Share

Kabanata 44

ADELYN rolled to her husband’s side of the bed just to find out that he wasn’t there. Bigla siyang napamulat at kaagad na iniwan ang kama para hanapin ito. Una niyang sinilip ang banyo, pero wala roon si Jacob. Isinunod niya naman ang walk-in closet, subalit bigo pa rin siyang matagpuan doon ang kanyang asawa. Bigla niyang naisip na baka nag-jogging ito sa labas. Mabilis siyang nagsuot ng kanyang night robe at bumaba. Hindi pa siya nakakarating sa dulo ng hagdan ay nasalubong na niya ang kasambahay nilang si Mylene na may bitbit na tray ng almusal para sa kanya. May kasama pa iyong long-stemmed na pulang rosas, na sa malamang ay pakana ng kanyang asawa.

“Magandang umaga po, Ma’am,” nakangiting bati sa kanya ni Mylene. “Ibinilin po ni Sir Jacob na dalhan na lang kayo ng agahan sa kuwarto. Sa baba na po ba kayo kakain?”

“Oo, sa baba na lang, Mylene. Salamat.”

Mabilis namang pumaling patalikod ang kasambahay at dinala ang tray sa dining area. Sinundan niya ito at nang makaupo ay nagtan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status