Share

Kabanata 14

ANG malilikot na ilaw at mga halo-halong amoy ang sumalubong kay Jacob nang makapasok siya sa loob ng bistro. Medyo malaki na ang ipinagbago ng lugar sapul noong huli siyang magawi roon, at hindi na nga niya halos matandaan kung kailan. Oo, may mga bisyo siya noong tinalikuran niya para kay Adelyn hindi lang dahil sa pakiusap nito. Siya na mismo ang kusang tumigil bago pa man iyon ipakiusap sa kanya ng asawa.

Nagdiretso siya sa may bar counter at naupo sa isang bakanteng stool. Ngingiti-ngiti pa siya nang bumaling sa direksiyon niya ang bartender nang gabing iyon.

“Jacob, my boy!” magiliw na bati ng lalaki. Si Emil, isa sa malapit niyang kaibigan at siyang may-ari ng bistro. Kaagad itong nakipag-fistbump sa kanya at tila ba hindi pa ito nakontento roon dahil kinabig pa siya nito para sa isang mabilis na yakap. “Ang tagal mong hindi nagawi rito, ah.”

“Well, alam mo na,” nakangising tugon niya.

“Ikaw naman! Hindi naman dahil pupunta ka rito ibig sabihin babalik ka na sa luma mong buh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status