Chapter 02
"Luigi Mondragon," sabi ko muli, mas matigas ang tinig. "Hindi ako interesado sa laro, Miss. Hindi ako para sa mga babaeng nag-aaksaya ng oras sa mga lalaki na hindi kayang makita ang tunay na halaga nila. Pero hindi ko rin kayang ipagwalang-bahala ka lang, lalo na kung sa tingin ko may mga bagay na mas malalim pa sa galit na nararamdaman mo ngayon." Pinagmamasdan ko siya habang dahan-dahang iniiwas ang mga mata. Iniiwas ang sarili, at sa bawat galaw, para bang may parte ng kanyang puso na hindi ko pa nakikita. May pagka-tigmang magulo sa mga mata niya, at alam kong hindi basta-basta ang mga bagay na hinahanap niya. "Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nagsasalita sa’yo," sagot niya, tumaas ang kilay at tiningnan ako. "Wala ka namang pakialam sa’kin, di ba? Kaya huwag mo akong gawing isa sa mga laruan mo dito," tugon niya sa akin. "Hindi ganyan ang nais ko sayo, Miss." Tumagal ang mga sandali bago ako sumunod na nagsalita. "Wala akong plano na lukuhin at gawing parausan. Hindi ko rin kayang gawing magaan ang lahat ng iniisip mo, pero sigurado akong kaya ko naman pakinggan ka. Kung hahayaan mong gawin ko ‘yon," sabi ko dito. Tinutok niya ang mga mata sa akin—mabigat at malalim. Pero may kung anong naaninag ako sa kanya na hindi ko matukoy. Isang piraso ng pagkatao na puno ng takot. Takot na masaktan pa muli. Takot na ipagpalit. Takot na magtiwala. "Bakit mo ba ito ginagawa?" tanong niya, ang boses ay mas matigas kaysa sa inaasahan ko. "Wala kang pakialam, hindi ba? Bakit ako ang pinili mong pansinin? Para lang gawing laro, para lang gawing isa sa mga ‘nagawa’ mo?" Hindi ko siya sinagot agad, pero sa mga tanong niya, naramdaman ko ang pagdami ng mga tanong sa utak ko. Bakit ko nga ba siya iniintindi? Siguro dahil sa tingin ko, may kailangan siyang maramdaman na hindi niya pa nararamdaman sa lahat ng mga lalaking nakapaligid sa kanya. Siguro dahil na rin sa nararamdaman ko na hindi lahat ng sugat ay nakikita sa panlabas na anyo. "Kasi," sagot ko, sabay lingon sa kanyang mga mata, "baka may pagkakataon na ang mga sugat na hindi mo kayang pagalingin, siya lang ang may kakayahang maghilom." Hindi niya ako sinagot agad. Nagkatinginan kami, at sa mga sandaling iyon, may unti-unting pag-aalinlangan sa kanyang mata. Hindi ko alam kung anong isusunod na hakbang, kung ang bawat sagot ko ay magpapalapit sa amin o magpapalayo. Sa tingin ko, pareho kaming nag-iwas ng mga bagay na ayaw naming tanggapin. Lumabas siya ng malalim na hininga, at nilingon ko siya habang tumutok siya muli sa baso niya, nakatingin sa malayo. "I’m not ready for this," sagot niya, ang tinig ay bahagyang humina. "I can’t let anyone close to me again, especially not someone like you." Ngunit sa mga salitang iyon, naramdaman ko ang bigat ng bawat isa. Hindi ko siya masisisi. Sa mga sugat niya, sa mga takot niya, sa mga alaala na patuloy na nagbabalik, naramdaman ko ang pangangailangan niya ng distansya. Ngunit hindi ako aalis. Hindi ko siya pababayaan. Kung kaya ko siyang ipaglaban, gagawin ko. Kung hindi ko siya kayang baguhin, hindi ko man siya maipakita ang buong halaga ng pagmamahal, ipapakita ko pa rin na may mga lalaki na hindi siya lolokohin. "Walang madali sa mundong ito, Miss," sagot ko, ang tinig ko ay matigas. "Pero hindi ko ikaw tinitingnan bilang isang laro. Hindi ka narito para maging bahagi ng mga pagkatalo ko. Hindi ako aalis, kahit anong mangyari." Bumuntung-hininga siya at muling iniwas ang tingin sa akin, ngunit ang bawat galaw niya, ang bawat sulyap, ay nagsasabing may bahid ng pag-asa—kahit na ang takot ay patuloy na gumugulo sa kanyang puso. Hindi ko siya pipilitin, pero hindi ko rin siya pababayaan. Tumayo siya nang mabilis, at sa lakas ng pagkakatayo, muntik na siyang matumba. Agad kong nahawakan siya sa braso, at ang bigat ng katawan niya ay nagdulot ng hindi inaasahang tensyon sa mga sandaling iyon. "Careful!" saad ko, medyo matigas ang tinig habang hawak ang kanyang braso. Dahil sa pagkahulog na iyon, nagpanik siya ng bahagya at sumandal sa akin upang magtulungan kami sa kanyang balanse. Pero sa pagkakapit niya sa akin, ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Ang mga mata niya ay may halong pagkabigla at galit, at tila may nararamdaman siyang hindi ko kayang tuklasin agad. "Anong nangyari?" tanong ko, ang mga kamay ko ay hindi tinatanggal sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero may matinding pakiramdam akong hindi ko siya kayang pabayaan, kahit na alam kong tumanggi siya sa mga tao na tulad ko. "Nothing," sagot niya, ang boses ay bahagyang nanginginig. "I’m fine. Let go of me." Ngunit hindi ko siya tinanggalan ng hawak. Alam ko, may mga bagay na hindi niya kayang sabihin, pero sa mga mata niya, nakita ko ang isang malalim na sakit na hindi ko kayang balewalain. "Miss, hindi mo kailangan mag-isa," sagot ko, hindi alintana ang mga saloobin niyang patuloy na nagtatangkang ilayo siya sa akin. "Hindi ko kailanman iniiwasan ang mga tao na may mga sugat. Hindi ko lang kayang manood nang walang ginagawa." "Mas okay na mag-isa. Nais kong mag-isa," sagot niya, ngunit sa tono ng kanyang boses, malinaw na may kaguluhan sa loob niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya sa mga sandaling iyon, pero alam kong may mas malalim na dahilan. Hindi ko siya pipilitin, pero hindi ko rin siya hahayaan na mag-isa sa pagharap sa kanyang mga sugat. "Hindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa," sabi ko, ang mga mata ko’y tapat sa kanya. "Minsan, kailangan ng tulong, kahit na ayaw mong tanggapin." Walang sagot mula sa kanya, ngunit ang mga mata niyang hindi matanggal ang tingin sa akin ay nagsasabi ng marami. Kung may isa mang bagay na matutunan ko sa gabing iyon, ito ang mga salitang wala sa kanyang labi—at ang mga mata niyang puno ng pag-aalinlangan at takot. Habang nanatili akong hawak siya, ramdam ko ang tensyon na unti-unting bumabalot sa pagitan namin. Ang matinding tibok ng puso ko, ang pagiging malapit sa kanya, at ang patuloy na pag-aalangan sa kanyang mga mata ay nagbigay ng isang hindi maipaliwanag na kilig at kaba. May mga sandaling ganito na ang lahat ay tila nagsasangkot ng maraming hindi pa nasabi, mga galit at takot na matagal nang tinatago. "Hindi mo ba naiintindihan?" aniya, ang boses ay puno ng pighati. "Hindi ko na kayang magtiwala pa sa kahit sino. Lalo na sa mga lalaki. Lahat kayo pare-pareho. Walang pinagbago."Chapter 20Pagkalipas ng ilang linggo, naging mas madalas na ang pagdalaw ni Elmer. Tuwing umaga, siya ang unang tao kong nakikita—may dalang prutas, tinapay, o minsan simpleng ngiti lang at mainit na “Magandang umaga, Irene!”“Baka mapagod ka sa kakabisita rito, Elmer,” biro ko isang araw habang nagtutulungan kaming magbunot ng damo sa paligid ng kubo.“Hindi ako mapapagod, basta may rason ako para bumisita,” sagot niya, sabay sulyap sa tiyan ko. “Ikaw at ang baby mo—kayong dalawa ang rason.”Napayuko ako, bahagyang kinilig sa kanyang sinabi. Hindi ko man sabihin, pero ramdam kong unti-unti siyang nagiging bahagi ng katahimikan at kaligayahan na matagal ko nang hinanap.Isang gabi habang umuulan at mahina ang kulog, kumatok si Elmer.“Irene! Okay ka lang ba?” tanong niya mula sa labas.Binuksan ko ang pinto, nakapayong siya at may dalang sabaw na mainit. “Gawa ni Tiya Miding. Pinapahatid niya, baka daw giniginaw ka.”“Salamat,” sabi ko, tinanggap ang sabaw at pinapasok siya sandali p
Chapter 19“Mag-iingat ka rin, Angel. Salamat, talaga,” sagot ko, medyo mahina na ang boses ko.Bago siya lumabas ng kwarto, huling tingin niyang matalim ang nagsabi sa akin na kahit wala siya, mag-isa ko na lang itutuloy ang laban. Ipinagdasal ko na sana makabalik siya ng buo at ligtas. Kasi sa oras na mag-isa ako, kailangan kong matutunan na magtago at lumaban.Lima buwan na ang lumipas.Tahimik ang paligid ng kumbento. Ang dating takot sa puso ko ay unti-unting napalitan ng kapanatagan. Dito ko unang naramdaman na parang may kakampi ako—sina Sister Agnes at ang mga madre na walang sawang nag-alaga at nagdasal para sa akin.Pero ngayon, apat na buwan na ang dinadala ko sa aking sinapupunan.Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakaupo sa ilalim ng puno ng kalachuchi sa likod ng kumbento. Ramdam ko ang maliliit na paggalaw sa loob. Para bang may paalala sa akin na hindi na ako nag-iisa. May buhay na umaasa sa akin. At dahil doon, naglakas-loob akong lumapit kay Sister Agnes.“Mother,” mah
Chapter 18Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga posibleng paraan kung paano makakatakas. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng kama at hindi na lumabas. Pero, hindi ganun ang mangyayari. Malinaw sa utak ko na wala akong ibang choice kundi mag-adjust sa bagong buhay ko dito.Pagpasok namin sa kwarto, agad akong napansin ang kab simplicity nito. Wala talagang kalaban-laban ang modernong teknolohiya. Hindi ko alam kung matututo ba akong maging kontento sa ganitong buhay o maghahanap pa rin ako ng paraan para makalabas at makabalik sa real world."Good luck sa bagong buhay mo dito, Sister Irene," pabirong sabi ni Angel habang naglakad kami patungo sa kwarto. Hindi ko siya matigilan sa mga tawanan niyang walang katapusan.Pagkatapos niyang magbiro, huminto siya saglit at nagseryoso. "Pero, Leona, seryoso… kailangan mong magplano. Hindi pwede laging tumakbo ka lang.""Oo, alam ko," sagot ko. "Pero sa ngayon, ang tanging plano ko lang a
Chapter 17Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Tahimik. Mapayapa. Hindi tulad ng mundo sa labas na puno ng ingay at panganib.Napansin kong may ilang madre na naglilinis ng hardin, at may ilan namang tahimik na nagdarasal sa maliit na kapilya. Napalunok ako. Ganito pala sa loob ng kumbento… parang ibang mundo."Sister Irene," tawag ng madre na naghatid sa amin. "Dito kayo titira habang kayo ay nasa ilalim ng aming pangangalaga."Pagpasok ko sa silid, nakita ko ang simpleng kama, isang maliit na mesa, at isang krus na nakasabit sa dingding. Walang TV. Walang cellphone. Wala kahit anong makabago.Napakagat-labi ako. "Uh… Sister, may… Wi-Fi po ba dito?" inosenteng tanong ko.Napatingin sa akin ang madre, kita sa mata ang pagtataka. "Wi-Fi?"Napahawak ako sa batok ko, biglang nahiya. "Ah… wala po… wala po akong sinabi."Natawa nang mahina si Angel sa likuran ko. "Sister Irene, mukhang hindi ka sanay sa buhay dito.""Sister Angel," sabi ng
Chapter 16Napaangat ang kilay ko. "Volunteer worker?"Tumango siya. "Oo. Hindi ka nila basta tatanggapin bilang madre, pero pwede kang magpanggap bilang isang taong gustong maglingkod muna. Sa ganitong paraan, hindi ka maghihinalaang nagtatago."Napaisip ako. Magandang ideya iyon. Hindi biglaan, hindi rin halata."Okay," sagot ko. "Paano tayo makakarating doon?"Ngumiti si Angel. "Ako na ang bahala. Pero sigurado ka na ba rito, Leona? Kapag pumasok ka roon, iba ang mundo sa loob ng kumbento. Hindi mo pwedeng gamitin ang dating buhay mo."Huminga ako nang malalim bago tumango. "Oo. Kung ito lang ang paraan para makalayo kay Salvatore… handa akong subukan."At sa unang pagkakataon, isang assassin ang magtatago sa loob ng isang banal na lugar—isang pekeng madre na may tunay na kasalanan."So, ano pa ang hinihintay mo? Tayo na Sister Irene," ngising sabi niya sa akin.Napairap ako. "Sister Irene? Talaga ba, Angel?""Oo naman!" aniya, sabay kindat. "Bagay sa’yo. Mukha kang inosente pero m
Chapter 15KinabukasanMaaga kaming nagising upang pumunta sa mall dito sa Bicol. Tahimik ang paligid habang binabagtas namin ang kalsada sakay ng lumang kotse ni Angel. Ang init ng umaga ay unti-unting sumisikat, pero hindi nito maalis ang bigat sa dibdib ko.Gusto kong isipin na ligtas ako, pero alam kong hindi pa tapos ang laban."Anong iniisip mo?" tanong ni Angel nang mapansin ang pananahimik ko."Si Salvatore," maikli kong sagot.Natahimik siya. Alam naming pareho kung anong klaseng tao si Salvatore. Kung may isang assassin na hindi dapat kinalaban, siya ‘yon. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagpatay, kundi dahil wala siyang prinsipyo.Si Angel at ako, kahit paano, may sinusunod na golden rule—hindi pumapatay ng inosente. Pero si Salvatore?Wala siyang pakialam.Para sa kanya, ang bawat buhay ay isang bayaring cheque.Kaya alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako nahahanap."Leona…" malalim ang buntong-hininga ni Angel. "Bakit mo nga ba siya inaway?"Napangiti ako