Share

0017

Author: Eve Angeline
last update Huling Na-update: 2025-06-08 14:07:51
Napasinghap si Lauren sa narinig kay Ember. Galit na lumapit dito at sasampalin sana ang stepsister nang pigilan niya ang sarili dahil naroon nga pala si Cassian. Hindi siya pwedeng magkamali.

Yes, hindi niya pwedeng ipakita kay Cassian na kaya niyang saktan si Ember dahil ayaw niyang masira ang tingin nito sa kaniya. Ang drama niya lagi ay puro pang-uunawa ang gawa niya kay Ember noon pa. Na kahit naiinis siya sa stepsister ay ni minsan hindi niya ito nagawang saktan at patulan. Tamang sa salita lang siya gumaganti.

Iyon ang noon pa pinapaniwala ni Lauren kay Cassian mula noong teenagers pa sila. Pinapaniwala niya ang lalaki na may ibang ugali si Ember. Sinabi niyang lagi siyang inaaway nito kapag sa bahay sila at wala ang parents nila dahil ayaw nito sa kaniya at nagseselos sa atensyon na bigay ni Michelle sa kaniya.

Hindi rin kahit kailan nalaman ni Cassian na siya ang lahat may pasimuno ng pambu-bully kay Ember noong college sila. At paano malalaman ni Cassian kung palaging nando
Eve Angeline

Sorry na agad at natagalan sa update. Dami lang pinagdaanan. Hindi ko na mainis ang inis ninyo sa pagsabi ko ng 'sorry' dahil sa tagal ko bago nakapag-update pero at least masasabi kong "I'm back" kaya tuloy na tayo sa pagsusulat ulit.

| 9
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Eve Angeline
This chapter should be 0017 pero namali ako at 0018 nalagay ko. Dahil dyan ay sige i-publish ko na lang maya-maya ang Chapter 0018 instead bukas. Chapter 0019 na tayo bukas.
goodnovel comment avatar
Nimpha
more more update please Ang tagal Bago po kayo nag update madam bumawi naman po kayo sa mga readers nyo po salamat and God bless
goodnovel comment avatar
Nimpha
salamat po sa update madam more update pa po please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Now He Wants Me Back   0068

    “Asawa mo?” ulit ni Ember sa pikon na tono. “Mukhang nagka-Alzheimers ka na yata. Ipaalala ko lang an divorced na tayo, Cassian Syquia. Ex-asawa mo pwede pa pero asawa mo…” napailing siya. “Sana okay ka lang…”“You’re still my wife, Ember…” puno ng emosyon at kaseryosohang wika ni Cassian at hinawakan ang braso ni Ember. “And that’s why I’m here… I’m bringing you home. We need to be together. For us. For our b—”“The hell, Cassian!” Ember hissed kaya hindi natapos ni Cassian ang gusto pang sabihin. Ipiniksi niya rin ang brasong hawak nito para bitawan siya. “And what are you imagining?” pagak na natawa si Ember habang sinasalubong ang mga tingin ni Cassian. Pagak na tawa kasi humahalo ang kabang nararamdaman niya sa naiisip na possibility ng sinasabi nito. Umiling siya kasunod. “No…” mahinang usal niya. “You’re joking, right?”“Galing akong New York para lang mag-joke?” tanong ni Cassian sa asawa. “You’re still my wife, Ember,” puno ng sinseridad ang boses niya. “Stop that, Cassian!”

  • Now He Wants Me Back   0067

    “Anyway,” sabi ni Adrian sabay ngisi habang naglalakd sila ni Ember pabalik sa bulwagan kung saan nagaganap ang charity event ng ina. “Ano ba talaga ang ikinagulat mo? Ang biglaang pagkakita sa ex mo rito sa charity event? O ang bagay na ngayon mo lang nalaman na matulungin pala ang ex mo at ang kaibigan niya?”Malakas na tawa ang isinagot ni Ember. “The last one! Iyon talaga, eh…” sabi niya na bumungisngis kasunod. “It really is surprising to learn that the two have that in their soul. Sa tagal ko na silang kilala ay nakakagulat talaga na malaman na may puso rin pala sila sa pagkakawang-gawa. Akalain ko ba naman ‘yon. Nakaka-worry tuloy… baka naman nakalog pala ang utak ng mga ‘yon.”“Aren’t you judgmental?” “And aren’t they already shown their colors to me before?” nakangiting balik ng tanong ni Ember sa kaibigan. “I’ve known them for a decade, Adrian. Since college pa ay kilala ko na sila kaya talagang nakakagulat for me na bigla ay may interes sila to sponsor sa charity ng mama

  • Now He Wants Me Back   0066

    “You know them, right?” tanong ni Adrian kay Ember na kanina pa nakatingin lang sa mga dumadaan na sasakyan sa labas ng hotel.Nasa lobby sila ng hotel at kanina pa inoobserbahan ni Adrian ang kaibigan dahil obvious na gusto nitong iwasan ang mga guests ng mama niya na bagong dating. May tumutubo ng hinala sa utak niya pero ayaw niyang isipin at baka naman mali lang siya ng kutob. Hangga’t hindi niya naririnig kay Ember kung ano ang reason nito na biglang nag-iba ng mood at tila natatakot ay hindi tama na kung ano-ano ang naiisip niya. “Hindi ka nahihilo sabi mo pero namumutla ka kanina…” turan ni Adrian nang manatiling tahimik si Ember. Nasabi ni Adrian iyon kasi paglabas nila ng bulwagan kanina ay sinabi niyang dadalhin niya si Ember sa clinic na malapit pero umiling agad ito, sinabing hindi na kailangan dahil ang gusto lang nito ay lumabas at lumayo sa ginaganap na event. That’s when he realized na may gusto lang itong iwasan na naroon. And who else kung hindi ang mga bagong dati

  • Now He Wants Me Back   0065

    “Biglang sumama ang pakiramdam ni Ember, ‘Ma…” paliwanag ni Adrian sa ina nang makitang naguguluhan itong nakatingin sa kanila ni Ember. “Samahan ko na lang po muna siya pahangin sa labas…” paalam ni Adrian at dahil nakatingin sa kaniya ang dalawang bisita ng ina, na alam niyang gustong ipakilala sana siya ng ina sa mga ito ay nginitian niya na lang sabay sabing, “Welcome to Velasquez’s Charity Event! Thank you for coming!” Kasunod niyon ay tumalikod na si Adrian para alalayan si Ember na humigpit din ang kapit sa braso niya. “Let’s go…” aya niya rito. “Nahihilo ka ba? Gusto mo bang mahiga muna?” Umiling si Ember bilang tugon, ayaw niyang maglabas sana kahit anong salita lalo na at binanggit pa talaga ni Adrian ang pangalan niya pero, “Sa labas lang tayo. I just need some air.”Si Cassian na hahakbang sana para sundan ang dalawa ay naawat sa patagilid na pag-angat ng kamay ni Mathias at iharang sa kaniya. A gesture to stop him from chasing Ember.Napansin naman iyon ni Cristina, na

  • Now He Wants Me Back   0064

    —AGUSTIN, SALVACION—“Let’s go,” nakangiting wika ni Adrian kay Ember nang makababa na ng hagdan ang isa. May panibagong charity event ang mama niya at mabuti pumayag si Ember na maging plus one niya sa okasyon. “Paalam lang muna ako kina auntie…” ani Ember at pumunta sa kitchen at nagpaalam. “Tara na!” aniya nang balikan si Adrian na naghihintay sa kaniya sa labas. “Salamat daw sa dala mong mga putahe…” patuloy niyang kausap sa binata. “Masyado mong ini-spoil ang mga auntie ko.”“I love seeing how they adore me…” tugon ni Adrian. “It’s not spoiling them but returning their kindness…”“Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Ember pagpasok niya sa kotse ng kaibigan. “Saan?” tanong din ni Adrian. “Sa panliligaw sa ‘yo? No. Hindi ako mapapagod. Hanggang may pag-asa pa ako ay hindi ako titigil.”Bumuntong hininga si Ember. Iyon ang hindi niya inaasahaan. Nang magtapat sa kaniya si Adrian ay hindi naman niya ito pinaasa. Inamin niyang mahal niya pa si Cassian at hindi niya gustong ipaako rito

  • Now He Wants Me Back   0063

    “Buntis si Ember…” agad na balita ni Michelle kay Lauren pagkakita niya pa lang dito nang abutan niya sa gazebo at may ka-chat. Galing pang Agustin si Michelle at kararating niya lang. Ginabi na siya makabalik pero sulit naman ang mga kaganapan kanina dahil nagtagpo naman sila ni Ember at marami siyang nalaman tungkol dito. “Buntis?!” Gulat na napatayo si Lauren. Ang gulat at takot ay nasa mukha niya. Pagkadismaya na rin dahil kung buntis si Ember ay ibig sabihin wala na siyang laban dito. Siguradong kahit tingnan ay hindi na gagawin sa kaniya ni Cassian. Wala na siyang pag-asa.“Ang sabi ay hindi kay Cassian…” usal ni Michelle kasunod. Agad ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Lauren sa narinig. “Well, that’s good to know, Mama… Mukhang may nahanap na pala siyang kapalit agad ni Cassian. May simpleng kalandian din talaga ‘yang anak mo, eh.” Bumalik sa pagkakaupo si Lauren. Nakampante ang utak at nakaramdam agad ng tagumpay. “Doktor at may ospital ang nagpakilalang ama,” patuloy p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status