Share

Chapter 27: Back To Panglao

"Sunny, nagugutom ako."

Natigilan si Sunshine sa sinabing iyon ni Norman. Ang matang nakatuon sa kalsada ay unti-unting pinangilidan ng luha. For almost three years, muli niyang narinig ang mga salitang iyon. Dahan-dahan siyang lumingon sa binata at napatitig dito.

Tila naman naramdaman ni Norman ang mga matang nakatingin sa kaniya kaya nilingon nito ang dalaga. Gayon na lang ang kaniyang pagtataka at pag-aalala pagkakita kay Sunshine. Agad nitong naihinto ang sasakyan.

"Hey, what's wrong? May masakit ba sa 'yo?"

"Sunny, may problema ba?" tanong pa ni Norman. Iniangat nito ang palad at inabot ang luhaang pisngi ng dalaga.

"Ha? Ah..." Napapitlag si Sunshine nang maramdaman ang mainit na palad na nasa kaniyang pisngi. Tila siya nahimasmasan kaya mabilis na pinunasan ang mga luha.

"Umiiyak ka na naman. May nasabi ba akong masama?"

"W-wala. M-may naalala lang ako. Sabi naman kasi sa 'yo magta-taxi na lang ako. Ginutom ka na tuloy sa biyahe."

"Okay lang ba kung kumain muna tayo?"

"Ah, sorr
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status