CELESTINE VIENNE
“Hello, Zion? Nandito na ‘ko sa Haven Palace.” kausap ko si Zion sa kabilang linya.
Pasado alas otso na ng gabi nang makarating ako dito. Kagaya ng sabi niya, nag-commute ako mag-isa dahil maliban sa wala akong sasakyan, hindi din ako marunong magmaneho. [We’re on our way. Na-traffic lang.] sagot niya at walang pasabing pinatayan ako ng tawag. ‘We’re on our way’? So, magkasama nga talaga sila ni Thalia. Napahigpit ang hawak ko sa bitbit na purse saka napasandal sa pader sa gilid ng entrance ng Haven Palace. I have no access para makapasok kaya kinakailangan ko pang hintayin si Zion. Nag-eexpect din kasi sina lolo na sabay kaming darating ni Zion, kaya hindi na nila ako binigyan pa ng invitation. “Vienne?” Napaangat ako ng tingin pagkarinig ko sa pangalan ko. “Were you stalking me?” pakunwaring biro ng lalaking tumawag sa pangalan ko saka natawa. Napalunok ako nang wala sa oras nang mapagtantong ito yung lalaking katal*k ko kagabi. Anong ginagawa niya dito? He’s wearing a crisp white long-sleeved polo, at bahagyang bukas ang itaas na butones kaya kitang-kita ang collarbone niya. The sleeves were folded neatly up to his elbows, giving him that perfect balance between formal and effortless. Pares nito ang navy blue tailored slacks na swak na swak sa katawan niya, at black leather shoes na sobrang linis. I still can’t believe na ganito pala kagwapo ng lalaking naka-one night stand ko— hays! Ano ba ‘tong iniisip ko? “Kidding aside. Anyway, what brings you here?” sunod niyang tanong. Palinga-linga ako sa paligid, sinusubukang i-check kung nandito na ba si Zion. Pero wala pa rin siya.Muli kong tinignan ang lalaki bago binuksan ang dalang purse at dumukot ng pera.
Nakakababa man ng pride ang gagawin ko, pero wala akong choice. Ayokong maabutan ako ni Zion na kasama ang lalaking 'to dahil natatakot akong baka malaman niya ang ginawa ko kagabi.
“Here’s the money. Hope you forget about what happened last night.” abot ko sa kanya ng limangdaan saka tinalikuran siya at naglakad palayo. Yun lang ang perang dala ko. Balak ko pa nga sanang ipamasahe ‘yon mamaya pag-uwi, pero hayaan na nga lang para hindi na rin ako guluhin ng lalaking ‘yon. “Vienne!” Tinatawag niya pa rin ako kaya mas lalo kong binilisan ang lakad. Mapapahamak ako sa lalaking ‘to e. “Wait!” Biglang may humawak sa braso ko dahilan para mapahinto ako at lingunin siya. “Para saan ‘to?” taas niya sa perang binigay ko. “Mukha ba akong callboy?” puno ng pagkadismaya ang boses niya. Napapikit ako nang mariin at kumuha ng bwelo bago magsalita. “Listen, mr. whoever you are,” panimula ko, nakalimutan ko kasi ang pangalan niya. “I’m married…” sabay pakita ko sa suot kong singsing, “and what happened between us last night was just a mistake. Masyado tayong nadala sa alak at—” “—that gives you the right to treat me like some guy you hired for the night?” putol niya, may halong pait at galit sa tinig nito. Napaatras ako nang bahagya. Hindi ko inaasahan na gano’n kalalim ang tama sa kanya ng ginawa ko. Akala ko pareho naming tanggap na lasing lang kami. Na walang ibig sabihin ang lahat. Pero sa pagkakatitig niya sa akin ngayon—parang may kung anong pinunit sa pride niya. “Huwag mong gawing excuse ang alak para burahin ang nangyari,” mariin niyang dagdag. “You may be married, but don't insult me by throwing money like I'm some cheap fix.” Napayuko ako dahil sa hiya. “I’m sorry…” mahina kong saad. Kinuha niya ang kamay ko at marahang isinuksok muli ang perang kanina’y pilit kong iniabot. Walang kahit anong salita. Just that one sharp, disappointed gesture. “Tch.” Isang maikling tunog ng inis ang binitiwan niya bago niya ako tinalikuran at tuluyang lumayo. Nanatili akong nakatayo roon, hawak ang perang pinilit kong gamitin bilang pamalit sa konsensya ko. I couldn't believe I just did that.Pahiya ka talaga, Vienne.
Natigil ako sa paninisi sa sarili nang biglang tumunog ang cellphone ko, kaya dali-dali kong sinagot ang tawag.
[Nasaan ka na? Akala ko ba’y nandito ka na?] pagalit na tanong sakin ni Zion. Napatingin ako sa main entrance ng Haven Palace at napatampal sa sariling noo pagkakita kong nakatayo siya doon—kasama si Thalia. “Teka, papunta na.” Minadali ko ang paglalakad, dahil baka mag-alburoto na naman ‘yon at pagalitan ako. “Sorry, ano kasi—” Balak ko pa sanang magpaliwanag kay Zion pero kaagad siyang tumalikod at naunang pumasok, habang naka-angkla ang kamay ni Thalia sa braso niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Bakit pa ba ako mag-aabalang magpaliwanag sa kanya? Hindi rin naman siya interesado kaya nagmumukha lang akong tanga. Pumasok ako kasunod nila at kahit may kaunting kirot sa puso ko, pinili ko na lang ang manahimik. Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa isa sa mga Private Function Room ng Haven Palace—isang eleganteng silid na may sariling dining area, ambient lighting, at mahinang instrumental na musika sa background. Halos parang dining room ng isang royal family. “Good evening po.” bungad ni Thalia pagkapasok namin sa mga taong nakaupo sa mahabang dining table. “Good evening, hija.” mabilis na lumapit ang ina ni Zion at yumakap sa kanya sabay beso. Sumunod niyang niyakap ang anak at nang bumaling ito sakin, inirapan niya lang ako at iginiya palapit si Thalia sa dining table kung saan nakaupo ang pamilya nila. “Veinne, hija. Dito ka na maupo sa tabi ko,” tinawag ako ni Lola kaya kahit papano’y napangiti ako at lumapit sa tabi niya. “Kamusta ka na, apo?” mahinang tanong ni Lola habang inilalagay ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. “Ayos lang naman po.” Magmula noong mapunta ako sa pamilyang ‘to, tanging si Lola Felicidad lang ang naging kakampi ko. Siya lang ang kaisa-isang taong nag-aalala, nagpapakita ng pag-aaruga, at nagpaparamdam na may halaga pa rin ako kahit parang invisible ako sa asawa ko. “Happy birthday, po,” Thalia greeted Lolo, which made me turn to look at her. She was sitting next to Zion, both of them right in front of me. “I wish you more years of happiness, good health, and lots of love. You deserve nothing but the best po,” dagdag pa nito sabay abot ng isang maliit na gift box na balot sa maroon satin ribbon. Nakangiting kinuha ni Lolo ang regalong binigay niya. “Salamat, hija. Ano nga ulit ang pangalan mo?” Tumikhim si Zion. “Lo, si Thalia po. She’s working as Marketing Manager sa kompanya natin.” tila proud na proud na pakilala ni Zion dito. Napayuko naman ako at hindi mapigilang kagatin ang ibabang labi dahil sa inaakto ng asawa ko. “Ikaw, Celestina.” napaangat ako ng tingin nang tawagin ako ng ina ni Zion. “Hindi ka man lang ba nag-abala na paghandaan ng regalo ang lolo mo?” mapanuyang tanong nito sakin, habang may bahid ng pangungutya ang mga mata. Lahat ng mga mata ay nakatingin na ngayon sakin at naramdaman ko na lang na mahigpit na hinawakan ni Lola ang kamay ko. Gusto ko rin sanang bigyan ng regalo si Lolo, pero noong tinanong ko si Lola nung nakaraang araw kung ano ang gusto ni Lolo, sabi niya na huwag na akong mag-abala dahil wala na rin naman daw ibang hihilingin si Lolo. Matanda na kasi siya at nasa kanya na lahat ng kailangan niya. Bago pa man ako makapagsalita, bumukas ang pinto ng function room at pumasok ang isang lalaki. Nakapamulsa ito habang naglalakad nang tuwid, para bang hindi alintana ang mga matang sabay-sabay na lumingon sa kanya. Halos manlaki naman ang mga mata ko nang mamukhaan ang bagong dating. Ano na namang ginagawa niya dito? “Happy birthday, dad.” lumapit ito kay Lolo at humalik sa pisngi. Napakurap ako sa gulat. Dad? “Caelan, anak. Mabuti naman at nakarating ka.” sabat ni Lola at tila’y natutuwa nang makita ang lalaking kadarating lang. Anak? Anak siya nila Lola? Yung lalaking nakilala at nakasama ko kagabi sa bar? Yung lalaking inabutan ko kanina ng pera at sinabihang kalimutan ang nangyari samin? Ibig sabihin, tiyuhin siya ni Zion? Papanong hindi ko kilala ang lalaking ‘to, gayong isang dekada na akong nakatira sa pamamahay nila Zion? Parang gusto kong batukan ang sarili ko para magising sa katangahang ginawa. Sa dinami-dami ng lalaking pwede kong makat*lik kagabi. Bakit siya pa?CELESTINE VIENNE“TELL ME,” panimula ni Mr. Reyes. Nakatayo siya sa harap ng kanyang desk habang nakahalukipkip ang mga braso at tila’y X-ray machine kung makatitig sakin. “Ano ‘yung nakita ko sa presentation mo kanina?”“Sir, I—I’m not sure how it got there. It wasn’t part of the original deck—”“Alam kong hindi ‘yun kasama sa deck,” singit niya. Matalim ang kanyang tono pero nanatiling kalmado ang boses. “I wouldn’t have approved a slide with a banana wearing sunglasses dancing in front of Vanguard’s board of directors.”Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Sana lamunin ako ng lupa, ngayon din.“Sir, it might’ve been a file corruption—”“Corruption?” napailing siya. “May nangyayaring file corruption na naglalagay ng animated fruit sa PowerPoint? Bago ‘yan sa IT.”Tumingin siya saglit sa screen ng computer niya, pagkatapos ay muling binaling ang tingin sa akin.“You’re lucky. The Chairman and the CEO didn’t walk out,” dagdag pa niya. “And for some reason, Mr. Caelan Delgado seems to t
CELESTINE VIENNEBAGO pa man ako makapasok sa loob ng conference room, hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Caelan.“What’s up, Vienne. Nagkita ulit tayo?”I’m not in the mood para sabayan ang trip ng lalaking ‘to. But since this guy is rumored as a new replacement for CEO position, I should be on his good side.“Good morning, sir.” pormal kong bati sabay yuko.Paniguradong nandito siya to attend the presentation.Bahagyang natawa si Caelan, may pilyong ngiti sa labi niya. “Nah, you’re making me feel old by calling me sir.”Bago pa man ako makasagot, biglang dumating si Zion—his presence as commanding as ever.“The presentation is about to start any minute,” he said coolly, his tone devoid of warmth. Mabilis niya kaming pinasadhan ng tingin ni Caelan bago muling magsalita. “Did I interrupt you both?”Napahigpit ang hawak ko sa folder at halos bumaon ang mga daliri ko sa gilid nito. Hanggang ngayon nandito pa rin ang bigat ng pakiramdam ng sagutan namin kanina.“If you’ll excuse me
CELESTINE VIENNE“Tawag ka ni Boss D.” bungad kaagad ni Elle pagkapasok ko sa opisina namin. Hawak-hawak niya ang laptop sa kanang bahagi ng kamay niya habang cup of coffee naman sa kabila.“Teka, anyare sa’yo?” nag-aalalang tanong niya, marahil halata pa rin na kagagaling ko lang sa pag-iyak. “Mukha kang giniba ng bagyo sa hitsura mo. Ayos ka lang ba?”“I’m fine,” pagsisinungaling ko at nilagpasan siya.May kung ano pa siyang sinabi pero hindi ko na pinansin at dumiretso patungo sa inner office para puntahan si Mr. Reyes, yung PMO Director namin.Pinilit kong i-neutralize ang ekspresyon ko bago binuksan ang frosted glass door. Bawal ang personal na emosyon dito.“Miss Hervilla,” sabi ni Mr. Reyes nang makapasok ako. “I’m glad you’re here,” dagdag pa niya at kinuha ang isang folder sa table niya saka muling tumitig sakin.“Good morning po, sir.” bati ko.“Good morning. Anyway, you’ll be presenting the Sapphire Heights proposal this morning. The board expects a comprehensive walk-throu
CELESTINE VIENNE“I KNOW! THAT’S WHY I FCKIN’ NEED IT!”Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang sa pinto ng opisina ni Zion, iyan kaagad ang narinig ko sa kanya habang may kausap siya sa telepono.Kumatok pa ako ng tatlong beses kahit bukas na ang pinto, just to get his attention.“You asked me to come,” sabi ko nang sa wakas ay tumingin siya sakin.Nananatiling nakakunot ang noo niya, halatang hindi pa rin nawawala ang init ng ulo. Ilang segundo pa bago niya ibinaba ang telepono—medyo madiin pa ang pagpatong nito sa mesa.Sino kaya ang kausap niya at ganun na lang ang galit niya?“Bakit mo ba ako pinatawag?” tanong ko habang nagsisimulang maglakad papunta sa mahabang sofa. Umupo na ako kahit hindi pa siya nagsasabi.“I need your help.”Napaangat ako ng tingin, tila hindi makapaniwala sa narinig ko.Seryoso ba ‘to?“Tulong saan?”Naglakad siya palapit din sa direksyon ko at umupo rin sa kaharap kong sofa. “Kailangan kong makausap si Lolo. He’s considering removing me as CEO and I need you
CELESTINE VIENNETAHIMIK buong byahe papunta sa main office building ng kompanyang pinagtatrabahuan ko.Sino ba naman ang hindi tatahimik matapos halikan ng siraulong nasa driver’s seat?Kung hindi ko lang kailangan ngayon ng masasakyan papuntang opisina, malamang binalibag ko na ’to.“Dito mo na lang ako ibaba.” sabi ko habang papalapit kami sa likurang bahagi ng main office building, malapit sa side entrance na halos walang dumadaan.Ayokong may makakita sa akin na bumaba mula sa kotse ng lalaking kasama ko.“Doon na lang sa parking—”“Hindi na,” putol ko agad, sabay tingin sa unahan.“Fine,” aniya sa mababang tinig saka inihinto ang kotse. “Parang kinakahiya mo yata na kasabay ako.”Kunot noo akong napabaling sa kanya. “Ganun na nga,” pabalang kong sagot, making his face twist in irritation.“Grabe, ikaw na nga ‘tong hinatid ko,”Hindi ko na siya pinansin at binuksan ang pinto sa passenger seat. “Salamat na lang,” sabi ko at tinalikuran siya.“Wala man lang bang kiss?” dinig kong h
CELESTINE VIENNE PASADO alas sais na nang magising ako at wala na si Zion sa tabi ko. Siguro on the way na siya papuntang office dahil lagi namang maaga kapag umaalis ‘yon.Bumangon ako para makapaggayak papuntang trabaho.Ilang araw din akong hindi pumapasok dahil binabagabag ako sa divorce na gustong mangyari ni Zion, pero wala siyang kaalam-alam. Kaya kung sakaling umabsent na naman ako ngayong araw, baka malaman na niya at sisantehin ako.Sarado ang puso nun pagdating sakin e, kaya paniguradong hindi siya magdadalawang isip at tanggalin ako sa trabaho.Pagbaba ko sa hagdan, dumiretso ako sa kusina para kumain muna bago pumasok, ngunit hindi ko inaasahang maabutan si Zion na nakaupo sa paborito niyang spot tuwing umaga.Napatingin ako sa wristwatch na suot, bago muling bumaling sa kanya. Nagkakape siya habang abala sa kung ano mang binabasa sa hawak na iPad.Mag-aalas syete na’t nandito pa rin siya? Bago ‘to ah.“Morning,” bati ko sa kanya.Binalingan niya ako saglit at tinanguan