Share

Chapter 7: Not Attracted

"TATANGGAPIN ko ang trabahong iniaalok mo. Pero may kondisyon ako."

Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Norman pagkarinig sa sinabing iyon ni Sunshine na nagpaulit-ulit pa sa kaniyang isip. Dahan-dahan siyang humarap sa dalaga at ipinaskil ang seryosong mukha.

"What is it?" pigil ang sariling ipakita ang tuwang nadarama na tanong niya.

"Ahh… n-no sex involve! P-pagsisilbihan lang kita! Susundin ko lahat ng ipag-ipag-uutos mo, p-pero hindi ang p-pagsilbihan ka sa kama!" nauutal na anang dalaga.

"Alam m—"

"Hep! Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangan ng ten million mo. You just need to pay my basic salary. Plus! Those tips from my costumers! Remember? Bukod sa sahod ko kumikita rin ako dahil sa mga ibinibigay na tip ng mga costumer sa bar. Iyon lang! Iyon lang ang kailangan ko, kaya 'wag mo akong hihingian ng extra service! Nagkakaintindihan ba tayo?"

Hindi na napigilan ni Norman ang sarili, sumilay sa kaniyang mga labi ang pilyong ngiti at unti-unting lumapit sa dalaga.

"Deal…" anas niya sa mismong mukha ng dalaga.

Lalo siyang nakaramdam ng kakaibang tuwa nang makita ang pagkailang nito dahil sa lapit nila sa isa't isa. Ramdam niya ang sunod-sunod na pagbuga nito ng hangin na tumatama sa kaniyang mukha na ga-dangkal na lamang ang pagitan sa mukha niya, dala marahil ng kaba nito.

Mahina pa siyang napatawa dahil sa pagpitlag nito nang marinig ang paglapat ng pintuan na nasa likuran nito.

"H-hoy! Lu-lumayo ka naman! Kakasabi ko lang ng kondisyon sa 'yo, ah!" nauutal na singhal ni Sunshine sa binata.

"Bakit? Wala naman sa kondisyon mo na bawal lumapit sa 'yo nang ganito kalapit, hindi ba?" mapanuksong bulong ni Norman sa punong-tainga ng dalaga.

Muling umangat ang gilid ng labi ng binata nang maramdaman sa kaniyang balat ang pagtindig ng pinong mga balahibo sa tenga ni Sunshine.

"K-kahit na… wala k-ka p-pa ring karapatang dumikit sa 'kin nang sobra…" bakas ang kaba na anas ni Sunshine. Itinungkod pa ang mga kamay sa dibdib ng binata upang gawing harang.

Umayos ng tayo si Norman ngunit hindi ito dumistansiya. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Salubong ang mga kilay at mababanaag ang pagkailang sa kabuuan ni Sunshine. Bagamat pinipilit nitong maging mataray tingnan ang mukha ay naroon pa rin ang pagiging maamo niyon.

"Okay…" mahinang wika niya. Muli siyang yumuko upang ipantay sa mukha ng dalaga ang sarili, atsaka inilapat ang dalawang kamay sa dahon ng pintuan. "But— what if I was tempt to kiss you? Can I just kiss you and pay you extra?"

Nakita niya ang pagkatigagal ng dalaga kaya naman unti-unti pa niyang inilapit ang mukha rito hanggang sa mag-umpugan ang tungki ng kanilang ilong. Napangiti pa siya nang mariing pumikit ang dalaga.

"You may start tomorrow," narinig ni Sunshine na wika ng binata kaya naman dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakitang nakatalikod na ito sa kaniya at patungo sa mini bar.

Woooohh…

Marahas siyang napabuga ng hangin.

'That was so close! Too close, Sunshine! Bakit napapikit ka pa, imbes na sawayin siya!' Parang sira na saway niya sa sarili.

"I want you to be here exactly at seven in the morning. Late is forbidden for me, so there will be a punishment for every minute laps. And before I forgot, you will stay here for my entire vacation, and you don't have a day off."

"Ha? B-bakit naman?" pagpoprotesta ng dalaga.

"Anong bakit naman? Bakit ka stay-in o bakit wala kang day-off?"

"Pareho!"

"You work for me as my servant. So everytime I need something, I want it immediately. How can I have it if you are not here 24 hours, 7 days a week?"

"Grabe naman! Pati ba naman sa pagtulog mo kailangan nakabantay pa rin ako sa utos mo?!"

"Yes, and besides, you are running out of time. Waiting for you ate my one week of staying here! No more questions from you! Deal with it or not?!" singhal ng binata.

Natigilan siya at saglit na nag-isip. Three weeks na lang naman, mabilis na lang iyon! May gusto pa sana siyang itanong dito ngunit nag-aalangan siya dahil kababakasan na ng pagkainip ang mukha nito.

"Don't worry, after your three weeks contract with me kakausapin ko si Lowelle para makabalik ka sa restobar niya."

Nagliwanag naman ang mukha ni Sunshine pagkarinig doon. Parang nabasa yata ng binata ang nais niyang itanong dito at iyon nga iyon. Humugot muna siya ng hininga. Tikom ang bibig na pinaglapat ang kaniyang mga palad sa isa't-isa na animo'y nagdadasal at bahagyang tumango.

"Okay… deal!" pagtanggap niya sa mga gusto nitong mangyari.

"MAMANG…" alumpihit niyang tawag sa inang nakahiga sa papag na higaan nito.

"Sunny, anak. Nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba?"

"Oho, `mang. Maaga lang po akong pinauwi ngayon, kasi po…"

"Oh, bakit daw?" Umupo ang ginang at isinandal ang likod sa pinagpatong-patong na unan, atsaka tinapik-tapik ang espasyo sa tabi nito upang maupo roon ang dalaga.

"Kinausap po ako ng boss ko. Pinag-i-stay-in niya ako. Pero `mang, tatlong linggo lang naman po iyon. Pagkatapos po ng tatlong linggo babalik na rin po ako rito." Inihilig niya ang ulo sa dibdib ng ina at niyakap ito sa baywang.

"Ayaw ko po sana, `mang. Kasi tatlong linggo ko rin po kayong hindi makakasama. Iyon ngang isang gabi lang na hindi ako nakakauwi para makita kayo ay mabigat na sa kalooban ko, iyong tatlong linggo pa kaya. Pero kasi kailangan po natin, eh," pagpapatuloy niya nang hindi marinig ang tugon ng ina.

Naramdaman na lamang ng dalaga ang masuyong paghaplos ng ina sa kaniyang buhok.

"May tiwala naman ako sa 'yo at malaki ang tiwalang iyon. Ipangako mo lang na iingatan mo ang sarili mo." Sinuklay-suklayan ng ginang ang buhok ng anak. "Ang totoo, nahihiya na ako sa 'yo, Sunny. Alam kong nahihirapan ka na. Masiyado ng pabigat si mamang sa i—"

"Hindi po totoo 'yan, `mang! H'wag n'yo pong isiping pabigat kayo sa 'kin, dahil ang totoo po niyan masaya po akong pinagsisilbihan at naaalagaan kita sa abot ng makakaya ko. Gusto ko pa pong tumagal ang buhay mo kaya gagawin ko ang lahat-lahat para gumaling kayo. Kaya wala po kayong ibang dapat gawin at isipin kundi ang lumakas at gumaling." Tumuwid siya ng upo at pilit niyang pinasigla ang boses habang nakangiting nakatingin sa ina.

Umangat ang kamay ng ginang at dinala iyon sa pisngi niya. "Salamat, anak. Napakaswerte ko dahil lumaki kang mabuti at mapagmahal. Malaki man ang pagkukulang ko sa 'yo bilang ina, ngunit magkagayon man ay lumaki ka nang may pagmamahal sa puso mo."

"Mahal na mahal kita, Mamang. Kaya kahit ano pa man iyong pagkukulang na sinasabi mo, hindi ko po iyon naramdaman kahit kailan."

"Mahal na mahal din kita. Panatilihin mo ang kabutihan sa puso mo, pero huwag na huwag kang magpapaagrabiyado. Kung kinakailangang lumaban ka, lumaban ka. Dahil kapag ikaw na lang mag-isa, wala kang ibang magiging kakampi maliban sa iyong sarili. Naiintindihan mo ba? Mag-iingat ka habang naroon ka, ha?"

"Opo, Mamang." Mahigpit niyang niyakap ang ina. Inayos niya itong muli sa pagkakahiga at hinintay na makatulog bago niya tinungo ang sariling silid.

"Bukas… bukas na mag-uumpisa ang kalbaryo sa buhay ko. Sana naman matagalan ko ang pagsisilbi sa mokong na 'yon," piping usal niya habang nakatingin sa kisame ng kaniyang maliit na silid.

Hinila niya ang isang unan at patagilid na niyakap iyon.

At sa kaniyang pagpikit, hindi niya inaasahang mukha ng binata ang lilitaw sa kaniyang gunita.

SA IKALAWANG pagkakataon ay naroon na naman siya sa tapat ng malaking gate na gawa sa bakal. Nakatunghay sa tila palasyong istraktura ng hotel na nakatayo sa gitna ng malawak na lupain.

Ilang taon man siyang sa restobar nagtatrabaho ay madalang naman niyang matanaw ang parteng ito ng Palacio Grande. Nasa kabilang kabisera kasi ang entrance gate ng restobar.

At naroon na naman ang tila tambol sa lakas ng kabog sa kaniyang dibdib.

"This is it! This is really it! Fighting, Sunshine! Fighting!" pagpapalakas-loob niya sa sarili.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at pilit na pinasigla ang kaniyang kilos na umabante papasok sa gate. Tinalunton niya ang mahabang daan patungo sa entrada ng mismong hotel.

Nang makatapak siya sa loob ng hotel ay lalong bumilis ang pagtahip ng kaniyang dibdib. Nilalamon siya ng matinding kaba at naiinis siya dahil wala siyang magawa upang mapakalma ang sarili!

'Ano bang nangyayari sa'yo, Sunshine!? Kumalma ka! Kalma! Inhale… exhale… inha—'

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang tumama iyon sa malaking ancient clock na nakadisplay sa pagitan ng elevator.

'6:57 am na!'

'I want you to be here, exactly at seven in the morning. Late is forbidden for me, so there will be a punishment for every minute laps.'

Gusto na na niyang marindi dahil sa pag-alingaw-ngaw ng boses ng lalaking iyon sa isip niya.

Kumaripas siya ng takbo at nakipag-unahan sa pagpasok nang bumukas ang elevator. Agad niyang pinindot ang 5th floor button. Mabilis siyang lumabas pagkabukas na pagkabukas pa lamang niyon, hindi na alintana kung may naitulak o nasasanggi ba siya.

Pinindot niya ang doorbell at habol ang hiningang naghintay na pagbuksan siya ng pintuan, ngunit nanatili iyong nakapinid. Muli niya iyong pinindot, pero nakailang ulit na siya ay nanatili pa rin iyong sarado.

"Hays! Bahala ka! Ikaw ang late at hindi ako!" inis na sigaw niya at sumandal sa dahon ng pinto.

Ilang minuto pa siyang naghintay doon habang panay at salitan ang ginawa niyang pag-doorbell at pagkatok.

Ang minuto ay umabot ng isang oras. Dumaudos ang kaniyang katawan paupo.

Dalawang oras…

Tatlong oras…

"Aaayyy!" tili niya nang bumukas ang pintuang kinasasandalan at mapahiga siya.

"What are you doing there?" halata sa binatang nagpipigil itong matawa dahil sa ayos niya.

Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili.

"N-nothing…" napapahiyang sagot niya.

"It's already 10 in the morning. You are three ho---"

"E-excuse me! Tatlong oras na akong naghihintay dito sa labas. Tatlong oras na akong nag-do-doorbell at kumakatok sa pintuan! Kaya kung late ako, pwes! Kasalanan mo 'yon!" hindi niya napigilang singhal dito.

"Tsk…" mahinang palatak ng binata `saka siya tinalikuran.

"Pa-tsk tsk pang nalalaman, batukan kita d'yan, eh…" inis na bulong niya sa sarili habang nakasunod dito.

"Are you saying something?" Biglang pihit paharap sa kaniya na tanong ng binata dahilan upang ma-out of balance siya sa pag-iwas sana rito. Mabuti na lamang at mabilis din siyang nahawakan nito sa kaniyang baywang.

"Don't come near me… para naman hindi ka masiyadong kinakabahan," mayabang nitong wika na ngising-ngisi pa sa kaniya.

Tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang baywang at tinaliman ito ng tingin saka bahagyang dumistansiya rito.

Nagpatuloy ang binata sa paglalakad hanggang sa marating ang mini bar. Dinampot nito sa counter bar ang ilang papel at iniabot iyon sa kaniya.

"Ano 'to?" kunot ang noong kinuha iyon.

"Kontrata, basahin mo para walang maging problema."

"Three weeks lang naman akong magtatrabaho sa 'yo, `di ba? Bakit kailangan pa ng kontrata?"

"Dahil ayaw ko nga ng problema. Basahin mo na lang nang mabuti 'yan. Nakasaad d'yan ang mga dapat at hindi mo dapat gawin habang nagsisilbi ka sa `kin."

Pinasadahan nga niya ng basa ang type written contract, at may mangilan-ngilan doon ang talaga namang nakapagpapalaki sa kaniyang mga mata.

'Grabe! Tsk!' Palatak niya sa kaniyang isip pagkabasa sa ilan sa mga nakatala roon na mas nakakuha sa kaniyang atensiyon.

Article 3. There will be no boys are allowed to be near nor talk to you, even if he's a friend or aquaintance. Specially, when I'm not around.

Article 5. Cellphone is not allowed, unless if emergency.

Article 7. In case that I am tempted to kiss you, then let me. I will pay for every chances.

Article 10. You will recieve an amount of five hundred thousand pesos (P500,000.00), the day that you will complete the three weeks of being my servant. This will be the total amount of your three weeks salary, including the unclaimed benefits, bonuses and etc.

WTF???

Napaangat ang kaniyang ulo at tila nais magprotesta sa huling nakasaad sa kontrata na napatingin siya sa binata.

"T-teka! Ba-bakit may kiss? Ano 'yon!? Hindi pwede! Atsaka, five hundred thousand?! Bakit sobra sobra naman yata?!"

"Just sign it!" singhal ni Norman at padaskol na iniabot ang ballpen sa kaniya.

"T-teka… magkalinawan muna tayo sa number seven at eight. Bakit kailangang may gano'n? Okay naman na sana iyong iba, eh."

"Wanna know why?"

Tumango siya bilang tugon sa tanong nito. Narinig pa niya ang marahas nitong pagbuga ng hangin at seryosong tumingin sa kaniya.

"I don't know why. I'm not attracted to you. But, every time I look at you, there was an urge in me that I wanted to kiss you."

Natigagal naman si Sunshine sa narinig at hindi mapaniwalaan ang mga sinabi nito.

'Tss… not attracted to me, huh? Kaya pala ginagawa mo 'to?'

"Don't get me wrong, okay? Hindi talaga ako attracted sa 'yo. Ginagawa ko lang 'to dahil… dahil mukhang masipag at mapagkakatiwalaan ka. Yah, it's just like that. And about the kiss, don't worry, as long as I can hold my temper, it will not gonna happen. So, nothing to worry about it. About your salary, I just fixed it in five hundred thousand, dahil ayaw ko ng mag-compute pa, okay?" pagpapalusot ni Norman na tila ba nabasa ang kaniyang iniisip.

'Okay, you say so.'

Pilit na pinaniwala niya ang sarili sa mga sinabi pa nito. Dinampot niya ang sign pen at pinirmahan ang kontrata.

"Here." Iniabot niya iyon pabalik sa binata matapos na mapirmahan ang dalawang kopya.

"So we're good? You can start now. Here is your uniform." Iniabot naman nito ang set ng damit na nakaplastic pa ng maayos.

'Okay! This is my day one!'

Bulalas ng isip niya pagkakuha sa uniporme saka tinungo ang banyo na itinuro ng binata.

'Ang cute!'

Hindi niya maiwasang humanga sa unipormeng suot, dahil kahit may kaiklian iyon ay talaga namang ang cute tingnan sa kaniya. It's a pair of white cotton blouse inside and a two inches above the knee baby blue cotton jumper dress outside. Hindi siya mukhang chimi-a-a, dahil mas nagmukha siyang korean student.

'Koreanang negra! Bwahahaha!'

Pagtatawa niya sa kaniyang sarili. Matapos bistahan ang ang repleksiyon sa salamin ay lumabas na siya at pinuntahan ang bago niyang amo.

"Nice, you look cute," papuri sa kaniya ni Norman, ngunit tinaasan lamang niya ito ng kilay.

"From now on, I will be your boss. And treating me like that is unacceptable," seryosong saad ng binata kaya naman nakaramdam siya ng konting pagkapahiya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status