Share

Chapter 147

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-06 15:33:12

IPINALAPAG ni Weston sa makintab na sahig ng mansyon ang anim na kulay itim na attaché case na siyang bitbit ng tatlong lalaki, pagkatapos ay nagsalita siya.

“Kahit hindi ko na tanungin kung magkano ang utang ni daddy sa ‘yo, alam ko naman na sapat na ang laman ng anim na attaché case na ‘yan. O, baka nga, sobra pa,” kalmadong sambit niya. Ngunit sinigurado niya sa kanyang tono na hindi siya nasisindak dito.

“Daddy, nooo! Ang gusto kong kabayaran sa pagkakautang sa ‘yo ni tito William, ay ang maikasal kami ni Weston! Hindi ba napag-usapan na natin ito?”

Umigting ang mga panga niya sa sinabing iyon ni Katrina. Pero isang magandang plano ang bigla na lang kumislap sa isip niya. At sa plano niyang ito, marami ang pwedeng mangyari, isa na roon ang asawa niya na matagal na niyang hinahanap. Baka sa gagawin niyang plano ngayon, ay bigla itong lumabas at magpakita na sa kanya.

Inilibot muna niya ang paningin, napakaraming nakakalat na mga armadong tauhan si Bastian sa labas at loob ng kanil
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 228 (Final Chapter/ The End)

    “M-MARIE? P-paano kang nakapasok dito? At ano ang ginagawa mo rito?” nakanunot noo niyang tanong sa dating kaklaseng itinuring niyang matalik na kaibigan, pero ipinagpalit lang nito ang tiwala niyang ibinigay dahil sa perang inialok dito ni Vivian, kapalit ng pag-kidnap sa kanya.“Ah, si Gerald, siya ang nagpapasok sa ‘kin dito. Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag muna bago mo ako itaboy…” nakayuko nitong sambit.“Una sa lahat, gusto kong humingi ng kapatawaran sa ‘yo, dahil nagawa kitang traydurin noon. Pero ang desisyon kong iyon ang nagpanatili sa pamilya ko na mabuhay hanggang ngayon. Sinadya akong puntahan doon ni Vivian para gawing kasabwat sa plano niyang pag-kidnap sa ‘yo. At kapag tumutol ako, buhay ng pamilya kong inosente ang mawawala. Alam mo bang hanggang ngayon, ay hindi ako pinatatahimik ng konsensiya ko sa isiping ikaw naman ang napahamak sa pagpayag ko sa kagustuhan niya?” nanunubig ang mga matang sambit nito.“Naiipit ako between you at sa pamilya ko, dahil pareho k

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 227

    “M-MOMMY, so-sobra a-ako n-natakot sa k-kanya…” pautal-utal at humihikbing sumbong sa kanya ng anak na ngayon ay wala ng busal sa bibig at wala na rin ang mga tali sa kamay. Mugtong-mugto na ang mga mata nito sa walang tigil na pag-iyak.“Sssh! Tahan na, Baby. Hindi ka na niya makukuha o kahit ang masaktan pa…” sambit niya rito sabay haplos sa likod nito.“Kayo na ang bahala sa babaeng iyan!” dinig niyang sambit ni Weston sa mga pulis na kasalukuyang nakahawak nay Vivian habang inaalalayan itong makapasok sa police mobile.“Yes, Sir!” dinig naman niyang sagot ng mga ito.Siya namang pagdating nina Jedrick at Gerald, mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila para kumustahin ang kalagayan nila.“Sas, okay lang ba kayo? Nasaktan ba kayo ni Vivian?” sunud-sunod na tanong sa kanila ni Jedrick.“Si little Bro, bakit miserable ang hitsura niyan? Sinaktan ba ‘yan ni Vivian?” nag-aalalang sambit ni Gerald nang makita ang kalagayan ni Wesley.“Maraming salamat sa tulong ninyo, kuya Jed, Gerald.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 226

    “KAHIT KAILAN talaga, ang tanga-tanga mo, my dear, Sissy…” nakangising sagot sa kanya ni Vivian.“Nagawa nga kitang traydurin noon, ‘di ba? So bakit hindi ko kayang gawin iyon sa anak mo ngayon? Common sense naman, Sissy! Naturingan kang matalino at CEO ng MS Wine Haven, pero simpleng mga galawan ko lang hindi mo pa makabisado, hay naku…” dugtong pa nito.“Dahil umaasa ako na baka nagbago ka na lalo na at halos ilang taon din tayong hindi nagkita! Pero nagkamali ako! Hindi nga pala marunong magsisi ang mga alagad ng diyablo!”Dahil sa sinabi niya ay napikon si Vivian. Mabilis nitong itinutok sa kanya ang hawak nitong baril. Pero hindi siya nagpakita ni katiting na pagkatakot.“Sige, iputok mo! Bakit, kapag ba napatay mo ba ako, magiging masaya ba ang magiging buhay mo sa hinaharap? Para sabihin ko sa ‘yo, ang kulungan na ang magiging panghabambuhay mong kanlungan! At baka nga, doon ka pa makakuha ng katapat! Baka roon din matapos ang buhay mo!”“Huwag mong sinasabi sa ‘kin ‘yan dahil

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 225

    PAGKAHINTONG-PAGKAHINTO ng sasakyan na kinalululanan nila ni Weston ay walang sinayang na sandali si Saskia. Mabilis siyang bumaba mula roon, ganoon din si Weston.Halos gusto na niyang lusubin si Vivian at pagsasabunutan ito, dahil tuwid itong nakatayo at may nakapaskil na malademonyong ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Weston. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili alang-alang sa kanilang anak.Alam naman niyang hindi naman ito magtatagumpay sa plano nitong makuha si Weston o ang mapahamak ang kahit na sino sa kanila, dahil bago sila pumunta sa ipinadala nitong address kung saan sila ngayon naroroon, ay nakapaghanda na sila.Pero naninigurado pa rin siya dahil hindi niya kayang basahin ang takbo ng utak ng baliw niyang pinsan, at baka hindi pa umayon sa oras ang takbo ng kanilang mga plano sa pagdakip dito kapag nagpadalos-dalos siya at nagpadala sa emosyon.Bago pa man sila nagpunta roon, ay nakapagtimbre na si Weston sa mga pulis. Nakasunod at nakabantay na

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 224

    NARIRINDI na si Vivian sa ginagawang pag-iyak at pagsigaw ng anak ng kanyang pinsan, kasabay ng pagpupumiglas nito sa pagnanais na makawala ito sa pagkakatali. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng panyo at binusalan niya ang bibig nito.Pero nakakabilib din naman ang pagpapalaki rito ni Saskia dahil hindi maitatangging matalino itong bata. Hindi niya sana ito makukuha kung hindi siya pumasok mismo sa loob ng living room ng bahay nina Saskia. Dahil may mga tauhan siya, inutusan niya ang mga ito na magmanman sa loob ng bahay kung ano ba ang ginagawa ng mga tao roon mula sa malayo.Parang pumabor naman sa kanya ang pagkakataon dahil nagkakatipon-tipon ang mga ito sa dining area habang masayang kumakain ng agahan, walang ideya na may isang taong nakapasok na sa pamamahay ng mga ito. Eksakto namang pumunta ang bata sa living room, nakita niyang kinukuha nito ang mga laruan, at iyon ang pagkakataon na sinamantala niya. Kumatok siya sa pintuan, hindi nagtagal ay pinagbuksan naman siya nito.

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 223

    “HELLO, Vivian! Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko!” sagot niya sa kabilang linya.“Wow, ah! Parang alam na alam mo na talaga na ako ang tumatawag, hahaha!” sambit nito kasabay ng malakas na paghalakhak.Samantalang ang mga kasamahan naman niya ay nakapalibot sa kanya, pinipilit na mapakinggan ang mga sinasabi ni Vivian sa kabilang linya.“Natural, dahil alam kong ikaw lang naman ang taong gustong-gustong sirain ang buhay ko! At idinamay mo pa talaga ang anak ko sa paghihiganti mo?! Nasisiraan ka na talaga ng ulo! Kahit ang inosenteng bata at walang kamuwang-muwang sa mundo, ay idinadamay mo pa, duwag!” matapang na sagot niya rito.“Huwag mo akong gagalitin, Saskia! At baka tapusin ko ng wala sa oras ang buhay ng pinakamamahal mong anak! At ito ang itatak mo sa kokote mo, huwag na huwag kayong magsusumbong sa mga pulis, dahil kapag ginawa niyo iyon, hinding-hindi niyo na masisilayan kahit bangkay ng anak ninyo!”“Ibalik mo sa ‘kin ang anak ko, Vivian! Kung talagang matapang ka, ako ang har

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status