ホーム / Romance / OWNED BY THE RUTHLESS CEO / Toothbrush and the pool

共有

Toothbrush and the pool

作者: Darkchoco
last update 公開日: 2026-04-23 09:40:26

Tahimik ang buong byahe pero ang isip ko ay parang sumasabog. Naiwan sa likod ng sasakyan ang pamilya ko, yung mga taong pinaglaanan ko ng buong buhay ko tapos ibinenta lang ako na parang lumang gamit para makatakas sila sa utang. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak nang tahimik habang nakakulong sa likuran ng malaking sasakyan ni Dionysus Goodman. Amoy bago ang loob ng kotse, amoy mamahaling pabango na pilit sumusugat sa ilong ko dahil hindi ako sanay. Sa bawat pag ikot ng gulong ay ramdam ko na papalayo na ako sa nag iisang buhay na nakasanayan ko.

​Pagkalipas ng halos isang oras na parang walang katapusan, huminto ang sasakyan. Bumukas ang pinto at halos hatakin ako palabas ng dalawang malalaking lalaki na sumundo sa akin kanina. Napapikit ako sa sobrang liwanag ng paligid. Nang mag adjust ang paningin ko, halos malaglag ang panga ko. Nasa tapat kami ng isang napakalaking mansyon na kulay puti at ginto. Parang isang palasyo na hindi ko alam kung saang bansa matatagpuan, pero ang pinaka nakakabaliw ay ang sobrang linis ng paligid. Walang ni isang tuyong dahon sa damuhan. Walang alikabok sa hangin. Walang mantsa ang kalsada. Parang nakakatakot huminga kasi baka madumihan ko yung hangin nila.

​"Dalhin niyo yan sa sanitation room. Linisin niyo maigi. Pag may naamoy pa akong estero dyan, kayong lahat ang sisisantehin ko."

​Narinig ko ang malamig na boses ni Dionysus. Nakatalikod siya sa akin at mabilis na naglakad papasok ng malaking pintuan ng mansyon. Ni hindi man lang siya lumingon para tignan kung buhay pa ba ako o ano.

​"Opo Sir!" sabay sabay na sagot ng mga nakaputing uniporme na katulong na nakapila sa gilid.

​Hinawakan ako ng tatlong matandang babae at kinaladkad papunta sa likurang bahagi ng mansyon. Pumasok kami sa isang malaking kwarto na puro puting asuleho. Sa unang tingin, aakalain mong nasa loob ka ng isang slaughterhouse na ginawang ospital dahil sa dami ng hose at mga nakahilerang sabon.

​"Hubarin mo ang damit mo, bilis!" utos ng isang matandang katulong na may hawak na makapal at magaspang na scrub.

​"Teka lang po, ano pong gagawin niyo sa akin?" nanginginig na tanong ko habang nakayapos sa sarili ko. Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot.

​"Bilin ni Boss, kailangan tanggalin lahat ng mikrobyo mo bago ka makapasok sa main house. Kaya wag ka nang maarte kung ayaw mong patayin tayo lahat ni Sir Dionysus!" sigaw nito.

​Bago pa ako makapalag, pinunit na nila ang lumang uniporme ko. Wala akong nagawa kundi umiyak sa sobrang hiya at sakit habang sinisimulan nila akong paliguan. Hindi ito ordinaryong paligo. Parang literal na asido ang ginagamit nilang sabon sa sobrang hapdi sa balat. Kinuskos nila ang buong katawan ko gamit ang mga matitigas na brush na halos bumaon na sa laman ko. Pakiramdam ko ay binabalatan nila ako nang buhay. Bawat galos at pasa na nakuha ko sa kapatid kong si Lester kanina ay lalong sumakit dahil sa walang awang paghihilod nila.

​"Aray! Tama na po, maawa po kayo!" sigaw ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Mapait ang luha ko pero mas mapait ang tadhana ko.

​"Tiisin mo! Masyado kang madumi! Bawal ang madumi sa pamamahay ni Boss! Kapag hindi ka namin nilinis nang maayos, ipapatapon niya kami lahat!" gigil na sagot ng katulong habang patuloy sa pagbuhos ng malamig na tubig.

​Halos isang oras ang ginawa nilang paghihilod at pag banlaw sa akin. Namumula na ang buong katawan ko na parang kamatis at parang nag aalab ang balat ko sa tuwing tatamaan ng hangin. Nang matapos sila, binigyan nila ako ng isang manipis at murang bistida na kulay itim. Walang disenyo. Isang simpleng basahan kumpara sa mga puti at malilinis na suot ng ibang katulong sa bahay.

​"Ito lang ang isusuot mo. Hindi magsasayang ng pera si Boss para damitan ang isang alipin. Sumunod ka na sa akin, hinihintay ka na sa opisina niya," mataray na utos ng pinuno ng mga katulong.

​Nanginginig ang mga binti ko habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng mansyon. Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang lamig ng marmol na sahig dahil wala man lang silang ibinigay na tsinelas sa akin. Ang mga dingding ay may mga nakasabit na naglalakihang painting pero hindi ko na nagawang tignan dahil masyadong puno ng kaba ang dibdib ko. Pagdating namin sa isang malaking double door na yari sa mamahaling kahoy, kumatok ang katulong at dahan dahang binuksan iyon.

​"Sir, malinis na po siya."

​Pumasok ako sa isang malawak na opisina na amoy kape at mamahaling papel. Sa gitna ay may isang malaking desk kung saan nakaupo si Dionysus. Nakasuot na siya ng ibang suit, kulay itim naman ngayon na walang ni isang lukot. May hawak siyang baso ng alak habang nagbabasa ng mga papeles. Nang iangat niya ang tingin niya, naramdaman ko na naman yung kaba na parang may yelong dumaloy sa mga ugat ko.

​Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Kahit ganoon kasimple ang suot ko at basa pa ang buhok ko dahil sa pagpapaligo nila, nakita ko ang bahagyang pagtigil ng mga mata niya nang mapadako ang tingin niya sa mukha ko. May kung anong dumaan sa mga mata niya. Isang mabilis na pagkamangha, isang kislap na parang may nakita siyang hindi niya inaasahan. Bumilis ang paghinga niya nang kaunti pero agad ding nawala. Mabilis itong napalitan ng matinding galit. Bigla niyang ibinagsak ang hawak niyang baso sa mesa dahilan para mapatalon ako sa gulat.

​Galit siya. Hindi ko alam kung kanino pero halatang nagpipigil siya ng inis. Para siyang nainis sa sarili niya dahil kahit papaano ay nakuha ko ang atensyon niya.

​"Trash is still trash, even if you polish it," malamig at may diin na sabi niya. Ang mga mata niya ay nag aalab sa kalupitan para tabunan ang anumang emosyon na naramdaman niya kanina. Kailangan niyang saktan ako para ibalik sa isip niya na pag aari lang niya ako. "Wag kang mag ilusyon na may halaga ka dito."

​Tumayo siya at lumapit sa akin. Bawat hakbang niya ay parang tibok ng puso ko. Tumigil siya nang may dalawang hakbang ang layo sa akin. Naglabas siya ng puting panyo at tinakpan ulit ang ilong niya kahit wala naman na akong amoy kundi matapang na sabon.

​"Listen carefully because I will only say this once," umpisa niya, boses na parang pumapatay at walang bahid ng awa. "Rule number one, never look me in the eye. Rule number two, you are not allowed to breathe the same air as I do, keep your distance at all times. Rule number three, whatever you touch, you sanitize immediately. And lastly, you are my slave. You do not think, you do not feel, you just follow. Naiintindihan mo ba?"

​Napatungo ako dahil natatakot akong salubungin ang mga mata niya. Nakita ko na lang na nakatingin siya sa mga braso ko kung saan malinaw na nakikita ang mga pasa ko na namumula pa rin dahil sa sapilitang pagpapaligo nila sa akin kanina.

​"What are those?" turo niya sa mga pasa ko, pero ang tono niya ay parang nandidiri kaysa nag aalala.

​"Sa sa kapatid ko po," mahinang sagot ko. Akala ko makakaramdam siya ng kahit konting awa. Akala ko tatanungin niya kung masakit ba o gagamutin niya.

​Tumawa siya nang pagak. Isang nakakatakot na tunog. "Disgusting. You are a damaged property. Binayaran ko ang pamilya mo ng limang milyon tapos sira sirang produkto ang ibibigay sa akin? I should have let them die in that squatter area."

​Sumikip ang dibdib ko. Wala talagang puso ang lalaking ito. Ginagawa niya akong bagay. Isang produkto na nabili lang niya.

​"Pero dahil nandito ka na, papakinabangan na kita," dugtong niya habang naglalakad pabalik sa mesa niya para iwasan ako. Pinindot niya ang isang button sa telepono niya. "Get her out of my sight. Give her the toothbrush."

​Pumasok agad ang matandang katulong kanina. Hinila na naman ako palabas ng pinto na parang aso.

​"Saan po ninyo ako dadalhin?" tanong ko habang kinakaladkad niya ako pababa ng hagdan pero hindi siya sumagot.

​Lumabas kami ng mansyon at dinala ako sa likurang bahagi kung saan matatagpuan ang isang napakalaking swimming pool. Literal na pang Olympics ang laki. Asul na asul ang tubig, sobrang linaw at mukhang bagong linis. Umilaw ang paligid dahil sa mga naglalakihang ilaw sa gilid ng pool.

​Inabutan ako ng katulong ng isang maliit at manipis na toothbrush. Isang ordinaryong toothbrush na ginagamit sa ngipin.

​"Ano po ang gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa maliit na bagay.

​Nginisian ako ng katulong na parang tuwang tuwa sa paghihirap ko. "Utos ni Boss. Nakita niya raw kanina na may nalaglag na tuyong dahon sa bandang dulo ng pool. Masyadong madumi para sa kanya. Gusto niya, kuskusin mo ang bawat asuleho sa ilalim at gilid ng pool na yan gamit iyang toothbrush. Siguraduhin mong walang matitirang kahit anong dumi o mantsa."

​Nanlaki ang mga mata ko. Binalingan ko ang napakalaking pool at ang maliit na toothbrush sa kamay ko. Parang biro lang.

​"B baka po mamatay ako sa pagod... Paano ko lilinisin yan nang ganito lang ang gamit? Ang laki laki niyan!" umiiyak na reklamo ko. Hihimatayin na ako sa gutom at pagod simula pa kaninang umaga tapos ito ang gagawin ko?

​"Problema mo na yan," mataray na sagot niya habang naglalakad palayo. "Kapag umaga at hindi mo pa tapos yan, ipapakain ka ni Boss sa mga alaga niyang aso na hindi pa kumakain ng dalawang araw. Simulan mo na, alipin."

​Tumalikod ang katulong at iniwan ako sa gitna ng malamig na gabi. Umihip ang hangin at nanlamig ang buong katawan ko dahil manipis lang ang suot kong damit. Tinignan ko ang napakalaking pool. Walang katapusan. Isang imposibleng gawain para sa isang taong pagod na pagod na.

​Unti unting tumulo ang mga luha ko. Naalala ko ang pamilya ko na siguro ngayon ay nagpapakasarap sa perang nakuha nila mula sa pagbenta sa akin. Habang ako, nandito. Unti unting pinapatay ng isang demonyong may pangalang Dionysus.

​Wala akong ibang choice. Lumuhod ako sa malamig na semento, hinawakan nang mahigpit ang toothbrush, at tinitigan ang napakalalim na tubig ng pool. Kung gusto ni Dionysus Goodman na baliin ang buong pagkatao ko, kailangan niyang galingan. Pero paano ko uumpisahan ang parusa niya kung hindi man lang ako marunong lumangoy?

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • OWNED BY THE RUTHLESS CEO   A worthless life

    Nanginginig ang buong katawan ko habang ubo ako nang ubo ng tubig. Basang basa kami pareho. Sa loob ng ilang segundo, ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na paghinga namin at ang mabilis na tibok ng puso niya na nakadikit sa likuran ko. Nakayakap siya sa akin nang mahigpit, parang natatakot siyang mabitawan ako at tuluyan akong lamunin ng tubig.​Pero mabilis pa sa kidlat ang naging pagbabago niya.​Nang maramdaman niya ang init ng katawan ko at ang mabilis na pagtibok ng puso niya mismo, bigla siyang nanigas. Parang natauhan siya. Nakita ko kung paano dumaan ang matinding kalituhan sa mga mata niya na agad ding napalitan ng matinding pandidiri at galit. Galit na hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya dahil hinayaan niyang makaramdam siya ng awa.​Marahas niya akong itinulak.​Tumilapon ako sa gilid ng pool, tumama ang balikat ko sa matigas at malamig na semento. Napadaing ako sa sakit pero hindi ko na ininda iyon dahil mas nakakatakot ang reaksyon niya ngayon. Tumayo

  • OWNED BY THE RUTHLESS CEO   He saved me?

    Pumapatak na ang hamog pero nandito pa rin ako. Nakaluhod sa malamig na semento, nakayuko, at pilit na kinukuskos ang mga asuleho ng higanteng swimming pool na ito gamit ang isang lintik na toothbrush.​Gusto ko nang sumuko. Namamanhid na ang mga tuhod ko at nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang lamig. Ang manipis na itim na bistida na suot ko ay walang silbi laban sa hangin ng madaling araw. Kumakalam na ang sikmura ko. Huling kain ko pa ay kaninang umaga bago ako pumasok sa fast food chain. Parang isang taon na ang nakalipas mula noon. Ngayon, nandito ako, parang tanga na sinusubukang linisin ang isang bagay na malinis na.​"Kaya mo ito Fiona," bulong ko sa sarili ko habang patuloy na ikinukuskos ang maliit na brush sa gilid ng pool. "Para sa sarili mo, wag kang mamatay dito. Wag mong hayaang manalo ang demonyong yun."​Pero kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, hindi ko mapigilang umiyak. Tumutulo ang mga luha ko at humahalo sa tubig ng pool. Naaalala ko na naman ang

  • OWNED BY THE RUTHLESS CEO   Toothbrush and the pool

    Tahimik ang buong byahe pero ang isip ko ay parang sumasabog. Naiwan sa likod ng sasakyan ang pamilya ko, yung mga taong pinaglaanan ko ng buong buhay ko tapos ibinenta lang ako na parang lumang gamit para makatakas sila sa utang. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak nang tahimik habang nakakulong sa likuran ng malaking sasakyan ni Dionysus Goodman. Amoy bago ang loob ng kotse, amoy mamahaling pabango na pilit sumusugat sa ilong ko dahil hindi ako sanay. Sa bawat pag ikot ng gulong ay ramdam ko na papalayo na ako sa nag iisang buhay na nakasanayan ko.​Pagkalipas ng halos isang oras na parang walang katapusan, huminto ang sasakyan. Bumukas ang pinto at halos hatakin ako palabas ng dalawang malalaking lalaki na sumundo sa akin kanina. Napapikit ako sa sobrang liwanag ng paligid. Nang mag adjust ang paningin ko, halos malaglag ang panga ko. Nasa tapat kami ng isang napakalaking mansyon na kulay puti at ginto. Parang isang palasyo na hindi ko alam kung saang bansa matatagpuan, pero ang p

  • OWNED BY THE RUTHLESS CEO   Pay with your pathetic life

    ​Pagod na pagod na ako.​Parang babagsak na ang mga balikat ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko habang naglalakad ako pauwi sa amin. Tatlong trabaho ang pinasukan ko ngayong araw. Nag serve ako sa isang fast food chain sa umaga, nag hugas ng pinggan sa isang karinderya sa tanghali, at nag benta ng kung anu ano sa kalye hanggang gabi. Lahat ng ito para lang may makain kami at para mabayaran ang buwanang interes sa lintik na utang ng pamilya namin.​Pero pagkapasok ko pa lang sa pintuan ng bahay namin ay bumungad na agad sa akin ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Ang dumi dumi ng paligid. May mga basyong bote sa sahig at mga nakakalat na baraha.​"Nandito na pala ang paborito nating ATM," bungad ni Mama. Nakaupo siya sa lumang sofa habang nag bibilang ng barya. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at inilahad ang palad niya sa harap ko. "Akin na ang sweldo mo. Kailangan kong makabawi ngayon kay Aling Nena. Malaki ang talo ko kanina sa mahjong."​Gusto kong sumigaw. Gusto ko

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status