Beranda / Romance / Not Your Wife Anymore / 180 - ANO ANG MOTIBO

Share

180 - ANO ANG MOTIBO

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-19 15:52:52

“Mukhang malala ang kondisyon ni Mason? Ano’ng nangyari sa anak mo?” tanong ni Elcid, walang alam sa nangyari.

“Ang walang pusong ina niya ang may kagagawan nito!” galit na sagot ni Caleb.

Matamang tinitigan ni Elcid ang pamangkin na tila nag-iisip, at napansin iyon ni Caleb. Nagkamali ba siya ng sinabi?

“Uncle, bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Ang anak ko ay tumakbo kay Raven upang magmakaawa ng kapatawaran. Nakiusap siyang tingnan siya ng ina, yakapin siya, pero sa halip ay iniwan siya ni Raven sa labas ng apartment niya, walang ginawa! Ngayon, ganito si Mason. Hindi ba bilang ina, may pananagutan siya?”

Nanatiling walang ekspresyon ang guwapong mukha ni Elcid.

“Gusto mo bang tulungan kita na sisihin si Raven?”

“Uncle, isa ka ring Go. Huwag ka laging kumakampi sa mga taga-labas.”

Ang malalim na mga mata ni Elcid ay tumitig nang malamig kay Caleb.

“Miyembro ako ng pamilya Go, kaya natural na kakampi ako sa pamilya Go. Maliban na lang kung may isang Go na lumampas sa tama.”

Hind
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Not Your Wife Anymore   181 - ANO ANG DAHILAN NI RAVEN?

    Makalipas ang ilang oras, nagmamadaling bumalik si Caleb sa bahay niya. Galit siyang sumugod sa silid na dating inookupa ni Raven. Binuksan niya ang lahat ng mga drawer at kabinet doon, at sinimulang halungkatin ang lahat ng laman. Nakita niya ang mga schedule na ginawa ni Raven para kina Mason at Maddison. Ang mga lesson plan at homework na isinulat niya para sa dalawang bata.Mayroon ding mga notebook na puno ng tala tungkol sa child psychology at early childhood education na pinag-aralan ni Raven sa bahay nila. Lahat ng ito ay mga bagay na ginawa niya para sa mga anak.Natagpuan din ni Caleb ang isang notebook na puno ng mga simbolo at formula na hindi niya maintindihan. Pagkatapos, nakakita pa siya ng ilang katulad na notebook nun at puno ng mga sulat ni Raven. Puro academic terms ang mga salitang naroroon.Bakit palaging tungkol sa mga bata at academics? Nasaan ang tungkol sa akin?Lumalabas na ang kanyang mga damit ay pina-plantsa ng maid. Ang kanyang paliguan ay inihahanda ri

  • Not Your Wife Anymore   180 - ANO ANG MOTIBO

    “Mukhang malala ang kondisyon ni Mason? Ano’ng nangyari sa anak mo?” tanong ni Elcid, walang alam sa nangyari. “Ang walang pusong ina niya ang may kagagawan nito!” galit na sagot ni Caleb.Matamang tinitigan ni Elcid ang pamangkin na tila nag-iisip, at napansin iyon ni Caleb. Nagkamali ba siya ng sinabi?“Uncle, bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Ang anak ko ay tumakbo kay Raven upang magmakaawa ng kapatawaran. Nakiusap siyang tingnan siya ng ina, yakapin siya, pero sa halip ay iniwan siya ni Raven sa labas ng apartment niya, walang ginawa! Ngayon, ganito si Mason. Hindi ba bilang ina, may pananagutan siya?”Nanatiling walang ekspresyon ang guwapong mukha ni Elcid. “Gusto mo bang tulungan kita na sisihin si Raven?”“Uncle, isa ka ring Go. Huwag ka laging kumakampi sa mga taga-labas.”Ang malalim na mga mata ni Elcid ay tumitig nang malamig kay Caleb. “Miyembro ako ng pamilya Go, kaya natural na kakampi ako sa pamilya Go. Maliban na lang kung may isang Go na lumampas sa tama.”Hind

  • Not Your Wife Anymore   179 - MAGHANAP NG BAGONG INA

    “Mason, ano’ng ginagawa mo rito?”Dumating si Caleb sa lugar at nakita ang anak na umiiyak. Agad niya itong binuhat. Nilingon niya si Celia at halos magliyab ang mga mata niya habang nakatingin sa kasambahay.Agad na nanginig sa takot si Celia at mabilis na nagpaliwanag sa amo.“Si Sir Mason po ang nakiusap sa akin na dalhin ko siya rito, wala po akong magawa…”“Binibigyan niya po ako ng pera, pero hindi ko tinanggap,” dagdag pa niya. Wala talagang balak na kunin ni Celia ang pera. Alam niyang kung gagawin niya iyon ay mawawalan na siya ng trabaho sa pamilya Go.Pero alam din niya ang ugali ni Mason; kapag nagsimula itong magwala, hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto.Hindi rin niya mapa-payapa si Mason, kaya wala siyang nagawa kundi dalhin ito sa apartment na tinitirhan ni Raven. Alam niyang magpapadala si Caleb ng tao para sunduin si Mason kapag nalaman nito ang balita; pero hindi niya inasahan na si Caleb mismo ang darating.Sumigaw si Mason kay Caleb. “Gusto ko si

  • Not Your Wife Anymore   178 - ANNABEL ZAMORA

    Nahulog si Mason mula sa kanyang wheelchair, bumagsak sa sahig na parang sako ng patatas.Ginamit niya ang dalawang kamay upang pilit gumapang papalapit kay Raven.“Mama, pakiusap, tingnan mo ako!!”Dumadaloy ang mga luha sa mukha ni Mason. Hindi niya pinansin ang sakit sa katawan, buong lakas siyang gumapang pasulong.Samantala, naghihintay sina Raven at Maddison sa elevator. Habang karga si Mason, mabilis na tumakbo si Celia papalapit sa mag-ina. Sakto namang bumukas ang pintuan ng elevator, at pumasok sina Raven at Maddison.“Mama!!” sigaw ni Mason na puno ng dalamhati. Iniunat niya ang kanyang mga braso, pero wala siyang nagawa nang magsara na ang pinto ng elevator.Pinaghahampas niya ang pinto, ang kanyang malungkot na iyak ay umalingawngaw sa buong pasilyo.“Mama! Hindi na kita muling pagagalitan! Bumalik ka na! Nakikiusap ako! Bumalik ka na!!”Umakyat ang elevator, at tumingala si Raven. Tumama ang liwanag sa kanyang mga mata, at kapansin-pansin ang namumuo roong mga luha.Ang

  • Not Your Wife Anymore   177 - IKAW ANG NAGTULAK

    Napuno ng luha ang mga mata ni Raven. Huminga siya nang malalim, at saka hinawakan ang kamay ni Maddison. Inakay niya ito para maglakad palayo roon.Nang nakita ni Mason na aalis na si Raven, napuno ng kaba ang dibdib niya, at saka siya mabilis na sumigaw.“Mama! Kahit hiwalay na kayo ni Papa, pwede pa rin akong manatili sa tabi mo! Mama, ayaw mo na ba talaga sa akin?!”Biglang huminto si Raven, para bang may mga di-nakikitang kawad na pumulupot sa kanyang mga paa. Huminga siya nang paulit-ulit, ngunit bawat paghinga ay tila pumupunit sa kanyang puso; ang hangin ay tila hirap maglabas-pasok sa kanyang dibdib, na para bang napakakitid ng daanan. Pakiramdam nga niya ay hindi na normal ang kanyang paghinga ngayon.“Mason Go, nakalimutan mo na ba? Ikaw ang unang tumalikod sa akin.”Nanginig ang maliit na katawan ni Mason. Bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng masasakit na bagay na ginawa niya sa ina. Biglang nanlabo ang kanyang paningin.“Ang pagkain na niluluto mo ay parang kaning baboy

  • Not Your Wife Anymore    176 - PATAWAD

    “Anak, Maddison…”“Grandma? Bakit ka nandito?” tanong ni Maddison, naguguluhan.Namumula ang pisngi ni Ana, gusot ang buhok, at puno ng luha ang kanyang mga mata.Pinupunasan ni Ana ang mga luha sa kanyang mukha, bago nagsalita. "Tinatawagan ko si Noel pero hindi siya sumasagot. Kaya hinanap ko siya gamit ang tracker na inilagay ko sa telepono niya. Nasa airport siya, kaya nagpunta ako roon. At nandoon siya kasama si… Waaaah… Ang sakit ng puso ko!”Nahihiwatigan na ni Raven kung ano ang nangyayari.“So, ano’ng balak mo? Hihiwalayan mo na ba si Papa?”Biglang napahinto sa pag-iyak si Ana. “Anak, bakit ka ganyan kalupit!? Dahil ba hindi ka masaya sa sarili mong buhay may-asawa, kaya gusto mo na lahat ay maging katulad mo, makipaghiwalay sa asawa, at maging babaeng hindi na gusto ng mga lalaki?”Napairap si Raven sa ina. Imposible silang magkaintindihan nito. Hindi naman kasi sila nagsama nang matagal sa iisang bubong. Ni hindi nga niya ramdam ang pagiging ina nito sa kanya. Nang bumal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status