Enjoy reading
DAHIL sa masinsinang pag-uusap, ay nagkasundo rin sila. Alam na nila kung paano isasakatuparan ang plano sa kasalang magaganap sa kanila ni Katrina. At alam niyang magtatagumpay sila.Ramdam din niya ang kagustuhan ni Gerald na maibalik sa dati ang relasyon nila bilang mag-tito, pero hindi pa siya handa. Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung mapapatawad na ba niya ito. Pero magkaganoon pa man, ay sinasagot naman niya ito sa tuwing tatanungin siya nito o kinakausap.Magaan pala sa pakiramdam kapag kasundo mo ang iyong mga magulang at kapatid, iyong pakiramdam na walang pader na nakapagitan sa relasyon ninyo. Ang problema na lang niya sa ngayon ay si Saskia, kung nasaan ba talaga ito at kung kailan ito magpapakita sa kanya?***PARANG isang pandemya na kumalat ang balitang ikakasal na ang nag-iisang Weston Buencamino Del Flores, na siyang nagmamay-ari ng Del Flores Winery na sikat sa Pilipinas at iba pang mga bansa.Kumalat ang nasabing balita sa iba’t ibang platform ng social m
WALA sa sariling mahigpit na naikuyom ni Weston ang kanyang dalawang kamao. Umiigting ang kanyang mga panga, at nagngangalit ang kanyang mga ngipin. Samantalang ang kanyang mommy ay malakas na umiiyak, at si Gerald, ay mas nadoble pa ang pagiging tulala. Tila hindi makapaniwala sa narinig mula sa ina nito na ama nito si Bastian.At ang daddy niya? Sa kauna-unahang pagkakataon, ay ngayon niya lang nakitang lumuha, lumuha ng tahimik. Pero ramdam niya ang sumisingaw na galit sa buong pagkatao nito.“I’m sorry! I’m sorry! I’m really, really sorry to all of you! Mataas naman ang pangarap ko noon, Mom, Dad. Alam niyo naman iyon, ‘di ba? Dahil saksi kayo kung gaano ako kataas mangarap noon…pero sinira lang iyon lahat ni Bastian! Kinidnap niya ako at pinagsamantalahan! Tinakot, at pinagbantaan, na kapag magsusumbong ako sa inyo o sa mga pulis, ay papatayin niya kayo, lalo na si Weston, na siyang pinakamamahal kong bunsong kapatid…na siyang dahilan ng mataas kong pangarap noon…” tigmak na sa l
MATAPOS ang kasunduan nila ni Bastian na pakakasalan na niya ang anak nitong si Katrina, ay umalis na ang mga ito. Sinigurado rin niyang natanggal din ng mga tauhan nito ang lahat ng mga bombang kanina lang ay palihim na itinatanim ng mga ito sa bawat sulok ng mansyon.Ramdam niya ang panlulumo at hindi maipaliwanag na damdamin na nakikita niya sa reaksyon ng kanyang pamilya. Pero siya ay ngingiti-ngiti lamang sa isang tabi na parang napakalaking achievement ang ginawa niyang pagpayag na pakasalan ang ilusyunadang anak ni Bastian.“Bakit parang taliwas yata ang reaksyon ninyo sa ginawa kong desisyon? Hindi ba dapat ay masaya kayo ngayon dahil sa wakas, ay matutupad na ang pangarap ninyo sa ‘kin noon pa na pakasalan ang masama at ilusyunadang babaeng iyon?” sambit niya sa gitna ng pananahimik ng kanyang pamilya.“Ikaw, ate, siguro naman, nagbubunyi na ngayon ang kalooban mo. Dahil sa wakas, ay tuluyan na kaming maghihiwalay ng asawa ko na siyang pinakaayaw mo. At ikaw, Gerald? Siguro,
IPINALAPAG ni Weston sa makintab na sahig ng mansyon ang anim na kulay itim na attaché case na siyang bitbit ng tatlong lalaki, pagkatapos ay nagsalita siya.“Kahit hindi ko na tanungin kung magkano ang utang ni daddy sa ‘yo, alam ko naman na sapat na ang laman ng anim na attaché case na ‘yan. O, baka nga, sobra pa,” kalmadong sambit niya. Ngunit sinigurado niya sa kanyang tono na hindi siya nasisindak dito.“Daddy, nooo! Ang gusto kong kabayaran sa pagkakautang sa ‘yo ni tito William, ay ang maikasal kami ni Weston! Hindi ba napag-usapan na natin ito?”Umigting ang mga panga niya sa sinabing iyon ni Katrina. Pero isang magandang plano ang bigla na lang kumislap sa isip niya. At sa plano niyang ito, marami ang pwedeng mangyari, isa na roon ang asawa niya na matagal na niyang hinahanap. Baka sa gagawin niyang plano ngayon, ay bigla itong lumabas at magpakita na sa kanya. Inilibot muna niya ang paningin, napakaraming nakakalat na mga armadong tauhan si Bastian sa labas at loob ng kanil
PAUWI sa kanilang mansyon ngayon si Weston kasama ang kanyang mommy. Halos mahigit anim na taon din siyang hindi umuwi at nagawi roon dahil sa hindi nila pagkakaunawaan noon ng kanyang pamilya, kaya hindi na niya alam kung ano na ba ang hitsura nito.Napilitan siyang umuwi dahil tumawag sa kanyang mommy ang kanyang ate Gladys na ginigipit na ni Bastian na ama ni Katrina ang kanyang daddy sa mga pagkakautang nito. Wala sana siyang balak pang tulungan at makialam sa problema ng kanyang daddy, pero nakiusap at nagmakaawa sa kanya ang kanyang mommy, na kahit anong mangyari, ay ama pa rin naman daw niya ito.Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ang kanyang ina sa kahilingan nito na tulungan niyang makabayad sa utang ang kanyang daddy, pagkatapos, ay pwede na niyang kahit na hindi pansinin kahit kailan ang daddy niya.Alam niyang hindi basta-bastang tao si Bastian, isa itong drug lord at master mind sa likod ng human trafficking na lumalaganap sa kanilang lugar. Matagal na itong
“KIA, ANAK. Kailan ba ninyo balak umuwi at mag-stay na lang dito ng gwapo kong apo sa Pilipinas? Napapagod na rin kasi kami ng daddy mo sa pabalik-balik riyan taon-taon. Hindi naman sa nagrereklamo kami, alam mo naman kasi, tumatanda at nagkakaedad na rin kami ng daddy mo,” sambit sa kanya ng mommy niya isang gabi habang magkausap sila sa video call.Simula kasi nung sumama siya kina Jamila at Jedrick sa U.S, ay binibisita siya ng mga magulang taon-taon.“Pinag-iisipan ko pa po, Mom. Alam niyo naman po, nahihiya ako na basta na lang umalis dito at permanente na silang iwanan, dahil sila ang nag-aruga at kumupkop sa ‘kin nung nasa kasagsagan ako ng hirap sa pagbubuntis ko kay Wesley. At saka, mahirap din na basta na lang iwanan ang trabaho ko sa restaurant nina Jamila at Jedrick. Pero hayaan niyo po, hahanap ako ng tamang tyempo at panahon par sabihin sa kanila ang bagay na iyan,” sagot niya sa ina.“Sige, anak. Basta, hindi na muna kami riyan makakabisita ng daddy mo ngayong taon, ha?