"So, what are you going to—"
Biglang natakpan ni Celeste ang bibig ni Raff gamit ang kanyang palad. "Shut up." Magkahalo ang inis at pag-aalala sa boses ni Celeste. Nag-aalala siya na baka marinig ni Dex ang boses ni Raff at malaman nitong nasa loob ito ng banyo kasama niya. Kabaliktaran naman ang hitsura ni Raff na para bang balewala lamang sa lalaki kung makita man ni Dex na nasa loob ito ng banyo kasama ang girlfriend nito. Inalis nito ang kamay ni Celeste na nakatakip sa bibig nito at nang-iinis na hinalikan pa iyon. Natampal ng mahina ni Celeste ang braso ni Raff dahil sa inis. At para na rin pagtakpan ang biglang pamumula ng kanyang pisngi. "Are you okay, Celeste?" Nasa boses na ni Dex ang pag-aalala nang hindi agad sumagot si Celeste sa unang pagtawag nito. "Yes. I am okay. Lalabas na ako. Bumalik ka na sa mesa at baka hanapin ka pa ng Mom mo. Susunod na ako." Kahit na wala namang kasalanan si Celeste kung bakit nasa loob ng banyo at kasama niya ang uncle ni Dex ay nakadama pa rin siya ng guilt sa boyfriend niya. Nadagdagan kasi ang sekretong itinatago niya kay Dex. "Okay. Babalik na ako sa mesa. Bilisan mo para makakain ka na at makaalis na tayo," sabi ni Dex bago naglakad palayo sa banyo. Bahagyang binuksan ni Celeste ang pintuan para silipin kung umalis na nga si Dex sa tapat ng pintuan ng banyo. Nakahinga siya ng maluwag nang makasiguro na wala na nga ito. Seryoso ang mukha na binalingan ni Celeste si Raff na nakatitig lamang sa kanya. "Kung anuman ang nangyari sa atin ay umaasa akong itatago mo na lamang iyon lalong-lalo na sa pamangkin mo. Ayaw mo naman siguro na masaktan siya dahil sa'yo." "At sa tingin mo ay hahayaan ko na patuloy mo siyang lokohin? You're wrong, Celeste. Nagkamali ka ng taong lolokohin mo," madilim ang mukha na sagot ni Raff. Naglaho na sa mukha nito ang mapang-asar na ngiti na kanina lamang ay nakadisplay sa mga labi nito. "Hindi ko niloloko si Dex. Mahal ko ang pamangkin mo," mariing giit ni Celeste. "Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa mga sinasabi mo? Tama ang ina ni Dex. Ang babaeng katulad mo ay pera lamang ang habol sa pamangkin ko. At hindinv-hindi hahayaan na patuloy mo siyang mahuthutan ng pera." Biglang bumigat ang pakiramdam ni Celeste. Aminin man niya o hindi ay nasaktan siya na ganoon kaliit ang tingin sa kanya ni Raff. "It's up to you," matamlay ang boses na sabi niya bago tuluyang lumabas ng banyo. Nang makabalik siya sa mesa ay agad na niyang niyaya si Dex na umalis na sila kahit na hindi pa man siya nakakakain. Agad namang nagpaalam si Dex sa ina nito at mga kamag-anak bago hinawakan ang kamay ni Celeste at hinila palabas ng bahay. Nasalubong nila si Raff na pabalik na sa table ngunit mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa kanya. Si Dex naman ay saglit na nagpaalam sa uncle nito bago tuluyan kaming lumabas ng bahay na iyon ni Raff. "I'm sorry, Celeste. I'm really sorry about what happened," agad na paumanhin ni Dex pagkapasok nila sa kotse nito. "Please, ayokong pag-usapan ang tungkol sa nangyari," pakiusap niya. Nirespeto naman ni Dex ang pakiusap niya kaya tumahimik na lamang ito at hinayaan siyang mag-isip. Pagdating nila sa tapat ng bahay niya ay hindi na siya naghintay pa na pagbuksan siya ni Dex ng pintuan. Agad na siyang bumaba at nagpaalam sa boyfriend niya. "Bye. Ingat sa pagmamaneho." Nakita ni Celeste na may gusto sanang sabihin si Dex ngunit hindi na lamang nagsalita nang makitang mabilis siyang tumalikod at naglakad palapit sa pintuan ng bahay niya. Pagkapasok ni Celeste sa bahay nila ay mabigat ang katawan na naupo siya sa sofa. Hindi maalis-alis sa kanyang isip ang mukha ni Raff. Bakit ba kasi kailangan pang uncle siya ng kanyang boyfriend? Pinaglalaruan yata siya ng tadhana. Ayaw nitong matapos ang kanyang problema. Dahil sa nangyari sa bahay ng uncle ni Dex ay bahagyang dumistansiya si Celeste sa kanya. Gusto niyang bigyan ng oras ang sarili niya para mag-isip kung nakahanda ba siyang ipaglaban sa pamilya ni Dex ang pag-ibig niya sa kanya. Maraming hadlang sa relasyon nila at puro pa mayayaman. Hindi niya alam kung kakayanin niya silang labanan alang-alang sa nararamdaman niya para sa kanyang boyfriend. Pagkatapos ng klase ni Celeste ay agad siyang umalis sa school para maiwasan si Dex. Nagtungo siya sa hospital para kamustahin ang kalagayan ng kapatid niya. Naging busy siya para sa kanilang last term exam kaya ngayon na lang ulit siya makakadalaw sa kapatid niya. Malaki nga ang pasasalamat niya dahil mababait ang mga nurse at doktor na tumitingin kay Celes kaya hindi niya kailangang banatayan ito araw-araw. Nagagawa niyang pumasok sa school at sa kanyang part-time job bilang cashier sa isang coffee shop. Ang perang ibinayad sa kanya ni Raff kay Celeste kapalit ng kanyang virginity ay ubos na. Naubos na dahil ang mamahal ng gamot ni Celes at pati na rin ang hospital bill nito. Naka-solo room at aircon kasi ang room ni Celes dahil hindi siya puwedeng ihalo sa ibang mga pasyente kaya mahal ang room nila lalo pa at nasa private hospital ito naka-confine. Ni hindi nga nagawang bayaran ni Celeste ang loan shark na nangha-harassed sa kanya dahil hindi na sasapat ang pera niya. Nag-iingat na lamang siya na hindi siya makita ng mga taong siya ang sinisingil kahit ang ama naman niya ang may utang sa kanila. Pagpasok ni Celeste sa kuwarto ng kanyang kapatid ay muntik na siyang tumakbo palabas nang makita si Raff na nasa loob ng silid. Napakunot ang noo niya nang makitang nakasuot ito ng uniform ng isang doktor. "Ano ang ginagawa mo sa silid ng kapatid ko? At bakit ganyan ang suot mo? Isa ka bang doktor sa hospital na ito?" Isinatinig ni Celeste ang katanungan na nasa kanyang isip. Bago pa man makasagot si Raff ay pumasok si Alaine, ang nurse na nag-aalaga sa kapatid niya. "Nandito ka pala, Celeste. Mabuti naman para makilala mo ang doktor na nag-opera sa kapatid mo. Siya ay walang iba kundi si Doctor Raff Alcantara. Ang doktor na nasa harapan mo." Nakangiting ipinakilala ni Alaine kay Celeste ang ipinagmamalaking doktor ng hospital na iyon. "Doc Alcantara. Siya ang kapatid ni Celes, si Celeste." "You don't have to introduce us because we already know each other," sagot ni Raff kay Alaine samantalang si Celeste naman ay tila nalunok nito ang dila dahil hindi ito makapagsalita sa labis na pagkabigla. Iniisip nito na totoo nga siguro na pinaglalaruan ito ng tadhana. "Check mo ang vitals ng pasyente pagkatapos ay ibigay mo sa akin ang result." "Yes, Doc," matamis ang pagkakangiti na sagot ni Alaine. Halatadong kinikilig ito sa guwapong doktor na nasa harapan nito. "We will meet again, Celeste," sabi ni Raff bago ito lumabas sa silid ng kapatid niya. Sa pandinig niya ay pagbabanta ang sinabi ni Raff sa kanya. Tama nga si Raff na magkikita pa silang muli ni Celeste dahil ilang araw lamang makalipas ang pagkikita nila sa silid ni Celes ay muli silang nagkita sa loob mismo ng opisina ni Raff. Pinuntahan niya si Raff para tanungin tungkol sa kalagayan ng kapatid niya. "Okay na po ba ang kapatid ko? Hindi na ba malalagay sa panganib ang buhay niya bago ang pangalawa niyang operasyon?" "Huwag kang mag-alala, Celeste. Hangga't nasa kamay ko ang buhay ng kapatid mo ay walang masamang mangyayari sa kanya," paniniguro ni Raff nang makita ang labis na pag-aalala sa mukha ni Celeste. "Maraming salamat, Doctor Alcantara. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang malaking utang na loob ko sa'yo." Hindi lang kasi ang pagliligtas nito sa buhay ng kapatid ni Celeste ang utang na koob na tinutukoy niya kundi pati na rin ang pagtatago nito ng katotohanan kay Dex tungkol sa namagitan sa kanilang dalawa nang gabing iyon. Nananantiyang tinitigan siya ni Raff ng seryoso bago ito muling nagsalita. "Kung gusto mo talagang mabayaran ang utang na loob mo sa akin ay hiwalayan mo si Dex at magpakasal ka sa akin, Celeste."Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lamang ay inalok ng kasal si Celeste ni Raff at ngayon ay mag-asawa na silang dalawa. Yes. Mag-asawa na sila ni Raff dahil pumayag siya sa offer nito na hiwalayan ang boyfriend niya at maging asawa nito. Hindi dahil mukhang mas mayaman si Raff at hindi na niya mahal si Dex kundi dahil sa mga benefits na sinabi nito sa kanya.Si Raff ang gagasto sa lahat ng mga gastusin sa hospital ng kapatid niya. Kasama na ang gamot para sa maintenance nito at gasto sa isa pang operasyon nito sa puso.Masakit ang dibdib ni Celeste dahil ipinagpalit niya si Dex. Napakabait sa kanya nito ngunit nagawa niya itong saktan. Pero para sa ikabubuti ng kapatid niya ang ginawa niya at iyon na lamang ang pilit niyang itinatanim sa kanyang isip para alisin ang guilt na nararamdaman niya sa kanyanhmg sarili."Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Raff habang nakasakay sila sa kotse nito pauwi sa bahay nito. "Ha?" nabiglang sagot niya. Iniiwas niya ang tingin sa mukha ni Raff dah
"So, what are you going to—"Biglang natakpan ni Celeste ang bibig ni Raff gamit ang kanyang palad. "Shut up." Magkahalo ang inis at pag-aalala sa boses ni Celeste. Nag-aalala siya na baka marinig ni Dex ang boses ni Raff at malaman nitong nasa loob ito ng banyo kasama niya. Kabaliktaran naman ang hitsura ni Raff na para bang balewala lamang sa lalaki kung makita man ni Dex na nasa loob ito ng banyo kasama ang girlfriend nito. Inalis nito ang kamay ni Celeste na nakatakip sa bibig nito at nang-iinis na hinalikan pa iyon. Natampal ng mahina ni Celeste ang braso ni Raff dahil sa inis. At para na rin pagtakpan ang biglang pamumula ng kanyang pisngi. "Are you okay, Celeste?" Nasa boses na ni Dex ang pag-aalala nang hindi agad sumagot si Celeste sa unang pagtawag nito."Yes. I am okay. Lalabas na ako. Bumalik ka na sa mesa at baka hanapin ka pa ng Mom mo. Susunod na ako." Kahit na wala namang kasalanan si Celeste kung bakit nasa loob ng banyo at kasama niya ang uncle ni Dex ay nakadama
Pakiramdam ni Celeste ay gusto na niyang tumakbo palabas ng bahay ni Raff. Hindi niya akalain na muling magtatagpo ang mga landas nila ng lalaking unang nakaangkin sa kanyang katawan.Nang magising si Celeste noong umaga matapos ang mainit na pagtatalik nila ni Raff ay may nakita siyang check na nagkakahalaga ng limang milyon sa kanyang kamay. Naisip niya na bayad iyon sa kanya ng lalaki kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin iyon.Since hindi ang matandang milyonaryo ang nakaniig ni Celeste kaya natitiyak niyang hindi ibibigay ng matandang iyon ang limang milyon na bayad nito para sa isang gabing kasama siya sa kama. Mas mabuti nga na ibinenta niya ang katawan niya sa isang bata at guwapong lalaki kaysa sa isang matandang hukluban. Ngunit hindi niya inaakala na ang lalaking iyon pala at ang uncle ng boyfriend niya ay iisa. What a small world!"Who is the girl with you, Dex?" tanong ni Raff kay Dex habang matiim na nakatitig kay Celeste.Agad namang kumalas si Dex sa pagkakayakap sa
"Kumusta na po ang kalagayan ng kapatid ko, Doc?" tanong ni Celeste sa doktor ng kanyang kapatid pagkatapos ng operasyon. Nasa school siya habang inooperahan si Celes kaya sa opisina ng doktor na lamang siya nagpunta para alamin ang kalagayan ng kapatid niya."Successful ang operasyon ng kapatid mo, Celeste. Ngunit bagama't nakaligtas siya sa panganib ay kailangan pa rin niyang manatili sa hospital para sa iba pang obserbasyon," sagot nito kay Celeste."Naiintindihan ko po, Doc. At maraming salamat sa successful na operasyon niyo kay Celes," maluha-luhang pasasalamat ni Celeste sa doktor. "Huwag kang magpasalamat sa akin kundi kay Doctor Raff Alcantara. Siya ang nag-opera sa kapatid mo," pagtatama ng doktor sa maling inaakala ni Celeste. "Masyadong sensitive ang case ng kapatid mo at kailangang expert surgeon ang mag-opera sa kanya. At hindi ko kaya iyon. Tanging si Dr. Alcantara lamang ang makakagawa ng himala na kagaya ng pag-oopera sa kapatid mo." "Dr. Alcantara?" Sa loob ng apat
Hindi mabilang ni Celeste kung ilang beses na siyang humugot ng malalim na buntong-hininga habang nakaupo sa silya at ina-aplayan ng makeup ng babaeng tinatawag na "Mamie" ng mga babaeng nasa silid kung saan naroon din siya. Nakasuot siya ng manipis at see through na pulang damit kaya kitang-kita ang dalawang kapiranggot na tela na siyang tumatakip sa kanyang pang-itaas at pang-ibabang private parts. Kitang-kita rin ang magandang hubog ng katawan niya na suguradong pag-aagawan ng mga bidders mamaya sa auction. "Napakaganda mo, Amara. Ang suwerte ko dahil ako ang nilapitan mo para ipa-auction ang katawan mo. Mabebenta ka ng mataas na halaga kaya malaki rin ang komisyon ko," tuwang-tuwa na komento ni Mamie habang binibistahan ang kagandahan na nasa harapan nito. Sa mata nito ay isa lamang mahalagang bagay si Celeste a.k.a Amara. Mahalagang bagay na tiyak magdadala sa kanya ng malaking pera sa gabing iyon. Hindi bukal sa loob ni Celeste ang gagawin niyang iyon. Ngunit kapit siya sa p