Home / Romance / ONE PERFECT WEDDING DAY / Chapter 6: ONE DESTINATION

Share

Chapter 6: ONE DESTINATION

Author: Bb.Taklesa
last update Huling Na-update: 2022-06-08 21:13:51

Gabi pa lang bago ang kasal kinabukasan nina Anton at Pualine ay hindi na kinaya ni Danes umaatikabong drama sa pagitan nila ni Archon. Nadatnan niya itong nag-iimpake ng mga gamit. Hindi maintindihan ng ina kung saan ito pupunta. In denial pa siya na baka may seminar lang ito somewhere o baka naman mag-a-out of town upang hind imaging sagabal sa kasal.

“Saan ka pupunta, Iho?” Malumanay pa niyang tanong. Nagmamadali pa si Archon.

“Aalis ako, Mama.”

“Are you in a hurry? Patutulungan kita kay Sonia na ayusin ang mga damit mo.”

“No need, Mama.”

“Archon, tell me…saan ka pupunta?”

“Aalis kami ni Pauline ngayong gabi. Itatakas ko siya. Hindi kami puwedeng abutan ni Anton.”

“Archon, huwag mong gawin ito sa kapatid mo! Alam mo kung gaano niya kamahal si Pauline.”

“Ma, paano naman ako? Matagal kong pinagtiisan na magkasama sila. Hindi ako makapapayag na magpakasal siya kay Anton.” Nag-iyakan ang mag-ina.  

“Archon, makakahanap ka pa naman ng iba. May magmamahal pa sa iyo. Huwag lang si Pauline.” Pagmamakaawa ng ina.

“Paano ang anak ko? Paano ang anak namin? Aakuin rin ba ni Anton? NO WAY! Hindi ko makakapayag na angkinin niya ang anak ko. Magkakamatayan kaming dalawa. Kaya, Mama… hayaan mo na kami ni Pauline na makaalis. Ayoko ring magpang-abot kaming dalawa. Magkapatid pa rin kami.”

Sa puntong iyon ay ipinagpasa-Diyos na lang ni Danes ang magiging kinabukasan nina Archon at Pauline. Kung buntis na ang babae at si Archon ang ama, unfair naman kung kay Anton pa rin siya magpapakasal.

Hindi na napigilan ni Danes si Archon sa kanyang desisyon. Wala siyang magagawa para kay Anton kung gayon.  Lalong nagkagulo sa simbahan.

“ANTON! ANTON! Saan ka pupunta?”

“Magtutuos kami ng lalaking iyon. Alam kong siya lang ang puwedeng samahan ni Pau. Magtutuos kaming dalawa. ARCHON! HUMANDA KA!”

Pinaharurot ni Anton ang bridal car patungong Enriquez Hospital habang sina Archon at Pauline ay lulan na ng eroplano patungong Amerika. Wala nang iba pang paraan upang mailayo niya ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Patakbong tinungo ni Anton ang elevator ngunit nainip lang siya sa pagbaba nito. Wala siyang nagawa kundi maghagdan. Halos liparin niya ang Pediatric Section ng ospital. Tinatanong niya kung nasaan si Archon sa mga on-duty sa nurse station maging ang mga kilala niyang doktor.

“Nico, nasaan si Archon?” Nagulat ang binata sa mahigpit na hawak nito sa kuwelyo ng kanyang puting uniporme.

“Uy, Anton. Kasal mo ngayon di ba? Ano ba? Bakit ba si Archon ang hinahanap mo?”

“SABIHIN MO KUNG NASAAN SI ARCHON!” sigaw ng lalaki.

“Aimee, pakitingnan nga ang schedule ni Dr. Archon.” Kalmado pa rin ang binata. Sanay na siya sa pagiging high-blood nitong si Anton. Balitang-balita sa Rehab Department ang ginawa niyang pagwawala noon dahil ayaw niyang magpa-theraphy matapos niyang maaksidente.

Kung hindi lang niya ina ang Director ng buong hospital ay tiyak na maba-blocklist siya sa mga ospital dahil sa pagka-spoiled brat nitong ugali.

Malayung-malayo kay Dr.Archon Enriquez na isang pediatric doctor ng mga bata.

“Sir…” Nanginginig tuloy si Aimee ng iabot niya ang clipchart ng schedule.

“Uy, Anton! Nakikita mo ba ito? Kasalukuyang nasa seminar si Archon. Huwag kang magwala dito. Matatakot ang mga baby sa nursery. 'Yung boses mo kung maghanap ka, abot ‘yan hanggang sa operating room. 'Yung mga nanay na manganganak ngayong oras, baka matakot ang mga baby na lumabas.”

“Sabihin mo sa akin kung nasaan siya?”

“May seminar nga! Angkulit nito. 'Di ka ba nakakaintindi,” Ngunit umiyak na parang bata si Anton sa gilid ng counter na iyon.

“Archon! Ilabas mo si Pauline. ILABAS MO SI PAULINE!”

“OMG! Is it true?” Nasambit ni Dra. Hilario. Nagulat siya sa sigaw ni Anton. Lalong nagkagulo ng dumating si Mrs. Enriquez kasama ang mga guwardiya upang kunin si Anton.

“Ilabas ninyo ang lalaking ito. Walanghiya ka! Dito ka pa mag-iiskandalo. Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan bilang ina mo! Kung ayaw na ni Pauline sa iyo, ayaw ko rin siyang maging manugang naiintindihan mo. Magsama sila ni Archon sa impiyerno. Ikaw naman, para kang mauubusan ng babae. Hindi pa katapusan ng buhay mo. Matagal pang magugunaw ang mundo!”

Hinayaan ni Danes na kaladkarin ang kanyang anak palabas ng ospital.

“Ipasok na ninyo sa mental hospital.”

Huminga si Danes. Inayos ang kanyang magandang damit sa araw na iyon. Ibinuka ang kanyang pamaypay.

“Pasensiya na kayong lahat.” Kalmadong sabi nito.”Mahirap talagang magpalaki ng mga poging anak na lalaki. Huwag ninyong seryosohin ang mga sinabi ko kanina. Baka sabihin ninyo ay m*****a akong biyenan. Sabi ko lang 'yun sa harap ni Anton. Para matauhan siya. Konting drama here and there because obviously, I am too exhausted now. Babush!” Nagpakendeng-kendeng pa ang babae habang namamaypay siya at naglalakad sa pasilyo ng taas noo.

Natawa na lang ang mga nurses and doctors maging ang mga pasyente at ilan pang mga tao na nakasaksi ng pagwawala ni Anton.

Sa mansion nagkita ang mag-ina. Inabutan rin niya itong nag-iimpake ng mga gamit.

“O, matapos mong magwala, saan naman ang larga mo?”

“Hayaan na ninyo ako. Malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko.”

“SIGE! MAGSIPAGLAYAS KAYO PARA MAWALA ANG SAKIT NG ULO KO! LAYAS! IWAN NINYO AKO!” Itinulak pa niya si Anton.

“Saglit lang po, hindi ko pa nga naaayos ang mga gamit ko eh, masyadong kayong nagmamadali. Aalis talaga ako! Si Archon lang naman kasi talaga ang mahal ninyo. Bakit? Kasi siya lang ang sunud-sunuran sa inyo. Siya lang ang one and only pride ninyo dahil naging doktor siya at hindi tulad ko na puro perwisyo ang ibinigay sa inyo!” Malakas na sampal ang ibinigay ni Danes matapos niyang marinig ang malaking kasinungalingan na iyon.

“You shut up! Pareho ko kayong mahal ni Archon. Sinuportahan ko ang gusto mo at hindi ka nakarinig ng kahit isang sumbat sa akin, kahit hindi mo tinapos ang kursong Medisina. Yes, he is my pride. You are also my pride because you are exceptionally talented person. You know what you want. You worked hard for them. But you can't do that in love. You can’t keep. Pauline. You know what happens when a person’s heart stopped from beating,”

“Then he or she dies.”

“Exactly, my son. But you are still alive. Keep your heart beating. Find a reason to make this heart beat again.

Umalis si Anton at nagtungo ng Mexico. Ipinangako niyang hindi na siya maniniwala sa love at first sight which happened only with Pauline.

Samantala sa labas ng gate ng mga Baker, hindi kinayang saluhin ni Gretchen ang kanyang mga kagamitan. Lahat ng kanyang mga damit ay nakakalat sa daan. Binubusinahan pa siya ng mga kotseng nagdaraan sa kanilang village at ang lahat ay mga kontrabida sa paningin ng dalaga. Ibababa pa ang kanilang mga salamin sabay- sigaw, “Cinderella is doomed.”

Tinakot pa ni Gretchen ang mga ito na ibabato ang kanyang hawak na malleta. Magtatawanan lang ang mga ito at papaharurutin ang kanilang kotse. Naubo si Gretchen sa usok.

“Mga buwisit! Ako pa ang tinakot nitong mga pangit na ito. Mukha lang kayong maganda dahil nadaan sa retoke, pero ‘yung pangit ninyong ugali, mahihirapan ang plastic surgeon.”

Naglakad si Gretchen patungo sa labas ng gate. Doon na siya naghanap ng taxi.

“Saan po tayo, Ma’am?”

“Sa Villa de Esteban, Manong,”

“Mukhang nag-alsa-balutan po kayo ah! Pinalayas po ba kayo?”

“Kuya, just take me there. Wala po ako sa mood para makipagkuwentuhan, pasensiya na po.”

“Villa de Esteban, here we come!” Nagpatugtog pa ang tsuper ng mga classic songs ni Whitney Houston. Nataong theme song pa ng kanyang mama at papa ang tumugtog. Lalo lang niyang na-miss ang kanyang mga magulang.

Doktor ang kanyang ama ngunit hindi niya sinundan ang yapak nito sa pagiging doktor. Doktor nga lang siya sa balat.

Gulat na gulat ang kanyang Lolo Esteban na naglalakad-lakad sa bakuran. Para siyang Prodigal Daughter na nagbabalik mula sa malayong lugar.

“Gretchen! Gretchen, is that you, Iha!”

“Lolo, yes! It’s me, Gretchen! Lolo, I missed so much!” Hindi napigilan ni Dom ang kanyang luha. Matagal niyang hinintay ang pagbabalik ng kanyang apo sa villa.

“Where is your Mama?”

“Hayun, nagpapakamartir sa lalaking walang ganda. Mukhang kailangan ko siyang patingnan sa espesyalista ng mga mata. Either bulag siya sa katotohanan o bulag siya sa pag-ibig.”

“Hindi mo maiintindihan hangga’t hindi ka naiin-love.”

Sabay na naglakad papasok ng mansion ang maglolo. Matagal siyang hindi pinayagan ng kanyang ina na dumalaw sa kanyang lolo. Ibi-brainwash lang daw kasi siya ng matanda kahit hindi naman.

Magkaakbay pa silang dalawa.

Kinuha ng mga kasambahay ang kanyang mga gamit at isinunod sa loob ng mansion. Sa paningin ni Gretchen, ang pagtira sa mansion at pagiging mayaman ay isang malaking responsibilidad. Pinalaki siya ng kanyang magulang sa isang payak at simpleng pamumuhay na may kasamang pagkakawang-gawa sa kapwa.

Sa mansion lang siya nabibihisan ng karangyaan ngunit ang kayang ugali ay hindi nababago ng yaman.

“Gretch, do you want me to go there?” tanong ni Oakley.

My situation with my mom is a bit complicated right now. I hope you understand.” Matapos ang ilang minuto pang palitan ng usapan ay ibinaba na ng lalaki ang linya. Madaling araw na sa Amerika and Oakley had always been so understanding with her shortcomings.

Mahihirapan si Oakley sa sitwasyon niya ngayon na kumbinsihin siyang magpakasal. She had lost her faith in love dahil sa kanyang ina. Paano na aatim ng kanyang ina na magkalayo sila habang kasama ang mga babaeng hindi naman niya anak?

Mabait lang kasi si Oakley but he is not the man yet. Kung sinuman ang lalaking iyon, hindi niya sigurado kung nag-i-exist ba sa mundo ang lalaking puwede niyang mahalin.

“Anong plano mo, Iha?”

“I just wanna take sometime to rest. Go out of the country and unwind. Nakaka-suffocate dito sa Pilipinas lalo na kung may toxic kang mga kapatid na tulad nila. Well, itinuring ko na rin silang kapatid dahil solong anak lang ako.”

“Why don’t you stay in Mexico? Stay at Sangre Real.”

“Really!”

“Yeah, nandoon ang mga pinsan mo. Pinatira ko muna ang Tita Elena at si Celeste sa casa dahil walang katiwala na umaasikaso roon. Sayang naman, baka may magpa-room reservation.”

“Lolo talaga!” Yumakap si Gretchen sa matanda.

Tinulungan si Gretchen ng mga kasambahay sa mansion upang ayusin ang kanyang mga gamit. Nag-aalala pa rin ito sa kanyang ina. Hindi siya siguradong magiging ligtas siya sa kanyang mga step sisters.

Sa tahanan ng mga Baker, abala si Gretel sa pagluluto. Umalis na ang mga kasambahay nila dahil matagal na silang hindi napapasuweldo ni Angelo. Ni hindi rin naman nakakapagbigay ng pera ang mga anak na babae nito.

“Mama, water please.”

“Angelica, nasa tabi mo lang ang baso. Abutin mo ang pitsel at saka mo lagyan ng tubig ang baso para makainom ka.” Nag-inarte pa rin ang babae. Nilapitan siya ni Gretel sa sobrang gigil nito dahil pagod na rin siya sa mga utos nila. Hindi niya inasahan na ganito siya itatrato ng mga itinuring niyang anak-anakan niya sa loob ng mahabang panahon.

“Wala nang magtatanggol sa iyo. Wala ng gagawa ng mga iyan dahil pinalayas mo kaya ikaw ang gumawa,” sabi ni Angelo habang sinasabunutan ito.

“Ano ba? Nasasaktan ako.”

“Pagkatapos mo diyan ay puntahan mo ako sa kuwarto at pakimasahe ang likod ko. Pagod ako galing sa trabaho.”

“Galing sa trabaho o sa madjong,” tugon nito.

Lalong nainis si Angelo at hinila ang kanyang mahabang buhok.

“Sinasagut-sagot mo na ako ngayon, Gretel! Gutumin kaya kita!”

“Papa, baka mahilo si Mama.” Pagtatanggol ni Angel.

“Walang maglilinis at magluluto dito, Papa kapag hindi nakakilos si Mama dahil sa gutom.” Iyon ang unang inalala ng mga babae sa halip na tumulong.

Hinayaan muna ni Gretchen ang ina. Umalis muna siya upang makapag-isip-isip. Ipinangako niyang kukunin ang ina pagbalik nito sa Pilipinas. Hindi siya naniniwala sa love at first sight o kaya ay sa kasal.

At nagkatabi pa sila ni Anton sa kanilang flight patungong Mexico.

“Okay lang bang palit tayo ng puwesto, mas gusto ko kasing tumingin sa labas ng bintana.”

“By all means.” Pumikit kaagad ang lalaki pagkalipat nito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 33: CRAZY THINGS IN LIFE

    Isa pang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa loob kasama ang ilang mga alalay nito. Nahintakutan ang lahat dahil pakiramdam nila ay may giyerang magaganap.“SINO DITO SA MR. ANTHONY ENRIQUEZ?” tanong ng matanda. May tungkod na ito ngunit buo ang boses at hindi halata ang katandaan sa kanyang boses. Maginoo ngunit astig ang dating.“Tatawagin ko lang po.” Mabilis itong pumasok at sinundan ang lalaki sa loob ng opisina ni Anton.Tumayo kaagad si Anton at sinalubong ang matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay ngunit hinawi ito gamit ang tungkod. Inilapit ang kanyang mukha nang malapitan.“Hmmm, ikaw si Anton.” Sinipat-sipat niya ang lalaki. Inikutan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa kahit paika-ika na itong maglakad habang nakatungkod.“Kilala mo ba ako?”“Yes, Sir. Kayo po ang may – ari ng buong building na ito.” Tumango-tango ang matandang don.“Good! But there is one thing I want to warn you about.” Nakinig mabuti ang binata.Si Mr. Esteban ang may-ari ng Skycraper Tower.

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 32: DILEMMA EVERY WHERE

    Tahimik na ang sitwasyon ng dumating si Clementine. Naka-lock ang pinto ng opisina ni Anton at walang nakapasok sa loob kahit anong katok nito.“May nangyari ba kanina?” Nakatalikod ang boss’ chair ni Anton at makalat sa loob. Nagkibit-balikat lang ang staff.Busy ito sa kanyang ginagawa. Hindi rin sila naglalakas ng loob na sabihin nito ang nangyari kanina dahil alam sa buong department na may gusto siya sa boss nila. Wala siyang narinig na alingasngas. Kahit si Margaux ay busy sa kanyang ginagawa ng silipin niya ito.Maagang umalis si Anton at hindi man lang niya ito nakausap. Nadatnan niyang konti pa lang ang tao sa club ng oras na iyon. Kenny G ang musikang pumailanlang sa buong lugar.Pag-upo niya ay inabutan siya kaagad ng bartender ng martini. Tinungga niya kaagad ang laman ng shotglass. Nakailang inom ay niluwagan na niya ang kanyang necktie. Napailing siya sa tuwing maaalala ang pagsugod ni Gretchen.“Anglakas ng loob! Ako pa ang susugurin na parang ako ang may kasalanan!” Na

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 31: CONFRONTING ANTON

    “Kumusta ka na, Gretel? Angtagal na nating hindi nagkita. Hindi mo ba ako na-miss?” Maraming beses ng nakakatanggap ng mga anonymous message ang babae ngunit hindi niya ito pinapansin.“May sorpresa ako sa iyo! SURPRISE!” Ilang minuto lang ay nagkaroon na ng alarma ng sunog.Nagsagawa ng arson investigation sa GK-Clinic. Lahat ay nasimula sa bodega ng mga basura. Imposibleng magkaroon ng short circuit or any faulty wiring dahil kagagawa lang nito. Besides, mahigpit si Don Ador at mga kalidad na inhenyero ang kanyang inupahan upang masigurong maiiwasan ang ganitong mga klase ng problema sa hinaharap.Walang makita sa CCTV ng mismong building na iyon kaya humingi ng tulong ang mga pulis sa mga katabing building na mayroong CCTV para sa mga footages sa pagitan ng oras na naganap ang sunog. Mabilis na pinakilos ang mga imbestigador upang malutas kaagad ang kaso.Wala namang taong kahina-hinala ng araw na iyon. Tiningnan isa-isa ang attendance nila ngunit may absent pala. Iyon ang kanilang

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 30: COVER UP

    Tiningnan ng doktor ang chart ng lalaki. Nakaupo na si Anton sa kanyang kama at bahagyang hinilot ang kanyang braso. Nanibago siya sa pagbuhat sa bata. Pina-x-ray pa kasi siya para makasiguradong walang malalang injury sa kanya.“Sir, okay na po ba ang pakiramdam ninyo?” tanong ng doktor.“Nothing serious.” tugon nito.“Puwede na rin po kayong ma-discharge ngayon. Leave the bill to us. It will be taken care of by GK Clinic.” paliwanag ng doktor.Hustong paalis na si Anton ngunit nagdadalawang – isip pa itong umalis. Nilingon niya ang kurtinang iyon. Nakatayo lang siya sa labas habang tila magulo sa katabing kama. Gusto rin sana niyang makita ang bata bago siya umalis ngunit nawalan siya ng lakas ng loob.Halos liparin ni Gretchen ang Ward Section kung saan dinala ang bata.“Bakit hindi ninyo siya dinala sa isang pribadong kuwarto?”“Hindi naman delikado ang nangyari sa kanya.” ani Gretel. “Kumusta po kayo, Mama? Hindi po ba kayo nasaktan?” Labis-labis ang pag-aalala nito sa ina lalo n

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 29: IT'S GRETCHEN

    Hindi napuntahan ni Oakley si Tonia dahil marami itong ginawa. Nalaman na lang niyang hindi dumalaw si Gretchen sa ina ng ang bata mismo ang tumawag sa kanya.“Tito Oakley, is mommy there? When are you going to get me here?” Tinawagan niya si Gretchen ngunit nakapatay ang cellphone nito. Wala siyang nagawa kundi dalawin si Tonia.Gulat na gulat naman si Gretel ng makita ang lalaki sa bakuran ng mansion. Dinig ni Oakley ang pagsaway nito sa bata habang nakalublob ito sa tubig. Nasa likod-bahay sila dahil nagsu-swimming si Tonia kasama si George.“Ma’am, may bisita po kayo.” Iniwan na sila ng kasambahay.“Wala yata si Gretchen,” tanong ni Gretel.“Nasa clinic po siya.”“Oakley…” Seryosong tumingin si Gretel sa binata. “Alam kong matagal na kayo ni Gretchen. But you see, she had a daughter. Sa haba ng panahon na magkasama kayo, bakit hindi muna kayo magpakasal bago kayo magsama?”Hindi nakaimik si Oakley. Tiyak na iniisip ng kausap na hindi siya seryoso sa anak nito at baka ginagamit lan

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 28: MIGHTY DECISION

    Iniwasan ni Clem si Phoenix. Matagal nang gusto ng binata ang babae ngunit hindi rin siya nabibigyan ng pansin ng dalaga dahil si Anton lang talaga ang apple of the eye nito.“Alam mo Phoenix, huwag kang masyadong magpakahangal kay Clementine. Kay Anton lang umiikot ang kanyang mundo kaya hindi ka niya mapapansin.” Tinapat ni Margaux ang binata.Ipinagmamalaki kasi nito na crush niya si Clementine ngunit hindi naman ito siniseryoso ng babae. Sa kabila noon, hindi pa rin titigil ang binata upang makahanap ng tamang pagkakataon.Uminom ng alak ang babae kasama ni Phoenix. Nagpakalasing ito sa sobrang sama ng loob. Hindi sapat na nakaiyak na siya.“Ano bang kulang sa akin?” Nakayuko na si Clem at wala na sa sarili. Hawak niya ang bote ng alak.“Ipinagpipilitan mo kasi ang sarili mo sa kanya. Let go na kasi.”“Hindi naman ako si Elsa. Si Clementine ako.”“Oh! my darling, Clementine.” Muntik nang kantahin ni Phoenix ang sinabi niya. “Tama na kasi ang inom, halika na. Ihahatid na kita!”“Ay

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status