Share

Kabanata 21

Penulis: Keira Circe
last update Terakhir Diperbarui: 2023-03-01 22:22:30
NAGPAIWAN si Adelyn kasama ng babaeng sumalubong sa kanila nang ipasok ni Jacob ang kanilang mga dala-dalahan sa loob ng cabin. Pasimple niyang inobserbahan ang babae. Wala naman siyang balak na kung ano roon. Ang gusto lang niya ay kilatisin ito. Bigla kasing sumagi sa isip niya ang sinabi ni Veronica sa kanya noong tinawagan siya ng dalaga nang araw na nakita nito si Jacob na may kasamang babae. Sa palagay niya si Lilibeth ang tinutukoy nito nang sandaling iyon.

“May problema ba, Adelyn?”

Napakislot siya nang biglang marinig ang tanong na iyon ni Lilibeth. Mukhang napansin na nito ang ginagawa niyang pagtitig dito.

“A-ah…” She took a deep breath and smiled at her. “Wala naman. Meron lang akong biglang naalala.”

“Oh.” Gumanti ng ngiti sa kanya si Lilibeth. “So. Gaano na kayo katagal ni Jacob?”

Napakunot ang noo niya. Wala namang masama sa pagtatanong nito, pero ewan ba niya kung bakit hindi niya iyon nagustuhan. Gayunman, sinagot pa rin niya ang tanong.

“Matagal na rin kami ni Jacob k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Of Roses, Thorns, and Everything Nice   Kabanata 65

    “KUMUSTA ka naman, Marie?” tanong kaagad ni Adelyn sa kaibigan nang dumating ito sa kanilang farmhouse para sa reunion.Mas maaga itong dumating kysa sa iba dahil na rin sinabihan niya ito nang sa ganoon ay may makatulong siya sa pag-aayos.“I’m fine now,” nakangiting tugon nito.Her friend wasn’t lying. Bakas naman sa mukha nito na mas maayos na nga ang lagay nito mula noong huli silang magkita.“I’m glad to hear that.”“Inaayos na namin ang annulment. It’s a bit tough for me and the kids, pero kinakaya ko.”“`Wag kang mag-alala… nandito lang kami para sumuporta sa `yo. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong.”“Thank you.”“Halika na sa loob at nang makapag-design na tayo.” Iginiya niya ito papasok sa loob. “At sabi ni Jackielyn on the way na sila ni Caroline, pero hindi na natin sila mahihintay dahil baka magahol na tayo sa oras. Baka mamaya isa-isa nang magdatingan ang iba.”“Pero hindi mo nabanggit sa amin na may ganito kalaking property na pala kayo ng asawa mo,” ani Marie n

  • Of Roses, Thorns, and Everything Nice   Kabanata 64

    NAKATAYO si Adelyn sa harap ng gate ng bahay na ipinamana sa kanya ng lola niyang si Donya Maria. Nakatirik ang bahay na iyon sa isang bahagi ng sampung ektaryang lupain. It was a farm located in Quezon province. May mga nagsasaka roon na tauhan ng kanyang lola isang mag-anak na nagsisilbing caretaker sa lugar.Mayamaya ay lumapit sa kanya si Jacob pagkatapos nitong makausap ang mag-anak na caretaker.“Hey.” He wrapped an arm around her waist. “Nakausap ko na ang mag-anak na caretaker. Sinabi ko na rin sa kanila na wala naman tayong balak na palitan sila.”Nagbaling siya ng tingin dito.“Am I dreaming, Jacob?” Dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi. “Tampalin mo nga ako.”Ginawa naman nito habang tumatawa ngunit mahina lang iyon.“You still can’t believe it, huh?”“Ang hirap paniwalaan.”Just like that binigyan siya ng ganoong kalaking property ng kanyang lola na walang dahilan. Pero gaya nga ng sabi ng kanyang asawa, kulang pa iyon bilang kabayaran sa lahat ng oportunidad na na

  • Of Roses, Thorns, and Everything Nice   Kabanata 63

    ABALA si Adelyn sa trabaho kaya hindi niya napapansing ilang beses na palang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Kung hindi pa nasabi sa kanya ni Lovely na may tumatawag ay hindi pa niya masasagot iyon.Napakunot ang noo niya nang makitang galing sa isang unknown number ang tawag. Hindi niya sana iyon sasagutin kaya lang ay ilang beses na pala iyong nag-missed call sa kanya nang magkakasunod kaya naisip niya baka mamaya ay may emergency. Hindi tuloy niya naiwasang hindi kabahan.Kinakabog ang dibdib ni Adelyn nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag.“Hello, who’s this?” kaagad na tanong niya nang dumamtay ang aparato sa kanyang tenga.“Hi, is this Adelyn Wilson-Cortez?” tanong ng boses lalaki sa kabilang linya. Base sa assessment niya sa timbre ng boses nito, halos kasing edaran ito ng kanyang ama.Mas lalo tuloy kinabog ang dibdib niya.“Y-yes, ako nga. Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?”Sumenyas siya sa mga kasama at lumabas muna ng opisina. Nagtungo si Adelyn sa may fire e

  • Of Roses, Thorns, and Everything Nice   Kabanata 62

    NAGMAMADALI si Jacob na matapos ang mga pinipirmahan niya para makababa na at sabayang kumain ng pananghalian ang kanyang asawa. Subalit kung kailan iilang pahina na lang ang kailangan niyang pirmahan, bigla namang bumukas ang pinto at sinabihan siya ng sekretarya niyang may dumating na bisita.Wala na siyang nagawa nang pumasok doon ang dati niyang kaklaseng si Christine.“O-oh, Christine.” Bigla siyang napatayo. “What are you doing here? Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” nakakunot ang noong tanong niya.“Grabe ka naman sa akin, Jacob. What do you think of me? Of course, I did my research.” Hindi pa man niya ito inaanyayahang maupo ay naupo na ito sa visitor’s chair sa harapn ng kanyang mesa. “Siyempre tinanong ko ang closest friends mo kung saan kita matatagpuan. Nabanggit ni Zyrus sa akin na dito ka nagtatrabaho. At nabanggit din pala ni Zyrus na dito na rin pala nagtatrabaho ang asawa mo. I thought doon siya nagtatrabaho sa family firm nila, but it turned out isinama mo na

  • Of Roses, Thorns, and Everything Nice   Kabanata 61

    WALA na ang lola ni Adelyn nang bumalik si Jacob sa sala dala ang tray ng mga inumin at pagkain. Ang kanyang asawa na lang ang naiwan doon, tulala.“Nakaalis na kaagad ang lola mo, hindi man lang umabot itong dala ko.” Ibinaba niya ang tray sa mesita at tinabihan ang asawa. “What happened? Bakit natulala ka na diyan, hmm?”Dahan-dahang nagbaling ng tingin sa kanya si Adelyn.“Jacob…”“Yes?” Dinampot niya ang tasa ng kapeng para sana sa lola nito at humigop.“G-gusto ni Lola na bumalik ako sa firm…”Muntik na niyang maibuga ang iniinom na kape.“What? That’s—”“Pero sinabi niya sa aking hindi ko naman kailangang mag-breach ng contract sa El Nuevo. Since outsource worker pa lang naman ako, ang sabi niya tapusin ko na lang muna ang project at saka ako bumalik.”Jacob heaved a deep sigh.“Pababalikin ka niya sa firm na iyon. Pagkatapos?”Nai-imagine na kaagad niya kung paano na naman ito pahihirapan ni Neil sa oras na bumalik ito sa firm. Nasisiguro rin ni Jacob na hindi nito tatantanan a

  • Of Roses, Thorns, and Everything Nice   Kabanata 60

    ANG nakangiting mukha kaagad ni Jacob ang sumalubong kay Adelyn nang magmulat siya ng mga mata nang umagang iyon. Hindi natupad ang sinabi nitong pipiliting makauwi nang maaga para masabayan siyang maghapunan. Malalim na ang gabi nang dumating ang asawa niya at natutulog na siya noon. Naalimpungatan lang siya nang tumabi si Jacob sa kanya sa kama at ilang sandali lang ang lumipas at nakatulog na uli siya.Idinantay niya ang palad sa pisngi nito.“Hinintay kita kagabi, pero hindi ka naman dumating…” nakalabing saad niya.“I’m sorry…” Ipinaikot ni Jacob ang braso sa baywang niya at kinabig siya nito palapit. “Naipit na ako sa traffic noong rush hour kaya hindi na ako umabot sa hapunan. Maaga ka yatang nakatulog kagabi.”“Hm…” Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Her husband always slept half-naked, so she could always feel his warmth and sniff his scent.“Let me make it up to you, hmm?” ani Jacob habang pinapasadahan ng haplos ang likod niya. “Let’s talk a bath together—” Ngunit hin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status