Share

97 - HANGAL

Penulis: Cristine Jade
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-02 12:51:47

Ibinigay ni Raven ang pangalan ni Caleb sa waiter na sumalubong sa kanya at mabilis siya nitong inihatid sa isa sa mga VIP room.

Nakangiting binuksan ni Raven ang pintuan ng kuwarto para masayang batiin sana si Elcid pero napahinto siya ng nakita kung sino ang nasa loob ng kuwarto. Ang ngiting nakapaskil kanina lang sa mga labi niya ay unti-unting nawala.

“Dude Ingrid!”

Nang nakita ni Mason ang tiyahin ay agad siyang tumakbo palapit dito at yumakap. Katabi ni Ingrid sa upuan ang mga magulang nila.

Sinamantala iyon ni Ingrid na naroroon si Raven. Gumanti siya ng yakap kay Mason at saka ito pinupog ng halik sa mukha pagkatapos, na siyang dahilan para humagikgik ng tawa ang bata.

Pero sa kasamaang palad, ni hindi sila tiningnan man lang ni Raven. Kaya balewala ang ginawa nitong pagpapanggap.

Pero hindi naniniwala si Ingrid na hindi apektado si Raven. Sino ba namang ina ang hindi maaapektuhan kung ang sarili mong dugo at laman ay walang amor at walang pakialam sa iyo?

“Teka, bakit may
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Not Your Wife Anymore   97 - HANGAL

    Ibinigay ni Raven ang pangalan ni Caleb sa waiter na sumalubong sa kanya at mabilis siya nitong inihatid sa isa sa mga VIP room. Nakangiting binuksan ni Raven ang pintuan ng kuwarto para masayang batiin sana si Elcid pero napahinto siya ng nakita kung sino ang nasa loob ng kuwarto. Ang ngiting nakapaskil kanina lang sa mga labi niya ay unti-unting nawala.“Dude Ingrid!” Nang nakita ni Mason ang tiyahin ay agad siyang tumakbo palapit dito at yumakap. Katabi ni Ingrid sa upuan ang mga magulang nila.Sinamantala iyon ni Ingrid na naroroon si Raven. Gumanti siya ng yakap kay Mason at saka ito pinupog ng halik sa mukha pagkatapos, na siyang dahilan para humagikgik ng tawa ang bata. Pero sa kasamaang palad, ni hindi sila tiningnan man lang ni Raven. Kaya balewala ang ginawa nitong pagpapanggap.Pero hindi naniniwala si Ingrid na hindi apektado si Raven. Sino ba namang ina ang hindi maaapektuhan kung ang sarili mong dugo at laman ay walang amor at walang pakialam sa iyo?“Teka, bakit may

  • Not Your Wife Anymore   96 - SUNDO

    “Papa!” sigaw ni Mason ng nakita ang kotse ng ama. Mabibilang lang sa mga daliri ni Mason ang mga araw na sinusundo siya mismo ng ama sa eskwelahan. Kaya ng nakita niya ang sasakyan nito sa labas ng gate ng eskwelahan ay nagmamadali siyang lumabas. Samantala, kandahaba ang leeg ng mga nanay na naroroon para masilip si Caleb sa loob ng sasakyan. Minsan lang din kasi nilang makita ang guwapong mukha nito sa personal, at kalimitan ay sa mga magasin at online lang. Napahinto sa paglapit si Mason ng nakita niyang lumabas ang sekretarya ni Caleb mula sa sasakyan at nilapitan si Raven. “Mam Raven, pinapasakay po kayo ni boss sa kotse niya.” Mabilis na tumanggi si Raven. “Hindi na, magta-taxi na lang kami ni Maddison papunta sa restaurant.” Ayaw niyang makasama sa isang sasakyan ang lalaki.Tipid na ngumiti ang sekretarya. ”Mam, sinadya ni boss na sunduin kayo ngayon ni Maddison.”Nakulitan si Raven sa sekretarya kaya inilabas niya ang telepono niya para mag-book ng taxi. Hindi naman na

  • Not Your Wife Anymore    95 - ANO ANG PLANO

    Pagkagaling mula sa paligsahan, sinundo na ni Raven si Maddison sa eskwelahan. Nadatnan niya si Edward na sinusundo rin ang anak na si Odette. “Raven!” pagbati ni Edward, “ano na ngayon ang plano mo pagkatapos mong mag-rank one sa National Math Olympiad?”Nahimigan ni Raven na gustong malaman ng lalaki ang mga plano niya at hindi iyon simpleng pagtatanong lang. Naisipan niyang ibalik ang tanong ni Edward sa kanya.“Professor, ano ba sa tingin mo ang una kong dapat gawin?”Tumawa si Edward, “wala ako sa lugar para magbigay ng advice sa iyo. Pero naalala ko, nung nanalo ka ng first place nung preliminary, maraming kumwestiyon sa iyo sa online. Nung mga panahon na iyon, nag-alala ako sa iyo na baka hindi mo kayanin ang mga pangba-bash at bullying.”Matiim na tiningnan ni Raven ang lalaki, pilit na pinag-aaralan ang mukha nito at kung ano ang maaaring binabalak nito.“Raven, sasabihin ko ito sa iyo dahil pinapahalagahan ko ang talento mo. Pero kung gusto mong malinya sa mga scientific re

  • Not Your Wife Anymore   94 - LET'S HAVE DINNER

    Halos lahat ng shareholder at senior executive ay sabay-sabay na nagsasalita kay Caleb. Nakita nila sa live broadcast na pinagkakaguluhan ng iba’t ibang mga kumpanya at eskwelahan si Raven. Natatakot sila na maunahan sila sa pag-recruit sa babae. “Caleb! Tawagan mo na si Raven ngayon! Bilis! Siguraduhin mo na o-oo siya sa iyo sa pagsali sa Go Prime Holdings.”Madilim ang mukha ni Caleb. Pero wala siyang magawa sa mga sinasabi ng mga kasama. Pasimple niyang tiningnan ang sekretarya niya. Naintindihan naman iyon ng sekretarya, kaya inilabas niya ang isa pa niyang telepono na hindi naka-block ang numero sa telepono ni Raven. Hinanap niya ang numero ni Raven sa CONTACTS, at saka inabot kay Caleb ang telepono. Agad namang tinawagan ni Caleb si Raven. Hindi niya gustong makausap si Raven, pero alam niyang siya lang ang pwedeng gumawa nun. Mabilis namang nasagot ang tawag. [“Hello.”]Isang pamilyar na boses ang narinig ni Caleb mula sa kabilang linya, kaya agad na napangiti siya. “Ako

  • Not Your Wife Anymore   93 - INVITATION

    Nang bumaba si Raven mula sa stage, agad siyang sinalubong ng committee ng NMO at ng mga propesor na naroroon sa venue. Lahat sila ay masayang bumati sa pagkapanalo ng babae. Habang nagaganap iyon ay nakita ni Raven si Eris sa di-kalayuan, masayang nakatingin sa kanya. Nakuntento na lang si Eris na panoorin sa malayo si Raven. Natutuwa siya para sa babae sa mga natatanggap nitong mga pagbati at mga papuri.Gusto sana ni Raven na lapitan ang lalaki, pero kada hakbang niya papunta sa kinatatayuan ni Eris ay lagi namang may lumalapit at humaharang sa kanya para batiin siya sa pagkapanalo niya. Pinilit ni Raven na tumugon sa mga bumabati sa kanya at magbigay-galang sa mga guro. Hanggang sa unti-unti ay nakarating din siya sa tapat ni Eris. Guwapong-guwapo ito sa suot niya ngayon, idagdag pa ang masayang awra nito ngayon. Kanina pa ito nakangiti kay Raven na tila masaya sa naging tagumpay niya. Pero biglang sumulpot mula sa kung saan si Dean Jose. “Dean! I’m back! Masaya ka ba para sa

  • Not Your Wife Anymore   92 - AKO AY AKO

    Habang matamang nakatingin si Caleb sa mukha ni Raven, nagkaroon siya ng realisasyon na ang pagkakakuha ni Raven sa unang puwesto noong preliminary ay hindi lang suwerte o tsamba. Katunayan nun ang pagkakakuha niya uli ng unang ranking ngayong finals.Nagsimula na ang challenge competition. Ang nasa top 20 ay pwedeng pumili ng isang kalahok na nasa top 20 rin para hamunin. Pwedeng magbigay ng tanong o problema ang kalahok na iyon para sa kalahok na pinili niya. Kailangang sagutin ng hinamon ang tanong o problema. At kapag hindi niya nasagot ang naturang tanong o problema ay awtomatikong tanggal na siya sa kompetisyon. Kasabay nun, kapag nasagot naman ng hinamon ang tanong o problema, ang humamon naman ang awtomatikong maaalis sa kompetisyon.Ang top 20 hanggang 18 ay pinili si Raven para hamunin. Matagumpay na nasagutan ni Raven ang mga ibinigay sa kanyang tanong at problema ng tatlong kalahok. Kaya naman, naalis silang tatlo sa kompetisyon. Sumunod namang namili ang top 17 hang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status