LOGINGabby's POV
Tumaas ang magkabilang kilay ko sa nasaksihang another katangahan na naman ni Balyena Girl. Tulala pa rin s'yang nakatitig kay PJ na para bang bida s'ya sa isang romance movie.
Ang feelingera talaga.
Huwag n'ya sabihing iniisip n'yang may gusto sa kanya si PJ dahil lang mas pinili nalang s'ya nitong saluhin kaysa madaganan ng isang kagaya n'ya?
Sarkastiko akong napatawa.
Thinking about it... first time ko yatang makitang ganito kawala sa sarili si Balyena Girl. Literal na torete lang talaga s'ya at parang nananaginip nang gising. Nakakatawang isipin na mukha s'yang tanga sa harap ng maraming tao at hindi n'ya alam iyon.
"Hold my pom poms."
Basta ko hinagis sa mukha ni Vanessa at Trixie ang hawak ko para rumampa palapit kay Balyena Girl at sirain ang moment n'ya. Suot ko pa ang hapit kong cheerleader uniform na talagang yumayakap sa kurba ng katawan ko nang maarte kong takpan ang bibig ko at umaktong concern na concern.
"Oh my gosh!" tili ko.
Agad kong nakuha ang atensyon ng lahat ng tao sa gymnasium maging ang tulalang si Balyena Girl.
"Okay ka lang ba, PJ? Baka mabalian ka n'yan. Bakit naman kasi pati balyenang nagda-dive ay sinasalo mo?" nakangising saad ko na lalong mas nagpalakas ng tawanan sa loob ng gym.
Lalong lumawak ang ngisi ko nang makita ang pagkahiya sa mukha ni Balyena Girl. Agad n'yang tinulungan ang sarili tumayo at lumayo sa pagkakadikit kay PJ. Mabilis ko namang inilingkis ang mga braso ko sa binata. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang nakitang selos sa mukha ni Balyena Girl habang nakatingin sa mga kamay kong nakalingkis sa braso ni PJ.
Ahh…
So may gusto s'ya kay PJ?
"Pa... Pasensya na," nabubulol na sabi n'ya habang nakatitig sa sahig.
Ni hindi n'ya magawang tingnan sa mata si PJ kagaya nang kanina. Bakit? Nahihiya na ba s'ya? Naalala n'ya na ba ulit na isang hamak na baboy lang s'ya?
Well... huwag s'ya mag-alala dahil nandito ako para palaging ipaalala iyon sa kanya.
"Gan'yan ka na ba kadesperada, Balyena Girl? Tinutulak mo na lang ang sarili mo kay PJ. At talagang may nakasalpak pa ring pagkain sa bibig mo, ha? 'Di bale sana kung magaan ka. Paano kung na-injure si PJ dahil sa kabigatan mo?"
Muling nagtawanan ang mga tao sa gym. Pulang-pula na ang mukha n'ya sa kahihiyan.
Isang tagumpay na ngisi ang kumawala sa bibig ko nang tuluyan nang tumakbo palabas ng gymnasium si Balyena Girl.
Napuno ng sigawan ang gym.
Agad ko namang hinarap ang lalaking tahimik na nakatayo sa tabi ko. Sinusundan pa n'ya ng tingin si Balyena Girl na kinakunot ng noo ko.
"Don't tell me na type mo s'ya?" nandidiring tanong ko.
Mabilis na umiling si PJ. "What? No way! Did you see the size of that thing?"
I chuckled.
Mapang-akit kong pinadaan ang malandi kong kamay sa dibdib n'ya.
"Party tonight?"
Ngumisi s'ya.
"Of course."
Pagkatapos ng game ay dumiretso ang lahat sa mamahalin at malawak na mansyon ni PJ.
Bilang isang Jimenez ay hindi na nakagugulat ang marangyang pamumuhay na meron sila. Four story mansion with 25 bedrooms, home theater, entertainment rooms, infinity pool, ball room, personal spa, and 56 luxury cars.
Crazy, right?
Noong una akong pumunta rito, ayaw ko na talaga umuwi. Sino ba naman kasing gugustuhin pang umalis sa lugar na punong-puno ng karangyaan? Mayaman din naman kami. Mas mayaman nga lang talaga sila. Bukod sa pagiging Mayor ng Dad n'ya ay hindi ko na alam kung saan pa galing ang ibang yaman nila. And who cares?
Ang gagawin ko lang naman ay akitin si PJ at magpakasasa sa pera nila.
But not too fast.
Ayaw ni PJ ng easy to get. Mas lalong ayaw n'ya ng kagaya ni Balyena Girl na pangit at mataba na nga, patay na patay pa sa kanya.
Akala n'ya ba ay hindi ko napapansin ang malagkit n'yang tingin kay PJ?
Halos lahat ng estudyante na nanood ng laro sa gym kanina ang nagkalat ng balita tungkol sa "Balyena Girl Dive of the Year." Trending pa nga sa group chat ng batch namin. Syempre, courtesy of yours truly.
Sinend ko 'yung short clip ng pagbagsak n'ya—complete with slow-mo at dramatic background music. Classic.
Nasa labas ako ng balcony ngayon kasama si Vanessa at Trixie. Smoke break muna. Kanina pa kasi kami nagpa-party sa loob.
"Grabe, Queen C," sabi ni Vanessa habang iniinom 'yong margarita n'ya. "Iyong video ni Balyena Girl, umabot na ng 4k views!"
Tumawa ako. "Serves her right. Akala mo kung sino, e halatang desperada lang."
"Pero girl," sabat ni Trixie, "napansin mo si PJ kanina? Parang bad trip no'ng umalis si Balyena Girl."
Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. "Ano ka ba, concern lang 'yon. Gentleman si PJ. Alam mo naman 'yon."
Ngumisi si Trixie. "O baka naman may soft spot?"
Tinapunan ko s'ya ng tingin. "Imposible. Hindi n'ya type ang gano'n. Alam mo kung ano'ng gusto ni PJ—sexy, confident, at sosyal." Kinindatan ko sila. "Which is... me."
Hindi na sila sumabat matapos kong sabihin iyon. Subukan lang nila at malalaman nila kung gaano kasakit mahulog mula sa 4th floor.
Pagpasok namin ulit sa loob ay sinalubong kami ng sigawan at katiyawan.
"SHOT! SHOT! SHOT!" sigaw nila habang nagpa-party game sa sala.
S'yempre, ako ang host. Sino pa ba?
“Okay!” sigaw ko sa mic. “Since panalo tayo sa game, may Truth or Dare tayo tonight! Pero bawal ang boring ha—no truth, just DARE!”
Sumigaw ang lahat.
Isa-isa silang naglaro. May nag-push up habang may seksing babae sa likod, may nag confess ng crush sa teacher, may uminom ng Shit Drink which is basically alak na hinaluan ng lahat nang nakakadiring p'wedeng ihalo kagaya ng medyas at pubic hair—lahat kami ay tawa nang tawa.
Pero syempre, iba ang plano ko. Wala nang mas nakakadiri pa sa dare ko kay PJ oras na tumama sa kanya ang bote.
Nang si PJ na ang sumalang, gumuhit ang malawak na ngisi sa bibig ko.
“Alright, PJ Jimenez... Dare ka, s'yempre.”
Ngumisi siya pabalik sa'kin.
“Bring it on.”
Excited na nilapit ko sa mic ang bibig ko.
"Date Balyena Girl for a month!"
Agad nabura ang ngisi sa mga labi ni PJ na agad namang sinundan nang malakas na kantiyawan ng mga kaklase namin.
May soft spot pala para kay Balyena Girl, ha?
Tingnan natin.
Gabby's POVTahimik lang akong nakayakap sa likuran habang pinapaandar ni Sergio ang motorsiklo. Malamig ang hangin na sumasampal sa mukha ko pero hindi ko alintana iyon dahil mainit naman ang katawan n’ya. Minsan talaga naiisip ko kung isa ba s’ya sa mga anghel ni Lord. Paano ba naman kasi ay sa tuwing may nangyayaring kamalasan sa buhay ko palaging s’yang sumusulpot na parang kabute para iligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Paano naman s’ya napadpad sa lugar ng Tita ko ngayon?“Ahh… Sergio?”Sinilip ko s’ya mula sa side mirror. Nakapokus lang s’ya sa daan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga mata n’ya na tila ba sinisilip din ako sa salamin. “What?”“Ahmm…” Humigpit ang kapit ko sa upuan ng motorsiklo. “Ano pa lang ginagawa mo rito?”Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gumuhit na ngisi sa mga labi n’ya. “Do you think I’m following you?” Awtomatikong namula ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong palabasin. Curious lang naman talaga ako! Bak
Gabby's POVSiguro nga ay ipinanganak lang talaga ako para gawing katatawanan ng lahat ng tao. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang ginawa ko para mangyari sa’kin ang lahat ng kamalasan sa Mundo.Hindi naman mahirap ang hinihingi ko, ‘di ba? Gusto ko lang naman na i-trato nila ako ng normal.Pero dahil lang sa mataba ako… hindi na nila ako magawang irespeto. Na parang nawalan na ako ng karapatan maging tao oras na lumampas sa 50 kilograms ang timbang ko. Awtomatiko na akong nawalan ng karapatan maging maganda. Ultimo paglalagay ko ng kolorete sa mukha ay nagawan nila ng paraan kutyain. Talaga ba? Baboy na may suot na lipstick. “Tita Ellen!” suway ni Mama sa matanda. Lumapit pa ito at pumagitna sa aming dalawa na akala mo naman ay dadaganan ko si Lola Ellen dahil sa sinabi n’ya. “Grabe naman po kayo sa anak ko. Hindi naman po ‘ata tama na pagsabihan ninyo ng gan’yan ang bata.”Tumaas ang manipis na kilay ng matandang babae. “At bakit hindi? Ilang taon na ba iyan para hindi mak
Gabby's POVHindi talaga magandang ideya ang pagpayag kong sumama kay Mama. Wala nang ibang ginawa ang mga pinsan ko kundi asarin ako simula no’ng pagdating ko. “Grabe! Nag-aayos rin pala mga Gabby, ‘no? In fairness, ah? Hindi bagay sa’yo!” “Hahahaha!”Inakbayan pa ako ni Lester na parang lalaki. Napangiwi ako sa bigat ng braso n’ya. “A… Ano ba…” mahinang reklamo ko. Napasulyap s’ya sa’kin habang malawak na nakangisi. Halatang sinasadya n’ya talagang bigatan pa lalo ang braso n’ya. Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko nang tatlong beses n’ya akong inalog gamit ang malakas na pwersa. Muntik pa nga akong mataob sa lamesa namin kung hindi lang s’ya nakakapit sa balikat ko. “Ito naman si pinsan! Nagbibiruan lang naman tayo rito. Huwag ka naman mas’yadong seryoso!” Nasundan iyon ng tawanan ng lima pa naming pinsan. Lahat kami ay nakaikot sa table na ito. Bandang sulok kaya hindi ako napapansin ni Mama na mukhang paiyak na. Ayun kasi s’ya kina Tita Olive at nakikipagchikahan. Hindi man
Gabby's POVOne Week Later“20 hours?!” malakas na sabi ni Mama habang namumula ang mukha sa galit. Napataas ang balikat ko sa tinis ng boses n’ya. “Aray ko naman, ‘Ma!” Kaninang umaga pa kasi ako inaaya ni Mama kumain pero tumatanggi ako. Sinabi ko sa kanya na nakafasting ako ng 20 hours at gan’yan na nga ang naging reaction n’ya. “Bakit sobrang tagal naman, anak?!” sermon n’ya. Napanguso ako. Hindi ba’t ito ang gusto n’ya? Ang magpapayat ako? Oh eh bakit ngayong nagfa-fasting ako ay parang ayaw n’ya. “Si Dok Karlo naman po ang nagsabi n’on kaya ayos lang. Hindi na rin po ako muna kakain ng kanin at saka ng mga tinapay. Nakalow carb diet po kasi ak—”“Teka! Teka!” putol sa’kin ni Mama habang nakaharang ang palad n’ya sa mukha ko. “Sinasabi mo bang nasayang lang ang oras ko kakaluto ng masarap na ulam dahil hindi ka naman kakain ng tanghalian?”Saglit kong pinatay ang workout tutorial na sinusundan ko sa TV para kausapin s’ya nang maayos. “Kakain pa rin naman po. Hindi na nga l
Gabby's POVPagpasok ko pa lang sa loob ng establishment ay naintimidate na ako agad sa babaeng nakapuwesto sa reception desk. Kung magiging tao kasi ang hourglass ay baka s’ya na nga talaga iyon. Parang ako ang nahihirapan huminga sa liit ng waist n’ya. Iniisip ko nga na baka nakawaist trainer talaga s’ya at dinadaya lang ang proportions ng katawan n’ya pero para saan pa’t sa mismong weight clinic na nga s’ya nagtatrabaho.Malamang at lahat ng taong makikita ko rito ay fit.Ano ba naman ‘tong naiisip ko.“Good afternoon, Madam!” masiglang bati n’ya. Agad kong ginaya ang matamis na ngiting nakaguhit sa mukha n’ya.Mukhang mabait naman pala. Simula kasi no’ng pagtripan na ako palagi ng grupo ni Czarina ay lahat ng babaeng maganda ay awtomatikong nagkasungay sa mga mata ko. Paano ba naman ay palaging sa mga taong may istsura ko nararanasan mabully.Lalo na sa mga lalaki. Kahit nga iyong walang karapatan manghusga ay sila pa talaga ang nauuna.Ang kakapal ng mukha.“Ahhh… Hello! Ano…”
Gabby's POVThe Prom Queen Project Hindi ako sure kung sino’ng nagsingit ng papel na ‘to sa bag ko. Bukod kasi ro’n sa dalawang babaeng naghatid sa’kin sa stage no’ng prom ay si Sergio lang naman ang nakalapit sa’kin. At wala naman akong nakikitang dahilan para singitan n’ya ako ng contact ng isang weight clinic.I mean, maybe, he was concerned about me, but I genuinely don’t think that it would come to a point para offeran n’ya pa ako ng voucher para sa isang libreng makeover sa isang weight clinic na valid for six months.“You wanna wear that tiara, right? You know, you could be taking better care of yourself,” I read the short message silently.I gulped.Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko sa nabasa ko. Parang may halong guilt tripping ang atake ng invitation nila, ah?But you know what? Tama naman sila eh.I did this to myself.I am what I eat.Hindi ko p’wedeng sisihin si Mama o si Mang Bert dahil masarap sila magluto. I could always control my portions pero ako itong akal







