MasukUnti-unting nagising si Fortuna nang masinagan siya ng liwanag mula sa labas ng bintana. Napansin niyang nakahiga pa rin siya sa ibabaw ng malambot na kama, habang ang kaniyang katawan ay nakadikit sa katawan ng lalaking pinaghingian niya ng tulong.
Ngayon pa lamang naramdaman ni Fortuna ang ilang at kahihiyan na kaniyang ginawa. Dahan-dahang kumilos si Fortuna upang makatayo at makapagbihis na ngunit nabigla siya nang hawakan ni Michael ang kaniyang braso. Nang tignan niya agad ang gawi nito ay ngayon niya lamang napansin na nakatingin ito sa kaniya. "Where do you think you're going?" seryosong tanong ni Michael. Napalunok si Fortuna ng kaniyang sariling laway dahil sa takot dito. "K-Kailangan ko ng umalis. B-Baka hinahanap na ako ng anak ko," nauutal na sagot ni Fortuna. Hindi niya magawang tignan nang diretso sa mga mata si Michael. "Sino ang naiwan sa kaniya?" tanong muli ni Michael. "P-Pinakisuyuan ko yung kapitbahay namin na alagaan muna ang anak ko p-para makahingi ng tulong." Hindi na umimik pa si Michael sa sinabi ni Fortuna habang tinitignan ang nahihiya at natatakot nitong reaksyon. Huminga nang malalim si Michael. Sa kabila ng dilim sa kaniyang puso ay tila naglalaho ito pagdating sa dalagang matagal na niyang minimithi. "Ihahatid na kita," seryosong saad ni Michael bago tumayo mula sa kama at nagsimulang magbihis. May pagtataka sa maamong mukha ni Fortuna ang nabuo. "H-Ha? Bakit? H-H'wag na. K-Kaya ko naman ang sarili ko—" "Kung ano ang sinabi ko, 'yon ang masusunod. Tumayo ka na at magbihis. Siguradong hinihintay ka na ng anak mo." Sa kabila ng pagtataka ni Fortuna ay ginawa na lamang niya ang sinabi ni Michael. Naguguluhan siya sa ugaling meron ito. MATAPOS LAMANG ang ilang minuto ay nakarating sina Michael at Fortuna sa ospital kung saan naka-confine ang batang si Vincent. "Anak ko," maluha-luhang sambit ni Fortuna nang tunguhin niya ang anak na nagpapahinga. Tinignan ni Fortuna ang mukha ng kaniyang anak na si Vincent habang hinahaplos ang buhok nito. "Nagsabi nga pala ang doktor kanina na magpapalakas na lang si Vincent at aalamin nila kung normal na ang lahat. Kapag ayos na, pwede na raw siyang i-discharge," paliwanag naman ng ale na pinakisuyuan ni Fortuna. "S-Salamat. Salamat sa Diyos," sambit ni Fortuna bago halikan sa noo ang kaniyang anak. Samantala, may kung ano'ng kirot sa puso ni Michael habang nasasaksihan ang babaeng kaniyang nais ay nagdaranas ng ganito kahirap na sitwasyon. Natutuwa rin si Michael at mas lalong napapamahal sa dalaga dahil nakikita niya kung gaano ito kaulirang ina. Sinamahan ni Michael si Fortuna at inalalayan hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang mga tauhan. Sandali muna niyang iniwan ang mag-ina at lumabas mula sa kwarto. "Ano'ng balita?" "Boss, natagpuan na namin ang ama ng Vincent Candelario. Nasa sa 'min na siya ngayon." "Good. Hintayin niyo ako at ako mismo ang magbibigay ng leksyon sa kaniya." "Copy po." Matapos ang maikling pag-uusap ay akmang babalik si Michael sa loob ng kwarto, ngunit agad naman siyang napahinto nang makita niya si Fortuna. "Fortuna, bakit?" tanong ni Michael. "Uhmm... G-Gusto ko sanang—" "Here," abot agad ni Michael sa kaniyang hawak na cheque. "That's one million pesos. Ipapalit mo na lang 'yan sa bangko at magsimula kang muli kasama ng anak mo. At h'wag mo ng alalahanin ang tungkol sa hospital bills, dahil ako na ang magha-handle no'n." Hindi makapaniwala si Fortuna sa narinig mula kay Michael ngunit tinanguan at nginitian niya ito. "Salamat. M-Maraming salamat sa tulong mo, Mr. La Vierre," nahihiyang sabi ni Fortuna. Samantala, imbis na tuwa ay nadama ni Michael ang kung ano'ng bigat sa dibdib nang tawagin pa rin siya nitong "Mr. La Vierre" Napahakbang ng isang beses si Michael habang nakatitig sila ni Fortuna sa isa't isa. Samantala ay marahan namang napaatras si Fortuna upang lumayo siya nang bahagya. Pumipintig ang puso ni Fortuna sa kaba. Habang si Michael ay pumipintig ang puso sa lungkot. "H-Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" tanong ni Michael. Sa pagkakataong ito ay malumanay at mahina ang tono ng kaniyang pananalita. Napaisip si Fortuna kung bakit ganito ang tanong nito sa kaniya. Nailing siya rito nang dahan-dahan bilang tugon. "A-Ano'ng sinasabi mo? Magkakilala ba tayo?" tanong din naman ni Fortuna pabalik sa binata. Dahil ayaw namang pilitin ni Michael na alalahanin siya nito ay natawa siya at nailing. "I-I'm just joking. Mauuna na ako. Ikaw na ang bahala sa anak mo. Pakisabi, pinakukumusta ko siya," sagot na lang ni Michael. "Oo. Maraming salamat ulit." Tumango nang marahan si Michael bago siya tumalikod at naglakad paalis. Sa kaniyang pagtahak papuntang parking lot ay nararamdaman niya ang bigat sa kaniyang dibdib. "Hmph!..." inis niyang sambit nang makasakay siya sa kaniyang kotse at sinara ang pinto nito. Iniisip niya kung paano ba niya ipaaalam sa dalaga na siya ang taong nais itong ligawan noong high school pa lamang sila? "Bwiset!" sambit pa ni Michael nang hampasin niya ang manibela. Nahihirapan siya. Gustuhin man niyang sabihin kay Fortuna na siya ang lalaking mahal na mahal ito simula noon, ay hindi niya magawa. Natatakot si Michael na kapag nalaman ni Fortuna ang kaniyang madilim na mundo ay tiyak na mas lalayuan pa siya nito. "Ano'ng gagawin ko?" nagugulumihanang tanong ni Michael sa kaniyang sarili. Pinagana na lamang niya ang kaniyang kotse at umalis upang tunguhin ang lugar kung saan ay hawak ng mga bata niya ang lalaking nakabuntis at nang-iwan kay Fortuna. Labis ang kaniyang galit dito dahil bukod sa ito ang nakauna sa dalaga ay isa pa itong iresponsableng ama. "Nasaan na siya?" tanong ni Michael nang tawagan niya ang kaniyang tauhan. "Nandito, Boss. Enjoy na enjoy siyang mag-swimming sa sarili niyang d*go." "Good. Pahirapan niyo lang nang pahirapan. Make sure he's still alive when I got there, dahil ako mismo ang pap*tay sa tarant*dong 'yan," utos ni Michael habang ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa galit.Abalang abala si Fortuna sa pag-aasikaso kay Vincent upang makapasok na ito sa eskwelahan. Naka-ready na ang bata na kumakain ng almusal."Anak, basta yung mga ibinilin ko, h'wag mong kalilimutan, ha?" paalala ni Fortuna sa kaniyang unico hijo."Opo, Mommy. H'wag po kayong mag-alala, hindi ko po makakalimutan yung mga binilin po ninyo sa 'kin," tugon naman ng bata."Dalhin mo na yung isang sandwich at prutas d'yan para hindi ka magutom. Halika na, anak, baka ma-late ka pa."Umalis ang mag-ina upang maihatid na sa eskwelahan si Vincent na excited na rin'g pumasok. Matapos lamang ang ilang minuto ay nakarating na sila. Agad namang tinungo ni Fortuna ang anak sa classroom kung saan ito kabilang."Baka may kailangan ka pa, anak, ha? O baka may nakalimutan ka?" tanong ni Fortuna bilang paninigurado."Wala na po, Mommy. Okay na po ako.""Hmm... Sige, mag-iingat ka palagi, ha? Kapag may problema, h'wag kang mahihiyang magsabi sa teacher mo, okay?""Opo, Mommy."Niyakap ni Fortuna ang kaniyan
Nagtungo si Fortuna sa kinaroroonan ng pwesto. Marahan pa'ng hinila ni Michael ang kaniyang uupuan upang makaupo nang maayos ang dalaga.Samantala, napapansin ni Michael ang titig ni Brandon sa dalaga na tila hindi makapaniwala sa gandang taglay nito."You didn't tell me na boyfriend mo pala si Mr. La Vierre, Fortuna," sabi ni Cindy na natutuwa sa nalaman, samantalang kunot-noo namang napatingin si Fortuna sa gawi ni Michael na ngayon ay nakangiti na sa gawi niya.'Boyfriend?!' gulat na gulat na tanong ni Fortuna sa kaniyang isipan."So bakit mo pala kami inimbitahan ni Cindy?" tanong ni Brandon kay Fortuna. Bakas sa expression ng mukha nito at sa tono ng pananalita na may inis."Bakit naman hindi? Cindy is my friend. Fiancé ka niya, 'di ba? So isasama ka niya," sagot naman ni Fortuna, confidently.Nang makaupo na ang lahat ay saka naman lumabas ang dalawang waiter upang hainan kami ng appetizer at drinks."Ano'ng ganap, Fortuna? You know what? Hindi ko akalain na ang nanliligaw sa 'y
Ilang araw ang nagdaan ay tuwang tuwa si Vincent dahil pwede na siyang pumasok ng school. "Mama, saan ka po pupunta? Aalis ka rin po ba?" tanong ni Vincent sa kaniyang ina habang abala siyang inaasikaso nito. "May pupuntahan lang ako saglit. Mamaya, susunduin din kita, ha? H'wag kang aalis sa school hangga't wala ako," bilin naman ni Fortuna. Matapos ang kanilang pag-aasikaso ay nagtungo na sila sa labas kung saan ay may naghihintay ng taxi. "Mama, kailan po ba tayo babalik kay Tito Mike?" tanong ni Vincent nang makasakay silang mag-ina. "Hindi ko pa alam, e. Basta kapag hindi na siya busy, dadalaw tayo sa kaniya. Sinamahan ni Fortuna ang kaniyang anak hanggang sa maihatid na niya ito sa eskwelahan. Muli siyang sumakay sa taxi para naman magtungo sa isang restaurant kung saan ay magkikita-kita silang magkakaibigan noong high school. Sa ilang minutong pagbyahe ay nakarating na siya sa isang mamahaling restaurant. Nang makapasok siya ay agad napukaw sa kaniyang pansin ang kinaroro
Si Fortuna muna ang naging tutor ni Vincent habang nasa bahay pa ito at patuloy na nagpapalakas. Hindi niya kinalilimutan ang gampanin bilang ina habang sa gabi ay patuloy siyang kumakayod. "Tapusin mo muna 'yan, Vincent, ha? Sandali lang at magre-ready lang ako ng foods natin," paalam ni Fortuna bago siya tumayo at nagtungo sa kusina. Habang abala sa paghahain, bigla namang nag-ring ang telepono. Sandaling tinigil ni Fortuna ang ginagawa upang sagutin ito. "Hello?" "Hello, is this the Fortuna Candelario?" "Speaking. Who's this?" "AAHHH!..." Biglang nilayo ni Fortuna ang telepono sa kaniyang tainga sa malakas na sigaw ng babae sa kabilang linya. "Fortuna! Hi! Si Cindy 'to. Naaalala mo pa ba ako?" Kunot-noong inisip ni Fortuna ang pangalan na 'yon. Marahang nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala niya ito. "Cindy? As in Cindy Martel?" paniniguradong tanong ni Fortuna. "Yes! OMG! Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita at nagkausap. Alam mo, miss na miss ko na ang
"Pwede ba'ng h'wag mong gamitin ang anak ko, Michael? Masyado mo kaming ginugulo. Kung sa 'kin ka may galit, ako lang ang guluhin mo," inis na inis na sabi ni Fortuna sa binata habang nasa loob sila ng isang silid. "Fortuna, hindi ko ginugulo si Vincent, at hindi ko siya ginagamit. Natural lang ang pagmamahal ko sa kaniya," sagot ni Michael habang nakatingin sa mga mata nang dalaga. "Pwes sabihin mo sa kaniya na hindi kami pwede rito. Ikaw ang gumawa ng alibi sa kaniya," sabi pa ni Fortuna. "Ang pinupunto mo ba, gusto mo 'kong magsinungaling sa bata?" tanong ni Michael. "Hindi sa gano'n—" "But you're telling me to lie to him. Fortuna, wala akong magagawa kung masaya si Vincent kapag kasama ako. Ayaw mo ba na maranasan niya ang pagmamahal ng isang tumatayong ama?" tanong pa ni Michael. Kumunot ang noo ni Fortuna at hindi nagustuhan ang sinabi nito. "Hindi ka magiging pangalawang ama ni Vincent kahit kailan," depensa agad niya kaya't natawa si Michael. "Hindi ko pinipilit ang sar
Walang nagawa si Fortuna kundi ang pumayag sa nais ni Mickey. Kapalit ng magandang buhay, pagkikita nila ng kaniyang ina at ang muling mapasakamay niya ang negosyo ng kaniyang yumaong ama ay siya mismo ang magiging kabayaran. Labag sa kaniyang loob ang pagnanasa ni Michael para sa kaniya. Gusto niyang maiyak sa labis na kalungkutan habang abala ang binata sa paglasap sa kaniyang leeg. "Hmm...." sambit ni Michael at mas lalong dinidikit si Fortuna sa kaniyang katawan. "Ahh!..." sambit bigla ng dalaga nang itulak siya nito sa ibabaw ng kama. Masama niyang tinignan ang gawi ni Michael, habang ito ay malagkit na nakatingin sa direksyon niya. Isa-isang tinanggal ni Michael ang butones ng kaniyang suot na polo at nilantad sa dalaga ang matipuno niyang katawan. Agad niyang pinaibabawan si Fortuna upang siilin muli ng kaniyang mapusok na halik. Dahan-dahang bumigay ang katawan ni Fortuna at hinayaang damhin ang mainit na pagnanasa sa kaniya ni Michael. Pinunit din ng binata ang kaniyang s







