Home / Romance / OWNED BY THE RUTHLESS CEO / Pay with your pathetic life

Share

OWNED BY THE RUTHLESS CEO
OWNED BY THE RUTHLESS CEO
Author: Darkchoco

Pay with your pathetic life

Author: Darkchoco
last update publish date: 2026-04-23 09:39:08

​Pagod na pagod na ako.

​Parang babagsak na ang mga balikat ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko habang naglalakad ako pauwi sa amin. Tatlong trabaho ang pinasukan ko ngayong araw. Nag serve ako sa isang fast food chain sa umaga, nag hugas ng pinggan sa isang karinderya sa tanghali, at nag benta ng kung anu ano sa kalye hanggang gabi. Lahat ng ito para lang may makain kami at para mabayaran ang buwanang interes sa lintik na utang ng pamilya namin.

​Pero pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng bahay namin ay bumungad na agad sa akin ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Ang dumi dumi ng paligid. May mga basyong bote sa sahig at mga nakakalat na baraha.

​"Nandito na pala ang paborito nating ATM," bungad ni Mama. Nakaupo siya sa lumang sofa habang nag bibilang ng barya. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at inilahad ang palad niya sa harap ko. "Akin na ang sweldo mo. Kailangan kong makabawi ngayon kay Aling Nena. Malaki ang talo ko kanina sa mahjong."

​Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Buong araw akong nagpakahirap tapos kukunin niya lang para isugal?

​"Ma, wala na po tayong bigas," mahinang sagot ko habang pilit na iniiwas ang tingin ko. "Kailangan nating pambili ng pagkain. Saka yung pambayad sa utang natin kay..."

​Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napahawak ako sa mukha ko sa sobrang hapdi.

​"Wala akong pakialam sa bigas! Akin na ang pera mo!" sigaw niya.

​Bago pa ako makasagot ay lumapit ang tatay ko. Pulang pula ang mukha niya at amoy na amoy ang mumurahing alak sa hininga niya. Hinablot niya ang bag ko at sapilitang kinuha ang maliit na sobreng naglalaman ng sweldo ko.

​"Pa, wag po! Pambayad natin yan!" pagmamakaawa ko habang pinipilit na bawiin ang pera.

​Tinulak niya ako nang malakas kaya napaupo ako sa maduming sahig. Tumawa lang siya at binilang ang pera. "Kulang pa ito pambili ng pulutan. Ikaw talaga Fiona, wala kang kwentang anak. Ang bagal mong kumita ng pera."

​Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang kapatid kong lalaki na si Lester. Nakasandal siya sa pader habang naninigarilyo. Ang lagkit ng tingin niya sa akin, lalo na sa mga binti kong nakalabas dahil sa palda ng uniporme ko. Ngumisi siya ng nakakadiri.

​"Bakit ba kasi nagtitiyaga pa kayo dyan sa kakarampot na sweldo niyan?" sabi ni Lester habang lumalapit sa akin. Hinawakan niya ang buhok ko at marahas na hinila. "Kung ibugaw niyo na lang kaya ito? May itsura naman. Sigurado akong marami ang magbabayad nang malaki para makatikim ng sariwang laman."

​Nandiri ako sa sarili kong kapatid. Tinabig ko ang kamay niya at mabilis na tumayo pero hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit hanggang sa magka pasa ito. Araw araw ganito ang buhay ko. Parang akong alila na walang karapatang magreklamo. Trinato nila akong basurahan, isang makina na kukuhaan lang ng pera tapos itatapon kapag wala nang maibigay. Ako na nga ang nagpapakain sa kanila, ako pa ang inaalipusta.

​Wala ba akong kwenta para sa kanila? Pamilya ko sila pero bakit parang ako pa ang kalaban?

​Bago pa man ako makapalag kay Lester ay biglang may yumanig na malakas na kalabog sa pintuan namin. Parang masisira ang kahoy sa lakas ng paghampas. Natahimik kaming lahat. Kahit si Papa ay nabitawan ang bote ng alak na hawak niya.

​Bumukas ang pintuan nang marahas. Pumasok ang dalawang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na suit. Pareho silang may hawak na spray bottle at nagsimulang mag spray ng matapang na disinfectant sa buong paligid. Sa hangin, sa sahig, sa dingding, at muntik na sa mukha ni Papa.

​"Hoy! Ano ba kayo! Bakit kayo nang iispray dito?!" angil ni Papa.

​Hindi siya pinansin ng dalawang lalaki. Sa halip ay tumayo sila sa magkabilang gilid ng pintuan at yumuko.

​Isang lalaki ang pumasok.

​Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Ang hangin sa loob ng maliit at mainit naming bahay ay parang naging yelo.

​Nakatayo siya doon, nakasuot ng isang napaka mahal na gray suit na walang ni isang lukot. Ang sapatos niya ay kumikinang sa linis. Ang buhok niya ay maayos na nakasuklay, at ang mukha niya... gwapo sana, sobrang gwapo na parang galing sa isang magazine, pero ang mga mata niya ay malamig at walang awa. Nakatakip ang ilong at bibig niya ng isang panyong puti na may burda.

​Si Dionysus Goodman. Ang pinaka walang puso at pinaka malupit na tao sa buong siyudad. At sa kasamaang palad, sa kanya may milyon milyong utang ang pamilya ko.

​Tumingin siya sa paligid at nanliit ang mga mata niya sa sobrang pandidiri. Kumuha siya ng isa pang panyo at pinunasan ang sapatos niya kahit wala namang dumi doon.

​"What a disgusting place," malamig na sabi niya. Ang boses niya ay malalim at nagbibigay kilabot sa bawat buto ko. "This is a literal pigsty. No, wait. I take that back. Pigs have better living conditions than this garbage dump."

​"Sir Goodman..." nanginginig na sabi ni Papa. Nawala agad ang tapang nito at biglang yumuko nang sobra. "A ano pong ginagawa ninyo dito? Akala ko po sa katapusan pa ang singilan..."

​Binitawan ni Dionysus ang panyo at hinayaan itong mahulog sa sahig. Tinignan niya si Papa ng isang nakakamatay na tingin.

​"I changed my mind," sagot ni Dionysus habang naglalakad papasok, maingat na iniiwasan ang mga basag na bote. "I want my money now. Lahat ng utang mo, kasama ang interes. Five million pesos."

​Napatakip ako sa bibig ko. Five million?! Ang alam ko ay two million lang ang utang namin! Paanong lumaki nang ganun kabilis?

​"P pero Sir, wala po kaming ganyang kalaking pera ngayon!" pagmamakaawa ni Mama. "Bigyan niyo pa po kami ng oras! Yung anak ko, may trabaho siya! Nagbabayad naman po kami ng unti unti ah!"

​Tumawa si Dionysus, isang maikli at walang pusong tawa. Sumenyas siya sa isa sa mga tauhan niya. Agad na naglabas ng baril ang lalaki at kinasa ito sabay tutok sa ulo ni Papa.

​Napasinghap ako. Nagsimulang umiyak si Mama at lumuhod sa sahig. Si Lester ay namumutla at nagtago sa likod ni Mama.

​"I don't have time for your excuses," malamig na utos ni Dionysus. "If you cannot pay me in cash right now, you pay me with your lives. Start with the old man."

​"Wag! Wag po!" sigaw ni Papa habang umiiyak. Nakaluhod na siya at nanginginig sa takot. Tumingin siya sa paligid, naghahanap ng paraan para makatakas. Hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa akin.

​May kung anong nagbago sa mukha ni Papa. Parang nakakita siya ng kaligtasan. Bago pa ako makapag isip ay mabilis siyang tumayo, hinawakan ako nang mahigpit sa braso, at marahas na kinaladkad papunta sa harap ni Dionysus.

​"Siya na lang! Siya na lang ang kunin ninyo pambayad!" sigaw ni Papa habang tinutulak ako palapit sa halimaw na lalaking nasa harap namin.

​Nanlaki ang mga mata ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Ano?

​"Pa! Anong sinasabi mo?!" sigaw ko habang umiiyak. "Pa, wag mo namang gawin sa akin to!"

​"Wag ka nang maarte Fiona! Buhay natin ang nakasalalay dito!" bulyaw ni Mama na nakaluhod pa rin. "Kunin niyo na siya! Ibayad niyo na sa buong utang namin!"

​"Oo nga boss!" singit ni Lester habang nakangisi na parang baliw. "Masipag yan! Kahit anong ipagawa ninyo, gagawin niyan! Kayang kaya niyang bayaran ang limang milyon gamit ang katawan niya!"

​Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Pamilya ko sila. Dugo at laman. Ako ang nagpakain sa kanila, ako ang bumuhay sa kanila, tapos ngayon ibebenta nila ako na parang hayop para lang iligtas ang mga sarili nila? Wala silang pakialam kung mamatay ako o kung anong gawin sa akin ng lalaking ito.

​Tinignan ako ni Dionysus mula ulo hanggang paa. Kitang kita ko ang sobrang pandidiri sa mga mata niya. Parang tinitignan niya ang isang maduming insekto. Umatras siya ng isang hakbang.

​"Are you out of your minds?" naiinis na sabi ni Dionysus. "I don't need another mouth to feed. Lalo na ang galing sa ganitong klaseng imburnal. I won't take this filthy creature. God knows what diseases she carries."

​Sumikip ang dibdib ko. Pinandidirihan niya ako pero mas pinandidirihan ko ang pamilya ko ngayon.

​"Parang awa niyo na po Sir!" gumapang si Papa palapit sa sapatos ni Dionysus pero mabilis na umatras ang lalaki para hindi siya madikitan. "Kahit anong gusto ninyong gawin sa kanya, ayos lang! Patayin niyo siya, gawing alipin, gawin ninyong aso, wala kaming pakialam! Wag niyo lang kaming patayin!"

​Napahagulhol ako. Unti unting nadudurog ang kaluluwa ko. Ito pala ang halaga ko. Isang pambayad utang.

​Matagal na tumahimik si Dionysus. Nakatingin lang siya sa akin. Ang mga mata niya ay madilim at nag iisip. Tinitigan niya ang mga luha kong tumutulo, ang madumi kong uniporme, at ang mga pasa sa braso ko na ginawa ng sarili kong kapatid. May kung anong dumaan sa mga mata niya na hindi ko maintindihan. Isang nakakakilabot na ideya.

​Bumuntong hininga siya at inayos ang manggas ng suit niya.

​"Fine," malamig na sabi niya. "I accept."

​Nanlumo ako at napaupo sa sahig. Umiyak ako nang napakalakas pero walang ni isang lumapit para patahanin ako. Sa halip, nakita ko pang ngumiti si Papa at nagpasalamat nang paulit ulit sa lalaki. Ligtas na sila.

​"But let me make this clear," dugtong ni Dionysus. Tumingin siya sa akin at ngumiti nang mapanganib. Isang ngiting walang bakas ng kahit anong kabutihan. "She is no longer a human being. She is my property. My slave. She will do exactly what I want, when I want it, and how I want it. Kahit palinisin ko pa siya ng sahig gamit ang sarili niyang dila, gagawin niya."

​Tumingin siya sa dalawang tauhan niya. "Clean her up. Give her an acid bath if you have to. Then throw her in the trunk of my car."

​Bago pa ako makasigaw ay hinawakan na ako nang mahigpit ng dalawang malalaking lalaki. Pilit akong nagpupumiglas pero wala akong laban. Tinignan ko ang pamilya ko para humingi ng tulong, pero tumalikod lang sila at nagsimula nang magbilang ulit ng pera.

​Dinala ako palabas ng bahay habang umiiyak at nagmamakaawa. At habang pinapasok nila ako sa madilim na likuran ng sasakyan ni Dionysus Goodman, isang bagay lang ang pumasok sa isip ko.

​Sana namatay na lang ako. Dahil alam kong ang pupuntahan ko ngayon ay mas masahol pa sa impyerno.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OWNED BY THE RUTHLESS CEO   A worthless life

    Nanginginig ang buong katawan ko habang ubo ako nang ubo ng tubig. Basang basa kami pareho. Sa loob ng ilang segundo, ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na paghinga namin at ang mabilis na tibok ng puso niya na nakadikit sa likuran ko. Nakayakap siya sa akin nang mahigpit, parang natatakot siyang mabitawan ako at tuluyan akong lamunin ng tubig.​Pero mabilis pa sa kidlat ang naging pagbabago niya.​Nang maramdaman niya ang init ng katawan ko at ang mabilis na pagtibok ng puso niya mismo, bigla siyang nanigas. Parang natauhan siya. Nakita ko kung paano dumaan ang matinding kalituhan sa mga mata niya na agad ding napalitan ng matinding pandidiri at galit. Galit na hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya dahil hinayaan niyang makaramdam siya ng awa.​Marahas niya akong itinulak.​Tumilapon ako sa gilid ng pool, tumama ang balikat ko sa matigas at malamig na semento. Napadaing ako sa sakit pero hindi ko na ininda iyon dahil mas nakakatakot ang reaksyon niya ngayon. Tumayo

  • OWNED BY THE RUTHLESS CEO   He saved me?

    Pumapatak na ang hamog pero nandito pa rin ako. Nakaluhod sa malamig na semento, nakayuko, at pilit na kinukuskos ang mga asuleho ng higanteng swimming pool na ito gamit ang isang lintik na toothbrush.​Gusto ko nang sumuko. Namamanhid na ang mga tuhod ko at nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang lamig. Ang manipis na itim na bistida na suot ko ay walang silbi laban sa hangin ng madaling araw. Kumakalam na ang sikmura ko. Huling kain ko pa ay kaninang umaga bago ako pumasok sa fast food chain. Parang isang taon na ang nakalipas mula noon. Ngayon, nandito ako, parang tanga na sinusubukang linisin ang isang bagay na malinis na.​"Kaya mo ito Fiona," bulong ko sa sarili ko habang patuloy na ikinukuskos ang maliit na brush sa gilid ng pool. "Para sa sarili mo, wag kang mamatay dito. Wag mong hayaang manalo ang demonyong yun."​Pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, hindi ko mapigilang umiyak. Tumutulo ang mga luha ko at humahalo sa tubig ng pool. Naaalala ko na naman ang

  • OWNED BY THE RUTHLESS CEO   Toothbrush and the pool

    Tahimik ang buong byahe pero ang isip ko ay parang sumasabog. Naiwan sa likod ng sasakyan ang pamilya ko, yung mga taong pinaglaanan ko ng buong buhay ko tapos ibinenta lang ako na parang lumang gamit para makatakas sila sa utang. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak nang tahimik habang nakakulong sa likuran ng malaking sasakyan ni Dionysus Goodman. Amoy bago ang loob ng kotse, amoy mamahaling pabango na pilit sumusugat sa ilong ko dahil hindi ako sanay. Sa bawat pag ikot ng gulong ay ramdam ko na papalayo na ako sa nag iisang buhay na nakasanayan ko.​Pagkalipas ng halos isang oras na parang walang katapusan, huminto ang sasakyan. Bumukas ang pinto at halos hatakin ako palabas ng dalawang malalaking lalaki na sumundo sa akin kanina. Napapikit ako sa sobrang liwanag ng paligid. Nang mag adjust ang paningin ko, halos malaglag ang panga ko. Nasa tapat kami ng isang napakalaking mansyon na kulay puti at ginto. Parang isang palasyo na hindi ko alam kung saang bansa matatagpuan, pero ang p

  • OWNED BY THE RUTHLESS CEO   Pay with your pathetic life

    ​Pagod na pagod na ako.​Parang babagsak na ang mga balikat ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko habang naglalakad ako pauwi sa amin. Tatlong trabaho ang pinasukan ko ngayong araw. Nag serve ako sa isang fast food chain sa umaga, nag hugas ng pinggan sa isang karinderya sa tanghali, at nag benta ng kung anu ano sa kalye hanggang gabi. Lahat ng ito para lang may makain kami at para mabayaran ang buwanang interes sa lintik na utang ng pamilya namin.​Pero pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng bahay namin ay bumungad na agad sa akin ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Ang dumi dumi ng paligid. May mga basyong bote sa sahig at mga nakakalat na baraha.​"Nandito na pala ang paborito nating ATM," bungad ni Mama. Nakaupo siya sa lumang sofa habang nag bibilang ng barya. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at inilahad ang palad niya sa harap ko. "Akin na ang sweldo mo. Kailangan kong makabawi ngayon kay Aling Nena. Malaki ang talo ko kanina sa mahjong."​Gusto kong sumigaw. Gusto ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status