Início / Romance / OWNED BY MR. STANDFORD / CHAPTER 5 - ONE WRONG ROOM

Compartilhar

CHAPTER 5 - ONE WRONG ROOM

Autor: demantales
last update Data de publicação: 2026-05-15 18:21:16

Lumipas ang mga araw.

Pagkatapos ng nangyari kay Larry at Aaron... unti-unting naging tahimik ulit ang buhay ni Joan.

At sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo- nakakahinga siya ng maluwag.

Mainit ang sikat ng araw habang naglalakad siya sa campus grounds ng Standford International University.

Walang luxury car na biglang susulpot. Walang malamig na boses ni Aaron sa likod niya. Walang threats. Walang pressure.

Parang biglang nawala ang lalaking iyon sa mundo niya.

Napahawak siya sa strap ng bag niya habang naglalakad papuntang registrar building.

"One more requirement left!"

Halos mapaupo si Joan sa sahig ng registrar matapos i-submit ang last medical clearance niya para sa OJT.

"Finally!" sigaw ni Camille Reyes habang nakataas ang iced coffee niya.

Natawa si Benjamin Castillo.

"Grabe. Akala ko mamamatay na tayo sa paperwork."

"Mas nakakapagod pa 'to kaysa exam week." reklamo ni Trish habang yakap ang folders nila.

Napangiti si Joan.

For the past weeks, naging sobrang busy nila sa:

- hospital requirements,

- vaccinations,

- medical exams,

- endorsement papers,

- internship orientations,

- department interviews,

- thesis revisions,

- at endless paperwork.

Halos araw-araw silang nasa campus.

Pero kahit pagod...

Masaya sila.

Kasi papalapit na sila sa pangarap nila.

Kinagabihan, tahimik na nag-aayos si Joan ng books sa university library.

Isa iyon sa huling shifts niya bilang library clerk.

Mahina siyang napangiti habang inaayos ang mga libro sa shelves.

Ang tahimik.

Ang peaceful.

Ganito ang buhay niya noon bago dumating si Aaron.

"Ma-mi-miss ka namin dito."

Napalingon siya kay Ate Cora, isa sa senior librarians.

Natawa si Joan nang mahina.

"Bibisita pa rin naman po ako."

Umiling ito.

"Hindi na magiging pareho once mag-duty ka na sa hospital."

Natahimik siya.

Totoo naman.

Pagdating ng OJT... Magbabago na lahat.

Mas magiging mahirap. Mas magiging seryoso. Pero handa siya.

Kailangan niyang maging handa.

Bukod sa library work, unti-unti na rin niyang tinatapos ang iba niyang sideline jobs.

Delivery rider.

Weekend tutor.

Cashier sa convenience store.

Halos lahat iyon iniwan na niya isa-isa.

Hindi na kakayanin ng schedule niya once magsimula ang hospital duty.

"Last day mo na?" tanong ng manager niya sa convenience store.

Tumango siya habang nag-aayos ng counter.

"Magfo-focus na po sa internship."

Napangiti ang manager.

"Doctor Joan na pala next time ah."

Natawa siya.

"Sana po."

Napabuntong hininga si Joan habang naglalakad sya papuntang hospital pagkatapos ng shift nya sa convenience store.

Ilang linggo ng walang paramdam sa kanya si Aaron kaya napapanatag ang loob niya. Siguro dahil nagsawa na ito kakahabol sa kanya, siguro dahil sa kinausap sya ni Larry.

Napapikit siya sandali.

Mama.

Papa.

Malapit na. Matutupad ko na ang pangarap ko. Gagaling na si Jaya.

Bulong niya sa sarili at hindi niya namalayang tumutulo na pala luha niya habang nakangiti. Wala ng Aaron na magpapahirap sa kanya. Balik na sa dati ang buhay nya.

Minsan naman- lumalabas silang magkakaibigan.

Simple lang. Movie nights. Coffee shops. Arcade. Late-night samgyupsal. Study sessions. Parang bumalik sila sa dati. At doon narealize ni Joan kung gaano niya nami-miss ang normal na college life.

"Picture!" sigaw ni Camille habang hawak ang phone.

"Group picture!" Sigaw ni Ben at pinaayos ang mga kaibigan sa harap ng camera

Natawa si Joan habang pinapanood sila.

CLICK!

Biglang napangiti si Trish habang tinitingnan ang picture.

"Future doctors and nurse."

At syempre- nandiyan pa rin si Larry. Hindi man sila officially na magkasintahan ngayon...

Hindi rin naman talaga sila tuluyang nagkalayo. Madalas itong mag-video call gabi-gabi.

Minsan nasa training field ito. Minsan nasa gym. Minsan naman pagod na pagod habang nakahiga sa hotel bed.

Pero palagi itong tumatawag.

"How's my future doctor?"

Napangiti siya nang mahina.

"Pagod."

"Still beautiful though."

"Larry!"

Mas lalo itong natawa.

Namiss niya 'yon. Yung gaan ng pakiramdam kapag kausap niya si Larry.

"I saw your latest simulation scores," sabi nito.

Nanlaki mata niya.

"Paano mo nakita?!"

"Secret."

Napairap siya.

"Hmp!"

Ngumiti si Larry habang nakatingin lang sa kanya.

Then maya-maya... lumambot ang tingin nito.

Napahiga si Joan sa kama habang hawak phone niya.

Namiss niya ito.

Sobra.

"How's training?" tanong niya.

Napahiga si Larry sa kama.

"My coach is trying to kill me."

Napatawa siya.

"OA."

"I'm serious." reklamo nito. "I think I ran enough laps for three lifetimes."

Napailing siya habang natatawa.

"When are you sleeping?" tanong ni Larry.

"After reviewing."

"Joan."

"What?"

"Matulog ka na."

Napatawa siya.

"Ang bossy mo."

"Says the girl studying at 3AM."

Napangiti lang siya habang nakatingin sa screen.

"Joan promise me one thing" seryosong sabi ni Larry

"Hhhmmm?"

"If Aaron bothers you again, you must tell me immediately" napabuntong hininga si Joan

"He won't bother me again so don't worry okay"

Mahal niya pa rin talaga si Larry.

At minsan... naiisip niya-

Kung hindi dumating si Aaron... siguro masaya lang sana sila ngayon.

Sa kabilang banda-

Tahimik na nakaupo si Aaron sa madilim nitong office.

Nasa harapan niya ang malaking monitor.

At sa screen-

Si Joan.

Nakangiti habang kasama mga kaibigan niya sa beach.

Habang naglalakad sa campus.

Habang nagtatrabaho sa convenience store.

Habang nakikipag-video call kay Larry.

Tahimik lang siyang nakatingin.

Walang emosyon.

Hanggang sa magsalita assistant niya.

"Sir... should we continue surveillance?"

Tahimik lang si Aaron.

Then dahan-dahan siyang sumandal sa upuan.

"How many days before internship starts?"

"Ten days, sir."

Mabagal siyang ngumisi.

"Enjoy your freedom while it lasts, Joan..." mahina niyang bulong.

Then dahan-dahan niyang pinatay ang tablet screen.

"Because once your internship starts..."

Unti-unting nagdilim ang mga mata niya.

"...you'll be under me every single day."

Lumipas pa ang ilang araw.

At dahil malapit na magsimula ang kanilang internship-

Napagdesisyunan ng magkakaibigan na sulitin muna ang natitirang bakasyon nila.

"Beach trip!" excited na sigaw ni Camille habang nakaupo sila sa café.

Napatawa naman si Ben.

"Finally. Mukhang tao na ulit tayo at hindi zombies."

"Deserve natin 'to" dagdag ni Trish.

Tahimik namang umiinom ng iced coffee si Joan bago napangiti nang mahina.

Siguro nga deserve nila.

Pagkatapos ng lahat ng stress... Ng lahat ng pagod... Ng lahat ng iyak...

Kailangan rin nilang huminga.

---

Dalawang araw bago ang beach trip-

Literal na kinaladkad siya nina Camille at Trish papunta sa salon.

"Guys- hindi ko naman yan kailangan"

Napatawa si Trish.

"Malapit na ang internship natin. Kailangan ng fresh start."

Napailing na lang si Joan habang pinapanood ang dalawa.

Makalipas ang ilang oras-

Natigilan siya nang makita sarili sa salamin.

Mas maayos ang buhok niya ngayon. Mas glowing ang balat niya. Mas relaxed ang mukha niya.

Ngayon na lang ulit siya nagkaroon ng oras alagaan ang sarili niya.

"Ayan!" proud na sabi ni Camille. "Mas lalo kang gumanda."

Namula agad si Joan.

"Tigilan mo nga ako."

"Girl, seryoso," dagdag ni Trish habang inaayos buhok niya, "kung nag aayos ka lang alam mo, sobrang ganda mo."

Mas lalo siyang nahiya.

Hindi siya sanay makarinig ng ganoon.

Simula nang mamatay parents niya- Halos wala na siyang panahon isipin sarili niya.

Puro trabaho. Aral. Hospital. At Bills and expenses nila ang nasa isip nya.

Kaya ngayon... Parang naninibago siyang maging simpleng college girl ulit.

---

Kinabukasan-

Mainit ang sikat ng araw habang pababa sila ng van malapit sa private beach resort ng family ni Camille.

"OH MY GOD!" sigaw agad ni Trish habang tumatakbo papunta sa shore.

Napatawa si Ben habang bitbit ang cooler.

"Relax. Hindi mawawala yang dagat."

Tahimik namang napangiti si Joan habang tinatanhay ng hangin ang buhok niya.

Ang ganda.

Tahimik.

Walang masyadong tao.

Halos sila lang talaga ang nasa private side ng beach.

"Okay!" biglang sabi ni Camille habang pumapalakpak. "Swimsuit time!"

Biglang kinabahan si Joan.

"Ayoko hindi ako sanay magsuot nyan" tutol agad ni Joan

"Nope."

Nanlaki mata niya nang biglang ibigay ni Camille ang paper bag.

"What's this?"

"Bikini."

Muntik niya mabitawan ang bag.

"Ano?!"

Napatawa si Ben sa reaksyon ni Joan.

"Good luck, Joan."

Namula agad siya.

"Hindi ako magsusuot nito!"

"Why not?" reklamo ni Camille. "Girl, sayang katawan mo!"

"Tama!" dagdag ni Trish. "Sexy ka kaya."

"Lalo na legs mo," dagdag pa ni Camille.

"At yang waist mo!" natatawang sabi ni Trish.

"Guys!" halos mapatalon si Joan sa hiya.

Napailing si Ben habang umiinom ng juice.

"To be fair... objectively speaking, hot ka naman talaga."

"BEN?!"

Bigla silang nagtawanan.

Halos mamatay na sa hiya si Joan.

Hindi siya sanay sa ganito. Hindi siya yung tipo ng babae na confident magpakita ng katawan.

Mas gusto niya oversized hoodies at simpleng damit.

"Joan," malambing na sabi ni Trish habang hawak balikat niya, "wala namang ibang tao dito. Oh look"

Tumango si Camille.

"Private beach 'to."

"And besides," dagdag ni Ben habang nakahiga na sa beach chair, topless at relaxed, "kami-kami lang makakakita."

Mas lalo siyang nahiya.

"Please?" pilit ni Camille. "Once lang bago tayo maging stress and sleep-deprived interns."

Napabuntong-hininga si Joan.

Ang kulit talaga ng mga kaibigan niya.

Pagkalipas ng ilang minuto-

Dahan-dahang lumabas si Joan mula sa cottage habang hawak pa ang cover-up niya.

At agad natahimik ang grupo.

"Holy shit!" bulong ni Ben.

"OH MY GOD!" sigaw ni Camille.

Nanlaki mata ni Trish.

"JOAN?!"

Namula agad si Joan habang pilit hinihila pababa ang suot niyang white beach cover-up.

"Nakakahiya..."

Pero hindi siya pinapansin ng mga kaibigan niya.

Kasi kahit simple lang ang black bikini na suot niya-

Sobrang bagay sa kanya.

Slim waist.

Soft curves.

Long legs.

Fair skin glowing under the sunlight.

At higit sa lahat- Natural siyang maganda.

"WTF!" natatawang sabi ni Camille. "Tinago mo lahat 'yan?!"

"Girl..." natulala si Trish. "Kung ako may katawan na ganyan hindi ko iyan itatago!"

Halos mamatay na sa hiya si Joan.

"Tigilan niyo nga ako!"

Natatawa namang napailing si Ben.

"Swerte ni Larry."

Mas lalo siyang namula.

"BEN!"

Biglang nagtawanan ulit silang lahat.

Lumipas ang hapon na puro tawanan.

Swimming.

Volleyball.

Picture taking.

Asaran.

Unti-unting dumidilim ang langit habang lumalakas ang alon sa dagat.

At habang umiihip ang malamig na hangin-

Mas lalo namang umiingay ang grupo nina Joan Tan.

"SHOT SHOT!" sigaw ni Ben habang hawak ang bote at sumasayaw.

Napatawa si Camille.

"Ben! Dahan-dahan!"

"Ang hihina nyo naman uminom!"

Music blasted softly from the speakers. May barbecue sa gilid. Mga ilaw mula sa resort cottages. At sa harap nila-

Ang malawak at madilim na dagat.

Sa kabilang side ng bonfire- Tahimik namang umiinom si Joan habang nakaupo sa buhangin.

Namumula na pisngi niya.

At halatang tinatamaan na ng alak.

"Joaaaan~" natatawang tawag ni Camille habang inaakbayan siya. "Okay ka pa ba?"

Tumawa si Joan nang mahina.

"Apat lang naman nainom ko..."

"Apat na malaking baso" singit ni Ben.

Napatawa ulit si Joan.

Natatawang umiling si Ben.

"First time mo ba uminom nang ganyan karami?"

Tahimik siyang tumango.

"Patay."

Mas lalo silang nagtawanan.

Makalipas ang ilang oras-

"Guys..." nahihilo nang bulong ni Joan habang nakahawak sa ulo niya. "Aakyat muna ako."

Agad tumango si Trish.

"Go rest."

"Hatid ka namin?" tanong ni Ben.

Mabilis siyang umiling kahit hilo.

"Kaya ko pa..."

Napatawa si Camille.

"Sure ka?"

Kaya dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa resort habang bahagyang pasuray-suray.

At dahil sa kalasingan-

Hindi niya napansin na maling room pala ang napasukan niya.

CLICK.

Pagkapasok niya-

Malamig na hangin agad sumalubong sa kanya.

Madilim ang loob. Tanging city lights lang mula sa glass windows ang nagbibigay liwanag.

"Haaay..." bulong niya habang isinara pinto.

Hindi niya napansin ang matangkad na lalaking tahimik na nakaupo sa couch hawak ang wine glass.

Diretso lang itong nakatingin sa kanya.

Sa bikini niyang bahagya pang natatakpan ng manipis na white cover-up.

Mabagal na tumayo ang lalaki.

At doon lang siya napalingon.

Pero dahil sobrang hilo-

Hindi agad siya nakapagreact.

Nakapikit siyang napaturo dito.

"Excuse me..." lutang niyang sabi.

Tahimik lang ang lalaki.

"Why are you inside my room?"

Nanatiling tahimik si Aaron Standford habang malamig na pinagmamasdan siya.

Basang buhok. Namumulang pisngi. At ang suot nitong bikini na halos ikabaliw niya kanina pa.

"Get out..." reklamo ni Joan habang nakaturo pa rin sa kanya. "Im going to sleep and this is my room"

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Aaron.

Drunk.

Completely drunk.

Dahan-dahan siyang lumapit.

At kahit hilo-

Napaatras si Joan nang bahagya.

"Your drunk" malalim nitong sabi.

Napapikit sandali si Aaron.

Ilang linggo niyang tiniis hindi lapitan si Joan.

Ilang linggo niyang pinigilan sarili niya.

Pero ngayong nasa harap niya ito-

Suot ang manipis na bikini. Namumula. At lasing.

Halos mawalan siya ng kontrol.

"Joan..." mababa niyang tawag.

Napakurap siya.

Mabagal niyang hinawakan ang baywang nito.

At doon bahagyang nanlaki mata ni Joan.

Pero bago pa siya makapagsalita-

Biglang hinalikan siya ni Aaron.

Mabagal.

Mainit.

Possessive.

Napasinghap si Joan sa gulat habang nahihilo.

At mas lalong lumalim tingin ni Aaron nang maramdaman niyang hindi agad siya tinulak nito palayo.

Pero ilang segundo lang-

Biglang natigilan si Aaron.

Kasi mabilis na napahawak si Joan sa dibdib niya.

"Teka-"

At bago pa siya makareact-

"BLEEEGH!"

Diretsong nagsuka si Joan sa dibdib niya.

Tahimik ang buong suite.

Napatigil si Aaron.

Nakatitig lang siya kay Joan habang nakahawak pa rin ito sa kanya. Nakapikit na ito ngayon.

"..."

"..."

Pagkatapos-

Biglang napangiwi si Joan.

"S-sorry..." lutang niyang bulong.

At pagkatapos no'n-

Tuluyan na siyang nawalan ng malay at bumagsak diretso sa dibdib ni Aaron.

Tahimik lang si Aaron habang nakatayo.

May suka sa polo niya.

Basang-basa.

At ang babaeng kinababaliwan niya-

Tulog na tulog sa braso niya.

Maya-maya-

Bigla siyang natawa nang mahina.

"This girl..." bulong niya habang nakatitig kay Joan.

Then dahan-dahan niyang binuhat si Joan papunta sa kama.

Hindi niya napigilang haplusin ang buhok nito habang mahimbing na natutulog.

"You're seriously going to kill me someday, Joan Tan." lihim syang napangiti habang nakatingin sa mahimbing na natutulog si Joan

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • OWNED BY MR. STANDFORD    CHAPTER 8 - UNDER AARON STANDFORD

    Malakas ang tugtog ng music sa buong resort habang nagsasayawan ang mga estudyante sa gitna ng dance floor.Colorful lights flashed everywhere. Mula sa malakas na party music- Unti-unting naging mabagal at romantic ang tugtog."Dance with me."Diretso. Walang paligoy-ligoy.Nanlaki agad mata ni Joan."Huh?!"Bahagyang tumaas ang kilay ni Aaron.Napatingin agad siya sa mga kaibigan niya na halos pigil na pigil ang kilig."Just one dance." mababa nitong bulong.Tahimik siyang napatitig dito. At maya-maya- Napabuntong-hininga na lang siya."...Isa lang."Bahagyang gumalaw ang sulok ng labi ni Aaron.Mabagal nitong hinawakan ang bewang niya. At marahang inilagay ang isa nitong kamay sa kamay niya.Biglang bumilis tibok ng puso ni Joan.Masyado silang malapit.Naamoy niya agad ang pabango nito. Mainit ang palad nito sa bewang niya. At ang mas nakakainis-Napaka kalmado ni Aaron habang siya halos mawalan ng hininga."You're nervous." mahina nitong sabi."H-Hindi ah!""You're holding your b

  • OWNED BY MR. STANDFORD    CHAPTER 7 - DANGEROUS DISTRACTIONS

    Lumipas ang ilang araw matapos ang nangyari sa beach resort.At kahit pilit kinakalimutan ni Joan ang nangyari sa suite ni Aaron- Hindi niya magawang mawala iyon sa isip niya.Napabuntong-hininga siya habang naglalakad sa hallway ng Standford International University."Hoy."Napakurap siya nang biglang may umakbay sa kanya."Kanina pa kita tinatawag" reklamo ni Camille."Sorry may iniisip lang" mahina niyang sagot.Biglang naningkit ang mata ni Camille."huwag mo ng isipin ang nangyari, ang mahalag hindi ka ginalaw ni Mr. Standford" seryoso nitong sabi.Biglang umiwas ng tingin si Joan habang napapahigpit ang hawak niya sa bag."Please..." mahina niyang sabi. "Huwag niyong sasabihin kay Larry."Natahimik si Camille."Jo...""Please." mas madiin niyang ulit. "Ayoko siyang mag-overthink."Napabuntong-hininga si Camille bago dahan-dahang tumango."Hindi naman talaga dapat palakihin yun."Tahimik lang si Joan habang naglalakad sila sa hallway. Hindi alam ng mga kaibigan nya na hiwalay na

  • OWNED BY MR. STANDFORD    CHAPTER 6 - SLEEPING BESIDE THE DEVIL

    Mainit ang sinag ng araw na tumatama sa manipis na kurtina ng resort suite. Mahinang napaungol si Joan habang dahan-dahang nagmulat ng mata. "Ugh..." Sobrang sakit ng ulo niya. Napahawak siya agad sa noo niya habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Bigla siyang natigilan. Dahil sa may mainit na braso na nakapulupot sa baywang niya. Nanlaki agad ang mata niya. Dahan-dahan siyang napalingon. At hindi sya makapaniwala sa nakita. Katabi niya si Aaron Standford. Mahimbing itong natutulog habang bahagyang magulo ang buhok nito. Hindi makagalaw si Joan. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. "What the hell-?!" Mabilis siyang napaatras hanggang halos mahulog siya sa kama. Biglang bumilis tibok ng puso niya habang nanginginig na napatingin sa sarili. Hindi na niya suot ang bikini niya. Nakasuot na siya ngayon ng soft beige resort pajama set. "H-Hindi..." Nanlaki mata niya. Unti-unti syang nag-panic. "Aaron!" Bigla niyang hinampas ng unan ang lalaking mahimbing pa sa

  • OWNED BY MR. STANDFORD    CHAPTER 5 - ONE WRONG ROOM

    Lumipas ang mga araw.Pagkatapos ng nangyari kay Larry at Aaron... unti-unting naging tahimik ulit ang buhay ni Joan.At sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo- nakakahinga siya ng maluwag.Mainit ang sikat ng araw habang naglalakad siya sa campus grounds ng Standford International University.Walang luxury car na biglang susulpot. Walang malamig na boses ni Aaron sa likod niya. Walang threats. Walang pressure.Parang biglang nawala ang lalaking iyon sa mundo niya.Napahawak siya sa strap ng bag niya habang naglalakad papuntang registrar building."One more requirement left!"Halos mapaupo si Joan sa sahig ng registrar matapos i-submit ang last medical clearance niya para sa OJT."Finally!" sigaw ni Camille Reyes habang nakataas ang iced coffee niya.Natawa si Benjamin Castillo."Grabe. Akala ko mamamatay na tayo sa paperwork.""Mas nakakapagod pa 'to kaysa exam week." reklamo ni Trish habang yakap ang folders nila.Napangiti si Joan.For the past weeks, naging sobrang busy nil

  • OWNED BY MR. STANDFORD    CHAPTER 4 - THE HOSPITAL OWNED BY THE DEVIL

    Hindi mapakali si Joan buong umaga.Tahimik siyang naglalakad sa hallway ng Standford International University habang yakap ang books niya. Pero kahit anong pilit niyang mag-focus sa klase, paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.Si Larry. Ang break up nila. Mahal nya si Larry pero kailangan nyang makipaghiwalay dahil baka kung anong gawin ni Aaron kay Larry. Mahigpit niyang kinagat ang labi niya.Masakit pa rin.Tangina."Joan?"Napakurap siya nang marinig ang boses ni Camille.Nasa locker area sila ngayon kasama sina Trish at Ben."You okay?" tanong ni Trish habang inaabot ang iced coffee sa kanya.Napangiti siya."Yeah..."Pero halatang hindi sila kumbinsido.Hindi na lang nagsalita si Ben dahil alam niyang umiiyak si Joan kagabi.Tahimik silang apat.Hanggang sa-VIIIIIBRRRRT.Nagvibrate at nagliwanag ang phone ni Joan.Si Larry ang tumatawag. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya."Hey."Biglang nanikip ang dibdib niya."Larry..."Naririnig niya ang ingay sa back

  • OWNED BY MR. STANDFORD    CHAPTER 3 - AARON VS. LARRY

    Kinabukasan...Diretsong pumunta si Larry sa Standford International University.Madilim ang mukha nito habang naglalakad sa hallway.Lahat napapatingin sa kanya.Hanggang sa makarating siya sa clinic office.Naroon si Aaron Standford.Relaxed itong nakasandal habang may kausap na students.Pero nang makita si Larry-Bahagya itong ngumisi."Well. To what do I owe this visit?"Malamig Ang boses niya. Huminto si Larry sa harap niya."Stay away from Joan."Bahagyang tumaas sulok ang labi ni Aaron."She's my girlfriend."Tahimik lang si Aaron."And?"Natagis ang panga ni Larry."Whatever game you're playing- stop it."Marahan ibinaba ni Aaron ang baso niya."You're warning me?""Yes."Nanlaki bahagya ang mata ni Larry.Matagal na silang magkaibigan.Pero ngayon...Parang ibang tao ang kaharap niya."At what point," mapanganib at dahan dahang sabi ni Aaron "did you start believing you could challenge me?""You're going too far."Tahimik lang si Aaron habang dahan-dahang naglalakad palapit

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status