Share

Kabanata 27

HINDI na nakakain pa ng agahan si Adelyn dahil sa natanggap nitong balita. Nagbihis lang ito at humarap na sa cellphone at panay ang tawag at pakikipag-usap sa mga kapatid ng ama nito.

Kahit hindi ito magsalita alam ni Jacob na iniisip nito ang kinakaharap na problema ng ama. Ganoon naman kabait na anak ang kanyang asawa, kahit pa ano ang sama ng maging trato ng mga kaanak ay wala itong baong masamang tinapay kanino man.

Mayamaya pa ay lumabas siya ng kanilang cabin para hanapin si Anton. Hindi na siya nagpaalam sa asawa na lalabas dahil hindi niya gusto maabala pa ito.

Hindi naman siya nahirapang hanapin si Anton dahil nasa may pool area ito kasama si Lilibeth. Maaga pa lang ay nagsasaya na ang dalawa sap ag-inom ng cocktail.

Kaagad naman siyang kinawayan ni Lilibeth nang makita siya nitong papalapit.

“Jacob!” nakangising bati sa kanya ni Anton nang ganap siyang makalapit sa pool.

“Where’s Adelyn?” kaagad namang tanong ni Lilibeth. Lumangoy ito sa gilid ng pool para makalapit.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status