Share

0006

Author: Eve Angeline
last update Last Updated: 2025-04-06 15:21:27

“Ember wants divorce,” wika ni Cassian bago pa naupo sa harap ng mga kaibigan. 

Wala sana siyang plano lumabas ng bahay dahil hinihintay niya si Ember umuwi pero makulit si Mathias at may kailangan daw kay Vito kaya sinamahan na niya. Sina Mathias at Vito ay pareho niyang mga kaibigan mula pa noong college sila. At dahil si Mathias ay bihira lang magpakita sa kanila ni Vito ay pumayag na rin siyang maabala ng mga ito.

“Divorce?” tanong ni Vito sabay lapag sa harap nila ni Mathias ng maiinom. “Nagpapatawa ba ‘yang asawa mo?” 

Umiling si Cassian. “Paggising ko kanina ay wala na siya. Nilayasan na nga ako. Akala niya ay gusto kong balikan si Lauren.”

“Hindi ba?” tanong ni Vito na natawa. “She’s back, Cassian. Nagpapansin na nga. At dahil hindi ka naman seryoso panindigan ang kasal niyo ni Ember ay bakit hindi mo na nga lang balikan si Lauren?”

“Hindi niyan babalikan si Lauren,” ani Mathias kay Vito at tiningnan si Cassian. “Hindi ka pa rin naman bobo siguro, Cassian, kaya pupusta ako na hindi mo babalikan si Lauren.”

“Pusta ako na babalikan niya…” ani Vito kay Mathias. Naniniwala siyang si Lauren ang mahal ng kaibigan kaya kahit anong mangyari ay babalikan ito ni Cassian. 

“Okay, magkano pusta mo?” tanong niya kay Vito.

“Five million.”

“In Philippine Peso?” pagkaklaro ni Mathias. “Make it ten. Masyadong mababa. Naghihirap ka na ba?” pang-asar na tanong ni Mathias kay Vito. “At sama natin si Austin sa pustahan. I’ll message him.”

“Si Austin?” tanong ni Cassian dahil matagal na niyang hindi nakita ang isa. In fact, simula nang magising siya sa comatose two years ago ay hindi pa ito nagpakita sa kaniya.

“Nasa California siya ngayon. Magkikita nga kami bukas.”

Tumango na lang si Cassian. Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap at asaran, nanatili naman siyang nakaabang sa kahit anong message mula kay Ember. Lumipas na lang ang isang oras ay wala pa ring message si Ember kahit isa. 

“Mukhang seryoso ang babaeng ito i-divorce ako…” ani Cassian at sumandal bago asar na inilapag ang phone sa coffee table. 

“Then, divorce her…” tinatamad na wika ni Mathias. “Mula nang magising ka ay inirereklamo mo na ang ginawa sa ‘yo ng magkapatid na Ember at Lauren, now Ember wants to divorce ay pagkakataon mo na para kumawala sa sabi mo nga ay walang kuwenta ninyong pagsasama.”

“Akala ko ba pupusta ka na hindi niya babalikan si Lauren?” tanong ni Vito kay Mathias.

“Oo, ‘yon nga ang pusta ko,” tugon ni Mathias. “Wala naman kinalaman ‘yon sa divorce nila ni Ember sakali.”

Huminga ng malalim si Cassian, hindi lang siya umiimik pero kanina niya pa inaanalisa ang mga sinasabi ng dalwa. Si Vito ang pinakalaging nangangantiyaw sa kaniya na si Ember ang napangasawa niya imbes na ang kapatid nito na si Lauren. Sa ganda ni Lauren at kasimplehan ni Ember ay normal na para kay Vito sabihin lagi na nalugi siya sa babaeng pinakasalan.

Si Mathias ay noon pa walang pakialam kung si Ember ang pinakasalan niya. Ang sabi lang ni Mathias ay kung dahil sa itsura ni Ember kaya hindi niya ito magustuhan ay iparetoke na lang niya at gawin niyang mas maganda pa kay Lauren. Nakaganti na siya sa ex ay nainis niya pa dahil hindi niya hinihiwalayan ang kapatid nito.

Si Austin ang walang opinyon kahit kailan. Hindi niya pa ito nakikita ng personal pero nakakausap naman niya paminsan-minsan thru video call. Abala si Austin lagi pero simula noon pa man ay abala na ito lagi. Kahit noong mga college pa sila ay goal-oriented na ito.

Well, lahat naman sila naging abala na sa mga negosyo nila. Si Vito lang ang hindi abala masyado gaya nila dahil mas gusto talaga nito magpakasaya lang lagi kaysa magseryoso. Ang katwiran pa ni Vito ay hindi naman sila pabata kaya dapat habang kaya pa ay i-enjoy lang nila dapat ang buhay. 

I-enjoy ang buhay. Gano’n din naman si Cassian noon. In fact, sa kanilang apat ay sila Cassian at Vito talaga ang laging magkasama dahil sila ang mas maraming oras sa goodtime kaysa business. Iba sina Mathias at Austin na kahit nag-aaral pa sila ay nakatutok na sa negosyo ang mga atensyon ng mga ito. Pareho rin nag-asawa agad ang dalawa. Pareho na rin nabyudo. 

At ngayon siya ay magiging diborsyado. 

Tunog mula sa phone ang umagaw ng atensyon ni Cassian. Agad niyang kinuha ang phone sa isip na si Ember iyon at gusto nang umuwi. Baka nagso-sorry na. 

Pero walang message mula kay Ember. Ang message ay mula sa bangko at—Napakunot ang noo niya sa nabasa, ang card number? Iyon ang card na gamit ni Ember na himala at ginamit na nito sa wakas. 

“Si Ember na ‘yan, ‘no?” tanong ni Vito. “Nagpapasundo na?” natawang dagdag niya. “Sabihin mong gusto niyang lumayas ay matuto siyang umuwi mag-isa.”

Umiling si Cassian. “No. It’s my bank.” Cassian smirked. “Mukhang nagsa-shopping na sa kauna-unahang pagkakataon ang asawa ko.”

Nagkatinginan sina Vito at Mathias. Hindi maitatago sa kanila ang kakaibang pagkakasabi ng kaibigan nila ng ‘asawa ko’ pantukoy kay Ember. Napakunot ang noo ni Vito dahil noon pa ito pumupusta na maghihiwalay ang dalawa at hindi magtatagal. Si Mathias ay natawa na lang sa siguradong panalo sa pustahan nila ni Vito.

Pagkatapos ng unang message ng bangko kay Cassian ay may mga sumunod pa. Sunod-sunod. Bag, damit, sapatos, alahas… Kung saan-saang branded store ang mga nagmi-message kay Cassian na balewala lang sa kaniya, dahil ang naglalaro sa isip ay kung ginagamit ni Ember ang card na bigay niya ay isa lang ang posibilidad, nagbago na ang isip nito sa divorce. 

Naisip niyang i-message si Ember, sasabihin niyang pupuntahan niya ito sa kung saan ito nagsa-shopping. Pag-open niya ng messaging app ay natigilan siya sa nakitang last message na naroon, that was yesterday, bago siya umuwi para sa birthday celebration niya sana. 

Birthday celebration na wala siyang naabutan kasi nagliligpit na ang isa. 

“I better go…” paalam niya sa dalawa. Pupuntahan niya ang asawa para makausap. 

“Sabay na ako,” sabi ni Mathias at tumayo na rin. 

“Sa Red Veil pala ako maya,” imporma ni Vito sa kanila. “Baka gusto niyo mag-enjoy. May mga bisita ako sa club na mga kasama sa cast ng bagong pelikulang gagawin ko next month.”

“Hindi ako makakapunta,” ani Cassian. Tumayo at umalis na agad. Hindi na rin nag-abala pang magpaalam dahil kailangan niyang mahanap si Ember. 

“Pupunta ako,” sabi ni Mathias. “Kawawa ka naman kung hindi ako darating,” pang-asar na dagdag nito. “Sagot ko na rin ang gastos mo. Alam ko naman na mawawalan ka ng twenty million kaya ako na.”

“Twenty million?” takang-tanong ni Vito. Ten million lang naman ang pustahan nila pero bakit naging twenty million?

Ipinakita ni Mathias ang reply ni Austin sa tanong niya kung saan ito pupusta. “See?” pang-asar niya pa kay Vito. “Austin with me kaya handa mo na ang panalo namin.”

“Hindi pa tapos ang pustahan, Mathias.”

“Kahit pagbigyan kita ng isang taon, Vito, matatalo ka pa rin. Bulag ka ba? Hindi na gusto ni Cassian si Lauren. Kung ikaw tanga babalikan ang ex mo pagkatapos kang iwan at sumama sa iba ay ikaw ‘yon. Not Cassian.”

Eve Angeline

Hello, thank you sa mga nakabasa na agad at may mga comments na rin. Salamat.

| 14
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jesussa Cañas
Ang Ganda haha nakakakilig go ember
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Now He Wants Me Back   0067

    “Anyway,” sabi ni Adrian sabay ngisi habang naglalakd sila ni Ember pabalik sa bulwagan kung saan nagaganap ang charity event ng ina. “Ano ba talaga ang ikinagulat mo? Ang biglaang pagkakita sa ex mo rito sa charity event? O ang bagay na ngayon mo lang nalaman na matulungin pala ang ex mo at ang kaibigan niya?”Malakas na tawa ang isinagot ni Ember. “The last one! Iyon talaga, eh…” sabi niya na bumungisngis kasunod. “It really is surprising to learn that the two have that in their soul. Sa tagal ko na silang kilala ay nakakagulat talaga na malaman na may puso rin pala sila sa pagkakawang-gawa. Akalain ko ba naman ‘yon. Nakaka-worry tuloy… baka naman nakalog pala ang utak ng mga ‘yon.”“Aren’t you judgmental?” “And aren’t they already shown their colors to me before?” nakangiting balik ng tanong ni Ember sa kaibigan. “I’ve known them for a decade, Adrian. Since college pa ay kilala ko na sila kaya talagang nakakagulat for me na bigla ay may interes sila to sponsor sa charity ng mama

  • Now He Wants Me Back   0066

    “You know them, right?” tanong ni Adrian kay Ember na kanina pa nakatingin lang sa mga dumadaan na sasakyan sa labas ng hotel.Nasa lobby sila ng hotel at kanina pa inoobserbahan ni Adrian ang kaibigan dahil obvious na gusto nitong iwasan ang mga guests ng mama niya na bagong dating. May tumutubo ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang isipin at baka naman mali lang siya ng kutob. Hangga’t hindi niya naririnig kay Ember kung ano ang reason nito na biglang nag-iba ng mood at tila natatakot ay hindi tama na kung ano-ano ang naiisip niya. “Hindi ka nahihilo sabi mo pero namumutla ka kanina…” turan ni Adrian nang manatiling tahimik si Ember. Nasabi ni Adrian iyon kasi paglabas nila ng bulwagan kanina ay sinabi niyang dadalhin niya si Ember sa clinic na malapit pero umiling agad ito, sinabing hindi na kailangan dahil ang gusto lang nito ay lumabas at lumayo sa ginaganap na event. That’s when he realized na may gusto lang itong iwasan na naroon. And who else kung hindi ang mga bagong dati

  • Now He Wants Me Back   0065

    “Biglang sumama ang pakiramdam ni Ember, ‘Ma…” paliwanag ni Adrian sa ina nang makitang naguguluhan itong nakatingin sa kanila ni Ember. “Samahan ko na lang po muna siya pahangin sa labas…” paalam ni Adrian at dahil nakatingin sa kaniya ang dalawang bisita ng ina, na alam niyang gustong ipakilala sana siya ng ina sa mga ito ay nginitian niya na lang sabay sabing, “Welcome to Velasquez’s Charity Event! Thank you for coming!” Kasunod niyon ay tumalikod na si Adrian para alalayan si Ember na humigpit din ang kapit sa braso niya. “Let’s go…” aya niya rito. “Nahihilo ka ba? Gusto mo bang mahiga muna?” Umiling si Ember bilang tugon, ayaw niyang maglabas sana kahit anong salita lalo na at binanggit pa talaga ni Adrian ang pangalan niya pero, “Sa labas lang tayo. I just need some air.”Si Cassian na hahakbang sana para sundan ang dalawa ay naawat sa patagilid na pag-angat ng kamay ni Mathias at iharang sa kaniya. A gesture to stop him from chasing Ember.Napansin naman iyon ni Cristina, na

  • Now He Wants Me Back   0064

    —AGUSTIN, SALVACION—“Let’s go,” nakangiting wika ni Adrian kay Ember nang makababa na ng hagdan ang isa. May panibagong charity event ang mama niya at mabuti pumayag si Ember na maging plus one niya sa okasyon. “Paalam lang muna ako kina auntie…” ani Ember at pumunta sa kitchen at nagpaalam. “Tara na!” aniya nang balikan si Adrian na naghihintay sa kaniya sa labas. “Salamat daw sa dala mong mga putahe…” patuloy niyang kausap sa binata. “Masyado mong ini-spoil ang mga auntie ko.”“I love seeing how they adore me…” tugon ni Adrian. “It’s not spoiling them but returning their kindness…”“Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Ember pagpasok niya sa kotse ng kaibigan. “Saan?” tanong din ni Adrian. “Sa panliligaw sa ‘yo? No. Hindi ako mapapagod. Hanggang may pag-asa pa ako ay hindi ako titigil.”Bumuntong hininga si Ember. Iyon ang hindi niya inaasahaan. Nang magtapat sa kaniya si Adrian ay hindi naman niya ito pinaasa. Inamin niyang mahal niya pa si Cassian at hindi niya gustong ipaako rito

  • Now He Wants Me Back   0063

    “Buntis si Ember…” agad na balita ni Michelle kay Lauren pagkakita niya pa lang dito nang abutan niya sa gazebo at may ka-chat. Galing pang Agustin si Michelle at kararating niya lang. Ginabi na siya makabalik pero sulit naman ang mga kaganapan kanina dahil nagtagpo naman sila ni Ember at marami siyang nalaman tungkol dito. “Buntis?!” Gulat na napatayo si Lauren. Ang gulat at takot ay nasa mukha niya. Pagkadismaya na rin dahil kung buntis si Ember ay ibig sabihin wala na siyang laban dito. Siguradong kahit tingnan ay hindi na gagawin sa kaniya ni Cassian. Wala na siyang pag-asa.“Ang sabi ay hindi kay Cassian…” usal ni Michelle kasunod. Agad ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Lauren sa narinig. “Well, that’s good to know, Mama… Mukhang may nahanap na pala siyang kapalit agad ni Cassian. May simpleng kalandian din talaga ‘yang anak mo, eh.” Bumalik sa pagkakaupo si Lauren. Nakampante ang utak at nakaramdam agad ng tagumpay. “Doktor at may ospital ang nagpakilalang ama,” patuloy p

  • Now He Wants Me Back   0062

    “Si Ember nga pala…” baling ni Cassian kay Mathias matapos nilang sang-ayunan ang plano na sinabi ni Willow. Napagdesisyunan nilang sila na nga lang ni Mathias ang pupunta sa event at sinabi na rin ni Mathias sa kapatid na tumawag ito kay Cristina Velasquez para ipaalam na kuya nito ang darating kasama ang kaibigan na interesado rin diumano sa pag-sponsor sa charity programs ng mga Velasquez. “May update na ba kay Ember?” tanong kasunod ni Cassian kay Mathias. “Anong pinagkakaabalahan niya? May trabaho ba siya o sa bahay lang? Sino ang kasama niya sa bahay na tinutuluyan?”“Teka…” ani Mathias at kinuha ang phone sa bulsa. “Mabuti at nabanggit mo pala ‘yan… Early this morning ay may email nga pala akong natanggap mula sa tao ko na nasa Agustin. Iyong inutusan ko roon para bantayan si Ember. Ang sabi niya ay tingnan ko na lang ang mga pinadala niyang pictures kaso tumawag bigla si Alguien kaya inuna ko ang utos ng isa. Nawala na sa isip ko at nasingit pa ang topic natin na event.” “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status