Share

Chapter 20 

MISS na miss na niya si Luigi pero kailangan niyang maghinay-hinay. Hindi kasi ito ang tipo ng lalaki na madadaan lang sa pagpapa-cute niya't pagpapa-sexy. Kaya, kailangan niyang pag-isipan ang kanyang magiging aksyon. Basta ang alam niya, hindi na niya gustong mabigo ulit. 

Sigaw niya sa sarili, hindi na mabu-brokenhearted pa si Paula Seldon. 

Matapos niyang magpunta sa Hongkong para mag-shopping ay gusto na sana niyang matulog. Magpa-beauty rest para kapag nakaharap niya si Luigi bukas ay fresh na fresh siya. Ngunit, paano naman niya iyon magagawa ngayon kung inabutan niyang nag-aaway ang kanyang mga magulang. Hindi lang nagsisigawan at nagmumurahan ang mga ito, nagbubuntalan pa. 

Dapat sana ay tumakbo siya sa kanyang ina at awatin ang ama niyang nambubugbog pero hindi niya magawa. O mas tamang sabihing ayaw niyang gawin. Wala naman kasing pakialam ang mga ito sa kanya, kaya, bakit siya makikialam?

Matapos niyang iutos sa mga katulong na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status