Share

Kabanata 38

Halos dalawang linggo na akong nakaratay dito sa ospital pero hindi pa rin ako pinapalabas. Pinayo naman ng doktor na pwede na akong umuwi anomang oras dahil bumalik na ang lakas ko pero itong si Aki ay gsutong makasiguro na mahilom na ang sugat ko.

Mahigpit iyon sinang-ayunan ni Tatay kaya naman mas lalo akong naburo rito sa higaan ko.

Kayang-kaya ko na ngang tumakbo at magtrabaho ulit, sadyang makulit lang ang dalawang ito. Hindi pa naman tuluyang naghilom ang sugat ko pero wala na akong kirot at sakit na nararamdaman mula roon.

“Nanay kailan tayo uuwi?” tanong ng anak kong nakahiga ngayon sa binti ko. Nakaupo ako ngayon habang hinahaplos ang buhok niya.

Maski ang anak ko ay sobra na ang pagkakaburyo rito sa ospital kaya halos araw-arawin ang pagtatanong sa’kin kung kailan kami makakauwi.

“Pag magaling na si Nanay,” nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Aki na kakapasok lang ngayon dito sa loob.

Inihatid niya sa labas kanina si Tatay, hindi ko namalayang napatagal pala siya ng kaun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status