LOGINNanginginig ang buong katawan ko habang ubo ako nang ubo ng tubig. Basang basa kami pareho. Sa loob ng ilang segundo, ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na paghinga namin at ang mabilis na tibok ng puso niya na nakadikit sa likuran ko. Nakayakap siya sa akin nang mahigpit, parang natatakot siyang mabitawan ako at tuluyan akong lamunin ng tubig.
Pero mabilis pa sa kidlat ang naging pagbabago niya.
Nang maramdaman niya ang init ng katawan ko at ang mabilis na pagtibok ng puso niya mismo, bigla siyang nanigas. Parang natauhan siya. Nakita ko kung paano dumaan ang matinding kalituhan sa mga mata niya na agad ding napalitan ng matinding pandidiri at galit. Galit na hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya dahil hinayaan niyang makaramdam siya ng awa.
Marahas niya akong itinulak.
Tumilapon ako sa gilid ng pool, tumama ang balikat ko sa matigas at malamig na semento. Napadaing ako sa sakit pero hindi ko na ininda iyon dahil mas nakakatakot ang reaksyon niya ngayon. Tumayo siya agad na parang nasunog ang balat niya sa pagkakadikit sa akin. Tinitigan niya ang mga kamay niya na tila ba nandidiri siya nang sobra.
"Don't flatter yourself," nanggagalaiting sigaw niya habang pinapagpag ang basang robe niya kahit wala namang dumi doon. Ang boses niya ay nag eecho sa buong paligid, puno ng poot. "Niligtas kita hindi dahil may pakialam ako sa buhay mo. Ayoko lang madumihan ang tubig ng pool ko ng isang patay na daga! At tandaan mo, may limang milyon ka pang utang sa akin. You don't have the right to die until you pay me every single centavo!"
Napapikit ako at yumuko, patuloy sa pag iyak. Alam ko naman iyon. Bakit ba ako aasa na may kabutihan sa puso niya? Halimaw siya.
"Guards!" sigaw ni Dionysus na umalingawngaw sa buong bakuran. Mabilis na nagtakbuhan ang mga tauhan niya at mga katulong papalapit sa amin. "Linisin niyo ang pool na ito! Palitan niyo lahat ng tubig! At dalhin niyo ang basurang iyan sa pinaka madilim na kwarto. I don't want to see her face!"
Lumingon siya sa matandang katulong na kanina pa nakatayo sa gilid. "Prepare my bath. The hottest water and the strongest soap. I need to wash off this disgusting feeling."
Tumalikod siya at mabilis na naglakad pabalik sa mansyon. Ni hindi na siya muling lumingon sa akin. Pinilit niya sa isip niya na aksidente lang ang pagtalon niya, na instinct lang iyon ng isang negosyante para protektahan ang investment niya. Pinapatay niya ang anumang kislap ng emosyon dahil para sa kanya, isa itong malaking kahinaan.
Hinawakan ako sa magkabilang braso ng dalawang katulong at sapilitang itinayo. Nanghihina na ako kaya halos kaladkarin na nila ako papunta sa likurang bahagi ng mansyon, malayo sa mga magagarang kwarto. Dinala nila ako sa pinaka dulo ng servants quarters. Isang maliit, madilim, at amoy amag na kwarto na ginagawang imbakan ng mga lumang gamit.
Ibinagsak nila ako sa isang manipis na papag. Binigyan nila ako ng isang tuyong t shirt at lumang pajama.
"Magbihis ka na bago ka pa magkasakit at makahawa dito," mataray na sabi ng isang batang katulong na nakapila. May hawak itong cellphone at kanina pa patingin tingin doon habang tumatawa. "Swerte mo nga hindi ka pinakain sa aso ni Boss eh."
Umalis ang matandang katulong at naiwan ang batang maid para bantayan ako habang nagpapalit ako ng damit. Nanghihina ang mga kamay ko habang hinuhubad ang basang damit. Sa bawat galaw ko ay ramdam ko ang sakit sa mga pasa ko.
Habang nagbibihis ako, narinig ko ang pamilyar na boses mula sa cellphone ng maid.
"Wow! Grabe ang sarap ng buffet dito sa Solaire! Mga pre, tignan niyo itong lobster, ang laki! Jackpot tayo ngayon!"
Napatigil ako. Parang tumigil ang pag inog ng mundo ko. Kilalang kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.
Napatingin ako sa batang maid. Napansin niyang nakatingin ako kaya iniharap niya sa akin ang screen ng phone niya.
"Trending sa social media yung kapatid mo at pamilya mo," nakangising sabi ng maid na parang tuwang tuwa pa sa nakikita niya. "Nag live stream sa isang five star luxury hotel. Grabe, ang dami raw nilang pera ngayon. Sabi ng kapatid mo, galing daw sa isang maswerteng sponsor."
Nanlaki ang mga mata ko. Pilit kong inabot ang cellphone at hinayaan naman ng maid na makita ko nang malapitan.
Totoo nga. Nasa screen si Lester, nakasuot ng bagong sapatos at mamahaling relo. Nasa likod niya si Mama at Papa na kumakain ng napakaraming masasarap na pagkain. Tumatawa sila. Ang saya saya nila. Nakapag check in sila sa isa sa pinaka mahal na hotel sa Maynila.
"Cheers sa bagong buhay natin!" sigaw ni Papa habang nagtataas ng baso ng wine. "Wala na tayong utang, mayaman na tayo!"
Hindi man lang nila binanggit ang pangalan ko. Hindi man lang sila nag aalala kung buhay pa ba ako o kung anong ginagawa sa akin ng lalaking pinagbentahan nila sa akin. Habang ako ay muntik nang malunod sa malamig na pool, habang namamatay ako sa gutom at pagod dito, sila ay nagpapakasarap sa perang kapalit ng buong buhay at kalayaan ko.
Binitawan ko ang cellphone. Bumagsak ako sa sahig.
Sumabog ang matinding iyak mula sa lalamunan ko. Isang hagulhol na puno ng sakit, pighati, at matinding pagtataksil. Niyakap ko ang sarili ko habang nanginginig ang buong katawan ko. Bakit? Bakit nila ginawa sa akin ito? Wala ba akong kwenta sa kanila kundi isang naglalakad na bangko? Anak nila ako. Kapatid nila ako.
Umiyak ako nang umiyak. Wala akong pakialam kahit marinig pa ako ng buong bahay. Wasak na wasak ang puso ko. Wala na akong pamilya. Wala na akong babalikan. Wala na akong kakampi sa mundong ito.
Bumukas nang malakas ang pintuan.
Napataas ang tingin ko. Nakatayo sa pintuan si Dionysus. Nakasuot na siya ng bagong damit, isang malinis at walang lukot na dark gray na suit. Amoy na amoy ko ang matapang na sabon at pabango niya na nagpapatunay na nag scrub siya nang maigi para tanggalin ang presensya ko sa katawan niya. Madilim ang mukha niya at halatang naiinis siya sa ingay ko.
Natakot ang batang maid at mabilis na tumakbo palabas, naiwan ang cellphone sa ibabaw ng maliit na mesa kung saan naka play pa rin ang live stream ni Lester.
Pumasok si Dionysus at nilapitan ang mesa. Tinignan niya ang cellphone at pinanood nang ilang segundo ang video bago niya ito pinatay nang tuluyan.
"Ang ingay ingay mo," malamig na sabi niya habang nakatingin sa akin na nakadapa sa sahig at patuloy sa pag iyak. "Umiiyak ka dahil dyan? Dahil sa mga basurang yan?"
"Pamilya ko sila..." humihikbing sagot ko, hirap na hirap huminga dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.
Isang malakas at pagak na tawa ang pinakawalan niya. "Family? A family doesn't sell their own flesh and blood to a monster like me. Gising na Fiona. Binenta ka nila. Ipinagpalit ka nila sa hotel, sa lobster, at sa bagong relo."
Naglakad siya palapit sa akin pero nanatili siyang may dalawang metrong layo. Ayaw niya pa rin akong madikitan.
"Stop crying over people who threw you away like a used tissue," walang awang dugtong niya. Ang boses niya ay parang yelo na tumutusok sa puso ko. "Tignan mo ang sarili mo. Wala kang kakampi. Wala kang kaibigan. Wala kang pamilya. You have absolutely nothing and no one... except me."
Tinitigan ko siya. Gusto kong magalit sa kanya pero alam kong tama siya. Nilulunod niya ako sa katotohanan para tuluyan nang mamatay ang pag asa ko.
"Kaya wag kang mag inarte dyan. Bukas ng alas kwatro ng umaga, gusto kong makitang kumikinang ang buong sahig ng mansyon," utos niya bago tumalikod papunta sa pinto. "You are mine now. Pag aari kita."
Bago pa siya makalabas ng kwarto, biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong mansyon.
Nabalot kami ng dilim. Tumigil ang pagtibok ng puso ko sa gulat.
Biglang umalingawngaw ang isang malakas na sirena. Ang security alarm ng mansyon.
"Sir! May mga pumasok!" sigaw ng isang guard mula sa labas bago tuluyang maputol ang boses nito, sinundan ng isang malakas na putok ng baril.
Nanlaki ang mga mata ko. Sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko sa labas. Nagsisigawan ang mga maid. Nagkakagulo ang buong paligid. Mga kalaban sa negosyo ni Dionysus? Mga mafia? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding takot.
Bago pa man makakilos si Dionysus, isang malakas na pagsabog ang bumasag sa bintana ng kwarto ko. Nagliparan ang mga bubog sa paligid.
May tatlong matitipuno at armadong lalaki na nakasuot ng itim na maskara ang tumalon papasok mula sa bintana. Ang isa sa kanila ay mabilis na nakalapit sa akin dahil nakadapa pa rin ako sa sahig.
Marahas akong hinila ng lalaki patayo. Napatili ako sa sakit nang hawakan niya nang mahigpit ang buhok ko.
"Walang kikilos!" sigaw ng lalaking may hawak sa akin habang tinututok ang malamig na dulo ng baril sa mismong sintido ko.
Nakita ko kung paano huminto si Dionysus. Nasa dilim kami pero sa kaunting liwanag na nagmumula sa labas, nakita ko ang mga mata ng bilyonaryo. Hindi takot ang nakita ko doon, kundi isang purong demonyo na nagising mula sa pagtulog.
"Bitawan niyo siya," malamig na utos ni Dionysus, boses na mas nakakatakot pa kaysa sa baril na nakatutok sa ulo ko.
"Wag kang magmamarunong Goodman!" tawa ng lalaki habang mas idinidiin ang baril sa ulo ko. "Hawak namin ang buhay ng babaeng ito. Isang maling galaw mo lang, pasasabugin ko ang utak niya!"
Napapikit ako at naghintay na lang sa kamatayan. Alam kong wala siyang pakialam sa akin. Alam kong hindi niya ako ililigtas. Alipin lang ako. Bakit niya itataya ang buhay niya para sa isang basurang gaya ko?
Nanginginig ang buong katawan ko habang ubo ako nang ubo ng tubig. Basang basa kami pareho. Sa loob ng ilang segundo, ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na paghinga namin at ang mabilis na tibok ng puso niya na nakadikit sa likuran ko. Nakayakap siya sa akin nang mahigpit, parang natatakot siyang mabitawan ako at tuluyan akong lamunin ng tubig.Pero mabilis pa sa kidlat ang naging pagbabago niya.Nang maramdaman niya ang init ng katawan ko at ang mabilis na pagtibok ng puso niya mismo, bigla siyang nanigas. Parang natauhan siya. Nakita ko kung paano dumaan ang matinding kalituhan sa mga mata niya na agad ding napalitan ng matinding pandidiri at galit. Galit na hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya dahil hinayaan niyang makaramdam siya ng awa.Marahas niya akong itinulak.Tumilapon ako sa gilid ng pool, tumama ang balikat ko sa matigas at malamig na semento. Napadaing ako sa sakit pero hindi ko na ininda iyon dahil mas nakakatakot ang reaksyon niya ngayon. Tumayo
Pumapatak na ang hamog pero nandito pa rin ako. Nakaluhod sa malamig na semento, nakayuko, at pilit na kinukuskos ang mga asuleho ng higanteng swimming pool na ito gamit ang isang lintik na toothbrush.Gusto ko nang sumuko. Namamanhid na ang mga tuhod ko at nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang lamig. Ang manipis na itim na bistida na suot ko ay walang silbi laban sa hangin ng madaling araw. Kumakalam na ang sikmura ko. Huling kain ko pa ay kaninang umaga bago ako pumasok sa fast food chain. Parang isang taon na ang nakalipas mula noon. Ngayon, nandito ako, parang tanga na sinusubukang linisin ang isang bagay na malinis na."Kaya mo ito Fiona," bulong ko sa sarili ko habang patuloy na ikinukuskos ang maliit na brush sa gilid ng pool. "Para sa sarili mo, wag kang mamatay dito. Wag mong hayaang manalo ang demonyong yun."Pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, hindi ko mapigilang umiyak. Tumutulo ang mga luha ko at humahalo sa tubig ng pool. Naaalala ko na naman ang
Tahimik ang buong byahe pero ang isip ko ay parang sumasabog. Naiwan sa likod ng sasakyan ang pamilya ko, yung mga taong pinaglaanan ko ng buong buhay ko tapos ibinenta lang ako na parang lumang gamit para makatakas sila sa utang. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak nang tahimik habang nakakulong sa likuran ng malaking sasakyan ni Dionysus Goodman. Amoy bago ang loob ng kotse, amoy mamahaling pabango na pilit sumusugat sa ilong ko dahil hindi ako sanay. Sa bawat pag ikot ng gulong ay ramdam ko na papalayo na ako sa nag iisang buhay na nakasanayan ko.Pagkalipas ng halos isang oras na parang walang katapusan, huminto ang sasakyan. Bumukas ang pinto at halos hatakin ako palabas ng dalawang malalaking lalaki na sumundo sa akin kanina. Napapikit ako sa sobrang liwanag ng paligid. Nang mag adjust ang paningin ko, halos malaglag ang panga ko. Nasa tapat kami ng isang napakalaking mansyon na kulay puti at ginto. Parang isang palasyo na hindi ko alam kung saang bansa matatagpuan, pero ang p
Pagod na pagod na ako.Parang babagsak na ang mga balikat ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko habang naglalakad ako pauwi sa amin. Tatlong trabaho ang pinasukan ko ngayong araw. Nag serve ako sa isang fast food chain sa umaga, nag hugas ng pinggan sa isang karinderya sa tanghali, at nag benta ng kung anu ano sa kalye hanggang gabi. Lahat ng ito para lang may makain kami at para mabayaran ang buwanang interes sa lintik na utang ng pamilya namin.Pero pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng bahay namin ay bumungad na agad sa akin ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Ang dumi dumi ng paligid. May mga basyong bote sa sahig at mga nakakalat na baraha."Nandito na pala ang paborito nating ATM," bungad ni Mama. Nakaupo siya sa lumang sofa habang nag bibilang ng barya. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at inilahad ang palad niya sa harap ko. "Akin na ang sweldo mo. Kailangan kong makabawi ngayon kay Aling Nena. Malaki ang talo ko kanina sa mahjong."Gusto kong sumigaw. Gusto ko







