Yumuko si Fane at hinalikan sa labi si Selena. “Ang tagal na kitang hindi nahahalikan!” sinabi niya. Makalipas ang isang sandali, tinulak ni Selena si Fane paalayo. “May malaking itim na bakas sa mukha ko. Ang pangit! Ayos lang ba sa’yo ‘yun?” nahihiya ang kanyang boses. Natawa si Fane sa sinabi ni Selena. “Sa puso ko, ikaw ang pinakamagandang babae. Binigyan mo rin ako ng isang napakagaling na anak! Wala na akong isasaya pa!” “Talaga? Sa… Sa totoo lang, balak kong magkaanak pa sa susunod!” Tinikom ni Selena ang kanyang bibig at puno ng saya ang kanyang mukha. “Hahaha! Gusto ko ‘yan!” Tumawa nang malakas si Fane. Sa sandaling ito, si Josh Wallman—ang master ng Sword King Clan—ay dinala ang mga elder ng angkan upang dalawin ang master ng Crystal Cloud Clan. “Ako, si Josh Wallman, bilang pinuno ng Sword King Clan, kasama ang mga Elder ng Sword King Clan, ay naparito para makita ang head ng Crystal Cloud Clan!” Dumating si Josh at ang tao niya sa harap ng isang
"Hmmm. Sabihin mo na! Gusto kong malaman kung anong mahalagang bagay ang nagpapunta sa inyo dito mula sa inyong angkan. Siguro importante talaga 'yun!" Si Master Loador ay walang-iba kundi ang Master ng Crystal Cloud Clan. Tumingin sjya kay Josh nang nakangiti. Seryosong sinagot ni Josh ang tanong, "May malaking nangyari! Nalaman ng Bloodshed Clan na maraming tao mula sa abandoned world ang nakapasok sa lugar na ito nitong nakaraang dalawang. Buwan. Hindi lamang ito isa o dalawa, anim na daang libong tao sila!" "Nasa anim na daang libong tao?" Nang marinig ito ng dalawang clan master, nabigla sila. Sinong mag-aakalang ganito karaming tao ang makakapasok mula sa abandoned world? "Hindi ka naman siguro seryoso, tama? Sobrang dami talagang nakapasok?" Tinanong ni Master Loader si Josh pagkatapos itong pag-isipan. "Oo nga pala, dahil natuklasan ng Bloodshed Clan ang mga ito, wala ba silang ginawa tungkol dito? Sobrang dami nila! Hindi natin pwedeng hayaan ang mga ito na p
Hindi nagtagal, kwinento ni Josh ang buong sitwasyon sa dalawang clan masters mula sa umpisa hanggang sa dulo. "Hindi ko talaga inaasahan yun! Paanong siyang lumakas nang napakabilis sa ganito kaikling panahon? May nakuha sigurong treasure ang batang yun, isang napakapambihira at mahalagang treasure!" Puno ng emosyon ang mukha ni Master Loador. Pagkatapos itong pag-isipan sandali, nagsalita siya, "Kailangan nating patayin ang batang yun! Kapag hinayaan natin siyang mabuhay, tiyak na magdadala siya ng gulo sa Alliance Guard balang araw!" "Oo! Tama ka! Kapag hindi napatay ang batang to, magiging walang katapusan ang problema natin!" Tumango si Master Loador nang may matinding pagsang-ayon. "Sirs, ako ay…" Naging kakaiba ang mukha ni Josh habang pinakinggan niya ang dalawang clan master. "Nagpunta ako rito para ipaalam sa inyo ang sitwasyon para makapunta kayo sa natitirang malalaking clan para magsagawa ng meeting nang mapag-usapan ang bagay na'to! At saka, may gusto ako
Hindi nagtagal ay umalis si Josh sa hall kasama ng mga tao niya at lumipad pabalik sa clan niya. Nang nakalipad na sila nang ilang distansya papalayo, lumapit ang First Elder ng Sword King Clan at nagtanong, "Master, anong iniisip mo kanina? Bakit mo sila sinubukang pakiusapan na pabayaan na lang ang mga taga-labas? Alam na alam mo na pinapahalagahan ng anim na clans ng Alliance Guard ang imahe at reputasyon nila higit sa lahat! Lalo pa ngayon na ang isang maliit na clan—ang Bloodshed Clan—na nasa ilalim nila ay nabura nang basta-basta na lang. Paano nila to pababayaan?" Lumapit rin kay Josh ang second elder at nagsabing, "Tama siya, Master. Baka magalit sila dito at hindi ka na nila respetuhin sa hinaharap. Ang layunin lang natin ay ipaalam sa kanila ang sitwasyon at hindi magbigay ng ideya, dahil sa huli, magsasagawa sila ng meeting para pagdesisyonan ang susunod na gagawin, di ba?" Walang nagawa si Josh kundi ngumiti, "Hindi niyo naiintindihan, ano? Ang batang yun, si Fane,
Maraming tao ang may inggit sa kanilang mga mata nung tinignan nila sila Fane, Selena, at Daniella.Lalo na, paano naman sila hindi maiingit sa kanya kung may dalawang magandang babae siyang kasama sa shopping trip na ito.Pagkatapos nilang kumain na tatlo, nagdadalawang isip pa si Daniella na umuwi.“Hindi mo ba nakita ang pag-aalangan sa mukha ni Daniella? Sa tingin ko ay mabuti pang samahan mo muna siya ngayon gabi sa kwarto niya!” Pagkatapos nilang bumalik sa kanilang kwarto, inirapan ni Selena si Selena at sinabi ito.Hindi inaasahan, napasimangot si Fane at sinabi kay Selena, “Mahal, palagi kong nararamdaman na parang may mali kay Daniella pero hindi ko lang talaga matukoy kung ano ito!”“Anong problema?” Naguluhan si Selena.“Hindi ko matukoy eh. Siya nga pala, nung hinawakan ko ang kamay niya nitong nagshopping tayo ng magkasama, namumula siya ng husto. Isa siyang mahiyain na birhen at pakiramdam ko ay parang may mali!” Naisip ito ni Fane bago niya sinabi ang kanyang susp
Nagpatuloy si Fane sa pag-cultivate ng pills pagkatapos magpahinga ng isang araw.Tulad ng inaasahan niya, sa wakas ay meron na siyang sampung third-grade premium pills matapos ang tatlong araw.At para naman sa kanyang fighting prowess, isang hakbang na lang siya para marating ang eighth-grade ultimate god realm.Nagsanay siya ng isang buong araw at nakarating sa eighth-grade ultimate god realm. Pagkatapos niyang masanay sa kanyang kalagayan, direkta niyang ginamit ang third-grade premium pills at nagsanay ng mag-isa.Pagkatapos na magsanay ng mag-isa sa loob ng apat na araw, ang oras para sa election ng pavilion master ay palapit na ng palapit. Hindi nag-aksaya ng panahon si Austin. Binalak din niya na makausap si Fane at nagpanggap na magtatanong lang ito ng ilang mungkahi para sa isang bagong pavilion.“Kakaiba ito. Miss Selena, bakit bihira naman makita si Fane na lumabas ng bahay? Hindi ba’t masyado najman ata siyang masipag?” Nung nakarating siya sa may bakuran, mapait na
Matapos manlaban ng bola ng liwanag ng dalawa hanggang tatlong segundo, huminto na ito sa paggalaw at pumasok sa kamay ni Fane. Sa mga sandaling ito, nagsimulang umugong ang lugar at mukhang paalis na ito.Tumingin muna si fane bago niya inilahad ang kanyang kamay ng mabilis at kaagad na nahuli ang kulay asul na bola ng liwanag.Nanlaban ang bola ng liwanag ng dalawang beses bago ito huminto. Pagkatapos ay direkta itong pumasok sa katawan ni Fane at ang paligid ay tuluyan nang gumuho. Nadiskubre ito ni Fane at umalis na sa lugar na iyon. Minulat ni Fane ang kanyang mga mata at kaagad na tumingin sa kanyang katawan. Nadiskubre niya na dalawang magkaibang enerhiya ang umiikot sa sentro ng kanyang katawan.Sigurado na nga, nakarating na din ang kanyang fighting prowess sa first-stage soul-penetrating level sa mga sandaling ito.Kaagad na sinubukan ni Fane ang isa sa mga enerhiya at pinakita ito sa kanyang ugat. Nadiskubre niya na may maliit na kislap ang lumitaw sa kanyang palad a
"Hiss!" Huminga nang malalim si Selena nang marinig iyon, iniisip niya kung nagkamali lang siya ng rinig. Sa hindi inaasahan, nakarating na si Fane sa First-grade soul-penetrating level sa loob lang ng maikling panahon. "Ang galing! Mukhang nakagawa ka na rin ng third-grade premium pill. Ngayon na nasa First-grade soul-penetrating level ka na, madali na lang para sa'yo na pumatay ng taong nasa Second-grade soul-penetrating level!" Sobrang nasabik si Serena. Lalo na't hindi madaling makarating sa soul-penetrating level dahil isa itong mahalagang realm. Kaya ni Fane na pumatay ng mga master na nasa First-grade soul-penetrating level noong nasa Seventh-grade ultimate god level pa lang siya. Pagkatapos makarating sa First-grade soul-penetrating level, magiging mas madali para sa kanya na pumatay ng mga nasa Second o Third-grade soul-penetrating level. Tumawa si Fane at napuno ng pag-asa sa hinaharap. "Haha… Tiyak na ako ang magiging pavilion master. Kapag ako na ang pavilion master,