Mag-log inGabby's POV
"Ilang piraso po, Ma'am?" nakangiting tanong ng babae sa'kin. Muli kong pinagmasdan ang nakahilerang mga donut sa display case. Mukhang masasarap silang lahat! Gusto ko tuloy silang ampunin ang bawat isa sa kanila.
"Half dozen po."
Bahagyang nanlaki ang mata ng babae. Agad namang nagbago ang isip ko nang makita ang paborito kong Cream Puff sa may gilid at mukhang bago at umuusok pa.
"One dozen na po pala," agad na bawi ko habang diretsong nakatingin sa estante. "P'wede pong ako ang pumili kung ano'ng ilalagay sa box?"
Nakangiwi namang tumango ang babae habang isa-isa ko namang tinuturo ang mga type kong donut.
Pagkatapos nang nangyari sa cafeteria kanina ay hindi na ako nangahas bumalik pa para ituloy ang lunch ko. Hello? May pride pa rin naman ako, 'no! Sigurado akong pinagchi-chismisan pa rin nila kung paano ako ginawang kawawa ni Czarina. Hindi na rin ako magtataka kung viral na naman sa page ng school ang ginawa nila sa'kin.
Isa kasi sa mga alipores ni Czarina na si Trixie ay mahilig magvideo ng mga estudyanteng binubully nila. Gano'n sila ka-proud sa kasamaan ng ugali nila.
Ang mas nakakagulat pa ay may mga tao rin talagang natutuwang manood sa mga content na ginagawa nila.
At s'yempre dahil mabigat ang loob ko ay deserve ko nang masarap na treat kaya naman dito ako dumiretso sa malapit na donut shop sa school.
Ikakain ko nalang ang sama ng loob ko.
Walang iba pang mas mabilis na nagpapagaan ng loob ko kundi ang favorite comfort food ko na donut. Lalong-lalo na ang Cream Puff!
Abot bumbunan ang ngiti ko nang matanggap ang inorder kong mga donut. Kahit yata ito lang ang kainin ko ng isang buwan ay hindi ako magsasawa. Hindi na nga ako nakatiis at mabilis nang sumubo ng isa habang nagmamadaling maglakad pabalik sa school. May basketball game pa kasi akong papanoorin sa gym.
Ang basketball championship ni Peejay Jimenez—ang pinakag'wapong nilalang sa balat ng lupa. Lahat na yata ng blessings ng Maykapal ay sinalo n'ya. Magaling s'ya sa sports, academics, at multitalented pa. Marunong s'ya sumayaw, magpinta, at kumanta. Sino ba namang hindi mahuhulog sa isang perpektong nilalang na kagaya n'ya?
"WOOOOHHHH! GALINGAN MO, PEEJAY!" malakas na sigaw ko kasabay ng iba pa n'yang fans sa bleachers sa loob ng gymnasium.
Pinanood ko s'yang magdribble habang mahigpit na binabantayan ng dalawang opposing players.
Naku!
Talagang s'ya ang target ng kalaban nila ngayon. Palibhasa kasi alam nilang once na mahawakan ni Peejay ang bola ay mawawalay lang iyon sa kamay n'ya oras na nasa ere na iyon para i-shoot sa ring at tumira ng tres. Paano na iyan? Lamang pa naman ng dalawang puntos ang kalaban at meron nalang silang isang minuto.
Lalong umingay ang mga tao sa gym nang madagdagan pa ng isa ang mga nagbabantay kay Peejay.
Mukhang imposibleng makalusot pa s'ya rito.
Sayang naman kung ngayon pa sila matatalo gayong walang palya pa naman nilang napanalo ang mga nakaraang games.
Alam ko iyon dahil lahat ng iyon ay napanood ko. Hehehe.
Saksi ako sa lahat nang paghahanda at trainings ni Peejay dahil nauubos ang oras ko sa isang oras kakabuntot sa kanya nang palihim.
Malamang ay iniisip ninyong creepy ako. Hindi ko naman kayo masisisi. Sino ba namang matinong babae ang hindi papasok sa klase para bumyahe ng tatlong oras papunta ng ibang school para lang mapanood ang laro ng crush n'ya?
Nabanggit ko na rin ba na ako ang nag-iiwan ng mga love letters at chocolates sa locker n'ya?
Sigurado akong hanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin alam na ako ang lahat ng iyon. Never naman kasi akong nagpakilala. At wala rin akong balak magpakilala kahit kailan.
Okay na ako sa pagiging secret admirer n'ya sa malayo. Alam ko naman sa sarili ko na hinding-hindi n'ya ako magugustuhan.
I'm way out of his league.
Halos magvibrate ang pader ng gym sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao sa loob. Lahat ay nakatayo at sumisigaw, pero isang pangalan ang nangingibabaw—
"JI-ME-NEZ! JI-ME-NEZ!"
Nang tingnan ko ang scoreboard ay 75–77 ang nakaflash doon.
Last possession.
Tumambol ang dibdib ko sa kaba. Pakiramdam ko ay ako iyong naglalaro. Sa sobrang kaba ko ay dumukot ako ng isang donut sa box at isinalpak sa bibig ko.
"Last five seconds on the clock—Jimenez with the ball!" sigaw ng announcer sa mic.
Everyone held their breath as Peejay took a step back beyond the arc.
"Three... two..."
Tumira siya.
Perfect form. Perfect release.
"Jimenez for three—PASOK!"
The entire gym exploded.
Kinalabutan ang buong katawan ko nang marinig ko ang sigaw ng announcer.
"And that seals the game! Final score—78–77! The Red Hawks win by one point—all thanks to Jimenez, the three-point legend!"
Namilog ang mata ko.
"AHMMPP!" impit na sigaw ko dahil sa donut na nakasalpak sa bibig ko.
Agad dinumog si Peejay ng buong team para magcelebrate.
Hindi ko na napigilan at nagtatalon ako sa sobrang tuwa. Nanalo kami! Nanalo kami! Panalo ang ultimate crush ko! Champion sila!
Baggh! Baggh! Baggh!
"AHHMMPPP!!!"
Baggh! Baggh! Baggh!
Panalo ang Red Hawks!
Baggh! Baggh! Baggh!
Ang saya ko—
Crack!
Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang malutong na pagkabali ng bleacher na kinatatayuan ko.
Shit.
Sa isang iglap ay bumuslot ang paa ko sa bleachers at dere-deretso akong naglanding sa court kung saan kasulukuyang nagcecelebrate si Peejay at ang buong basketball team.
Pinikit ko ang mata ko at hinanda ang sarili sa isa na namang kahihiyan.
Hinintay ko ang malutong at masakit kong paglagapak sa sahig pero imbes na matigas at malamig na semento ay isang malakas at malaking mga braso ang sumalo sa akin. Buong lakas nitong pinigilan ang pagbagsak ko mula sa delikadong semento ng basketball court.
Nabalot ng katahimikan ang buong gymnasium.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at gano'n na lamang ang pagtalon ng puso ko sa gulat nang makita nang malapitan ang mukha ng isang Peejay Jimenez.
"SI BALYENA GIRL, NAGDIVE NA NAMAN!"
"HAHAHAHA!"
Napuno nang malakas na tawanan ang gym sa isinigaw ng isang estudyante pero tila nabingi ako at walang ibang makita kundi ang mga asul na matang direktang nakatingin sa mga mata ko ngayon.
All of them are laughing... except him.
Isang gwapong ngiti ang sumibol sa mapupulang mga labi n'ya.
"Got you."
Gabby's POVTahimik lang akong nakayakap sa likuran habang pinapaandar ni Sergio ang motorsiklo. Malamig ang hangin na sumasampal sa mukha ko pero hindi ko alintana iyon dahil mainit naman ang katawan n’ya. Minsan talaga naiisip ko kung isa ba s’ya sa mga anghel ni Lord. Paano ba naman kasi ay sa tuwing may nangyayaring kamalasan sa buhay ko palaging s’yang sumusulpot na parang kabute para iligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Paano naman s’ya napadpad sa lugar ng Tita ko ngayon?“Ahh… Sergio?”Sinilip ko s’ya mula sa side mirror. Nakapokus lang s’ya sa daan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga mata n’ya na tila ba sinisilip din ako sa salamin. “What?”“Ahmm…” Humigpit ang kapit ko sa upuan ng motorsiklo. “Ano pa lang ginagawa mo rito?”Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gumuhit na ngisi sa mga labi n’ya. “Do you think I’m following you?” Awtomatikong namula ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong palabasin. Curious lang naman talaga ako! Bak
Gabby's POVSiguro nga ay ipinanganak lang talaga ako para gawing katatawanan ng lahat ng tao. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang ginawa ko para mangyari sa’kin ang lahat ng kamalasan sa Mundo.Hindi naman mahirap ang hinihingi ko, ‘di ba? Gusto ko lang naman na i-trato nila ako ng normal.Pero dahil lang sa mataba ako… hindi na nila ako magawang irespeto. Na parang nawalan na ako ng karapatan maging tao oras na lumampas sa 50 kilograms ang timbang ko. Awtomatiko na akong nawalan ng karapatan maging maganda. Ultimo paglalagay ko ng kolorete sa mukha ay nagawan nila ng paraan kutyain. Talaga ba? Baboy na may suot na lipstick. “Tita Ellen!” suway ni Mama sa matanda. Lumapit pa ito at pumagitna sa aming dalawa na akala mo naman ay dadaganan ko si Lola Ellen dahil sa sinabi n’ya. “Grabe naman po kayo sa anak ko. Hindi naman po ‘ata tama na pagsabihan ninyo ng gan’yan ang bata.”Tumaas ang manipis na kilay ng matandang babae. “At bakit hindi? Ilang taon na ba iyan para hindi mak
Gabby's POVHindi talaga magandang ideya ang pagpayag kong sumama kay Mama. Wala nang ibang ginawa ang mga pinsan ko kundi asarin ako simula no’ng pagdating ko. “Grabe! Nag-aayos rin pala mga Gabby, ‘no? In fairness, ah? Hindi bagay sa’yo!” “Hahahaha!”Inakbayan pa ako ni Lester na parang lalaki. Napangiwi ako sa bigat ng braso n’ya. “A… Ano ba…” mahinang reklamo ko. Napasulyap s’ya sa’kin habang malawak na nakangisi. Halatang sinasadya n’ya talagang bigatan pa lalo ang braso n’ya. Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko nang tatlong beses n’ya akong inalog gamit ang malakas na pwersa. Muntik pa nga akong mataob sa lamesa namin kung hindi lang s’ya nakakapit sa balikat ko. “Ito naman si pinsan! Nagbibiruan lang naman tayo rito. Huwag ka naman mas’yadong seryoso!” Nasundan iyon ng tawanan ng lima pa naming pinsan. Lahat kami ay nakaikot sa table na ito. Bandang sulok kaya hindi ako napapansin ni Mama na mukhang paiyak na. Ayun kasi s’ya kina Tita Olive at nakikipagchikahan. Hindi man
Gabby's POVOne Week Later“20 hours?!” malakas na sabi ni Mama habang namumula ang mukha sa galit. Napataas ang balikat ko sa tinis ng boses n’ya. “Aray ko naman, ‘Ma!” Kaninang umaga pa kasi ako inaaya ni Mama kumain pero tumatanggi ako. Sinabi ko sa kanya na nakafasting ako ng 20 hours at gan’yan na nga ang naging reaction n’ya. “Bakit sobrang tagal naman, anak?!” sermon n’ya. Napanguso ako. Hindi ba’t ito ang gusto n’ya? Ang magpapayat ako? Oh eh bakit ngayong nagfa-fasting ako ay parang ayaw n’ya. “Si Dok Karlo naman po ang nagsabi n’on kaya ayos lang. Hindi na rin po ako muna kakain ng kanin at saka ng mga tinapay. Nakalow carb diet po kasi ak—”“Teka! Teka!” putol sa’kin ni Mama habang nakaharang ang palad n’ya sa mukha ko. “Sinasabi mo bang nasayang lang ang oras ko kakaluto ng masarap na ulam dahil hindi ka naman kakain ng tanghalian?”Saglit kong pinatay ang workout tutorial na sinusundan ko sa TV para kausapin s’ya nang maayos. “Kakain pa rin naman po. Hindi na nga l
Gabby's POVPagpasok ko pa lang sa loob ng establishment ay naintimidate na ako agad sa babaeng nakapuwesto sa reception desk. Kung magiging tao kasi ang hourglass ay baka s’ya na nga talaga iyon. Parang ako ang nahihirapan huminga sa liit ng waist n’ya. Iniisip ko nga na baka nakawaist trainer talaga s’ya at dinadaya lang ang proportions ng katawan n’ya pero para saan pa’t sa mismong weight clinic na nga s’ya nagtatrabaho.Malamang at lahat ng taong makikita ko rito ay fit.Ano ba naman ‘tong naiisip ko.“Good afternoon, Madam!” masiglang bati n’ya. Agad kong ginaya ang matamis na ngiting nakaguhit sa mukha n’ya.Mukhang mabait naman pala. Simula kasi no’ng pagtripan na ako palagi ng grupo ni Czarina ay lahat ng babaeng maganda ay awtomatikong nagkasungay sa mga mata ko. Paano ba naman ay palaging sa mga taong may istsura ko nararanasan mabully.Lalo na sa mga lalaki. Kahit nga iyong walang karapatan manghusga ay sila pa talaga ang nauuna.Ang kakapal ng mukha.“Ahhh… Hello! Ano…”
Gabby's POVThe Prom Queen Project Hindi ako sure kung sino’ng nagsingit ng papel na ‘to sa bag ko. Bukod kasi ro’n sa dalawang babaeng naghatid sa’kin sa stage no’ng prom ay si Sergio lang naman ang nakalapit sa’kin. At wala naman akong nakikitang dahilan para singitan n’ya ako ng contact ng isang weight clinic.I mean, maybe, he was concerned about me, but I genuinely don’t think that it would come to a point para offeran n’ya pa ako ng voucher para sa isang libreng makeover sa isang weight clinic na valid for six months.“You wanna wear that tiara, right? You know, you could be taking better care of yourself,” I read the short message silently.I gulped.Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko sa nabasa ko. Parang may halong guilt tripping ang atake ng invitation nila, ah?But you know what? Tama naman sila eh.I did this to myself.I am what I eat.Hindi ko p’wedeng sisihin si Mama o si Mang Bert dahil masarap sila magluto. I could always control my portions pero ako itong akal







