorsiklo, ngunit hindi niya ito pinigilan, at ngayon pati ako, ang lola ni Mason, ay pinupuna pa niya!”Nakayuko ang assistant, maingat na itinatala sa kanyang telepono ang mga utos ng matandang ginang. Nang bigla niyang nakita ang isang news article na ipinadala ng isang kakilala.Dala ng kuryosidad, binuksan niya ang artikulo. Pero pagbukas niya, para bang biglang gumuho ang langit!Isang media account ang naglabas ng video online kung saan dinadala ng pulis si Caleb.Nanginginig ang mga daliri ng assistant habang nag-click siya sa trending topics list, at natuklasan niyang ang kumpanya ng mga Go ay nasa gitna ng unos sa k

  • Not Your Wife Anymore   167 - ANG PAG-ASA NG MGA SANTANA

    Natakot si Ingrid, mabilis siyang tumingin kay Caleb.“Caleb, biktima rin ako rito! Aksidente lang ito. Hindi ko kailanman sinadyang saktan si Mason!”Ngunit ang lalaking inaasahan niyang lifeline niya ay hindi man lang tumingin sa kanya.Dinala na ng mga pulis si Ingrid, habang ang hospital bed ni Mason ay ipinapasok na sa intensive care unit.Sumunod si Maddison, ngunit nang nakarating siya sa pinto, pinigilan siya ng isang nurse.“Baby girl, sterile ward ito. Hindi ka puwedeng pumasok.”Tinanong ni Maddison ang nurse . “Kailan magigising ang kapatid ko?”Nakangiting sumagot ang nurse. “Sa palagay ko, malapit na.”Lumapit si Raven kay Maddison na ngayon ay nakaupo sa sulok ng intensive care unit, hawak ang watercolor pen at gumuguhit sa papel.Nakita niyang idinikit ni Maddison ang iginuhit na anghel sa salamin sa tapat ng higaan ni Mason sa ICU. Matapos idikit, pinagdikit niya ang kanyang mga kamay, pumikit, at taimtim ang kanyang ekspresyon. “Sana magising si Mason. Kapag nagisi

  • Not Your Wife Anymore   166 - MGA EBIDENSYA

    Sa parking lot ng ospital. Mabilis na bumaba si Maddison mula sa kotse habang may kaba sa kanyang dibdib. Lumingon siya kay Raven at agad namang hinawakan ni Raven ang kamay ng anak. “Tara na.”Magkasabay silang naglakad papasok sa ospital, mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Maddison.Sa harap ng operating room, nakita ni Barabara ang parating na si Raven. Para bang nakahanap siya ng bagong paglalabasan ng galit pagkatapos kay Ingrid. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na nagbuhos ng paninira, na para bang nakaharap sa isang kaaway.“Raven! Anong klaseng ina ka? Halos patayin ng kapatid mo ang apo ko!” Nanginginig sa galit na sabi ng matandang ginang. “Kung hindi mo ginawa ang eksena sa race track, tatakbo ba si Mason palayo? Ang aksidente ni Mason ay dahil sa iyo, sa ina niya, na sinadyang saktan siya!”Tinitigan ni Raven ng walang ekspresyon si Barbara. Pagkatapos ay binalingan niya si Caleb. Itinaas niya ang kamay at hinawakan ang kwelyo ng damit nito. Pagkatapos ay hinila ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status