تسجيل الدخولHabang nag-uusap sila, hindi nila napansing may isang pamilyar na pigura ang kakapasok lamang sa restaurant.
At ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang private dining section... isang lalaking matagal nang hindi inaasahang muling makikita ni Kuro. Tahimik na nagpatuloy ang kanilang pag-uusap habang hinihintay ang pagkain. Ngunit sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pangunahing pintuan ng restaurant. "Welcome back, Sir." Sabay-sabay na yumuko ang ilang staff bilang pagbati sa bagong dating na bisita. Hindi sana iyon bibigyan ng pansin ni Kuro. Hanggang sa isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa loob ng restaurant. "Daddy!" Napalingon siya. Nakita niya ang isang maliit na batang babae, marahil ay limang taong gulang lamang, na masayang tumatakbo papunta sa isang lalaking bagong pasok. Agad itong sinalubong ng lalaki at marahang binuhat sa kaniyang mga bisig. "Easy, princess," natatawa nitong sabi. Hindi na kailangan pang makita ni Kuro nang buo ang mukha nito. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Unti-unti niyang iniangat ang tingin. At tila may kung anong malakas na humampas sa kaniyang dibdib. "David...." Nanigas ang buong katawan niya. Pakiramdam niya ay biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Ang lalaking tatlong taon niyang minahal, ang lalaking nangakong pakakasalan siya. Ngayon ay nakangiting kinakarga ang isang batang babae na paulit-ulit na tumatawag dito ng— "Daddy!" Kasunod nitong lumapit ang isang napakagandang babae. Halata ang nakaumbok nitong tiyan. Anim o pitong buwang buntis. Natural na ipinatong ni David ang isang kamay sa balikat ng babae bago marahang hinaplos ang tiyan nito. "You okay?" malumanay nitong tanong. The woman smiled warmly. "I'm fine." Tumingin ang batang babae sa buntis bago muling yumakap kay David. "Daddy, baby brother's kicking again!" Napahalakhak si David bago marahang hinalikan ang noo ng bata. "Really? Daddy wants to feel it too." Marahan niyang ipinatong ang palad sa nakaumbok na tiyan ng babae. Ilang segundo lamang ang lumipas ay napangiti ito nang malapad. "There you are..." mahinang bulong nito. "Daddy's little boy." Natawa ang tatlo. Parang isang normal at masayang pamilya. Samantalang si Kuro... Hindi man lang siya makakurap. Unti-unting namutla ang kaniyang mukha habang nakatitig lamang sa eksenang nasa harapan niya. Parang may humigpit na kamay sa kaniyang dibdib. Masakit. Sobrang sakit. Hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan habang unti-unting lumalabo ang kaniyang paningin. Tatlong taon niyang inintindi ang bawat pagkansela ng date, bawat business trip, bawat gabing hindi ito makontak. Biglang nagkaroon ng ibang kahulugan. Unti-unting nagbalikan sa isip niya ang bawat alaalang matagal na niyang binabalewala. Ang mga pagkakataong bigla na lamang nawawala si David tuwing weekend. Ang mga holiday na palagi nitong sinasabing kailangan nitong gugulin sa pamilya. Ang mga tawag na bigla nitong pinuputol sa tuwing may maririnig itong boses sa kabilang panig. At ang pinakamalaking pagkakamali niya... Hindi niya kailanman kinuwestiyon ang mga iyon. Dahil nagtiwala siya. Habang nakikita niyang marahang inaakbayan ni David ang buntis na babae at masayang karga ang batang paulit-ulit na tumatawag dito ng Daddy. Parang isa-isang nadudurog ang puso niya hindi lamang pala siya niloko. Mas masakit pa roon hindi niya namalayang tatlong taon siyang nabuhay sa isang kasinungalingan. Marahan niyang ibinaba ang tingin. Unti-unting nanginig ang mga daliri niyang mahigpit na nakakapit sa menu. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit. Ang makita ang lalaking pinakamamahal niya na may sariling pamilya O ang mapagtantong hindi pala siya ang tunay na babae sa buhay nito. Siya... Siya pala ang naging kabit. Mula sa kabilang panig ng mesa, napansin ni Caleb ang biglaang pagbabago sa ekspresyon ni Kuro. Kanina lamang ay kalmado itong kausap. Maayos ang tindig, matatag ang boses, at bawat sagot ay kontrolado. Ngayon parang may kung anong biglang nabasag. Napansin niyang unti-unting nawala ang kulay sa mukha nito. Ang mga matang kanina'y nakatingin sa kanya ay nakapako ngayon sa kung anong nasa likuran niya. Hindi man lang ito kumurap. "Attorney?" Mahina niyang tawag. Walang naging tugon. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Caleb. Hindi niya alam kung ano ang tinitingnan nito kaya marahan siyang lumingon. Doon niya nakita ang isang pamilya. Isang lalaki ang may kargang batang babae habang nakangiting inaalalayan ang isang buntis na babae. Mukha namang normal. Ngunit nang muli siyang bumaling kay Kuro, doon niya napansing hindi ordinaryong tanawin ang nakikita nito. Mahigpit na ang pagkakahawak nito sa leather menu. Halos mamuti ang mga buko ng mga daliri. Bahagyang nanginginig ang balikat nito, ngunit pilit pa rin nitong pinananatiling tuwid ang likod. Hindi iyon simpleng pagtitig. Unti-unti nang nadudurog ang mga matang iyon. Napansin niyang tila nahihirapan itong huminga. Isang beses itong lumunok, saka marahang ipinikit ang mga mata na para bang pilit pinipigilan ang kung anumang emosyon ang gustong kumawala. For the first time nakita ni Caleb na nawalan ng composure si Attorney Kuro Valdez. At hindi niya alam kung bakit, ngunit may mabigat na pakiramdam na unti-unting bumalot sa kanyang dibdib. Hindi siya umiimik. Tahimik lamang niyang sinundan ang direksiyon ng tingin nito. Muling napunta ang mga mata niya sa lalaking kasama ang mag-ina. The little girl wrapped her arms around the man's neck and laughed. "Daddy!" Kasunod noon ay marahang hinaplos ng lalaki ang tiyan ng buntis bago ito hinalikan sa noo. Napansin niyang bahagyang napapikit si Kuro. Isang mahinang paghinga ang kumawala rito, halos hindi marinig. At sa isang iglap, tila may naunawaan si Caleb. Hindi niya alam ang buong kuwento. Ngunit sapat na ang paraan ng pagtitig ni Kuro sa lalaking iyon upang maintindihan niyang minsan na itong naging mahalaga sa buhay nito. Napakabigat ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na niya tinanong kung sino ang lalaki. Hindi na rin niya tinanong kung bakit biglang namutla ang babaeng nasa harapan niya. Dahil sa unang pagkakataon mula nang makilala niya si Kuro. Nakita niya ang isang taong pilit na hindi umiiyak, kahit halatang durog na durog na ang puso. Hindi iyon ang babaeng nakilala niya. Ang Attorney Kuro Valdez na nasa harapan niya ay palaging kalmado. Matalino. Palaban. Isang babaeng tila laging may kontrol sa bawat sitwasyon. Pero ngayon pakiramdam ni Caleb ay may unti-unting gumuguho sa harapan niya. Hindi ito umiiyak. Wala man lang tumutulong luha ngunit mas lalo iyong masakit pagmasdan. Dahil kitang-kita niyang pilit nitong nilulunok ang sakit. Pilit nitong pinananatiling matatag ang sarili kahit halos mawalan na ito ng lakas. Napansin niyang bahagyang nanginginig ang kamay nitong nakapatong sa mesa. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kung anong humihigpit sa dibdib niya sa bawat segundong lumilipas. Tahimik niyang muling sinulyapan ang lalaking kasama ang mag-ina. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Kuro. Unti-unti nang nabubuo ang larawan sa isip niya. Hindi niya alam ang buong istorya, hindi niya alam ang pangalan ng lalaking iyon. Ngunit isang bagay ang sigurado siya. Hindi simpleng ex ang tinitingnan ni Kuro. May mas malalim pa roon. At base sa paraan ng pagkaputla nito sa paraan ng panginginig ng mga daliri nito. At sa paraan ng pagpigil nitong maluha. Mukhang ngayong araw lamang nito nalaman ang isang katotohanang tuluyang dumurog sa puso nito. Tahimik na huminga si Caleb. Hindi siya sanay makialam sa buhay ng iba. Ngunit sa unang pagkakataon. May bahagi sa kanya na gustong tumayo, ilayo si Kuro sa lugar na iyon, at pigilan itong masaktan pa. Hindi niya alam kung bakit hindi pa nila gaanong kilala ang isa't isa. Pero habang nakikita niyang tahimik na nadudurog ang babaeng nasa harapan niya. Isa lang ang alam niya. Ayaw na niyang makita pa itong tumingin sa lalaking iyon. Tahimik na inilapag ni Caleb ang kubyertos na hawak niya. "Attorney..." mahina ang boses niya, sapat lamang upang makuha ang atensyon nito. Dahan-dahang napalingon si Kuro, ngunit halatang wala pa rin ito sa sarili. Namumula na ang mga mata nito, bagama't pilit pa rin nitong pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. "Are you alright?" mahinahon niyang tanong. Ilang segundo bago ito sumagot. "I'm fine..." Ngunit alam ni Caleb na nagsisinungaling ito. Masyado na siyang sanay magbasa ng tao. Sa mundo ng negosyo, natutunan niyang kilalanin ang mga ekspresyong pilit itinatago. At ang ekspresyon ni Kuro ngayon. Hindi iyon simpleng pagkabigla. Isa iyong pusong unti-unting nadudurog. Tahimik siyang napabuntong-hininga. Muli niyang sinulyapan ang lalaking masayang nakikipaglaro sa batang babae habang inaalalayan ang buntis nitong kasama. Hindi niya alam ang buong kuwento. Pero sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, nakaramdam siya ng matinding pagkainis sa isang taong hindi man lang niya nakakausap. Kung siya ang dahilan ng mga matang iyon. Kung siya ang dahilan kung bakit halos mawalan ng kulay ang mukha ng babaeng nasa harapan niya. Kung siya ang dahilan kung bakit pilit nitong pinipigilang umiyak. Kung siya ang dahilan ng sakit na iyon... isa siyang duwag. Mahigpit na napakuyom ang kamao ni Caleb sa ilalim ng mesa. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit siya nagagalit? Bakit parang gusto niyang lapitan ang lalaking iyon at pagsusuntukin ang mukha dahil sa ginawa niya kay kuro? Tahimik siyang huminga bago muling ibinalik ang tingin sa babaeng nasa harapan niya. "Kuro..." Hindi na niya ito tinawag na Attorney. Sa pagkakataong iyon, hindi niya ito kinausap bilang abogado. Kinausap niya ito bilang isang taong halatang nasasaktan. "Kuro..." mahina niyang tawag. "Kung gusto mo... umalis na tayo." Hindi pa rin nagsasalita si Kuro. Ngunit napansin ni Caleb ang bahagyang panginginig ng mga balikat nito. At doon niya tuluyang naunawaan. May mga sugat palang hindi dumudugo. May mga pusong kahit walang luha, kitang-kita mong wasak na wasak na. At sa unang pagkakataon mula nang makilala niya ang babaeng ito. Hindi na niya ito nakikita bilang kapitbahay, bilang abogado, o bilang babaeng nakilala niya sa birthday ni Alaric. Ang nakikita niya ngayon ay isang babaeng tahimik na nagdurusa.Tahimik ang buong courtroom.Wala ni isa mang nangahas magsalita habang nananatiling nakatayo si Attorney Kuro Valdez sa harap ng witness stand. Tanging ang mahinang pagkaluskos ng mga papel at ang paulit-ulit na pagpindot ng court stenographer sa kanyang stenotype machine ang maririnig sa loob ng silid.Sa kabilang mesa, hindi maalis ng abogado ng complainant ang tingin kay Kuro. Kanina lamang ay kapansin-pansin ang kumpiyansa nito, ngunit ngayon ay bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito na tila sinusubukang hulaan ang susunod na hakbang ng depensa.Samantala, nanatiling nakaupo si Caleb Montenegro.Tahimik.Kalmado.Mahigpit lamang ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng kanyang abogado. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ni Kuro, ngunit sapat na ang naging performance nito sa cross-examination upang maramdaman niyang unti-unti nang nababasag ang matibay na kumpiyansa ng kabilang panig.Sa witness stand, hindi mapakali si Adrian Cruz.Pa
Tahimik na bumukas ang pinto ng itim na sedan na huminto sa harap ng Hall of Justice.Marahang bumaba si Kuro habang maingat na isinasaayos ang laylayan ng kanyang itim na blazer. Kasabay ng pagsara ng pinto ng sasakyan ay ang pag-angat niya ng tingin sa matayog na gusali sa kanyang harapan.Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo.Hindi dahil kinakabahan siya.Kundi dahil inihahanda niya ang sarili sa panibagong laban na naghihintay sa loob ng courtroom.Sa loob ng isang linggo, halos hindi na siya umuwi nang maaga. Halos gabi-gabi siyang nakakulong sa kanyang opisina, paulit-ulit na binabasa ang mga salaysay ng magkabilang panig, sinusuri ang bawat litrato, bawat dokumento, at bawat ebidensyang isinumite sa korte.Para sa iba, isa lamang itong simpleng kaso ng pagnanakaw.Ngunit para kay Kuro, walang kasong simple. Lalo na kapag buhay at reputasyon ng isang tao ang nakataya.Tahimik siyang naglakad papasok sa gusali.Sa bawat hakbang niya ay lalong bumabalik ang seryosong ekspresyo
Mabigat.Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Kuro nang unti-unti siyang magkamalay. Para bang may humahampas na martilyo sa kanyang ulo sa bawat tibok ng kanyang puso.Marahan siyang napangiwi.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, ngunit agad ding napapikit dahil sa liwanag na tumatama sa kanyang paningin.Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling dumilat.Tahimik niyang inilibot ang tingin sa paligid.Malinis.Malawak.At hindi pamilyar.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi ito ang kanyang condominium.Hindi rin ito ang bar.Unti-unti siyang bumangon mula sa kama habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Ngunit sa bawat pagsubok niyang balikan ang mga alaala, puro malalabong eksena lamang ang pumapasok sa kanyang isip. Ang huling natatandaan niya ay ang pag-inom niya nang sunod-sunod at ang matinding sakit na naramdaman matapos niyang malaman ang katotohanan.Bigla siyang natigilan.Dahan-dahan siyang napalingon sa kabilang bahagi ng silid. May isang lalaking
Hindi na alam ni Kuro kung paano siya nakalabas ng restaurant.Parang kusang gumalaw ang mga paa niya hanggang sa maramdaman na lamang niyang nakaupo na siya sa passenger seat ng sasakyan ni Caleb.Napakatahimik.Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang paminsan-minsang pagpatak ng ulan sa windshield ang pumupuno sa katahimikan.Nakatitig lamang siya sa bintana.Ngunit wala siyang tunay na nakikita. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, iisang eksena lamang ang bumabalik.Napakagat siya sa ibabang labi.Parang muli niyang narinig ang masayang boses ng batang babae. Kasunod noon ang mainit na ngiti ni David habang kinakarga ang bata, ang marahan nitong paghaplos sa tiyan ng buntis na babaeng nasa tabi nito, at ang mga matang punong-puno ng pagmamahal.Mga matang minsan niyang inakalang para lamang sa kanya. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Masakit.Hindi dahil iniwan siya.Kundi dahil ngayon lang niya nalaman na sa loob ng tatlong taon. May ib
Habang nag-uusap sila, hindi nila napansing may isang pamilyar na pigura ang kakapasok lamang sa restaurant.At ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang private dining section... isang lalaking matagal nang hindi inaasahang muling makikita ni Kuro.Tahimik na nagpatuloy ang kanilang pag-uusap habang hinihintay ang pagkain. Ngunit sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pangunahing pintuan ng restaurant."Welcome back, Sir."Sabay-sabay na yumuko ang ilang staff bilang pagbati sa bagong dating na bisita.Hindi sana iyon bibigyan ng pansin ni Kuro.Hanggang sa isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa loob ng restaurant."Daddy!"Napalingon siya.Nakita niya ang isang maliit na batang babae, marahil ay limang taong gulang lamang, na masayang tumatakbo papunta sa isang lalaking bagong pasok.Agad itong sinalubong ng lalaki at marahang binuhat sa kaniyang mga bisig."Easy, princess," natatawa nitong sabi.Hindi na kailangan pang makita ni Kuro nang buo ang mukha nito. Kilalang-kilal
Tahimik na huminto ang itim na Lexus sa harap ng Montenegro Holdings. Kuro stepped out of the car and adjusted the sleeves of her black blazer. She lifted her gaze toward the towering building before her. The sleek skyscraper stood proudly in the heart of the business district, its modern architecture reflecting both elegance and power. The company's name, Montenegro Holdings, was prominently displayed above the main entrance in polished silver letters. Even from where she stood, she could already tell how influential the company was. Napabuntong-hininga siya bago inayos ang pagkakasukbit ng kanyang leather handbag at ang folder na hawak niya. Sa dami ng naging kliyente niya sa nakalipas na mga taon, hindi na bago sa kanya ang makipagpulong sa mga kilalang negosyante. Ngunit kakaiba ang pakiramdam niya ngayon. Marahil ay dahil ang kliyenteng ito mismo ang nagpumilit na siya ang humawak ng kaso. Business was business. Anuman ang dahilan ng kliyente sa pagpili sa kanya, wala na







