Share

Chapter 8: Gusto Mong Tikman?

"Clean my room first, the first door on your left."

"Ah… nasaan ang cleaning materials, sir?" malumanay niyang tanong.

"Next door to the bathroom, it's the storage room… and that would be your room. Just clean it later."

"Y-yes, sir." Mabilis siyang tumalima.

Pinasok niya ang storage room at gano'n na lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, dahil taliwas iyon sa kaniyang inaasahan. Masinop na nakasalansan ang mga gamit doon at ni alikabok ay wala siyang makita. At malaki iyon para sa isang storage room. Hinanap niya ang pinaglalagyan ng cleaning materials at kinuha ang mga kakailanganin niya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang silid ng amo.

"Eehh?" anas niya nang maigala ang paningin sa kabuuan ng silid.

"Anong lilinisin ko rito?" mahina niyang usal. Paano ba naman ay napakaaliwalas ng kuwarto.

Wala siyang makitang kahit kaunting kalat man lang, maliban sa bed cover na magulo. Inilapag niya ang mga cleaning materials sa isang tabi at nilapitan ang kama upang ayusin. Nagpunas-punas na rin siya sa mga gamit na naroon. Nang matapos ay tiningnan naman niya ang bathroom. Tinuyo niya ang basang tiles at inayos ang mga pang personal hygiene na wala sa tamang lalagyan.

Abala siya sa paglilinis doon nang biglang bumukas ang pintuan at muling magsara. Ikinagulat pa niya nang makitang kasama na niya ang amo sa loob ng bathroom.

"Ahh… sir, if you're going to use this bathroom, I should go outside," saad niya ngunit tiningnan lamang siya nito at walang sabing bigla nitong hinubad ang damit pang-itaas.

'Aba't!'

Napatalikod siya sa binata. Dinig niya ang paglagaslas ng tubig buhat sa faucet ng lababo. Nilapitan niya ang pintuan at pinihit ang doorknob, ngunit naka-lock iyon!

'A-anong?!'

"Bakit naka-lock ang pinto?!" bulalas niya nang hindi linilingon ang binata. Panay ang pihit niya sa seradura ng pintuan, ngunit talagang naka-lock iyon.

"Sunny…"

Napapitlag si Sunshine sa malumanay na pagtawag sa kaniya ni Norman. Unti-unti siyang humarap dito at gayon na lang ang kaniyang pagsinghap nang mapagtantong ga-dangkal na lamang ang layo nito sa kaniya.

Lalong bumilis sa pagtahip ang kaniyang dibdib nang dahan-dahang lumapit sa kaniya ang binata.

"A-anonganong g-ginagawa mo?" nauutal niyang tanong habang umaatras palayo sa binatang papalapit naman sa kaniya.

Umangat ang gilid ng labi ni Norman nang tuluyan niyang ma-corner ang dalaga at makita ang mariin nitong pagpikit. Iniangat niya ang kaliwang kamay at inilapat sa gilid nito.

"Naka-lock ba?" Hinawakan ng binata ang seradura gamit ang isang kamay, pinihit iyon at…

0

Bumukas ang pintuan, "Hindi naman ah?" at iniwan niyang natitigilan sa kinatatayuan si Sunshine na sapo-sapo ang dibdib.

MAGANDA ang sikat ng araw at hindi mainit sa balat. Kaya naman naisipan ni Norman na magswimming sa rooftop, and as usual, hindi pwedeng hindi niya kasama ang alalay na si Sunshine.

"If you like to swim, then swim," wika ng binata habang hinuhubad ang short at shirt na suot at tanging swimming trunks lang ang itinira.

"Hindi na, Sir. Okay lang ako rito, hihintayin ko na lang kung ano ang ipag-uutos n'yo." Umiwas ng tingin na sagot ng dalaga upang itago sa binata ang bahagyang pagkailang.

"Okay," he answered.

Umupo si Sunshine sa stool na nasa paligid ng bar na naroon. May mini bar ang pool doon para sa mga nais mag-swimming sa sinumang guest ng hotel na tinatamad lumabas at magtungo sa beach. Inabala niya ang paningin sa paligid upang hindi magawi ang mga mata sa binatang abala sa paglangoy.

Mayamaya lamang, hindi yata nakatiis ang lalaking crew ng bar at kinausap siya nito.

"Hi, private servant ka ni Sir Norman?" tanong nito na tanging tango lamang ang kaniyang isinagot.

"I see, by the way I'm Ric---"

"Sunny!" tawag ni Norman sa dalaga.

Mabilis na tumalima si Sunshine at lumapit dito.

"Yes, Sir?"

"I want apple juice,"

"Okay, Sir." Nagtungo ang dalaga sa counter at sinabi ang order sa crew.

Nang matapos timplahin ang fresh apple juice ay agad din niya iyong dinala sa binata.

"Here is your apple juice, Sir." Umupo siya sa sariling paa upang ilapag sa gilid ng pool ang juice.

Lumapit si Norman, ipinatong nito ang mga braso sa gilid ng pool at tinitigan ang mataas na basong naglalaman ng inumin.

"I change my mind. Ayoko na ng apple juice. I want a mango shake."

"Ha?" bahagyang napataas ang kilay na usal ng dalaga.

"Do I need to repeat myself?"

"No, Sir." Naglakad palayo si Sunshine bitbit ang baso at bumalik sa counter upang umorder ng mango shake.

"Masiyadong matamis, change it. I want a pineapple juice."

"Sir?"

"What?!"

"Ah, pineapple juice, right away, Sir!"

Bumalik siyang bitbit ang baso ng pineapple juice…

"I don't like the taste. How about kiwi shake?" ani Norman.

"Pero, Sir…"

"Pero ano?!"

"Sir, pang ilang balik ko na po kasi ito."

"Nagrereklamo ka?"

"It's not like that, Sir. Ilang juice na kasi ang nasasayang mo."

"So nagrereklamo ka nga? Anong gagawin ko?! E sa hindi ko gusto ang lasa!" bulyaw ng binata.

Napapabuntong-hininga na lamang ang dalaga sa kawalan ng magawa. Bitbit muli ang basong tinungo ang bar at gumawa ng kiwi shake.

“Tsk! Ayaw ng lasa, e hindi ko nga nakitang tinikman man lang iyong mga juice!” Naghuhumiyaw sa inis na saad ng isip ni Sunshine habang pabalik sa pool at dala ang kiwi shake.

"I changed my mind again, I want wine, instead of that."

Bahagyang umawang ang bibig ni Sunshine nang marinig ang sinabi ng binata. Pigil ang inis na umupo siya sa kaniyang paanan at inilapag ang basong may lamang kiwi shake, saka tumunghay kay Norman na nasa gilid ng pool.

"Why don't you taste it first? Ako na po ang gumawa n'yan."

"Really?"

Tumango ang dalaga. Inabot naman ni Norman ang baso at sumimsim.

"It taste good. Pero iba na ang gusto ko," nakangising saad nito pagkalapag sa baso.

"What is it this time?" nakasimangot nang tanong ng dalaga.

Isinenyas ng binata ang daliri kay Sunshine upang palapitin pa ito.

Kapagdakay…

Bigla niyang hinila ang dalaga dahilan upang malaglag ito sa tubig.

"Ano baaaaa!!!" galit na bulyaw ni Sunshine matapos magpapagaspas ang kamay sa tubig. "Bakit mo ako hinila!" tanong pa niya sa binatang hindi magkamayaw sa pagtawa.

"Hahahaha you asked me what I want, right? And this is what I wanted to do," nakakaloko ang mga ngiting sagot nito.

"Aaaaahhhhh nakakainis kaaaa!!!" malakas na tili ni Sunshine saka lumangoy palapit sa railings at umahon.

"Hey, Sunny!" natatawang tawag ni Norman sa dalaga noong umahon ito at walang paalam na umalis sa lugar na iyon at iwan siya.

Ngingisi-ngisi habang iiling-iling na sinundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa tuluyang mawala sa kaniyang paningin ang dalaga.

Ilang ulit munang nagpabalik-balik sa paglangoy ang binata bago tuluyang umahon.

"What is that?" kunot ang noong tanong ni Norman nang madatnan niyang nagluluto ang dalaga sa kitchen.

"Sweet adobo for lunch, gusto mo?" she answered.

"Nevermind." Lumabas ito sa kitchen.

"E 'di h'wag…" dinig pa ni Norman na bulong ni Sunshine.

Hindi na ito pinansin pa ng binata na dinampot ang wireless phone at nag-order ng pagkain sa restaurant ng hotel.

Tiyempong tapos nang magluto ang dalaga nang dumating ang pagkain ni Norman kaya naman inihanda na niya iyon sa dining table.

"Where are you going?" takang tanong ng binata kay Sunshine nang akmang lalabas ito bitbit ang tray ng pagkain.

"Sa kitchen…" taka ring sagot ng dalaga.

"Bakit?"

"Anong bakit? E, doon na lang ako kakain. Di ba, hindi dapat sumabay sa pagkain ng amo ang katulong?"

"May sinabi ba akong gano'n?"

"Wala…"

"Just sit down here and eat!" inis na utos ni Norman.

Bahagyang napaigtad at napasunod na lamang si Sunshine. Umupo ito sa upuang kaharap ng binata at inumpisahan ang pagkain.

"Gusto mong tikman?" tanong ng dalaga nang mapansing panay ang sulyap ng binata sa pagkain niya.

"No, it looks disgusting."

"Disgusting ka d'yan… masarap kaya."

"Tss…" pasiring nito sa dalaga.

Hindi mapigilan ni Norman ang hindi sulyapan ng palihim ang ulam ni Sunshine na nasa kaniyang harapan. Amoy niya ang bango noon. At aaminin niyang bago sa paningin niya ang putahe kahit pa madalas na rin naman niya iyong naririnig. Masasarap din naman ang mga pagkain niya na galing sa restaurant, pero pakiramdam niya ay sawang-sawa na siya roon.

"Nakalimutan kong magtimpla ng juice…" narinig niyang usal ng dalaga at tumayo ito upang tunguhin ang refrigerator.

Nang makitang abala si Sunshine sa pagtitimpla ay tila ninja sa bilis na sumandok siya sa mangkok nito at tinikman iyon.

"Mmmm…" naiusal niya dahil sa sarap ng nalasahan niya. Hindi na niya napigilan at muli siyang kumuha at inilagay sa sariling plato. At patay-malisyang kumain nang bumalik sa kinauupuan ang dalaga.

Bahagya namang napaangat ang gilid ng labi ni Sunshine nang mapansing nabawasan ang ulam niya. Lihim niyang sinulyapan ang binata na abala sa magana nitong pagkain. Tuluyan siyang napangisi dahil parang hindi naman nito binawasan ang sariling pagkain na in-order sa resto.

"Gusto mo pa?" biglang tanong ni Sunshine.

"Meron pa ba?" bigla ring sagot ni Norman dahilan upang mapangisi ang dalaga.

"Masarap 'di ba?" nagmamalaking tanong ni Sunshine habang inaabot dito ang ulam.

"E-ewan ko. Ngayon ko lang n-naman natikman 'to, atsaka n-nagsasawa na ako sa luto ng mga p-professional chef, kaya bago t-talaga sa panlasa ko."

"Aahh… okay…" pagsang-ayon na lamang ng dalaga sa pagpapalusot ng binata.

Patapos ng kumain ang mga ito nang biglang mapadighay nang sabay ang dalawa.

Nagkatinginan at malakas na natawa!

Kapwa rin natahimik ang dalawa nang muling magkatinginan sila sa isa't-isa. Naunang nagbaba ng paningin si Sunshine at itinuon na lamang sa plato ang paningin.

"Okay… I must admit, your food is delicious. And because of that… I want you to personally cook for us," pagbabasag ni Norman sa katahimikan.

"No problem! Tsk! Masarap ang mga luto sa restaurant, pero iba pa rin ang lutong bahay."

"Napuri ka lang, lumaki naman agad ang ulo mo."

"Ha! Bakit hindi ba?" nakaingos na saad ng dalaga.

Ngumiwi ang binata saka tumayo. "Linisin mo na dito, sasamahan mo pa ako," aniya at iniwan na ang dalaga.

"Sa'n naman kami pupunta no'n?" usal na tanong ng dalaga sa sarili.

"Ano 'yang suot mo?!" asik na tanong ni Norman sa dalaga.

Pinasadahan naman ng tingin ni Sunshine ang sarili.

"Uniform ko…"

"Haist! Magpalit ka ng presentable!"

"Pa'no bang presentable? Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Mag-dress ka o mag-pants ka! Basta hindi 'yan! H'wag ka ng maraming tanong!" pasinghal na wika ni Norman.

"Tss… ano naman ang isusuot ko, e ayaw naman niyang sabihin kung saan kami pupunta. Bano talaga 'yong mokong na 'yon…" anas ni Sunshine sa sarili habang naghahagilap sa closet ng maisusuot.

Nakakita siya ng white and pink sleeveless floral dress na hanggang tuhod ang haba, kinuha niya iyon buhat sa pagkaka-hanger at isinuot, saka pinartneran ng white beach sandals at lumabas na ng silid.

"Okay na ba 'to?" nag-aalangan niyang tanong kay Norman nang makitang pinasadahan siya nito ng tingin at bahagyang natigilan.

"Hmmm…" tipid na sagot ng binata at nagpaumuna ng lumabas ng suite.

Aligagang sumunod si Sunshine. Hinayaan niya itong nauuna sa kaniya ngunit sinisiguro niyang hindi siya masiyadong malayo rito at baka mapagalitan pa siya.

Napahinto ang dalaga nang biglang tumigil sa paglalakad ang binata sa harap ng elevator. Hinintay niyang maunang pumasok ang amo.

"Pasok!" singhal nito sa kaniya dahilan upang mapaigtad siya at mabilis na humakbang papasok sa elevator.

Walang imikan ang dalawa at lihim na nagsusulyapan lamang sa repleksiyon nila.

Nang magbukas sa ground floor ang elevator ay malalaki ang mga hakbang na nagpaumunang lumabas ang binata kaya naman nagmamadaling sumunod si Sunshine.

Palabas ng hotel ang tinatahak ni Norman. Hinabol naman ito ni Sunshine at sinabayan sa paglalakad.

"Sir, saan n'yo ba gustong pumunta?" lakas loob na tanong ng dalaga.

Huminto ang binata at nilingon siya.

"Sa lugar na maganda…" mayamaya'y mahina nitong wika.

"Hmmm… I knew this place. A paradise. Tahimik at relaxing."

"Then, bring me there."

"O-okay, pero hindi po kasi d'yan ang daan, doon po." Itinuro ng dalaga ang daan palabas patungo sa beach.

Nilingon ni Norman ang hallway na itinuturo ng dalaga, saka humakbang patungo roon.

Yukong-yuko naman si Sunshine habang naglalakad, dahil madaraanan nila ang restobar na dating pinapasukan at iniiwasan niyang may makakita sa kaniya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monic Limpiado
nakkabiti ang mga kwrtoagada sana
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status