Se connecterTahimik ang buong courtroom.Wala ni isa mang nangahas magsalita habang nananatiling nakatayo si Attorney Kuro Valdez sa harap ng witness stand. Tanging ang mahinang pagkaluskos ng mga papel at ang paulit-ulit na pagpindot ng court stenographer sa kanyang stenotype machine ang maririnig sa loob ng silid.Sa kabilang mesa, hindi maalis ng abogado ng complainant ang tingin kay Kuro. Kanina lamang ay kapansin-pansin ang kumpiyansa nito, ngunit ngayon ay bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito na tila sinusubukang hulaan ang susunod na hakbang ng depensa.Samantala, nanatiling nakaupo si Caleb Montenegro.Tahimik.Kalmado.Mahigpit lamang ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng kanyang abogado. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ni Kuro, ngunit sapat na ang naging performance nito sa cross-examination upang maramdaman niyang unti-unti nang nababasag ang matibay na kumpiyansa ng kabilang panig.Sa witness stand, hindi mapakali si Adrian Cruz.Pa
Tahimik na bumukas ang pinto ng itim na sedan na huminto sa harap ng Hall of Justice.Marahang bumaba si Kuro habang maingat na isinasaayos ang laylayan ng kanyang itim na blazer. Kasabay ng pagsara ng pinto ng sasakyan ay ang pag-angat niya ng tingin sa matayog na gusali sa kanyang harapan.Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo.Hindi dahil kinakabahan siya.Kundi dahil inihahanda niya ang sarili sa panibagong laban na naghihintay sa loob ng courtroom.Sa loob ng isang linggo, halos hindi na siya umuwi nang maaga. Halos gabi-gabi siyang nakakulong sa kanyang opisina, paulit-ulit na binabasa ang mga salaysay ng magkabilang panig, sinusuri ang bawat litrato, bawat dokumento, at bawat ebidensyang isinumite sa korte.Para sa iba, isa lamang itong simpleng kaso ng pagnanakaw.Ngunit para kay Kuro, walang kasong simple. Lalo na kapag buhay at reputasyon ng isang tao ang nakataya.Tahimik siyang naglakad papasok sa gusali.Sa bawat hakbang niya ay lalong bumabalik ang seryosong ekspresyo
Mabigat.Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Kuro nang unti-unti siyang magkamalay. Para bang may humahampas na martilyo sa kanyang ulo sa bawat tibok ng kanyang puso.Marahan siyang napangiwi.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, ngunit agad ding napapikit dahil sa liwanag na tumatama sa kanyang paningin.Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling dumilat.Tahimik niyang inilibot ang tingin sa paligid.Malinis.Malawak.At hindi pamilyar.Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi ito ang kanyang condominium.Hindi rin ito ang bar.Unti-unti siyang bumangon mula sa kama habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Ngunit sa bawat pagsubok niyang balikan ang mga alaala, puro malalabong eksena lamang ang pumapasok sa kanyang isip. Ang huling natatandaan niya ay ang pag-inom niya nang sunod-sunod at ang matinding sakit na naramdaman matapos niyang malaman ang katotohanan.Bigla siyang natigilan.Dahan-dahan siyang napalingon sa kabilang bahagi ng silid. May isang lalaking
Hindi na alam ni Kuro kung paano siya nakalabas ng restaurant.Parang kusang gumalaw ang mga paa niya hanggang sa maramdaman na lamang niyang nakaupo na siya sa passenger seat ng sasakyan ni Caleb.Napakatahimik.Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang paminsan-minsang pagpatak ng ulan sa windshield ang pumupuno sa katahimikan.Nakatitig lamang siya sa bintana.Ngunit wala siyang tunay na nakikita. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata, iisang eksena lamang ang bumabalik.Napakagat siya sa ibabang labi.Parang muli niyang narinig ang masayang boses ng batang babae. Kasunod noon ang mainit na ngiti ni David habang kinakarga ang bata, ang marahan nitong paghaplos sa tiyan ng buntis na babaeng nasa tabi nito, at ang mga matang punong-puno ng pagmamahal.Mga matang minsan niyang inakalang para lamang sa kanya. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Masakit.Hindi dahil iniwan siya.Kundi dahil ngayon lang niya nalaman na sa loob ng tatlong taon. May ib
Habang nag-uusap sila, hindi nila napansing may isang pamilyar na pigura ang kakapasok lamang sa restaurant.At ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang private dining section... isang lalaking matagal nang hindi inaasahang muling makikita ni Kuro.Tahimik na nagpatuloy ang kanilang pag-uusap habang hinihintay ang pagkain. Ngunit sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pangunahing pintuan ng restaurant."Welcome back, Sir."Sabay-sabay na yumuko ang ilang staff bilang pagbati sa bagong dating na bisita.Hindi sana iyon bibigyan ng pansin ni Kuro.Hanggang sa isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa loob ng restaurant."Daddy!"Napalingon siya.Nakita niya ang isang maliit na batang babae, marahil ay limang taong gulang lamang, na masayang tumatakbo papunta sa isang lalaking bagong pasok.Agad itong sinalubong ng lalaki at marahang binuhat sa kaniyang mga bisig."Easy, princess," natatawa nitong sabi.Hindi na kailangan pang makita ni Kuro nang buo ang mukha nito. Kilalang-kilal
Tahimik na huminto ang itim na Lexus sa harap ng Montenegro Holdings. Kuro stepped out of the car and adjusted the sleeves of her black blazer. She lifted her gaze toward the towering building before her. The sleek skyscraper stood proudly in the heart of the business district, its modern architecture reflecting both elegance and power. The company's name, Montenegro Holdings, was prominently displayed above the main entrance in polished silver letters. Even from where she stood, she could already tell how influential the company was. Napabuntong-hininga siya bago inayos ang pagkakasukbit ng kanyang leather handbag at ang folder na hawak niya. Sa dami ng naging kliyente niya sa nakalipas na mga taon, hindi na bago sa kanya ang makipagpulong sa mga kilalang negosyante. Ngunit kakaiba ang pakiramdam niya ngayon. Marahil ay dahil ang kliyenteng ito mismo ang nagpumilit na siya ang humawak ng kaso. Business was business. Anuman ang dahilan ng kliyente sa pagpili sa kanya, wala na







