"Kumusta na po ang kalagayan ng kapatid ko, Doc?" tanong ni Celeste sa doktor ng kanyang kapatid pagkatapos ng operasyon. Nasa school siya habang inooperahan si Celes kaya sa opisina ng doktor na lamang siya nagpunta para alamin ang kalagayan ng kapatid niya.
"Successful ang operasyon ng kapatid mo, Celeste. Ngunit bagama't nakaligtas siya sa panganib ay kailangan pa rin niyang manatili sa hospital para sa iba pang obserbasyon," sagot nito kay Celeste. "Naiintindihan ko po, Doc. At maraming salamat sa successful na operasyon niyo kay Celes," maluha-luhang pasasalamat ni Celeste sa doktor. "Huwag kang magpasalamat sa akin kundi kay Doctor Raff Alcantara. Siya ang nag-opera sa kapatid mo," pagtatama ng doktor sa maling inaakala ni Celeste. "Masyadong sensitive ang case ng kapatid mo at kailangang expert surgeon ang mag-opera sa kanya. At hindi ko kaya iyon. Tanging si Dr. Alcantara lamang ang makakagawa ng himala na kagaya ng pag-oopera sa kapatid mo." "Dr. Alcantara?" Sa loob ng apat na buwan na pananatili ng kapatid ni Celeste sa hospital na iyon ay ngayon lamang nito narinig ang pangalan ng doktor na iyon. "Ngayon ko lang yata narinig ang pangalan niya, Doc." "Doctor Raff Alcantara was the owner of this hospital, Celeste. At kaya ngayon mo lang narinig ang pangalan niya dahil one week pa lamang siya magmula nang dumating siya galing Europe. Doon siya nag-aral at nagkamit ng maraming parangal bilang pinakabatang surgeon. Ngayon ay nandito na siya sa bansa natin para pangasiwaan ang hospital at iba oang mga negosyo na iniwan sa kanya ng yumao niyang mga magulang," mahabang paliwanag ng doktor kay Celeste. Tumango-tango lamang si Celeste at hindi nagkomento sa mga sinabi ng doktor. Matapos alamin mula sa doktor kung saan ang opisina ni Dr. Alcantara ay lumabas na siya sa opisina nito para naman puntahan ang doktor na nag-opera sa kapatid niya. Nais niyang magpasalamat ng personal sa doktora na iyon. Pagdating ni Celeste sa tapat ng opisina ni Dr. Alcantara ay eksakto namang may nurse na palabas mula sa loob. "Nasa loob po ba si Dr. Alcantara? Gusto ko lang sana siyang makausap," magalang na tanong ni Celeste sa nurse. Nagtaka siya nang tumaas ang isa nitong kilay matapos siyang suyurin ng tingin mula ulo hanggang paa. Napatanong tuloy siya sa kanyang sarili kung may mali ba sa hitsura niya. "Busy si Doctor Alcantara kaya bumalik ka na lamang. At hindi ka puwedeng pumasok kung wala kang naka-schedule na appointment sa kanya," may inis ang boses na sagot ng nurse kay Celeste. "Isa na namang babaeng nagnanais na makuha ang atensiyon ni Doctor Alcantara," dugtong ng nurse sa mahinang boses. Hindi nagustuhan ni Celeste ang sinabing iyon ng nurse lalo na ang panghuli ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili na supalpalim ito. Hindi niya alam kung bakit nito sinabi iyon gayong gusto lang naman niyang magpasalamat sa doktor na nag-opera sa kapatid niya. "Pakisabi na lang na maraming salamat sa pag-oopera niya sa kapatid kong si Celes Ferrer." Ipinaabot na lamang ni Celeste sa nurse ang pasasalamat niya kay Doctor Alcantara. Wala naman kasi siyang appointment sa doctor na iyon kaya tiyak na hindi siya makakapasok sa loob. Pagkatapos sabihin sa nurse ang ipinasasabi ni Celeste kay Doctor Alcantara ay umalis na siya at nagtungo sa silid ng kanyang kapatid. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay ngunit sinigurado naman sa kanya ni Doctor Zaragoza na pansamantalang ligtas na ang kapatid niya. Yes. Pansamantala lamang dahil nangangailangan pa ito ng isa pang operasyon sa puso. At dahil hindi kakayanin ng katawan ni Celes ang magkasabay na operasyon kaya ilang buwan muna ang dapat na palipasin bago ito maoperahan ulit. May mga nurse na nagbabantay kay Celes sa hospital kaya hindi niya kailangan ang manatili sa loob ng silid nito ng matagal. May oras lamang ang pagdalaw niya sa kapatid. Matapos ang oras ng pagdalaw niya ay lumabas na siya sa hospital para umuwi sa bahay nila. May dinner date sila ni Dex mamaya at susunduin siya nito sa bahay nila. Dex is her boyfriend of two months. Ka-schoolmate niya ito sa university na pinapasukan niya. Dalawang taon itong nanligaw sa kanya bago niya ito sinagot. Mabait si Dex at ilang beses na rin siyang tinulungan nito sa gastusin sa kapatid niya. Pero kahit mabait ito ay nag-aalala pa rin siya na baka magalit ito at ikahiya siya kapag natuklasan nito ang ginawa niya para lamang makakuha ng malaking pera. Malakas na ipinilig ni Celeste ang kanyang ulo para mawaglit sa isip niya kung paano siya nagkaroon ng pera pampa-opera kay Celes. Ang bahaging iyon ng buhay niya ang ayaw na niyang maalala kahit na kailan. At lihim niyang ipinagdarasal na sana ay manatiling lihim na lamang ang ginawa niyang iyon habam-buhay. Pagdating ni Celeste sa bahay nila ay agad siyang naligo at nag-aplay ng light makeup. Isang simpleng cocktail dress ang isinuot niya. Eksaktong tapos na siyang mag-ayos nang marinig niya ang busina ng kotse ni Dex. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay para huwag nang pumasok sa bahay nila ang kanyang boyfriend. "Wow! You're simple yet very beautiful, Babe," humahangang puri ni Dex sa hitsura ni Celeste nang bumaba ito sa kotse nito para pagbuksan siya ng pintuan. Isa iyon sa mga ugali na gusto niya kay Dex. Maliban sa maalalahanin ay gentleman pa siya. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit nahulog ang loob niya sa kanya. Hindi man masasabi ni Celeste na mahal na mahal niya si Dex ngunit natitiyak niyang may pitak ito sa kanyang puso. "Huwag mo na akong bolahin at baka mas lalo lamang lumaki ang ulo ko," natatawang sagot ni Celeste sa boyfriend niya bago pumasok sa loob ng kotse nito. Ang problema ni Celeste tungkol sa pera at pangha-harassed sa kanya ng mga pinagkakautangan ng kanyang ama ay inilihim niya kay Dex. Ayaw niya kasi na mag-alala ito sa kanya. At malaman man nito na kailangan niya ng malaking pera ay wala naman itong maitutulong sa kanya dahil pareho pa lang silang college students. Kaya mas mabuti na inilihim niya sa boyfriend niya ang ginawa niya dahil natitiyak niya na hindi nito matatanggap iyon. Hindi naman kasi talaga katanggap-tanggap ang ginawa niya. Ngunit kapit siya sa patalim kaya pilit-matang pinasok niya ang bagay na iyon. "Totoo naman ang sinabi ko. You're really beautiful, Babe. Mananalo ka bang Miss Campus kung hindi ka maganda?" "Okay, fine. Naniniwala na ako. Umalis na tayo bago pa hindi magkasya ang ulo ko sa loob ng sasakyan mo," biro niya kay Dex. Natatawang pinasibad naman nito ang kotse paalis sa harapan ng bahay nila. Napakunot ang noo ni Celeste nang sa halip na sa restaurant ay huminto sa tapat ng malaking bahay ang kotse ni Dex. "Here we are." Naunang bumaba si Dex sa kotse pagkatapos ay lumigid at pinagbuksan siya ng pintuan. "Kaninong bahay ito? Akala ko ba ay magdi-dinner tayo sa isang restaurant?" tanong ni Celeste habang lumalabas sa kotse. "This is my uncle's house. Tonight is his welcome party kaya naisipan kitang dalhin dito para ipakilala sa mga kamag-anakan ko," pagtatapat ni Dex sa kanya. Bigla siyang natahimik sa kanyang narinig. Hindi sa ayaw niyang makilala ang mga kamag-anak ni Dex ngunit hindi pa siya handa na makilala sila. "I'm sorry kung hindi ko sinabi agad sa'yo, Babe. But since nandito na tayo kaya pumasok na lang tayo sa loob." Huminga ng malalim si Celeste para pawiin ang inis na biglang bumangon sa kanyang dibdib para kay Dex. Since naroon na nga sila kaya no choice siya kundi sumama na lamang sa boyfriend niya sa loob ng bahay ng uncle nito. "Oh, Dex! You're finally here, Son. Kanina ka pa hinihintay ng Uncle Raff mo," salubong sa kanila ng babaeng glamorosa ang postura. Narinig notang binanggit nito ang salitang "son" kaya nahuhulaan niyang ito ang ina ni Dex. Biglang kinabahan si Celeste nang maglaho ang matamis na ngiti sa mga labi ng ina ni Dex nang mapansin siya. At si Dex naman, sa halip na ipakilala siya sa ina nito ay inuna pang tawagin ang uncle nitong nakatalikod. "Uncle Raff, welcome home!" Iniwan ni Dex si Celeste para yakapin ang uncle nito. Nakaramdam ng pagkairita si Celeste ngunit mabilis niya itong itinago sa mga kamag-anak ni Dex na nakatingin sa kanya. Nang mapatingin si Celeste sa mukha ng uncle ni Dex na yakap nito ay biglang namutla ang mukha niya nang makilalang ito ang lalaking nakaniig niya noong gabi ng auction night!Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lamang ay inalok ng kasal si Celeste ni Raff at ngayon ay mag-asawa na silang dalawa. Yes. Mag-asawa na sila ni Raff dahil pumayag siya sa offer nito na hiwalayan ang boyfriend niya at maging asawa nito. Hindi dahil mukhang mas mayaman si Raff at hindi na niya mahal si Dex kundi dahil sa mga benefits na sinabi nito sa kanya.Si Raff ang gagasto sa lahat ng mga gastusin sa hospital ng kapatid niya. Kasama na ang gamot para sa maintenance nito at gasto sa isa pang operasyon nito sa puso.Masakit ang dibdib ni Celeste dahil ipinagpalit niya si Dex. Napakabait sa kanya nito ngunit nagawa niya itong saktan. Pero para sa ikabubuti ng kapatid niya ang ginawa niya at iyon na lamang ang pilit niyang itinatanim sa kanyang isip para alisin ang guilt na nararamdaman niya sa kanyanhmg sarili."Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Raff habang nakasakay sila sa kotse nito pauwi sa bahay nito. "Ha?" nabiglang sagot niya. Iniiwas niya ang tingin sa mukha ni Raff dah
"So, what are you going to—"Biglang natakpan ni Celeste ang bibig ni Raff gamit ang kanyang palad. "Shut up." Magkahalo ang inis at pag-aalala sa boses ni Celeste. Nag-aalala siya na baka marinig ni Dex ang boses ni Raff at malaman nitong nasa loob ito ng banyo kasama niya. Kabaliktaran naman ang hitsura ni Raff na para bang balewala lamang sa lalaki kung makita man ni Dex na nasa loob ito ng banyo kasama ang girlfriend nito. Inalis nito ang kamay ni Celeste na nakatakip sa bibig nito at nang-iinis na hinalikan pa iyon. Natampal ng mahina ni Celeste ang braso ni Raff dahil sa inis. At para na rin pagtakpan ang biglang pamumula ng kanyang pisngi. "Are you okay, Celeste?" Nasa boses na ni Dex ang pag-aalala nang hindi agad sumagot si Celeste sa unang pagtawag nito."Yes. I am okay. Lalabas na ako. Bumalik ka na sa mesa at baka hanapin ka pa ng Mom mo. Susunod na ako." Kahit na wala namang kasalanan si Celeste kung bakit nasa loob ng banyo at kasama niya ang uncle ni Dex ay nakadama
Pakiramdam ni Celeste ay gusto na niyang tumakbo palabas ng bahay ni Raff. Hindi niya akalain na muling magtatagpo ang mga landas nila ng lalaking unang nakaangkin sa kanyang katawan.Nang magising si Celeste noong umaga matapos ang mainit na pagtatalik nila ni Raff ay may nakita siyang check na nagkakahalaga ng limang milyon sa kanyang kamay. Naisip niya na bayad iyon sa kanya ng lalaki kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin iyon.Since hindi ang matandang milyonaryo ang nakaniig ni Celeste kaya natitiyak niyang hindi ibibigay ng matandang iyon ang limang milyon na bayad nito para sa isang gabing kasama siya sa kama. Mas mabuti nga na ibinenta niya ang katawan niya sa isang bata at guwapong lalaki kaysa sa isang matandang hukluban. Ngunit hindi niya inaakala na ang lalaking iyon pala at ang uncle ng boyfriend niya ay iisa. What a small world!"Who is the girl with you, Dex?" tanong ni Raff kay Dex habang matiim na nakatitig kay Celeste.Agad namang kumalas si Dex sa pagkakayakap sa
"Kumusta na po ang kalagayan ng kapatid ko, Doc?" tanong ni Celeste sa doktor ng kanyang kapatid pagkatapos ng operasyon. Nasa school siya habang inooperahan si Celes kaya sa opisina ng doktor na lamang siya nagpunta para alamin ang kalagayan ng kapatid niya."Successful ang operasyon ng kapatid mo, Celeste. Ngunit bagama't nakaligtas siya sa panganib ay kailangan pa rin niyang manatili sa hospital para sa iba pang obserbasyon," sagot nito kay Celeste."Naiintindihan ko po, Doc. At maraming salamat sa successful na operasyon niyo kay Celes," maluha-luhang pasasalamat ni Celeste sa doktor. "Huwag kang magpasalamat sa akin kundi kay Doctor Raff Alcantara. Siya ang nag-opera sa kapatid mo," pagtatama ng doktor sa maling inaakala ni Celeste. "Masyadong sensitive ang case ng kapatid mo at kailangang expert surgeon ang mag-opera sa kanya. At hindi ko kaya iyon. Tanging si Dr. Alcantara lamang ang makakagawa ng himala na kagaya ng pag-oopera sa kapatid mo." "Dr. Alcantara?" Sa loob ng apat
Hindi mabilang ni Celeste kung ilang beses na siyang humugot ng malalim na buntong-hininga habang nakaupo sa silya at ina-aplayan ng makeup ng babaeng tinatawag na "Mamie" ng mga babaeng nasa silid kung saan naroon din siya. Nakasuot siya ng manipis at see through na pulang damit kaya kitang-kita ang dalawang kapiranggot na tela na siyang tumatakip sa kanyang pang-itaas at pang-ibabang private parts. Kitang-kita rin ang magandang hubog ng katawan niya na suguradong pag-aagawan ng mga bidders mamaya sa auction. "Napakaganda mo, Amara. Ang suwerte ko dahil ako ang nilapitan mo para ipa-auction ang katawan mo. Mabebenta ka ng mataas na halaga kaya malaki rin ang komisyon ko," tuwang-tuwa na komento ni Mamie habang binibistahan ang kagandahan na nasa harapan nito. Sa mata nito ay isa lamang mahalagang bagay si Celeste a.k.a Amara. Mahalagang bagay na tiyak magdadala sa kanya ng malaking pera sa gabing iyon. Hindi bukal sa loob ni Celeste ang gagawin niyang iyon. Ngunit kapit siya sa p