Share

Kabanata 22

Excited na excited ngayon si Ali dahil ano mang oras ay dadating muli ang kaniyang ama gaya ng pinangako nito kagabi bago umalis.

“Nanay inimbatahan ko po ang mga kaibigan ko pumunta rito mamaya,” saad ni Ali na abala sa pag-aayos ng kaniyang mga laruan ngayon.

“Bakit naman? ‘Di ba kayo ni Tatay ang maglalaro mamaya? Kaya bakit inimbitahan mo pa sila?” tanong ko at pansamantalang tumigil sa pagwawalis.

“E, kasi Nanay sabi ko sa kanila meron na akong Tatay pero ayaw nila maniwala, kaya sabi ko punta sila rito mamaya,” pangangatwiran niya. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

“Sige, pero ayos lang ba na hindi magtagal ang mga kaibigan mo rito? Gusto kasi ni Tatay ikaw lang kasama niya. Ayos po ba ‘yon?” konsulta ko sa kaniya.

“Opo naman! Papauwiin ko sila agad, baka agawin pa nila si Tatay sa akin,” nakanguso nitong saad kaya ngumiti ako.

Muli ay naging abala siya sa kani

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status