Share

0007

Author: Eve Angeline
last update Last Updated: 2025-04-17 18:38:20

Kinagabihan sa Red Veil…

“Hanggang kailan ka rito?” tanong ni Vito kay Mathias. 

“Bukas sa California na ako,” tugon ni Mathias pagkatapos basahin ang message na huling pumasok sa inbox niya. “Magkikita kami ni Austin.”

“Kailan pala bumalik ng California si Austin?” tanong ni Vito. Curious sa kaibigan nilang bihira lang magparamdam sa kanila habang ang mga mata ay nakatingin sa mga babaeng nagsasayaw sa dance floor. 

“Two months, I heard…” ani Mathias at tumawa ng mahina. “Mukhang in love na ulit.”

“For real?” tanong ni Vito sabay inom ng bottled beer na hawak. “At saan mo naman nasagap ‘yan?”

“Not something to share…” ani Mathias na napakunot-noo dahil nakita si Cassian na papalapit sa kanila. “Akala ko ba hindi ito pupunta ngayong gabi rito sa club mo?” tanong niya kay Vito na ang tinutukoy ay si Cassian na nang makita sila ay lumakad na palapit. 

“I invited Lauren,” nakangising tugon ni Vito. “At s’yempre sinabi ko d’yan kay Cassian. Just to prove a point na may laban pa ako sa pustahan natin. Naguguluhan lang ‘yan at tama ako, ‘di ba? Hindi pa rin nakatiis nang malaman niyang parating si Lauren kaya narito na agad.”

“Okay…” Mathias grinned. Sa bagay na iyon ay hahayaan niya muna si Vito sa hallucination nito na may pag-asa pa itong manalo laban sa kaniya. Alam niyang si Ember na ang gusto ni Cassian at hindi mahirap makita iyon. Kung totoong walang nararamdaman si Cassian sa asawa nito ay dapat hindi nito dinidibdib ang divorce na gusto ni Ember, sana masaya na ito.

“Bud,” ani Vito kay Cassian nang naupo na ito sa tabi ni Mathias. “Mabuti dumating ka. Parating na rin si Lauren.”

Tumango lang si Cassian at tiningnan ang phone nang may message na naman pumasok mula sa bangko niya. Kanina pa may mga messages at puro sa pagsa-shopping ng asawa niya gamit ang card na bigay niya. 

Isa-swipe na niya sana ang message na bagong pasok nang matigilan siya. Binasa niya ang message at lumalim ang kunot-noo niya at napatingin kay Vito. “May mga male escort ka sa club na ito?” tanong niya sa kaibigan. Ang huling pumasok na message ay ang bayad sa pagbo-book ni Ember sa twelve na lalaki ng Red Veil. 

“Anong male escorts?” natawang pagkaklaro ni Vito. “Mga male models ang meron ako rito, not escorts. They are only open to entertain, pero s’yempre kung may gustong magbayad sa kanila ay labas na ako roon. Hindi ko pa pinapasok ang prostitusyon na negosyo.”

“Naka-open ba ang mga male models mo sa booking?” tanong ni Cassian. 

“What’s this?” takang tanong ni Vito. Napangiwi. “Bakla ka na ba?” 

“Naka-open ba sila sa booking?” ulit ni Cassian. Mabuti na lang at Tagalog ang pagkakatanong sa kaniya ni Vito kung bakla na ba siya kaya hindi naintindihan ng mga New Yorkers na kasama nila sa table kung hindi ay baka tamaan ito sa kaniya at ma-headlines bukas na isang movie director, nabugbog sa sariling club nito.

“Oo. Pero sabi ko nga hanggang entertain lang sila… pasayaw-sayaw, pahawak-hawak… depende sa trip nila pero hanggang doon lang. Kapag ibang usapan na ay dapat labas na sila rito.”

“Okay.” Tumango-tango na sabi ni Cassian. Muling tiningnan ang phone at napangiti. “Then Ember will be here any minute…” bulong ni Cassian at napatingin sa entrada. Nag-abang sa pagdating ng asawa. 

Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring Ember na nagpapakita. Hindi na nakatiis si Cassian at tinawagan ito. Kanina pa siya nagtatanong kung saan ito para puntahan niya sana pero kahit isang message niya ay hindi nito sinagot. 

Again, in two rings, Ember declined his call. Sa galit ni Cassian ay kinuha niya ang phone ni Mathias para gamitin pantawag kay Ember. Isang ring pa lang ay sinagot nito ang tawag. 

“Hello…” malambing na wika ni Ember. Nai-imagine ni Cassian na nakangiti ang asawa at nakalabas ang mga braces.

“Ember…” inis na wika ni Cassian. “Nasaan ka? At anong pagbo-book itong ginawa mo para sa twelve na male models?”

Katahimikan ang sumunod. Akala ni Cassian ay papatayan na siya ni Ember nang phone nang magsalita ito. 

“Ikaw pala ‘yan…” maasim na wika ni Ember. Nakasimangot dahil excited pa siya sumagot sa akalang ang tumawag ay ang kausap niyang abogado para sana sa pag-ayos ng divorce nila ni Cassian. 

“Anong kalokohan pinaggagawa mo sa pera ko?” seryosong tanong ni Cassian para hindi mahimigan ni Ember na nag-aalala siya sa mga plano nito. Paano kung sa pagkadesperada nito sa hiwalayan nila ay maisip pumatol kung kani-kanino? 

“I want them to entertain me, ex dearie…” tinatamad ang toning wika ni Ember. “At wala naman sigurong masama kung maghahanap ako ng kaligayahan paminsan-minsan, ‘di ba?” Natawang tanong ni Ember kay Cassian kasunod. Sa isip ni Ember ay tama pala si Sienna na mag-enjoy siya at kanina pa talaga siya natutuwa sa kakagastos ng pera ng asawa. Kung dati ay alanganin siyang gumasta dahil parang pinatunayan niyang kaugali siya ng mama niya at ni Lauren, ngayon ay tuwang-tuwa na siya. 

“Pera ko ang ginagasta mo, Ember!” malakas na wika ni Cassian dahil nabibingi na siya sa malakas na tugtog sa club. 

“Wait!” Natawa ng malakas si Ember. “As I remember, you gave me this card a month after you woke up from your deep slumber, sleeping beauty!” pang-asar na wika ni Ember. “At ang sabi mo ay ako na ang bahala sa perang narito sa card basta huwag lang kita iistorbohin. And for the last two years hindi ko ginastos ang laman ng ‘regalo’ mong card. So, kung ngayon ko gagastusin ay ano rin sa ‘yo? This is mine, Cassian Montgomery Syquia. Mine!” 

Pinutol na ni Ember ang usapan nila at ibinalik ang phone sa clutch bag. Nang may maalala ay kinuhang muli ang phone at in-open ang messaging app para makapag-record ng voice message. Natigilan pa siya sa huling message na naroon sa app na nakita. Iyon ang pagsabi niyang ready na ang lahat para sa birthday celebration ni Cassian last night. Birthday celebration na hindi natuloy kasi sinira nina Lauren at mama niya ang lahat ng plano niya kagabi. 

Anyway, tama lang din na sinira ng mga kontrabida ang lahat kagabi dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay tanga pa rin siyang aasa na may kahihinatnan ang mga effort niya sa asawang wala naman pakialam sa kaniya. 

Nakaismid na sinimulan ni Ember ang voice message… 

“Kahit pa sabihin na hindi totoong impotent ka na dahil sa pagka-coma, Cassian… I would still consider having my first time with any male models na magugustuhan ko sa Red Veil. And you don’t need to worry…may taste naman ako. Tandaan mo, hindi lang ikaw ang may magandang katawan, matangkad, at may guwapong mukha sa mundo, Cassian. Marami. And if you are going to flaunt your money. Well… hindi ko kailangan ang pera. Mas kailangan ko lalaking kaya akong paligayahin sa kama na hindi mo kayang gawin dahil exclusive ka sa malanding kapatid ko. Byiee…”

Eve Angeline

Hello. Sana may nagbabasa at abang din dito. Try ko one update a day muna rito for now. Thank you sa mga nag-comments na at nagbigay ng rate sa cover page.

| 25
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Melody Salvaña Gadot
hooo ember hahaha
goodnovel comment avatar
Nelda Yabut
hahaha kakatuwa ka ember
goodnovel comment avatar
Mary Ann Dongaol
hoiii galing mang-asar love it
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Now He Wants Me Back   0124

    “Hahayaan na lang ba natin siya, boss?” tanong ng isang tauhan ni Leonard sa kaniya habang pinapanood ang mga kaganapan sa labas ng ospital. Marami nang patay na tauhan nina Mathias at Nikias ang makikita sa paligid. Leonard grinned. Hindi basta mapapasok ni Lauren ang ospital kung ito lang mag-isa, of course tumulong ang mga tao niya. Kagaya ng pangako niya. “She needs to do it alone…” mapanganib at malamig na tugon ni Leonard. Ang totoo ay ayaw ni Leonard madamay. Sakaling mabulilyaso ang gustong gawin ni Lauren ay mas okay na ito lang ang magkaproblema. Ayaw niyang madawit ang pangalan niya sakaling mahuli ito ng mga pulis na siguradong mangyayari. “Hindi ko hahayaan maikonekta sa akin si Lauren. Mainit pa sa mga balita ang nangyari sa simbahan kaya hindi tamang maiugnay sa ginawa natin doon ang kamatayan nina Cassian at Ember,” patuloy ni Leonard paliwanag sa tauhan niyang kanina pa takang-taka kung bakit si Lauren lang ang kailangan pumasok sa loob ng ospital at tumapos sa mag

  • Now He Wants Me Back   0123

    Alas kuwatro ng madaling araw. Ang ospital ay tila tulog, maliban sa mga nurse na nagroronda. Ngunit mula sa likod ng emergency exit, isang maliit na ingay ang umalingawngaw—tunog ng kandadong marahang binubuksan. Si Lauren iyon. Nakapasok siya ulit, dahan-dahan, maingat. Nakasuot siya ng puting coat ng nurse, at sa unang tingin, hindi siya mapapansin. Pero ang kanyang mga mata, malamig, nakatutok sa iisang direksyon: ang ICU kung saan naroon si Ember. Habang naglalakad siya, nakasalubong niya ang isang nurse. “Miss, hindi ba dapat sa kabilang wing ka naka-assign?” tanong ng nurse. Ngumiti si Lauren. A wicked and dangerous smile. Bago pa makapagsalita ang babae, mabilis na tumarak ang scalpel sa tagiliran nito. Tahimik na bumagsak ang nurse, at itinabi niya ang katawan nito sa isang storage room. Wala man lang narinig ang iba. “See that, Ember,” bulong ni Lauren. “Gan’yan din ang ending mo mamaya…” ********* Biglang napatayo si Ember. “Cassian… may mali.” Tumingin si Cassian, a

  • Now He Wants Me Back   0122

    Sa isang abandonadong sasakyan na nakaparada sa isang bahagi ng madilim na kalsada, ay may isang babaeng nakaupo, nakasuot ng mahabang coat. Si Lauren.“Hindi niyo ako tuluyang maitatapon,” bulong niya habang sinusundan ng tingin sina Cassian at Ember na palabas ng ospital. Mahina lang ang boses niya pero puno ng galit. Nakangising sinundan niya ng tingin ang dalawa. Sa kanyang isip, malinaw ang plano na huwag muna siyang aatake. Hayaan muna niyang matakot si Ember, hayaang lamunin ng paranoia at takot ang bawat segundo ng kanyang pagkatao.“Soon, Ember,” bulong niya. “I’ll take everything away from you. Cassian, your family, your life. At ako ang huling mukhang makikita mo bago ka mawala.”Ngumiti si Lauren. Sa kanyang mga palad, nakapulupot ang manipis na lubid at isang maliit na kutsilyo. Sa kanyang bulsa, may nakatuping sulat—isang peke, na nagsasaad na nagpakamatay siya sa tulay. Isang papel na papaniwalaan ng mundo. Kagaya ng sabi ni Leonard ay iyon ang kalayaan niya. Wala nang

  • Now He Wants Me Back   0121

    Tahimik ang bawat segundo sa ospital, tila ba ang mismong orasan ay pinipilit pigilan ang pag-ikot. Ang mga ilaw sa hallway ng ICU ay malamlam pa rin, nagbibigay ng malamig na kulay sa mga dingding na tila ba nakikiramay din sa bigat ng sitwasyon. Sa bawat pag-ugong ng air-conditioning at sa bawat beep ng mga makinang nakakabit kay Giancarlo, ang puso ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay muling pinapaalalahanan na ang buhay niya ay nakabitin lamang sa manipis na sinulid.Nakaupo si Ember sa bench, yakap-yakap ang rosaryong ilang ulit na niyang dinaanan ng dasal. Paulit-ulit, walang humpay, na para bang ang bawat Hail Mary ay magsisilbing gamot na magbabalik sa kapatid niya mula sa bingit ng kamatayan. Paminsan-minsan, titingala siya sa pintuan ng ICU, umaasang lalabas ang doktor na may dalang mabuting balita. Ngunit sa bawat minutong lumilipas, ang katahimikan ay lalong sumasakal.Si Cassian, laging naroroon sa tabi niya, mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Ramdam niya ang pangingini

  • Now He Wants Me Back   0120

    “Twenty-four hours daw ang pinakamahalaga…” mahinang bulong ni Ember, halos wala nang lakas. “Paano kung hindi kayanin ng katawan niya, Cassian? Paano kung—”Inikot ng tingin ni Ember ang hallway ng ospital ni Adrian. Wari ay naging kulungan ang bawat sulok ng hallway sa pakiramdam niya. Ang mga fluorescent light na normal na malamlam ay parang nag-aalangan na manatiling bukas. Maging ang tunog ng mga makina mula sa ICU na tanging pumupunit sa katahimikan ay parang lahat nananakot kay Ember. Sa loob, nakaratay si Giancarlo, halos wala nang malay, habang sa labas ay nagpupumilit ang kanyang pamilya na kumapit sa pag-asa.Nakaupo si Ember sa gilid ng bench, yakap-yakap ang rosaryo na iniabot ng ina. Ang mga daliri niya’y nanginginig, bawat dasal ay halos pabulong, paulit-ulit, para bang kung titigil siya kahit saglit, tuluyan nang bibitaw ang kanyang kapatid. Sa tabi niya, si Cassian ay hindi na bumitaw mula sa kanyang balikat, marahang hinahaplos ang buhok ng asawa.Hinawakan ni Cassian

  • Now He Wants Me Back   0119

    Kinabukasan…Tahimik ang kuwarto ng mental hospital. Ang puting dingding ay malamig, walang laman maliban sa kama, maliit na mesa, at bintanang may rehas. Doon, nakaupo si Lauren, nakatitig sa hawak niyang matalim na piraso ng salamin mula sa basag na frame ng larawan. Ang mga daliri niya ay nanginginig, ngunit ang mga mata—hindi baliw, kundi puno ng malinaw na determinasyon.Sa labas ng pinto, dalawang nurse ang nag-uusap.“Dapat bantayan si Lauren Moretti. Napaka-delikado ng kondisyon niya,” sabi ng isang nurse.“Oo, pero wala na siyang laban. Parang wala nang pag-asa pang gumaling,” tugon ng kausap nito. Napangiti si Lauren, mapait at mapanlinlang. ‘Oo, isipin niyo na lang na baliw ako. Isipin niyo na lang na tapos na ako. Mas madali para sa akin ang makawala.’Dahan-dahan niyang nilapit ang piraso ng salamin sa pulso niya. Huminga siya nang malalim at bigla niyang hinagod ang balat—sapat para magmukhang malalim at duguan. Sumirit ang dugo, kumalat sa malamig na sahig. Kaagad siyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status