Chapter 01
Luigi POV Pagdating ko sa naturang bar ay agad bumungad sa akin ang tunog ng malalakas na tugtog ay bumalot sa buong bar, kasabay ng tawanan ng mga tao at tunog ng mga basong nagkakabanggaan at nagkasiyahan sa gitna na parang walang pakialam na sumasabay sa tugtog. Isang gabi ng kasiyahan ang inihanda ng aking matalik na kaibigan, si Marco, na tila ba nagmimistulang hari ng gabi habang pinapalibutan ng mga babae. "Luigi, ayos ka lang ba? Mukhang masyado kang seryoso diyan," tanong ni Marco habang iniabot ang isang baso ng whiskey. "Relax ka naman, pre. Minsan lang tayo magkaganto." Ngumisi ako, pilit na pinapasan ang ngiting matagal nang nagtatago. "Siyempre, nag-eenjoy ako. Alam mo namang hindi mawawala ang fun kapag kasama kita." Ngunit sa totoo lang, ang dami kong iniisip. Ang negosyo, ang mga taong nais akong pabagsakin, at ang walang katapusang pakikibaka upang manatili sa itaas. Napakabigat ng mundo ng tagumpay, pero hindi ko iyon ipapakita. Habang iniinom ko ang whiskey, nakuha ng atensyon ko ang isang babae sa kabilang dulo ng bar. Magulo ang buhok, namumula ang mga mata, at mukhang nakainom na nang sobra. Pero may kakaiba sa kanya—hindi siya tulad ng ibang babaeng narito na nagbabalat-kayo para mapansin. Siya... totoo. Lumingon siya sa direksyon ko, at doon ko narinig ang kanyang sinisigaw. "Walang kwenta ang mga lalaki!" sabay inom ng tequila na parang tubig lang. Tumatawa ang ibang tao, pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. "Parang interesado ka, ah," biro ni Marco habang sinusundan ang tingin ko. "Siya? Mukhang malaking gulo, Luigi." Ngumiti ako nang bahagya. "Ewan ko, Marco. Pero may gusto akong malaman sa kanya." Hindi ko alam kung bakit, pero para bang may puwersang nagtutulak sa akin papalapit sa kanya. Siguro nga'y magulo siya, pero sa tingin ko, ang kaguluhang iyon ang magdadala ng bago sa buhay kong tila perpekto pero walang saysay. Habang papalapit ako, narinig ko pa ang kanyang pabulong na sumpa, "Hindi ko na hahayaang lokohin ako ng sinumang lalaki." "Kung ganun, baka kailangan mo ng isang lalaki na magpapatunay na hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho," sambit ko nang nalapit ko na siya. Lumingon siya sa akin, naningkit ang mga mata at nilingon ako mula ulo hanggang paa. "At ikaw ang lalaking iyon?" tanong niya, puno ng pag-uuyam. Ngumisi ako. "Malay mo." Ang tingin niya sa akin ay parang isang hamon, parang sinasabing ‘subukan mo’—at honestly, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang makita ko siyang ganoon, sugatang-sugata, pero may tapang. Isang bagay na bihirang makita sa mga babaeng nakakakilala ko. "Hindi ko kailangan ng lalaking magpapakita ng malasakit," sagot niya, mahina ngunit may matalim na tono, sabay balik ng baso sa labi. "Lahat sila pare-pareho, walang kwenta." Nakatingin pa rin ako sa kanya, hindi na tinatanggal ang tingin ko mula sa mata niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa epekto ng alak o dahil sa mga salitang binitiwan niya, pero may kakaibang nararamdaman akong gumagapang mula sa dibdib ko. "Baka nga hindi ko kayang baguhin ang pananaw mo," sagot ko, ngunit may kabuntot na paniniwala na ako ang makakapagpakita ng kakaibang kabutihan sa kanya. "Pero baka kailangan mo lang ng tamang tao sa tamang oras. Minsan kasi, sa paghahanap ng kasagutan, nakakalimutan nating tanggapin na may mga tao pa ring handang magsimula muli, kahit na natutunan nilang magtago sa mga sugat nila." "Sino ka ba para pagsabihan mo ako ng ganyan? Naranasan mo na bang masaktan at nanliit sa iyong sarili? Naranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang ipagpalit sa isang—," tumulo muli ang luha nito saka uminum muli ng alak. "Sa isang bakla? Anong kulang sa akin? Huh?!" dagdag nitong sabi. Nagtaas balikat na lamang ako, hindi pa rin nakatingin sa akin ng diretso, pero may bahid ng interes sa mata niya. "Sugatang tao, huh?" Halos magbuntung-hininga siya. "Puno ng galit, puno ng sakit. Pero ang tanong, kayang mong tanggapin ang sakit ko?" Matagal bago ako sumagot dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Sinuri ko ito, wala akong makita kung ano ang kulang niya. Para sa isang babaeng maganda at sexy ay wala na maipintas dito, maliban sa kanyang ugali na hindi ko alam. "Isa lamang akong taong nais dumamay sayo," wika ko. "Sa totoo lang ay hindi ko alam na ganito ang dinanas mo," sagot ko, sabay abot sa kanya ng isang bagong baso ng tequila. "Pero ang tulad ng nobyo mo ay masasabi ko lang, siya ang may kulang hindi ikaw. Kung pinagpalit ka man sa bakla baka siya ang may problema. Bakit hindi nating pag-usapan ang mga hihinakit mo, sabihin mo at subukan kong pakinggan," wika ko. "Tsk!" tanging sagot niya saka tumingin siya sa baso, pagkatapos ay dahan-dahang inabot ito. May mga mata pa ring puno ng pag-aalinlangan, ngunit parang may maliit na sigla sa kanyang mata. Hindi ko alam kung ito ang simula ng isang laro, o kung ito na nga ang simula ng isang bagay na mas malalim, pero sigurado ako—hindi ko siya bibiguin. "Try me!" hamon ko dito. "Hindi mo na kailangang subukan kung hindi mo naman kayang tapusin," sagot niya, ngunit sa isang tono na parang may halong pagpapatawa. Ngunit may kabuntot pa ring malalim na sakit. "I’ll take that risk," sagot ko, isang ngiti ang sumulput sa mga labi ko. Sa mga sandaling iyon, ang lahat ng ingay sa bar ay tila nawala. Ako at siya, magkalayo ngunit magkalapit, at tila may unti-unting koneksyon na nagsisimula sa mga salitang hindi pa nasasabi, at mga lihim na hindi pa nadidinig. Nagpatawa siya ng mahina, isang tunog na puno ng sakit at pangungutya. Bawat salita na lumabas sa kanyang bibig ay may kasamang bigat na tila ba may pinapasan siyang matinding pasanin. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng lahat ng iyon, may kakaibang damdamin akong nagsisimulang umusbong. Kung ang ibang babae ay nakafocus lang sa hitsura ko at sa lahat ng materyal na bagay na maaari kong ibigay, siya, iba. Masakit, ngunit puno ng tapang.Chapter 20Pagkalipas ng ilang linggo, naging mas madalas na ang pagdalaw ni Elmer. Tuwing umaga, siya ang unang tao kong nakikita—may dalang prutas, tinapay, o minsan simpleng ngiti lang at mainit na “Magandang umaga, Irene!”“Baka mapagod ka sa kakabisita rito, Elmer,” biro ko isang araw habang nagtutulungan kaming magbunot ng damo sa paligid ng kubo.“Hindi ako mapapagod, basta may rason ako para bumisita,” sagot niya, sabay sulyap sa tiyan ko. “Ikaw at ang baby mo—kayong dalawa ang rason.”Napayuko ako, bahagyang kinilig sa kanyang sinabi. Hindi ko man sabihin, pero ramdam kong unti-unti siyang nagiging bahagi ng katahimikan at kaligayahan na matagal ko nang hinanap.Isang gabi habang umuulan at mahina ang kulog, kumatok si Elmer.“Irene! Okay ka lang ba?” tanong niya mula sa labas.Binuksan ko ang pinto, nakapayong siya at may dalang sabaw na mainit. “Gawa ni Tiya Miding. Pinapahatid niya, baka daw giniginaw ka.”“Salamat,” sabi ko, tinanggap ang sabaw at pinapasok siya sandali p
Chapter 19“Mag-iingat ka rin, Angel. Salamat, talaga,” sagot ko, medyo mahina na ang boses ko.Bago siya lumabas ng kwarto, huling tingin niyang matalim ang nagsabi sa akin na kahit wala siya, mag-isa ko na lang itutuloy ang laban. Ipinagdasal ko na sana makabalik siya ng buo at ligtas. Kasi sa oras na mag-isa ako, kailangan kong matutunan na magtago at lumaban.Lima buwan na ang lumipas.Tahimik ang paligid ng kumbento. Ang dating takot sa puso ko ay unti-unting napalitan ng kapanatagan. Dito ko unang naramdaman na parang may kakampi ako—sina Sister Agnes at ang mga madre na walang sawang nag-alaga at nagdasal para sa akin.Pero ngayon, apat na buwan na ang dinadala ko sa aking sinapupunan.Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakaupo sa ilalim ng puno ng kalachuchi sa likod ng kumbento. Ramdam ko ang maliliit na paggalaw sa loob. Para bang may paalala sa akin na hindi na ako nag-iisa. May buhay na umaasa sa akin. At dahil doon, naglakas-loob akong lumapit kay Sister Agnes.“Mother,” mah
Chapter 18Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga posibleng paraan kung paano makakatakas. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng kama at hindi na lumabas. Pero, hindi ganun ang mangyayari. Malinaw sa utak ko na wala akong ibang choice kundi mag-adjust sa bagong buhay ko dito.Pagpasok namin sa kwarto, agad akong napansin ang kab simplicity nito. Wala talagang kalaban-laban ang modernong teknolohiya. Hindi ko alam kung matututo ba akong maging kontento sa ganitong buhay o maghahanap pa rin ako ng paraan para makalabas at makabalik sa real world."Good luck sa bagong buhay mo dito, Sister Irene," pabirong sabi ni Angel habang naglakad kami patungo sa kwarto. Hindi ko siya matigilan sa mga tawanan niyang walang katapusan.Pagkatapos niyang magbiro, huminto siya saglit at nagseryoso. "Pero, Leona, seryoso… kailangan mong magplano. Hindi pwede laging tumakbo ka lang.""Oo, alam ko," sagot ko. "Pero sa ngayon, ang tanging plano ko lang a
Chapter 17Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Tahimik. Mapayapa. Hindi tulad ng mundo sa labas na puno ng ingay at panganib.Napansin kong may ilang madre na naglilinis ng hardin, at may ilan namang tahimik na nagdarasal sa maliit na kapilya. Napalunok ako. Ganito pala sa loob ng kumbento… parang ibang mundo."Sister Irene," tawag ng madre na naghatid sa amin. "Dito kayo titira habang kayo ay nasa ilalim ng aming pangangalaga."Pagpasok ko sa silid, nakita ko ang simpleng kama, isang maliit na mesa, at isang krus na nakasabit sa dingding. Walang TV. Walang cellphone. Wala kahit anong makabago.Napakagat-labi ako. "Uh… Sister, may… Wi-Fi po ba dito?" inosenteng tanong ko.Napatingin sa akin ang madre, kita sa mata ang pagtataka. "Wi-Fi?"Napahawak ako sa batok ko, biglang nahiya. "Ah… wala po… wala po akong sinabi."Natawa nang mahina si Angel sa likuran ko. "Sister Irene, mukhang hindi ka sanay sa buhay dito.""Sister Angel," sabi ng
Chapter 16Napaangat ang kilay ko. "Volunteer worker?"Tumango siya. "Oo. Hindi ka nila basta tatanggapin bilang madre, pero pwede kang magpanggap bilang isang taong gustong maglingkod muna. Sa ganitong paraan, hindi ka maghihinalaang nagtatago."Napaisip ako. Magandang ideya iyon. Hindi biglaan, hindi rin halata."Okay," sagot ko. "Paano tayo makakarating doon?"Ngumiti si Angel. "Ako na ang bahala. Pero sigurado ka na ba rito, Leona? Kapag pumasok ka roon, iba ang mundo sa loob ng kumbento. Hindi mo pwedeng gamitin ang dating buhay mo."Huminga ako nang malalim bago tumango. "Oo. Kung ito lang ang paraan para makalayo kay Salvatore… handa akong subukan."At sa unang pagkakataon, isang assassin ang magtatago sa loob ng isang banal na lugar—isang pekeng madre na may tunay na kasalanan."So, ano pa ang hinihintay mo? Tayo na Sister Irene," ngising sabi niya sa akin.Napairap ako. "Sister Irene? Talaga ba, Angel?""Oo naman!" aniya, sabay kindat. "Bagay sa’yo. Mukha kang inosente pero m
Chapter 15KinabukasanMaaga kaming nagising upang pumunta sa mall dito sa Bicol. Tahimik ang paligid habang binabagtas namin ang kalsada sakay ng lumang kotse ni Angel. Ang init ng umaga ay unti-unting sumisikat, pero hindi nito maalis ang bigat sa dibdib ko.Gusto kong isipin na ligtas ako, pero alam kong hindi pa tapos ang laban."Anong iniisip mo?" tanong ni Angel nang mapansin ang pananahimik ko."Si Salvatore," maikli kong sagot.Natahimik siya. Alam naming pareho kung anong klaseng tao si Salvatore. Kung may isang assassin na hindi dapat kinalaban, siya ‘yon. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagpatay, kundi dahil wala siyang prinsipyo.Si Angel at ako, kahit paano, may sinusunod na golden rule—hindi pumapatay ng inosente. Pero si Salvatore?Wala siyang pakialam.Para sa kanya, ang bawat buhay ay isang bayaring cheque.Kaya alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako nahahanap."Leona…" malalim ang buntong-hininga ni Angel. "Bakit mo nga ba siya inaway?"Napangiti ako