แชร์

Chapter 6

ผู้เขียน: Daylan
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-20 16:30:39

Napalunok si Celeste nang marinig ang sinabi ni Raff. Akala niya ay hiwalay sila ng silid na tutulugan at ang silid na iyon ang kanyang silid. Hindi niya akalain na silid pala iyon ni Raff.

Itinulak niya si Raff para magkaroon ng distansiya sa pagitan nila dahil pakiramdam nita nasu-suffocate siya sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maipaliwanag ang nararamdam niya sa tuwing magkakalapit silang dalawa. Hindi naman siya ganoon kapag malapit sa kanya si Dex.

"Please, behave yourself, Mr. Alcantara," kinakabahang wika ni Celeste. Hindi niya magawang tumingin ng deretso sa mga mata ni Raff dahil parang hinihila siya ng mga mata nito palapit.

"You're my wife now, Celeste. And besides, it's not the first time that I hugged you, remember?" nanunukso ang boses na wika ni Raff.

Biglang nagkulay rosas ang mukha ni Celeste nang maalala ang mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Raff.

"Mr. Alcantara—"

"Call me Raff, Celeste. Ayokong maririnig na tinatawag mo akong Mr. Alcantara," putol nito sa anumang sasabihin ni Celeste.

"Okay, Raff. P-Puwede bang lumabas ka muna at magsusuot ako ng damit?" pakiusap ni Celeste. Masyadong awkward kasi ang makipag-usap na tanging kapiranggot na tuwalya lamang ang tumatakip sa kanyang katawan.

Sa halip na sundin ang sinabi niya ay kinuha ni Raff ang kaliwang kamay niya at dinala sa tapat ng dibdib nito. Lihim siyang napalunok dahil ramdam ng kanyang palad ang matigas nitong dibdib. Obvious na alaga sa exercise ang katawan nito.

"A-Anong gagawin mo?" mahina ang boses na tanong niya nang unti-unting lumapit ang mukha ni Raff sa mukha niya. Sa halip na itulak ay ipinikit pa niya ang kanyang mga mata at hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya. Ngunit hindi nangyari ang inaasahan niya sa halip ay naramdaman niya ang pagsusuot nito ng kung ano sa kanyang palasingsingan. Napamulat siya ng mga mata at tiningnan ang kanyang daliri. "Ano 'to?"

"It's a ring. Hindi mo ba alam ang bagay na iyan?" nakataas ang kilay na sagot ni Raff.

"Alam ko na singsing ito. Ang ibig kong sabihin ay bakit mo ako binibigyan ng singsing?" Sinuri ni Celeste ang singsing. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang ang mamahaling wedding ring na nakita niya sa isang magazine ang suot niya ngayon. "Sobrang mahal nito, Raff. Hindi ko ito matatanggap."

Akmang huhubarin na ni Celeste ang singsing ngunit mabilis siyang napigilan ni Raff. "I bought this wedding ring for you. And it was a couple's ring. Tig-isa sa atin. Kapag hinubad mo iyan ibiga sabihin ay gusto mong makipag-divorce na sa akin ngayon."

Natahimik si Celeste at napatitig na lamang sa seryosong mukha ni Raff. "Okay, fine. I'll accept this wedding ring." Kapag pinilit niya ang gusto niyang mangyari ay natitiyak niyang hindi siya mananalo kay Raff kaya mas mabuting sundin na lamang niya ang gusto nito. Siya na muna ang magsusuot ng ring na iyon habang siya pa ang asawa nito.

"That's good," komento ni Raff bago ito naglakad palabas ng silid.

Tinitigan ni Celeste ang naoakagandang wedding ring na kanyang suot. Bagay na bagay ito sa kanyang daliri. Pakiramdam niya ay ipinasadya ang singsing na iyon para sa kanya.

###

"No, Celeste! Hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin. Mahal na mahal kita. Please, don't do this to me," pagmamakaawa ni Dex nang tuluyang makipaghiwalay si Celeste sa kanya. "May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan kaya ka nakikipaghiwalay sa akin?"

Naging mabuting nobyo si Dex sa kanya  sa loob ng ilang buwang pagkakaroon nila ng relasyon kaya nagpasya siyang makipaghiwalay sa kanya ng personal kahit mahirap.

"Wala, Dex. Wala kang nagawang mali. Wala sa'yo ang problema kundi nasa akin," sagot ni Celeste.  Hindi niya masabi na may asawa na siya at uncle nito ang naging asawa niya.

"Dahil ba sa Mom ko at kay Monika kaya ka nakikipaghiwalay sa akin? Narinig mo ang sinabi ko sa Mom ko na hindi ko pakakasalan si Monika. Hindi ko siya mahal dahil ikaw lamang ang mahal ko, Celeste."

Nakaramdam ng awa si Celeste kay Dex ngunit hindi na niya puwedeng bawiin ang mga sinabi niya. Wala ng pag-asa pa sa kanilang dalawa dahil   kasal na sila ni Raff.

"Huwag mong ipagpilitan sa babaeng iyan ang sarili mo, Raff. Ayaw na niya sa'yo kaya pakawalan mo na siya," tinig ni Monika na papalapit sa kanila.

"Shut up!" malakas na singhal ni Dex kay Monika. Dahil doon ay nakakuha sila ng atensiyon ng iba pang mga estudyante na nasa paligid nila. Sa school kasi nagkita sina Dex at Celeste. "I'm not talking to you!"

Inis na nilapitan ni Monika si Dex at hinila palayo kay Celeste. "Bakit ba patay na patay ka sa babaeng iyan, Dex? Ano ba ang meron siya na wala sa akin?"

"Don't you dare compare yourself to her because you're nothing," mariing wika ni Dex bago pahablot na binawi sa babae ang braso nito.

"I'm sorry, Dex. It was really impossible between us anymore," mababa ang boses na muling kausap ni Celeste kay Dex.

"Why not, Celeste? Tell me the reason kung bakit nakikipaghiwalay ka sa akin!" mataas ang boses na tanong ni Dex. Mukhang naubos na ang pasensiya nito sa kanya.

Sa unang pagkakataon ay narinig ni Celeste na nagtaas sa kanya ng boses si Dex. His face was red of anger and scary. Ngayon lang niya ito nakitang galit na galit.

"I already married, Dex." Napilitan si Celeste na sabihin kay Dex ang dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay sa kanya.

Hindi makapaniwalang umiling si Dex ng tatlong beses. "I don't believe you, Celeste. Aside from me ay wala kang ibang boyfriend. You're not a two-timer kaya sino ang ibang lalaki na pinakasalan mo?"

"Baka nahanap siya ng sugar daddy, Dex," pang-iinsulto ni Monika kay Celeste. Nagbulungan ang mga estudyante sa paligid na nakarinig sa sinabi ni Monika. Agad silang naniwala sa sinabi ni Monika na baka nakahanap ng sugar daddy si Celeste.

"Do you have proof that you're already married?" madilim ang mukha na tanong ni Dex kay Celeste.

Itinaas ni Celeste ang kaliwang kamay nito at ipinakita sa lahat ang suot niyang singsing. Nanlaki ang mga mata ng mga estudyanteng nakakita sa suot niyang wedding ring lalong-lalo na sina Dex at Monika. Nakalimutan niyang makikilala pala ng dalawa ang singsing kapag nakita nila. Agad na ibinaba niya ang kamay niya at itinago sa kanyang likuran.

Galit na hinila ni Monika ang kamay ni Celeste at itinaas.

"It was the popular and most expensive couple's ring from the Luxury Jewelry. You can't afford to buy that ring. Saan mo nakuha ito? Ninakaw mo ito, ano? You're a thief, Celeste!"

"Tama si Monika. Hindi kayang bilhin ni Celeste o kahit ng asawa niya ang singsing na iyan kaya natitiyak kong ninakaw niya iyan!" sabi ng kaibigan ni Monika.

"No! Hindi ko ito ninakaw! My husband gave this to me," giit ni Celeste. Kapag sinabi niyang si Raff ang nagbigay sa kanya ng singsing ay baka isipin naman nilang ito ang nagnakaw ng singsing at ibinigay sa kanya. Ayaw niyang masira ang pangalan nito nang dahil sa kanya.

"Did you really steal that ring, Celeste?" hindi makapaniwalang tanong ni Dex sa kanya. Mukhang pati ito ay talagang naniniwala sa paratang sa kanya ni Monika at ng kaibigan nito.

"You're shameless, Celeste! Isa kang magnanakaw! Ang dapat sa'yo ay ma-expel sa school dahil makakasira ka sa magandang reputasyon ng school," nakaismid na wika ni Monika.

"What's happening here, Miss Barrantes?" biglang tanong kay Monika ng   guidance counselor na napadaan sa kanila at nakita ang nangyayaring komosyon kaya napalapit.

Lihim na nakangiti si Monika nang makita ang guidance counselor nilang si Mr. Burriton. He was her family's friend kaya natitiyak niyang sa kanya ito kakampi.

"Celeste was a thief, Mr. Burriton. Makakasira siya sa mgandang reputasyon ng school natin kaya dapat lamang na ma-expel siya," sumbong niya sa guidance counselor.

"How dare you to steal, Ms. Ferrer! Ngayon din ay magtungo ka sa akin sa dean's office!" galit na wika ni Mr. Burriton.

Walang nagawa si Celeste kundi ang sumama kay Mr. Burriton sa loob ng opisina ng kanilang dean's university. Lihim namang nagbunyi si Monika dahil natitiyak nitong mai-expel sa school nila ang kinaiinisan nitong babae. Samantala si Dex naman ay nakatingin lamang kay Celeste at hindi man lang nito ipinagtanggol ang ex-girlfriend nito.

Sa loob ng dean's office ay walang naniwala kay Celeste na hindi niya ninakaw ang singsing na suot niya. Alam ng lahat ang estado ng pamumuhay niya kaya sino ba naman ang maniniwala na magkakaroon siya ng ganoon kamahal na singsing? She never thought that accepting Raff's ring would bring her a huge trouble.

"I'm sorry, Ms. Ferrer. Wala kang maibigay na pruweba na magpapatunay na hindi mo ninakaw ang napakamahal na singsing na iyan kaya wala kaming choice kundi ang i-expel ka sa school," wika ni Mr. Harlington, ang dean ng university nila.

"Maniwala kayo, Mr. Harlington. Hindi ko talaga ninakaw ang singsing na ito. Bigay ito sa akin ng asawa ko," patuloy na giit ni Celeste.

"Kung totoo na bigay iyan sa'yo ng asawa mo ay tawagin mo siya at papuntahin dito," hamon sa kanya ni Monika.

Hindi magawang makapagsalita ni Celeste. Hindi niya puwedeng idamay si Raff sa kahihiyan niya. Nagpapasaklolo na tiningnan niya si Dex na nasa loob din ng dean's office. Ngunit nag-iwas lamang ito ng tingin sa kanya at hindi nagsalita.

"Hindi mo magawang tawagan ang asawa mo dahil ang totoo ay wala ka pang asawa, Ms. Ferrer. Nagsisinungaling ka. Kaya magmula sa araw na ito ay expelled ka na mula sa university na ito!" deklara ng kanilang dean.

"Who dares to expel my wife?" malakas ang boses na sabat ng isang lalaki. Lahat ng mga mata ay lumipad papunta sa pinagmulan ng boses.

"Uncle Raff? You are Celeste's husband?" nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang tanong ni Dex sa uncle nito na nakatayo sa bukana ng bukas na pintuan ng dean's office.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • ONE-NIGHT STAND WITH A BILLIONAIRE DOCTOR    Chapter 6

    Napalunok si Celeste nang marinig ang sinabi ni Raff. Akala niya ay hiwalay sila ng silid na tutulugan at ang silid na iyon ang kanyang silid. Hindi niya akalain na silid pala iyon ni Raff.Itinulak niya si Raff para magkaroon ng distansiya sa pagitan nila dahil pakiramdam nita nasu-suffocate siya sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maipaliwanag ang nararamdam niya sa tuwing magkakalapit silang dalawa. Hindi naman siya ganoon kapag malapit sa kanya si Dex."Please, behave yourself, Mr. Alcantara," kinakabahang wika ni Celeste. Hindi niya magawang tumingin ng deretso sa mga mata ni Raff dahil parang hinihila siya ng mga mata nito palapit."You're my wife now, Celeste. And besides, it's not the first time that I hugged you, remember?" nanunukso ang boses na wika ni Raff. Biglang nagkulay rosas ang mukha ni Celeste nang maalala ang mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Raff."Mr. Alcantara—""Call me Raff, Celeste. Ayokong maririnig na tinatawag mo

  • ONE-NIGHT STAND WITH A BILLIONAIRE DOCTOR    Chapter 5

    Ang bilis ng mga pangyayari. Kahapon lamang ay inalok ng kasal si Celeste ni Raff at ngayon ay mag-asawa na silang dalawa. Yes. Mag-asawa na sila ni Raff dahil pumayag siya sa offer nito na hiwalayan ang boyfriend niya at maging asawa nito. Hindi dahil mukhang mas mayaman si Raff at hindi na niya mahal si Dex kundi dahil sa mga benefits na sinabi nito sa kanya.Si Raff ang gagasto sa lahat ng mga gastusin sa hospital ng kapatid niya. Kasama na ang gamot para sa maintenance nito at gasto sa isa pang operasyon nito sa puso.Masakit ang dibdib ni Celeste dahil ipinagpalit niya si Dex. Napakabait sa kanya nito ngunit nagawa niya itong saktan. Pero para sa ikabubuti ng kapatid niya ang ginawa niya at iyon na lamang ang pilit niyang itinatanim sa kanyang isip para alisin ang guilt na nararamdaman niya sa kanyanhmg sarili."Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Raff habang nakasakay sila sa kotse nito pauwi sa bahay nito. "Ha?" nabiglang sagot niya. Iniiwas niya ang tingin sa mukha ni Raff dah

  • ONE-NIGHT STAND WITH A BILLIONAIRE DOCTOR    Chapter 4

    "So, what are you going to—"Biglang natakpan ni Celeste ang bibig ni Raff gamit ang kanyang palad. "Shut up." Magkahalo ang inis at pag-aalala sa boses ni Celeste. Nag-aalala siya na baka marinig ni Dex ang boses ni Raff at malaman nitong nasa loob ito ng banyo kasama niya. Kabaliktaran naman ang hitsura ni Raff na para bang balewala lamang sa lalaki kung makita man ni Dex na nasa loob ito ng banyo kasama ang girlfriend nito. Inalis nito ang kamay ni Celeste na nakatakip sa bibig nito at nang-iinis na hinalikan pa iyon. Natampal ng mahina ni Celeste ang braso ni Raff dahil sa inis. At para na rin pagtakpan ang biglang pamumula ng kanyang pisngi. "Are you okay, Celeste?" Nasa boses na ni Dex ang pag-aalala nang hindi agad sumagot si Celeste sa unang pagtawag nito."Yes. I am okay. Lalabas na ako. Bumalik ka na sa mesa at baka hanapin ka pa ng Mom mo. Susunod na ako." Kahit na wala namang kasalanan si Celeste kung bakit nasa loob ng banyo at kasama niya ang uncle ni Dex ay nakadama

  • ONE-NIGHT STAND WITH A BILLIONAIRE DOCTOR    Chapter 3

    Pakiramdam ni Celeste ay gusto na niyang tumakbo palabas ng bahay ni Raff. Hindi niya akalain na muling magtatagpo ang mga landas nila ng lalaking unang nakaangkin sa kanyang katawan.Nang magising si Celeste noong umaga matapos ang mainit na pagtatalik nila ni Raff ay may nakita siyang check na nagkakahalaga ng limang milyon sa kanyang kamay. Naisip niya na bayad iyon sa kanya ng lalaki kaya hindi siya nag-atubiling tanggapin iyon.Since hindi ang matandang milyonaryo ang nakaniig ni Celeste kaya natitiyak niyang hindi ibibigay ng matandang iyon ang limang milyon na bayad nito para sa isang gabing kasama siya sa kama. Mas mabuti nga na ibinenta niya ang katawan niya sa isang bata at guwapong lalaki kaysa sa isang matandang hukluban. Ngunit hindi niya inaakala na ang lalaking iyon pala at ang uncle ng boyfriend niya ay iisa. What a small world!"Who is the girl with you, Dex?" tanong ni Raff kay Dex habang matiim na nakatitig kay Celeste.Agad namang kumalas si Dex sa pagkakayakap sa

  • ONE-NIGHT STAND WITH A BILLIONAIRE DOCTOR    Chapter 2

    "Kumusta na po ang kalagayan ng kapatid ko, Doc?" tanong ni Celeste sa doktor ng kanyang kapatid pagkatapos ng operasyon. Nasa school siya habang inooperahan si Celes kaya sa opisina ng doktor na lamang siya nagpunta para alamin ang kalagayan ng kapatid niya."Successful ang operasyon ng kapatid mo, Celeste. Ngunit bagama't nakaligtas siya sa panganib ay kailangan pa rin niyang manatili sa hospital para sa iba pang obserbasyon," sagot nito kay Celeste."Naiintindihan ko po, Doc. At maraming salamat sa successful na operasyon niyo kay Celes," maluha-luhang pasasalamat ni Celeste sa doktor. "Huwag kang magpasalamat sa akin kundi kay Doctor Raff Alcantara. Siya ang nag-opera sa kapatid mo," pagtatama ng doktor sa maling inaakala ni Celeste. "Masyadong sensitive ang case ng kapatid mo at kailangang expert surgeon ang mag-opera sa kanya. At hindi ko kaya iyon. Tanging si Dr. Alcantara lamang ang makakagawa ng himala na kagaya ng pag-oopera sa kapatid mo." "Dr. Alcantara?" Sa loob ng apat

  • ONE-NIGHT STAND WITH A BILLIONAIRE DOCTOR    Chapter 1

    Hindi mabilang ni Celeste kung ilang beses na siyang humugot ng malalim na buntong-hininga habang nakaupo sa silya at ina-aplayan ng makeup ng babaeng tinatawag na "Mamie" ng mga babaeng nasa silid kung saan naroon din siya. Nakasuot siya ng manipis at see through na pulang damit kaya kitang-kita ang dalawang kapiranggot na tela na siyang tumatakip sa kanyang pang-itaas at pang-ibabang private parts. Kitang-kita rin ang magandang hubog ng katawan niya na suguradong pag-aagawan ng mga bidders mamaya sa auction. "Napakaganda mo, Amara. Ang suwerte ko dahil ako ang nilapitan mo para ipa-auction ang katawan mo. Mabebenta ka ng mataas na halaga kaya malaki rin ang komisyon ko," tuwang-tuwa na komento ni Mamie habang binibistahan ang kagandahan na nasa harapan nito. Sa mata nito ay isa lamang mahalagang bagay si Celeste a.k.a Amara. Mahalagang bagay na tiyak magdadala sa kanya ng malaking pera sa gabing iyon. Hindi bukal sa loob ni Celeste ang gagawin niyang iyon. Ngunit kapit siya sa p

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status