LOGINPumapatak na ang hamog pero nandito pa rin ako. Nakaluhod sa malamig na semento, nakayuko, at pilit na kinukuskos ang mga asuleho ng higanteng swimming pool na ito gamit ang isang lintik na toothbrush.
Gusto ko nang sumuko. Namamanhid na ang mga tuhod ko at nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang lamig. Ang manipis na itim na bistida na suot ko ay walang silbi laban sa hangin ng madaling araw. Kumakalam na ang sikmura ko. Huling kain ko pa ay kaninang umaga bago ako pumasok sa fast food chain. Parang isang taon na ang nakalipas mula noon. Ngayon, nandito ako, parang tanga na sinusubukang linisin ang isang bagay na malinis na.
"Kaya mo ito Fiona," bulong ko sa sarili ko habang patuloy na ikinukuskos ang maliit na brush sa gilid ng pool. "Para sa sarili mo, wag kang mamatay dito. Wag mong hayaang manalo ang demonyong yun."
Pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, hindi ko mapigilang umiyak. Tumutulo ang mga luha ko at humahalo sa tubig ng pool. Naaalala ko na naman ang pamilya ko. Kumakain kaya sila ngayon ng masarap? Natutulog kaya sila sa malambot na kama habang ako ay namamatay sa lamig dito? Limang milyon. Ibinenta nila ang buong pagkatao ko para sa limang milyon. Wala man lang silang pag aatubili.
Habang patuloy ako sa pagkayod, naramdaman ko ang isang presensya mula sa itaas. Lumingon ako sa direksyon ng malaking balkonahe ng mansyon.
Nakatayo doon si Dionysus. Nakasuot siya ng isang mamahaling silk robe na kulay itim, may hawak na umuusok na kape sa isang kamay. Ang buhok niya ay medyo magulo kumpara kanina, pero mas lalo lang itong nagpadagdag sa nakakainis niyang kakisigan. Nakatingin siya sa akin. Ang mga mata niya ay malamig at nagmamasid na parang nanonood ng isang nakakaaliw na palabas.
Nag init ang dugo ko. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong ibato sa mukha niya itong toothbrush na hawak ko. Pero alam kong kapag ginawa ko iyon, baka totohanin niyang ipakain ako sa mga aso niya.
Sa isip ni Dionysus, nakita niya ang matalim kong tingin. Lalo siyang nainis pero may kung anong kuryente na dumaloy sa dibdib niya. Isang hindi pamilyar na spark na mabilis niyang pinatay sa utak niya.
"Bakit ba ako nakatingin sa basurang ito?" bulong ni Dionysus sa sarili niya habang humihigop ng kape. "Isa lang siyang maduming alipin. Isang aso na kailangan kong turuan ng leksyon para malaman niya kung sino ang amo niya. Wala siyang kwenta. Investment lang siya na kailangan kong bawiin ang halaga."
Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili niya na ang nararamdaman niyang interes ay dahil lang sa inis niya sa katigasan ng ulo ko. Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay hindi pa ako sumusuko at humihingi ng awa sa kanya.
Ibinaba ni Dionysus ang kape niya sa isang maliit na mesa at naglakad pababa ng hagdan papunta sa gawi ko. Bawat hakbang niya ay walang tunog pero parang kulog na umaalingawngaw sa pandinig ko. Huminto siya sa layong tatlong metro mula sa akin, siguro para siguraduhin na hindi siya madidikitan ng anumang hangin na galing sa direksyon ko.
"You are too slow," malamig na sita niya. "Ilang oras na ang lumipas pero wala ka pa sa kalahati. Gusto mo na bang tawagin ko ang mga aso ko para tapusin ang paghihirap mo?"
Tumigil ako sa paghihilod at tumingala sa kanya. Sa kabila ng takot at pagod, nanaig ang galit sa puso ko. Wala na akong pakialam sa rule number one niya. Tinignan ko siya nang diretso sa mga mata niya.
"Ginagawa ko na po ang lahat ng makakaya ko Sir," sagot ko, pilit pinapatapang ang nanginginig kong boses. "Kung bibigyan niyo lang sana ako ng maayos na gamit, hindi aabutin ng ganito katagal."
Nanlaki ang mga mata ni Dionysus. Halatang hindi siya sanay na may sumasagot sa kanya. Ang mga empleyado niya, ang mga tauhan niya, lahat sila ay nakayuko lang at sumusunod. Pero ako, isang hamak na alipin na nabili lang niya sa halagang limang milyon, ay may lakas ng loob na tignan siya nang diretso.
"Are you talking back to me?" galit na tanong niya. Ang boses niya ay bumaba ng ilang tono, nagbabanta. "Nakalimutan mo na ba ang rules ko? You do not speak unless spoken to, and you do not question my orders! Isa kang gamit na pag aari ko. Wala kang karapatang magreklamo."
"Alam ko po iyon!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumabaha na ang emosyon ko. "Lagi niyo na lang pinapaalala sa akin na binili niyo ako. Alam kong wala akong kwenta sa inyo. Pero tao pa rin ako! Napapagod din ako at nagugutom!"
Nabigla siya sa pagsigaw ko pero mabilis din itong napalitan ng isang mapanganib na ngisi. Parang natutuwa siya na nakikita akong nagwawala. Parang isang laro para sa kanya ang durugin ang pag asa ko.
"Tao?" sarkastikong tanong niya. "Hindi ka tao dito. Isa kang dumi na pilit kong nililinis. Ngayon, bumalik ka sa pagrub ng asuleho. At dahil sumagot ka sa akin, gusto ko linisin mo rin ang buong ilalim ng pool kapag natapos mo yan."
Nanlumo ako. Ang ilalim ng pool? Sobrang lalim nun. Hindi ako marunong lumangoy. Kapag tumalon ako doon, siguradong malulunod ako.
"P pero hindi po ako marunong lumangoy," pakiusap ko. Nawala na agad ang tapang ko. Nanginig ang mga labi ko sa takot.
"That is not my problem," walang pusong sagot niya bago tumalikod para bumalik sa mansyon. "Find a way, or die trying."
Naiwan akong nakatulala. Wala talaga siyang awa. Isang halimaw na nagkukunwaring tao.
Pinunasan ko ang mga luha ko at napilitang bumalik sa ginagawa ko. Kailangan kong bilisan bago tuluyang bumigay ang katawan ko. Tumayo ako nang kaunti para maabot ang bandang dulo ng pool kung saan medyo madulas ang semento. Dahil sa matinding pagod at panghihina ng tuhod ko, nanginig ang mga binti ko.
Pilit kong inabot ang isang mantsa sa ibaba, pero biglang nagdilim ang paningin ko. Umiikot ang buong paligid. Ang kumakalam kong sikmura at ang kawalan ng tulog ay tuluyan nang sumingil sa katawan ko.
Nawalan ako ng balanse.
Bago pa ako makasigaw, naramdaman ko ang pagbagsak ng buong katawan ko. Isang malakas na pagsalpok sa malamig na tubig.
Pumasok ang tubig sa ilong at bibig ko. Sobrang lamig. Parang libo libong karayom ang tumutusok sa balat ko. Nagpanic ako. Sinubukan kong ikampay ang mga braso ko at sipain ang tubig pero lalo lang akong lumulubog. Sobrang bigat ng katawan ko dahil sa pagod at sa basang damit ko.
"Tulong!" sigaw ko pagka ahon ng ulo ko, pero agad din akong lumubog nang makalunok ako ng maraming tubig.
Wala akong makapitan. Ang mga asuleho sa gilid ay masyadong madulas. Pilit kong iniaangat ang sarili ko pero unti unti na akong nawawalan ng hininga. Mamamatay na ba ako dito? Sa isang swimming pool ng isang demonyong CEO na walang pakialam sa akin?
Ang mga luha ko ay humalo sa tubig ng pool. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Baka mas mabuti na ito. Baka mas maganda pang mamatay kaysa maging alipin habang buhay. Unti unti nang dumidilim ang paningin ko at bumabagal ang tibok ng puso ko.
Pero biglang may narinig akong malakas na kalabog mula sa itaas. Isang malaking splash ng tubig.
May mga malalakas na braso na biglang pumulupot sa bewang ko. Isang mainit na dibdib ang sumandal sa likuran ko. Marahas akong hinila pataas hanggang sa makaramdam ako ng hangin sa mukha ko. Ubo ako nang ubo habang isinusuka ang mga tubig na nalunok ko.
Nang magising ang ulirat ko, pilit kong iminulat ang mga mata ko. Inaasahan kong makita ang isa sa mga tauhan niya o ang mga katulong.
Pero halos tumigil ang paghinga ko nang makita ko kung sino ang nakayakap sa akin.
Si Dionysus.
Basang basa ang buhok niya, ang mamahaling silk robe niya ay nakadikit sa katawan niya, at patuloy na tumutulo ang tubig mula sa mukha niya. Galit na galit ang mga mata niya. Hinihingal siya habang nakayakap sa akin nang napakahigpit na parang ayaw niya akong pakawalan.
Ang pinaka maarte at pinaka malinis na tao sa buong mundo, ang lalakeng diring diri sa akin at hindi ako kayang lapitan man lang nang ilang metro... ay tumalon sa malamig na tubig at kasalukuyang nakayakap sa maduming alipin niya.
Nanginginig ang buong katawan ko habang ubo ako nang ubo ng tubig. Basang basa kami pareho. Sa loob ng ilang segundo, ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na paghinga namin at ang mabilis na tibok ng puso niya na nakadikit sa likuran ko. Nakayakap siya sa akin nang mahigpit, parang natatakot siyang mabitawan ako at tuluyan akong lamunin ng tubig.Pero mabilis pa sa kidlat ang naging pagbabago niya.Nang maramdaman niya ang init ng katawan ko at ang mabilis na pagtibok ng puso niya mismo, bigla siyang nanigas. Parang natauhan siya. Nakita ko kung paano dumaan ang matinding kalituhan sa mga mata niya na agad ding napalitan ng matinding pandidiri at galit. Galit na hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya dahil hinayaan niyang makaramdam siya ng awa.Marahas niya akong itinulak.Tumilapon ako sa gilid ng pool, tumama ang balikat ko sa matigas at malamig na semento. Napadaing ako sa sakit pero hindi ko na ininda iyon dahil mas nakakatakot ang reaksyon niya ngayon. Tumayo
Pumapatak na ang hamog pero nandito pa rin ako. Nakaluhod sa malamig na semento, nakayuko, at pilit na kinukuskos ang mga asuleho ng higanteng swimming pool na ito gamit ang isang lintik na toothbrush.Gusto ko nang sumuko. Namamanhid na ang mga tuhod ko at nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang lamig. Ang manipis na itim na bistida na suot ko ay walang silbi laban sa hangin ng madaling araw. Kumakalam na ang sikmura ko. Huling kain ko pa ay kaninang umaga bago ako pumasok sa fast food chain. Parang isang taon na ang nakalipas mula noon. Ngayon, nandito ako, parang tanga na sinusubukang linisin ang isang bagay na malinis na."Kaya mo ito Fiona," bulong ko sa sarili ko habang patuloy na ikinukuskos ang maliit na brush sa gilid ng pool. "Para sa sarili mo, wag kang mamatay dito. Wag mong hayaang manalo ang demonyong yun."Pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, hindi ko mapigilang umiyak. Tumutulo ang mga luha ko at humahalo sa tubig ng pool. Naaalala ko na naman ang
Tahimik ang buong byahe pero ang isip ko ay parang sumasabog. Naiwan sa likod ng sasakyan ang pamilya ko, yung mga taong pinaglaanan ko ng buong buhay ko tapos ibinenta lang ako na parang lumang gamit para makatakas sila sa utang. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak nang tahimik habang nakakulong sa likuran ng malaking sasakyan ni Dionysus Goodman. Amoy bago ang loob ng kotse, amoy mamahaling pabango na pilit sumusugat sa ilong ko dahil hindi ako sanay. Sa bawat pag ikot ng gulong ay ramdam ko na papalayo na ako sa nag iisang buhay na nakasanayan ko.Pagkalipas ng halos isang oras na parang walang katapusan, huminto ang sasakyan. Bumukas ang pinto at halos hatakin ako palabas ng dalawang malalaking lalaki na sumundo sa akin kanina. Napapikit ako sa sobrang liwanag ng paligid. Nang mag adjust ang paningin ko, halos malaglag ang panga ko. Nasa tapat kami ng isang napakalaking mansyon na kulay puti at ginto. Parang isang palasyo na hindi ko alam kung saang bansa matatagpuan, pero ang p
Pagod na pagod na ako.Parang babagsak na ang mga balikat ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko habang naglalakad ako pauwi sa amin. Tatlong trabaho ang pinasukan ko ngayong araw. Nag serve ako sa isang fast food chain sa umaga, nag hugas ng pinggan sa isang karinderya sa tanghali, at nag benta ng kung anu ano sa kalye hanggang gabi. Lahat ng ito para lang may makain kami at para mabayaran ang buwanang interes sa lintik na utang ng pamilya namin.Pero pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng bahay namin ay bumungad na agad sa akin ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Ang dumi dumi ng paligid. May mga basyong bote sa sahig at mga nakakalat na baraha."Nandito na pala ang paborito nating ATM," bungad ni Mama. Nakaupo siya sa lumang sofa habang nag bibilang ng barya. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at inilahad ang palad niya sa harap ko. "Akin na ang sweldo mo. Kailangan kong makabawi ngayon kay Aling Nena. Malaki ang talo ko kanina sa mahjong."Gusto kong sumigaw. Gusto ko







