Pulang-pula sa galit si Cassian sa sinabi ni Ember at hindi rin nakasagot pa dahil pinutol na nito ang usapan nila. Muli niya itong tinawagan pero nakatatlong tawag na lang siya’t lahat ay hindi pa rin ito sumagot. Sa sunod na tawag niya ay hindi na niya ito makontak, halatang naka-block na ang numero niya.
“You will regret this, Ember!” banta niya habang nakatitig sa wallpaper na mukha ng asawang nakangiti.
Hindi niya inilagay ang picture ni Ember bilang wallpaper dahil in love siya sa asawa. Inilagay niya iyon doon dahil gusto niya lang nakikita ang mukha nito palagi araw-araw bilang palala sa sarili sa ginawang pag-iwan noon sa kaniya ni Lauren.
********
“You’ll regret losing me, Cassian…” malungkot na bulong ni Ember.
Mahinang tawa ni Sienna ang maririnig, ang bestfriend ni Ember.
Nilingon ni Ember ang kaibigan at dahil tapos na rin siyang nakipag-usap kay Cassian ay agad namuo ang mga luha sa mga mata niya. Ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa buhay niya lalo na at wala siyang trabaho. Ayaw naman niya maging palamunin ng kaibigan. At sa nakikita niyang nakaligpit na mga gamit ni Sienna ay ibig sabihin paalis na pala ito.
Pabalik na kasi ng Pilipinas ang kaibigan niya. Tapos na ang kontrata nito sa ospital kung saan isa itong nurse. At sabi ni Sienna ay hindi na ito babalik pa dahil nakaipon na ito para sa negosyo na sisimulan sa Piliinas.
Sa New York City na niya nakilala si Sienna. Sa parehong ospital sa 3rd Avenue kung saan naroon ang clinic ng dentistang naglagay ng braces niya. At kung gaano na katagal ang braces ni Ember ay gano’n lang din katagal ang pagkakaibigan nila ni Sienna.
“That was epic!” natatawang opinyon ni Sienna sa kaibigan para mapangiti ito dahil pagkatapos nitong makipag-usap sa asawa ay halatang gusto na nitong umiyak. “And stop that!” natawang awat niya sa kaibigan nang makitang nagtutubig na ang mga mata nito. “You should move on, right?”
Tumango si Ember. Tama ang kaibigan na dapat siyang mag-move on na kaso hindi niya maiwasan maiyak pa rin dahil kailangan niyang hiwalayan si Cassian para kay Lauren. Kung sana naramdaman niya man lang kahit minsan na minahal siya ni Cassian ay baka maisip niya ipaglaban pa ang kasal nila.
“I know that our marriage is wrong from the start…” Huminga ng malalim si Ember at tinuyo ang mga matang nagtutubig. “Ang hindi ko nga lang maunawaan kay Cassian ay bakit kaya pinatagal niya pa bago ako hiwalayan? Bakit kaya hindi na lang niya sinabi sa akin agad na sila na pala ulit ni Lauren?”
“Ibang klase rin talaga ‘yang kapatid mo…” naiiling na wika ni Sienna. “Pagkatapos takasan ang comatose na pakakasalan kasi akala hindi makaka-survive ay ngayon gusto nang bawiin sa ‘yo. Hindi man lang nirespeto ang damdamin mo.”
“Ayoko nang isipin,” nakalabing sabi ni Ember. “Ang kailangan ko siguro ngayon ay makahanap ng trabaho lalo na at iiwan mo rin ako.”
“Kung trabaho rito ay madali ka lang makakahanap kung gusto mo pero…” Matagal na tinitigan ni Sienna si Ember. “Pero ayaw mo bang umuwi na lang sa Pilipinas?”
“Gusto,” amin ni Ember. “Kaso nahihiya ako kay Lola Flor.”
“Siguradong magiging happy iyon kung babalik ka sa kanila. Sabi mo ay mga matatandang dalaga na kapatid ng papa mo ang kasama na lang ng lola mo, ‘di ba?”
“Yep.”
“So it means matutuwa sila kapag umuwi ka sa kanila. Filipino culture, mahalaga sa atin ang pamilya kaya siguradong kapag bumalik ka ay magiging masaya sila lalo na at sabi mo ikaw lang ang apo ng lola mo, it means ikaw lang din ang pamangkin ng mga tita mo.”
Tumango si Ember. Gano’n na nga. Pero paano niya haharapin ang mga tiyahin at lola na isa siyang diborsyada? Nahihiya siya. Lalo na at dati siyang guro, baka mapag-usapan na naman ang pamilya nila na puro mga nagtandang mag-isa kasi mga baog sila.
Iyon ang totoong kalagayan ng mga tiyahin niya. Hindi ang mga ito nagtandang dalaga lang, ang totoo ay mga iniwan ito ng asawa dahil mga baog at hindi kayang bigyan ng anak ang mga naging asawa nila. At kung uuwi siya sa kanila na diborsyada, siguradong mauungkat na naman ang panlalait sa pamilya nila na kung tutuusin lang ay walang kwenta pakinggan. Kung siya lang ay balewala iyon pero matanda na ang lola niya at mga tiyahin, ayaw niyang maapektuhan ang mga ito.
“Tama na nga ‘yan kakaisip mo kung ano-ano,” natawang sabi ni Sienna. “Sama ka na lang sa akin mamaya.”
“Saan?”
“Sa Red Veil.”
Nanlaki ang mga mata ni Ember. Alam niyang club iyon pero ni minsan ay hindi niya napuntahan kasi hindi naman siya sanay sa gano’ng lugar at may asawa siyang tao. Bigla ay na-excite siyang sumama pero nang maisip si Cassian ay nag-alangan siya. Asawa pa rin siya nito kaya hindi tama.
“Halatang gusto mong sumama kaya huwag ka na mag-isip pa, Ember.”
“Pero…” Umiling siya. “Hindi ako sanay sa gano’ng lugar, Sienna. Baka maboring ka na ako ang kasama.”
“Ano ka ba? It’s just a club! Pero syempre dapat ipa-makeover muna kita.”
“Makeover?”
“Alangan naman na isasama kita sa Red Veil na nakasalamin at naka-braces. At alangan naman na ‘yang outfit mo regularly ang suotin mo doon.”
Napatingin si Ember sa ayos. Dahil naisip na tama ang kaibigan ay napakibit-balikat siya. “Kaya nga…” Ngumiti siya. “Hindi na lang ako sasa—”
“No! Sasama ka!” Hinila siya ni Sienna patayo. “That braces… alam kong dapat wala na ‘yan two days ago kaya unahin natin ‘yan bago ang contact lens mo.”
“Contact lens?”
“Ember…” Naiinis na tinitigan ni Sienna ang kaibigan. “Trust me, ako ang bahala sa makeover mo.”
“Pero… wala akong pera,” dahilan pa ni Ember para hindi siya kulitin ng kaibigan. “Kakasabi ko nga lang na gusto ko maghanap ng trabaho.”
“Asawa ka ng bilyonaryong si Cassian Montgomery Syquia. Wala ka man cash ay sure may card kang hawak.”
Nanlaki ang mga mata ni Ember. “Pero—”
“Tama na, Ember! Magsa-shopping lang tayo gamit ang card ni Cassian. Never kang nagpakaluho kaya sulitin mo na habang may hawak ka pang card niya. Lagi naman niyang iniisip na pera lang ang habol mo kaya gawin mo na.”
“Sienna, I—”
“Akina nga ‘yang card ng bilyonaryo mong asawa.” Kinalkal na ni Sienna ang bag ni Ember. “Alam mo… kahit abutin pa ng isang milyon ang gastos mo ay siguradong balewala lang kay Cassian. At kailangan mo magpaganda kasi…” ngumisi siya, “kasi manlalaki tayo mamaya!”
“Manlalaki?” gulat na bulalas ni Ember. Mabilis siyang na umiling. “Sienna, hindi ako ga—”
“Enough, Ember! Kanina ka pa… Anong gusto mo? Habang masaya sa kandungan ni Lauren ang asawa mo ay ikaw mag-isa at lungkot-lungkutan. There are lots of fishes in the ocean, my dear. Hindi mo kawalan ang isang Cassian Montgomery Syquia na ‘yan kahit ubod ng guwapo at yaman ‘yan. I will book ten male escorts sa Red Veil for you, kung mukha at katawan din lang kaya na nilang tapatan ang asawa mo.”
“Sie—”
“Ano? Mag-decide ka na! Last na tanong… Iiyak ka na lang ba mag-isa dito mamaya o susubukan mag-enjoy kasama ko at ng mga guwapong male escorts na sure mag-i-entertain sa atin mamaya?”
Huminga ng malalim si Ember. Napatango pagkatapos makapag-isip. “Yeah… you’re right, sa Red Veil tayo mamaya. Make them 12, not 10. Isang dosena na para masaya.”
“Asawa mo?” ulit ni Ember sa pikon na tono. “Mukhang nagka-Alzheimers ka na yata. Ipaalala ko lang an divorced na tayo, Cassian Syquia. Ex-asawa mo pwede pa pero asawa mo…” napailing siya. “Sana okay ka lang…”“You’re still my wife, Ember…” puno ng emosyon at kaseryosohang wika ni Cassian at hinawakan ang braso ni Ember. “And that’s why I’m here… I’m bringing you home. We need to be together. For us. For our b—”“The hell, Cassian!” Ember hissed kaya hindi natapos ni Cassian ang gusto pang sabihin. Ipiniksi niya rin ang brasong hawak nito para bitawan siya. “And what are you imagining?” pagak na natawa si Ember habang sinasalubong ang mga tingin ni Cassian. Pagak na tawa kasi humahalo ang kabang nararamdaman niya sa naiisip na possibility ng sinasabi nito. Umiling siya kasunod. “No…” mahinang usal niya. “You’re joking, right?”“Galing akong New York para lang mag-joke?” tanong ni Cassian sa asawa. “You’re still my wife, Ember,” puno ng sinseridad ang boses niya. “Stop that, Cassian!”
“Anyway,” sabi ni Adrian sabay ngisi habang naglalakd sila ni Ember pabalik sa bulwagan kung saan nagaganap ang charity event ng ina. “Ano ba talaga ang ikinagulat mo? Ang biglaang pagkakita sa ex mo rito sa charity event? O ang bagay na ngayon mo lang nalaman na matulungin pala ang ex mo at ang kaibigan niya?”Malakas na tawa ang isinagot ni Ember. “The last one! Iyon talaga, eh…” sabi niya na bumungisngis kasunod. “It really is surprising to learn that the two have that in their soul. Sa tagal ko na silang kilala ay nakakagulat talaga na malaman na may puso rin pala sila sa pagkakawang-gawa. Akalain ko ba naman ‘yon. Nakaka-worry tuloy… baka naman nakalog pala ang utak ng mga ‘yon.”“Aren’t you judgmental?” “And aren’t they already shown their colors to me before?” nakangiting balik ng tanong ni Ember sa kaibigan. “I’ve known them for a decade, Adrian. Since college pa ay kilala ko na sila kaya talagang nakakagulat for me na bigla ay may interes sila to sponsor sa charity ng mama
“You know them, right?” tanong ni Adrian kay Ember na kanina pa nakatingin lang sa mga dumadaan na sasakyan sa labas ng hotel.Nasa lobby sila ng hotel at kanina pa inoobserbahan ni Adrian ang kaibigan dahil obvious na gusto nitong iwasan ang mga guests ng mama niya na bagong dating. May tumutubo ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang isipin at baka naman mali lang siya ng kutob. Hangga’t hindi niya naririnig kay Ember kung ano ang reason nito na biglang nag-iba ng mood at tila natatakot ay hindi tama na kung ano-ano ang naiisip niya. “Hindi ka nahihilo sabi mo pero namumutla ka kanina…” turan ni Adrian nang manatiling tahimik si Ember. Nasabi ni Adrian iyon kasi paglabas nila ng bulwagan kanina ay sinabi niyang dadalhin niya si Ember sa clinic na malapit pero umiling agad ito, sinabing hindi na kailangan dahil ang gusto lang nito ay lumabas at lumayo sa ginaganap na event. That’s when he realized na may gusto lang itong iwasan na naroon. And who else kung hindi ang mga bagong dati
“Biglang sumama ang pakiramdam ni Ember, ‘Ma…” paliwanag ni Adrian sa ina nang makitang naguguluhan itong nakatingin sa kanila ni Ember. “Samahan ko na lang po muna siya pahangin sa labas…” paalam ni Adrian at dahil nakatingin sa kaniya ang dalawang bisita ng ina, na alam niyang gustong ipakilala sana siya ng ina sa mga ito ay nginitian niya na lang sabay sabing, “Welcome to Velasquez’s Charity Event! Thank you for coming!” Kasunod niyon ay tumalikod na si Adrian para alalayan si Ember na humigpit din ang kapit sa braso niya. “Let’s go…” aya niya rito. “Nahihilo ka ba? Gusto mo bang mahiga muna?” Umiling si Ember bilang tugon, ayaw niyang maglabas sana kahit anong salita lalo na at binanggit pa talaga ni Adrian ang pangalan niya pero, “Sa labas lang tayo. I just need some air.”Si Cassian na hahakbang sana para sundan ang dalawa ay naawat sa patagilid na pag-angat ng kamay ni Mathias at iharang sa kaniya. A gesture to stop him from chasing Ember.Napansin naman iyon ni Cristina, na
—AGUSTIN, SALVACION—“Let’s go,” nakangiting wika ni Adrian kay Ember nang makababa na ng hagdan ang isa. May panibagong charity event ang mama niya at mabuti pumayag si Ember na maging plus one niya sa okasyon. “Paalam lang muna ako kina auntie…” ani Ember at pumunta sa kitchen at nagpaalam. “Tara na!” aniya nang balikan si Adrian na naghihintay sa kaniya sa labas. “Salamat daw sa dala mong mga putahe…” patuloy niyang kausap sa binata. “Masyado mong ini-spoil ang mga auntie ko.”“I love seeing how they adore me…” tugon ni Adrian. “It’s not spoiling them but returning their kindness…”“Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Ember pagpasok niya sa kotse ng kaibigan. “Saan?” tanong din ni Adrian. “Sa panliligaw sa ‘yo? No. Hindi ako mapapagod. Hanggang may pag-asa pa ako ay hindi ako titigil.”Bumuntong hininga si Ember. Iyon ang hindi niya inaasahaan. Nang magtapat sa kaniya si Adrian ay hindi naman niya ito pinaasa. Inamin niyang mahal niya pa si Cassian at hindi niya gustong ipaako rito
“Buntis si Ember…” agad na balita ni Michelle kay Lauren pagkakita niya pa lang dito nang abutan niya sa gazebo at may ka-chat. Galing pang Agustin si Michelle at kararating niya lang. Ginabi na siya makabalik pero sulit naman ang mga kaganapan kanina dahil nagtagpo naman sila ni Ember at marami siyang nalaman tungkol dito. “Buntis?!” Gulat na napatayo si Lauren. Ang gulat at takot ay nasa mukha niya. Pagkadismaya na rin dahil kung buntis si Ember ay ibig sabihin wala na siyang laban dito. Siguradong kahit tingnan ay hindi na gagawin sa kaniya ni Cassian. Wala na siyang pag-asa.“Ang sabi ay hindi kay Cassian…” usal ni Michelle kasunod. Agad ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Lauren sa narinig. “Well, that’s good to know, Mama… Mukhang may nahanap na pala siyang kapalit agad ni Cassian. May simpleng kalandian din talaga ‘yang anak mo, eh.” Bumalik sa pagkakaupo si Lauren. Nakampante ang utak at nakaramdam agad ng tagumpay. “Doktor at may ospital ang nagpakilalang ama,” patuloy p