NAHULING bumaba si Jacob kaysa kay Adelyn dahil nagbihis pa siya. Nai-deliver ang order nila kaya excited itong bumaba para kumain. Pero imbes na ang tuwang-tuwang Adelyn ang maabutan ni Jacob, isang nakasimangot na asawa ang nakita niya nang sapitin ang dining area. Idagdag pa ang kasambahay nilang tila namumutla na sa takot.“Mylene,” tawag niya sa kasambahay.Kaagad itong tumakbo palapit sa kanya.“S-Sir…”“Bakit?” Hinawakan niya ito sa balikat. “May problema ba?”“Si Ma’am po kasi—”“May kasalanan din naman kasi siya!” malakas na putol ni Adelyn. Hindi na tuloy nakapagpaliwanag ang kasambahay nila.“What’s the matter, love?” Nilapitan niya ito nang mapansing tumataas-baba pa ang dibdib nito.“Kung hindi ba naman…” Mariing naglapat ang mga labi ng kanyang asawa. “Siya ang tumanggap ng delivery, pero hindi man lang niya ch-in-eck muna ang mga d-in-eliver noong rider!”“Ano ba kasi ang problema? Mali ba ang items o may kulang ba—”“Walang dressing! Walang dressing ang burger! Sampung
TAHIMIK lang na nag-aalmusal sina Adelyn at Jacob nang umagang iyon ng Biyernes. Wala siyang binabanggit na kahit ano tungkol sa oras ng presentation niya sa El Nuevo Holdings, pero kahit na ganoon ay mukhang may alam ang kanyang asawa tungkol sa bagay na iyon. Ito na mismo ang unang nagbukas ng topic tungkol doon.“Ala-una pa naman ng hapon ang presentation mo sa office, tama?” anang asawa niya sa pagitan ng pagsubo.“Hm,” tipid na tugon ni Adelyn na nasundan ng tango.Pero kahit na hapon pa iyon, pinaplano niyang magpunta nang mas maaga.“Magkita na lang tayo pagkatapos para sabay tayong makauwi.“Sasabay ka sa akin pauwi?” She cocked her head to the side. “Paano kung maaga akong matapos sa presentation at hindi pa naman tapos ang office hours mo?”“A-ah… oo nga pala. Nawala iyan sa isip ko.” Uminom ito ng kape. “Anyway, basta sabihan mo ako kung ano ang kakalabasan ng presentation.“Of course.” Humugot si Adelyn ng isang malalim na hininga. “After all, ikaw ang salarin kung bakit a
SIMULA nang dumating si Adelyn sa bahay wala na siyang ginawa kung hindi ang mag-isip nang mag-isip. Alam niyang mai-stress siya sa ginagawa, ngunit ano pa ba ang paraan para makaiwas sa mga isiping iyon kung hindi wala… There was no way she could stop herself from overthinking, and maybe she would even dream about it.Napatakbo siya sa direksiyon ng bintana at sumilip doon nang marinig niya ang hugong ng bagong dating na sasakyan. But to her dismay, it wasn’t her husband who came. Sasakyan iyon ng butler ni Don Juan na hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya kung bakit bigla na lang sumusulpot at nawawala sa bahay nilang mag-asawa. Naisip na lang niya na baka may iniuutos dito ang matanda na may kinalaman sa trabaho ni Jacob, pero hindi rin naman nawawala ang hinala niya na may kung ano talaga roon. Hay, nagpatung-patong na nga ang mga isipin niya. Hindi na tuloy alam ni Adelyn kung kaya pa ba talaga iyong iproseso ng utak niya.Napaigtad siya nang mayamaya ay makarinig ng magkak
NAGISING si Adelyn nang maramdaman ang banayad na paghaplos ni Jacob sa kanyang ikod. Damang-dama niya ang init ng palad nito nang sandaling iyon dahil wala siyang suot na kahit ano. She and her husband spent the night in the hotel. Hindi naman siya tumutol doon dahil gusto na rin niyang makapagpahinga kaagad, na hindi naman nangyari dahil nauwi silang mag-asawa sa isang mainit na eksena pagpasok pa lang nila ng suite.“Good morning, love,” Jacob mouthed as he continued creating circles on the bare flesh of her back.Muling ipinikit ni Adelyn ang kanyang mga mata. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang paggalaw ng kama. Bumangon na ang kanyang asawa.“Shall we eat out or ask for room service?” tanong nito.“Ikaw ang bahala,” she replied with a muffled voice. Mas ibinaon pa niya ang mukha sa unan.“Mukhang inaantok ka pa. Sige, magpa-room service na lang tayo.”Bahagya niyang iminulat ang mga mata at nakita ang asawang naglalakad palapit sa intercom. Pipikit na sana ulit si Adelyn para mul
HINDI nagkukuwento si Adelyn kay Jacob kung ano ang nangyari sa mansiyon nang makipagkita ito sa lola nito. Tahimik lang ang kanyang asawa nang magkita sila sa bahay pagsapit ng gabi. Inabutan niya itong nakatutok sa laptop nito at tila may kung anong inaayos. At nang sumunod na araw, ang kanyang asawa na mismo ang unang bumasag sa katahimikan ng kanilang almusal.“Nagalit si Lola noong malaman niya ang gustong mangyari ng El Nuevo Holdings,” anito sa mababang tinig. Panay ang paghiwa nito sa pancake ngunit hindi naman nito kinakain iyon.“Hindi na nakakapagtaka na gano’n ang magiging reaksiyon ng lola mo.” Sa klase ng ugali mayroon ang matanda, at ang buong pamilya nito, hindi na ganoon kahirap na hulaan pa iyon. “Kung gano’n… may nangyari nga kahapon sa mansiyon.”Isang marahang tango ang naging tugon sa kanya ni Adelyn pagkatapos ay nagsimula na itong kumain ng almusal, sa wakas.Ibinaba ni Jacob ang tasa ng kape at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.“Then why didn’t you
DINALA lang ni Adelyn ang resignation letter niya sa firm at iniwan iyon nang hindi pinapakinggan ang sasabihin ng kanyang tito na siyang namamahala ng firm. Tanggapin man nito iyon o hindi wala ng pakialam pa roon si Adelyn dahil buo na ang desisyon niya.Pagdating sa bahay nakatuwaan niyang makigulo sa mga kasambahay sa kusina. Nagluto siya nang araw na iyon, ng paboritong ulam ni Jacob. At dahil wala naman siyang ginagawa naisip niyang dalhin iyon sa opisina ng kanyang asawa at saluhan ito sa tanghalian.“Ako na po ang magpa-pack ng pagkain, Ma’am,” ani Mylene nang matapos siya sa pagluluto. “Magbihis na po kayo para mapabilis at baka hindi pa kayo umabot sa lunch break ni Sir.”Napabaling ang tingin niya sa orasang nakasabig sa dingding ng kusina. Malapit na nga ang oras ng lunch break ni Jacob at baka maipit pa siya sa traffic.”“Thanks.” Hinubad niya ang apron at nagmamadaling nagpanhik sa kanilang silid.Casual dress na lang ang isinuot niya dahil wala naman siyang ibang pakay
MAGHAHATING-GABI na nang uwi si Jacob nang araw na iyon dalhin tambak ang paper works na kailangan niyang tapusin. Hindi na niya nagawang kumain ng hapunan dahil pinilit niyang tapusin ang trabaho. Isa pa, gusto niyang kumain sa bahay. Baka may natirang pagkain na niluto ng kanyang asawa. Gusto niyang matikaman iyon. Gusto niyang makabawi rito. Alam niyang nainis ito nang makitang kumakain na siya. Huli na kasi nang mabasa niya ang text message nito tungkol sa pagpunta nito roon para dalhan siya ng pananghalian. Sa tono ng text message ng asawa niya kanina halatang excited ito, pero nauwi lang sa tampo ang lahat.“Good evening po, Sir,” bati ng kasambahay nang pagbuksan siya nito ng pinto. Nagpalinga-linga ito na parang may hinahanap.“Why?” nakakunot ang noong tanong niya.“Eh… Sir, hindi n’yo po ba kasama si Ma’am Adelyn?”His eyes widened.“What do you mean? Hindi pa siya umuuwi?”Tumango-tango ang kasambahay bilang tugon.“Umalis po siya kaninang tanghali para magdala ng pagkain s
ILANG araw din ang lumipas bago tuluyang nagkaayos sina Adelyn at Jacob. Hindi niya lubos maisip kung saan siya kumuha nang ganoon kahabang pasensiya, pero ang mahalaga ay napagtagumpayan niya ang sumpong ng asawa. Nangako si Jacob dito na ito lang ang nag-iisang babaeng mamahalin niya noong araw na sumumpa silang dalawa sa altar. He would never cheat on her. Mahal niya ito at mas minahal pa lalo na ngayong dinadala nito ang kanilang anak.“Ano ang balak mong isuot sa birthday party ni Don Juan?” tanong ni Adelyn sa gitna ng pagkain nila ng agahan. “Don’t tell me na mag-uulit ka lang ng suit—”“Alam ko namang hindi ka papaya,” putol niya sa sinasabi nito. “Ang ayaw mo sa lahat iyong nag-uulit ako ng suot lalo na sa mga malalaking gatherings na tulad ng birthday party ni Don Juan.”Minsan hindi niya maunawaan kung bakit ayaw nitong nag-uulit siya ng damit ng mga ganoong okasyon. Naisip din niya noon na baka dahil ipinagmamakahiya siya nito. Subalit ngayon na unti-unti na siyang nakikih