Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lamang ay inalok ng kasal si Celeste ni Raff at ngayon ay mag-asawa na silang dalawa. Yes. Mag-asawa na sila ni Raff dahil pumayag siya sa offer nito na hiwalayan ang boyfriend niya at maging asawa nito. Hindi dahil mukhang mas mayaman si Raff at hindi na niya mahal si Dex kundi dahil sa mga benefits na sinabi nito sa kanya.
Si Raff ang gagasto sa lahat ng mga gastusin sa hospital ng kapatid niya. Kasama na ang gamot para sa maintenance nito at gasto sa isa pang operasyon nito sa puso. Masakit ang dibdib ni Celeste dahil ipinagpalit niya si Dex. Napakabait sa kanya nito ngunit nagawa niya itong saktan. Pero para sa ikabubuti ng kapatid niya ang ginawa niya at iyon na lamang ang pilit niyang itinatanim sa kanyang isip para alisin ang guilt na nararamdaman niya sa kanyanhmg sarili. "Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Raff habang nakasakay sila sa kotse nito pauwi sa bahay nito. "Ha?" nabiglang sagot niya. Iniiwas niya ang tingin sa mukha ni Raff dahil nakaramdam din siya ng guilt sa kanya. Asawa na niya ito ngunit ibang lalaki ang laman ng isip niya. Dumilim ang mukha ni Raff at mariing hiwakan ang magkabila niyang pisngi. "Nagsisisi ka ba na nagpakasal ka sa akin? Gusto mo bang bumalik sa Civil Register at makipag-divorce sa akin?" matalim ang tingin na tanong ni Raff sa kanya. "O-Of course not! Iniisip ko lamang ang kalagayan ng kapatid ko kaya bigla akong nanahimik," mabilis niyang paliwanag. "I'm warning you, Celeste. Ngayon na mag-asawa na tayo ay ayokong may ibang lalaki kang iniisip. Masama akong magalit," nagbabanta ang boses na sabi nito sa kanya. "Nakipag-break ka na ba kay, Dex? Sinabi mo ba sa kanya ang tungkol sa ating dalawa?" Mabilis na umiling si Celeste. Kahapon lang siya inalok ni Raff ng kasal at ngayon sila ikinasal sa huwes kaya walang siyang time para makipag-break kay Dex. Hindi rin niya alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat. "Makikipag-break ako sa kanya pero bigyan mo lang ako ng time. Ayokong biglain siya," nakikiusap ang tinig na sabi niya kay Raff. "Bibigyan kita ng ing Linggo para makipag-break sa pamangkin ko. Kapag hindi mo nagawa iyon ay ako mismo ang magsasabi sa kanya ng tungkol sa ating dalawa." Akala ni Celeste na pakakawalan na ni Raff ang mukha niya ngunit hindi pala dahil bigla na lamang inangkin nito ang kanyang mga labi. Mahigpit na napakapit na lamang siya sa laylayan ng suot niyang bestida habang ekspertong ginagalugad ni Raff ang loob ng kanyang bibig. Magiging hypocrite si Celeste kung ipagkakaila niya na nadadala siya sa mga halik ni Raff. Magaling itong humalik. Wala siyang gaanong karanasan sa pakikipaghalikan ay nagagawa niyang sabayan ang mga labi nito. Si Raff ang first kiss niya. Noong gabi na may nangyari sa kanila sa auction house ay iyon ang unang beses na nahalikan siya sa labi ng isang lalaki. Sa pisngi lang kasi siya nagpapahalik kay Dex at hindi naman ito nagpumilit na mahalikan siya sa mga labi. Pareho silang naghahabol ng hininga nang sa wakas ay pinakawalan ni Raff ang kanyang mga labi. "You made me crazy, Celeste. Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginamit mo para magkaganito ako," mahinang anas ni Raff. Sapo ng magkabilang palad nito ang kanyang mga pisngi at nakadikit sa kanyang noo ang noo nito. Lihim na natuwa si Celeste sa sinabi ni Raff. Hindi niya alam na ganoon pala katindi ang epekto niya kay Raff. Akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis siyang umiwas at tumingin sa driver na pangiti-ngiti sa habang nagda-drive. Namula ang pisngi niya sa pagkapahiya kaya mabilis niyang itinulak palayo sa kanya si Raff. "Please behave yourself, Dr. Alcantara. Hindi lang tayo ang nasa loob ng sasakyan," nahihiyang wika ni Celeste kay Raff. Napailing naman si Raff at bahagyang natawa. "Why are you shy, Celeste? You are my wife now kaya wala kang dapat na ikahiya anuman ang gawin natin." "You—" Hindi na lamang itinuloy ni Celeste ang nais niyang sabihin sa halip ay nanahimik na lamang siya sa kinauupuan niya at itinuon sa labas ng bintana ang kanyang mga mata. Bakit nga ba siya mahihiya gayong in-auction nga niya ang katawan niya sa harapan maraming tao? Nanahimik at hindi na nagsalita pa si Celeste hanggang sa nakarating sila at nakapasok sa loob ng bahay ni Raff. "From now on, this house is also your house. Lahat ng nasa loob ng silid na ito ay sa'yo na. So you can do whatever you want," ani Raff matapos siyang dalhin nito sa isang malaking silid. "I need to perform an operation kaya babalik na ako sa hospital. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa akin at kay Aling Juana, our housekeeper." Tumango lamang si Celeste kay Raff bago lumabas ang huli sa silid. Pagkaalis ni Raff ay lumapit siya sa kama at ibinagsak ang katawan niya ng patihaya. Sobrang lambot ng kutson ng kama. Hindi katulad sa kama niya sa bahay nila ni Celes na medyo malambot lang at mainit pa sa likuran. Nakalayo talaga ng agway ng pamumuhay ng isang mayaman at mahirap. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Celeste dahil muli niyang naalala si Dex. Kinuha niya ang cell phone niya sa maliit niyang bag at akmang ida-dayal ang number ng cell phone ni Dex ngunit biglang nagbago ang isip niya. Parang hindi niya kayang sabihin sa kanya na hiwalay na sila. Naaawa siya kay Dex. Nag-type na lamang si Celeste ng break yp message para kay Dex. Ngunit nang isi-send na niya iyon ay hindi niya magawang pindutin ang send button. Inis na ibinagsak niya sa kama ang cell phone niya at ipinikit ang mga mata. Kailangan niyang makaisip ng magandang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa kanya. Ngunit gaano man kaganda ang dahilan na maiisip niya ay masasaktan pa rin niya ito lalo na kapag nalaman nitong asawa na siya ngayon ng uncle nito. Sa kakaisip ni Celeste ng magandang dahilan sa pakikipaghiwalay niya kay Dex ay hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Gabi na nang magising siya. Palagi siyang walang magandang tulog dahil sa kakaisip sa gastusin niya at sa kapatid niya kaya siguro nakatulog siya ng matagal ngayon. Mabilis siyang bumangon sa kama para maligo at maghanda ng hapunan. Ipagluluto niya ng hapunan si Raff. Ayaw niyang isipin nito na tamad siya at hindi marunong sa mga gawaing-bahay. Tumayo siya at lumapit sa aparador para maghanap ng tuwalya. Agad niya itong nakita kaya nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng banyo. Hindi niya mapigilang humanga nang makita ang loob ng banyo. Ang laki ng bahay niya ay banyo pa lamang sa bahay ni Raff. May malaking jacuzzi at bathtub na kasya ang tatlo o apat na katao. Ang linis at bango ng banyo. Parang nakakahiyang gamitin. Mabilisang nag-shower si Celeste dahil gusto na agad niyang makalabas ng banyo. Nakakapanliit kasi ang loob ng banyo. Wala siyang dalang damit sa loob ng banyo kaya ibinalot na lamang niya ang tuwalya sa katawan niya. Medyo maikli ang tuwalya kaya hindi ito umabot kahit hanggang sa kalahati ng hita niya. Pero siya lang naman ang tao sa loob ng silid niya kaya okay lang kahit maghubad pa siya. Medyo tumutulo pa ang basang buhok niya nang lumabas siya sa banyo. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Raff sa loob ng silid at nakabukas ang lahat ng butones ng suot nitong polo. "A-Anong g-ginagawa mo sa loob ng silid ko?" natatarantang tanong ni Celeste kay Raff. Hinwakan niya ang hugpungan ng tuwalya sa takot na bigla itong malaglag. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay mabagal na nilapitan siya ni Raff at walang salitang hinapit siya sa baywang. "I forgot to tell you that this is also my room." Inilapit nito ang bibig sa gilid ng tainga ni Celeste bago muling nagsalita. "From now on, we will share the same room and we will sleep in same bed."Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lamang ay inalok ng kasal si Celeste ni Raff at ngayon ay mag-asawa na silang dalawa. Yes. Mag-asawa na sila ni Raff dahil pumayag siya sa offer nito na hiwalayan ang boyfriend niya at maging asawa nito. Hindi dahil mukhang mas mayaman si Raff at hindi na niya mahal si Dex kundi dahil sa mga benefits na sinabi nito sa kanya.Si Raff ang gagasto sa lahat ng mga gastusin sa hospital ng kapatid niya. Kasama na ang gamot para sa maintenance nito at gasto sa isa pang operasyon nito sa puso.Masakit ang dibdib ni Celeste dahil ipinagpalit niya si Dex. Napakabait sa kanya nito ngunit nagawa niya itong saktan. Pero para sa ikabubuti ng kapatid niya ang ginawa niya at iyon na lamang ang pilit niyang itinatanim sa kanyang isip para alisin ang guilt na nararamdaman niya sa kanyanhmg sarili."Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Raff habang nakasakay sila sa kotse nito pauwi sa bahay nito. "Ha?" nabiglang sagot niya. Iniiwas niya ang tingin sa mukha ni Raff dah
"So, what are you going to—"Biglang natakpan ni Celeste ang bibig ni Raff gamit ang kanyang palad. "Shut up." Magkahalo ang inis at pag-aalala sa boses ni Celeste. Nag-aalala siya na baka marinig ni Dex ang boses ni Raff at malaman nitong nasa loob ito ng banyo kasama niya. Kabaliktaran naman ang hitsura ni Raff na para bang balewala lamang sa lalaki kung makita man ni Dex na nasa loob ito ng banyo kasama ang girlfriend nito. Inalis nito ang kamay ni Celeste na nakatakip sa bibig nito at nang-iinis na hinalikan pa iyon. Natampal ng mahina ni Celeste ang braso ni Raff dahil sa inis. At para na rin pagtakpan ang biglang pamumula ng kanyang pisngi. "Are you okay, Celeste?" Nasa boses na ni Dex ang pag-aalala nang hindi agad sumagot si Celeste sa unang pagtawag nito."Yes. I am okay. Lalabas na ako. Bumalik ka na sa mesa at baka hanapin ka pa ng Mom mo. Susunod na ako." Kahit na wala namang kasalanan si Celeste kung bakit nasa loob ng banyo at kasama niya ang uncle ni Dex ay nakadama
Pakiramdam ni Celeste ay gusto na niyang tumakbo palabas ng bahay ni Raff. Hindi niya akalain na muling magtatagpo ang mga landas nila ng lalaking unang nakaangkin sa kanyang katawan.Nang magising si Celeste noong umaga matapos ang mainit na pagtatalik nila ni Raff ay may nakita siyang check na nagkakahalaga ng limang milyon sa kanyang kamay. Naisip niya na bayad iyon sa kanya ng lalaki kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin iyon.Since hindi ang matandang milyonaryo ang nakaniig ni Celeste kaya natitiyak niyang hindi ibibigay ng matandang iyon ang limang milyon na bayad nito para sa isang gabing kasama siya sa kama. Mas mabuti nga na ibinenta niya ang katawan niya sa isang bata at guwapong lalaki kaysa sa isang matandang hukluban. Ngunit hindi niya inaakala na ang lalaking iyon pala at ang uncle ng boyfriend niya ay iisa. What a small world!"Who is the girl with you, Dex?" tanong ni Raff kay Dex habang matiim na nakatitig kay Celeste.Agad namang kumalas si Dex sa pagkakayakap sa
"Kumusta na po ang kalagayan ng kapatid ko, Doc?" tanong ni Celeste sa doktor ng kanyang kapatid pagkatapos ng operasyon. Nasa school siya habang inooperahan si Celes kaya sa opisina ng doktor na lamang siya nagpunta para alamin ang kalagayan ng kapatid niya."Successful ang operasyon ng kapatid mo, Celeste. Ngunit bagama't nakaligtas siya sa panganib ay kailangan pa rin niyang manatili sa hospital para sa iba pang obserbasyon," sagot nito kay Celeste."Naiintindihan ko po, Doc. At maraming salamat sa successful na operasyon niyo kay Celes," maluha-luhang pasasalamat ni Celeste sa doktor. "Huwag kang magpasalamat sa akin kundi kay Doctor Raff Alcantara. Siya ang nag-opera sa kapatid mo," pagtatama ng doktor sa maling inaakala ni Celeste. "Masyadong sensitive ang case ng kapatid mo at kailangang expert surgeon ang mag-opera sa kanya. At hindi ko kaya iyon. Tanging si Dr. Alcantara lamang ang makakagawa ng himala na kagaya ng pag-oopera sa kapatid mo." "Dr. Alcantara?" Sa loob ng apat
Hindi mabilang ni Celeste kung ilang beses na siyang humugot ng malalim na buntong-hininga habang nakaupo sa silya at ina-aplayan ng makeup ng babaeng tinatawag na "Mamie" ng mga babaeng nasa silid kung saan naroon din siya. Nakasuot siya ng manipis at see through na pulang damit kaya kitang-kita ang dalawang kapiranggot na tela na siyang tumatakip sa kanyang pang-itaas at pang-ibabang private parts. Kitang-kita rin ang magandang hubog ng katawan niya na suguradong pag-aagawan ng mga bidders mamaya sa auction. "Napakaganda mo, Amara. Ang suwerte ko dahil ako ang nilapitan mo para ipa-auction ang katawan mo. Mabebenta ka ng mataas na halaga kaya malaki rin ang komisyon ko," tuwang-tuwa na komento ni Mamie habang binibistahan ang kagandahan na nasa harapan nito. Sa mata nito ay isa lamang mahalagang bagay si Celeste a.k.a Amara. Mahalagang bagay na tiyak magdadala sa kanya ng malaking pera sa gabing iyon. Hindi bukal sa loob ni Celeste ang gagawin niyang iyon. Ngunit kapit siya sa p