Salamat sa mga nagbabasa ng story ni Cassian at Ember. Anyway, regular update tayo this May. Thank you.
Inis na in-off ni Ember ang phone niya para hindi na siya matawagan pa ni Cassian. She rolled her eyes, kung kahapon ay ang ina ang sigeng tawag, ngayon si Cassian naman. But she could answer Cassian’s call kung kagaya kahapon na nasa bahay lang siya, pero busy siya at may inaasikaso. Ember’s eyes roamed around. May kaunting lungkot na nadama pero naroon din ang excitement niya sa bagong plano. Kasalukuyan kasing nasa embassy siya at inaayos ang mga papel na kailangan niya sa pagbalik ng Pilipinas. Yes, nakapagdesisyon na siyang umalis ng America kahit hindi pa naaayos ang divorce nila ni Cassian. Bahala na ito. Nang matapos si Ember sa embahada ay diretsong umuwi na siya. Wala si Sienna sa apartment nito nang dumating siya pero ilang minuto pa lang siyang nakakarating at kasalukuyang naghuhubad para sana magpalit ng damit nang may nag-doorbell.Ember rolled her eyes. Mukhang nalimutan na naman ni Sienna ang key card nito kaya hindi na naman makapasok sa sariling apartment agad. Mab
Nagsusuklay si Ember nang mapatingin sa phone dahil sa tawag na pumapasok. Napakunot-noo siya. Kilala niya ang caller dahil sa numero nitong naka-phonebook pero natatawa siyang isipin sa kung anong dahilan ng tawag nito.Napaismid si Ember nang muling basahin ang pangalan ng ina sa Caller ID. At dahil ayaw niyang sagutin ang tawag ay tinapos iyon sa pag-click ng decline button. Akala ni Ember titigil na si Michelle pero hindi ito tumigil at muling tumawag. Sunod-sunod na pagtawag hanggang sagutin na lang ni Ember sa ikadoseng tawag nito.“Where are you?” agad na tanong ni Michelle pag-open pa lang ng linya. Galit sa ilang ulit na pag-decline sa tawag niya.“Why? Hinahanap mo ako?” matamlay na tanong ni Ember. “Ako talaga?”Tanda pa ni Ember ang excitement niya nang matanggap ng tawag ng ina limang taon na ang nakakaraan. Pinapabalik na siya sa Manila at akala niya dahil gusto na nitong bumawi bilang isang ina sa ilang taong pagpapabaya sa kaniya. Excitement na nawala nang malaman niya
Galit na ibinalibag ni Lauren ang clutch bag na dala sa kama. Ang mga mata ay naniningkit sa poot na nararamdaman para kay Ember. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napahiya siya masyado. At kung dati ay trip niya lang paiyakin si Ember kaya inaagawan ng mga gusto, this time ay talagang kalaban na niya ito. “If you really think that you won, Ember…” nagsusulak ang kalooban na wika ni Lauren habang nakatitig sa salamin. “Then, you better know how to make sure of your defense. Akin lang si Cassian! Hindi mo siya pwedeng maagaw!” Sa galit ay kinuha ni Lauren ang isang vase at ibinato sa vanity mirror. Kasunod ay ang mga sigaw niya para ilabas ang pagkasuklam na nararamdaman para sa stepsister. Sunod-sunod na katok ang umagaw ng atensyon ni Lauren. Kasunod ay ang boses ni Michelle na tinatawag ang pangalan niya. Nang buksan ni Lauren ang pinto ay agad siyang humagulhol. “Mama… si Ember…” iyak niya. “Inagaw ni Ember si Cassian…” Natigilan si Michelle. Sa isip ay paanong naagaw ng pa
“Ow?” Napaismid si Ember. “Then why the shock in your eyes, Cassian? You know what you look like? Para kang si Jerry na nakita ni Tom.” “It’s not what you think…” ulit ni Cassian ng mga salita habang nakatitig kay Ember. “It’s not what I think… hmm?” ani Ember sa napakahinang boses. Inulit lang sa sarili ang kung anong palusot ni Cassian. Masama man ang loob pero hindi niya puwedeng ipakita na apektado siya. “Really, Cassian?” she managed to ask in her calm and steady tone. “Yes, it is not what you think…” seryoso ang tonong ulit ni Cassian. Napaismid si Ember. She was right all along to not believe Cassian and refused his attempts to sweet talk her. Kunwari pa ito kanina na wala nang interes pa kay Lauren, the moment na tumalikod siya ay agad na nga nitong pinatungan ang stepsister niya. “Lauren was the one trying to—” “Hey…” Mabilis na putol ni Ember sa tinatamad na tono at itinaas ang kamay para patigilin si Cassian sa kung anong kasinungalingan pa nito. “What are you doing?
Nasa lobby na si Ember nang mapansin na hindi niya hawak ang phone. Napapikit siya sa inis sa sarili nang maalala naipatong niya iyon kanina sa corner table. Napabuga siya ng hangin at lumakad pabalik sa elevator. Kung bakit naman kasi naiwan niya pa ang phone sa office ni Cassian. Baka akalain pa tuloy nina Cassian at Lauren ay sinasadya niyang bumalik para magpapansin lang. Huminga siya ng malalim nang bumukas na ang elevator panels sa top floor kung saan naroon ang opisina ng CEO. Mabilis ang mga hakbang na lumakad siya pabalik sa kuwarto ni Cassian at mabuti wala na ring humarang sa kaniya kagaya kanina nang unang dumating siya. Pinahirapan kasi siya ng ilang empleyado ni Cassian kanina. Tinaray-tarayan pa na akala yata kung sino lang siyang gustong makita ang boss ng mga ito. Kung hindi pa siya nakita ng executive assistant ni Cassian—na kaisa-isa lang yata na nakakilala sa kaniya—ay siguradong hindi siya nagkaroon ng chance maiabot ng personal kay Cassian ang divorce agreement
“Not your mistress…” Ember smugly said. “Always not your mistress, huh?” dagdag pa niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Why? May iba na bang tawag sa kung anong relasyon niyo kung hindi mo siya kabit?” Tumaas ang mga kilay ni Ember habang nakatingin kay Cassian. Nasa mga mata niya ang hamon sa asawa na sagutin nito ang tanong niya. The fact na wala na siyang dapat pang pakialam ay nauwi sa pang-aasar niya dahil sa ugali ni Lauren. Kung sana hindi ito atribidă ay baka hindi pa sila umabot sa ganito na babatuhin niya talaga ito ng insulto sa pagiging malăndi nito. Nang ibalik ni Ember ang mga mata kay Cassian ay tahimik pa rin ito. Napaismid ulit siya. Sa isip ay bakit pa ba siya magsasayang ng oras ay alam niyang wala siyang iba pang dapat asahan kay Cassian. Wala naman talagang ibang alam si Cassian noon pa man kung hindi magbulag-bulagan at pagtakpan ang kalăndian ni Lauren. Pagtakpan at ipagtanggol tuwina kaya lalong lumaki ang ulo at ikina-proud pa ang pagiging burikăt nito