Share

Kabanata 28

“ALL this time lulong ka sa casino, `Ma?”

Nakita ni Jacob kung paano nagtagis ang panga ng kanyang asawa. Alam niyang galit ito sa mga nalaman tungkol sa mga magulang nito. Ngunit hindi niya magawang sumingit sa usapan ng mga ito. Bagaman asawa siya ni Adelyn, ito ang anak kaya wala siyang karapatan na magbitiw ng kahit anong komento ukol doon. Naroon lang siya para maging back-up o taga-awat sa kung ano man ang maaaring mangyari sa mga susunod na sandali.

“`Ma, sagutin mo ako, ano ba?!” halos pasigaw na saad ni Adelyn.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig niyang ganoon kalakas ang boses ng asawa. Mukhang naputol na ang pisi ng pasensiya nito.

“Nagawa ko lang naman iyon dahil nai-stress na ako sa papa mo!” Bigla na lang humagulhol ng iyak ang ina nito. “Kung alam mo lang gaano ako nagsisisi na pinakasalan ko pa iyang ama mo!”

“Saka na natin problemahin ang hiwalayan, p’wede?” anang papa ni Adelyn. “Ang kailangan nating intindihin ngayon ay kung paano maibabalik sa mga inv
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status