Share

4

Penulis: Rouzan
last update Tanggal publikasi: 2026-04-03 21:46:39

"A-Argh!..."

Dug*an ang mukha ni Brandon—ang lalaking nakabuntis at nang-iwan kay Fortuna—habang kamao ni Michael ay nakakuyom sa tindi ng galit.

"Maswerte ka dahil nauna ka kay Fortuna, pero hindi ako papayag na gag*guhin mo lang siya!" singhal ni Michael habang hawak-hawak niya ang buhok ni Brandon.

"W-Wala akong k-kasalanan s-sa inyo. B-Bakit niyo a-ako ginaganito?" tanong pa ni Brandon habang pilit na nilalabanan ang sakit ng kaniyang katawan.

"Sa 'kin, wala, pero sa mag-ina mo, meron," saad ni Michael bago niya muling suntukin ang mukha ni Brandon.

"Boss, masyado ka ng napapagod sa taong 'yan, bakit hindi na natin siya tapusin?" tanong ng isang tauhan ni Michael, samantalang wala naman itong naging imik kundi ang uminom lamang ng alak.

Matalim na nakatitig si Michael sa kinaroroonan ng walang kalaban-laban na si Brandon. Wala siyang ibang nararamdaman dito kundi galit.

Nang ilahad ni Michael ang kaniyang kamay ay inabot naman sa kaniya ang isang handgun. Kinasa ito ng binata at tinungo ang gawi ng bihag.

"A-Ano'ng gagawin mo sa 'kin? P-Pakiusap, h-h'wag mo 'kong papatayin. P-Pakiusap..." sambit ni Brandon sa gitna ng kaniyang natamo.

"Sinayang mo si Fortuna. Sinayang mo ang pamilya mo na sana ay naging pamilya ko na lang," seryosong saad ni Michael bago niya tinapat sa ulo ni Brandon ang hawak niyang armas.

"S-Ser..."

"If you mess up with my woman, then you mess up with me. Adios..."

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng silid, kaalinsabay ito ng pagbagsak ng wala ng buhay na katawan ni Brandon.

Hindi na nakapagpigil pa si Michael na tapusin ang buhay ng taong sinaktan ang pinakamamahal niyang si Fortuna.

UNTI-UNTING nagising si Fortuna nang makarinig siya ng ingay. Napukaw sa pansin niya ang gising niyang anak habang masayang kausap at kalaro si Michael.

"B-Bumalik ka pala..." sambit ni Fortuna habang inaayos niya ang kaniyang sarili.

"Kani-kanina lang," sagot naman ni Michael. "How's your sleep?"

"Hmm... Good. Teka, kumain na ba kayo? Sandali lang at—"

"Nagdala na ako ng foods at nakakain na rin kami ni Vincent. Right, Vincent?"

"Opo. Salamat po pala ulit sa mga laruan na binigay po ninyo, Sir Michael!"

"Hmm... Tito Mike na lang."

Sa kabila ng pagiging mabait ni Michael ay hindi pa rin nawawala kay Fortuna ang mailang dito. Napapaisip pa rin siya kung bakit bumalik si Michael sa ospital.

"Fortuna, do you want to eat?" tanong ni Michael kaya't biglang nagtaka ang dalaga.

"P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ni Fortuna.

"Your son told me about you. Ni hindi mo naman nabanggit sa 'kin ang pangalan mo," pagdadahilan ni Michael.

"Ah... Uhmm... Sandali lang at may aasikasuhin lang ako."

Wala pa man'g naging sagot si Michael ay agad na tumayo at naglakad palabas si Fortuna. Dahil dito ay mabilis naman siyang sinundan ng binata.

"Wait," pigil ni Michael nang hawakan niya ang braso nito. "Iniiwasan mo ba ako?"

Ni hindi makasagot at ni hindi makatingin nang diretso si Fortuna sa binata. Panay rin ang lunok niya ng laway na tila masasamid siya, oras na imikan niya ito.

"Tell me, Fortuna."

"A-Ano ba'ng kailangan mo sa 'kin?" lakas-loob na tanong ng dalaga. "Pwede ba'ng lubayan mo kami ng anak ko?"

Hindi inaasahan ni Michael ang tanong na ito ng dalaga.

"Paano kung sabihin ko sa 'yong hindi ko kaya?" tanong din naman ni Michael sa mahinahong pananalita. "Fortuna, sa maniwala ka't sa hindi, mahal na ma—"

"H'wag mo ng ituloy pa 'yan," putol ni Fortuna sa nais sabihin ni Michael at huminga nang malalim. "Salamat nang marami sa tulong mo, pero hindi ibig sabihin no'n ay mamahalin na rin kita pabalik."

Tila naging estatwa si Michael sa kaniyang kinatatayuan nang sabihin ito ni Fortuna. Ang mala-bakal niyang puso ay tila biglang natunaw sa mga salitang 'yon.

"P-Pasensya ka na, Mr. La Vierre, pero ayoko na kitang makita pa."

Umalis si Fortuna at hinayaan si Michael sa kinaroroonan nito. Samantala ay lumalalim ang bawat paghinga ni Michael. Paulit-ulit na tumatatak sa isipan niya ang sinabi ni Fortuna.

WALANG GUSTONG pumigil sa pagwawala ni Michael sa loob ng kaniyang mansion. Bawat muwebles na kaniyang makita ay hinahagis niya kung saan-saan.

"AARRGGHHHH!...." sigaw ni Michael habang pinagsususuntok ang mga paintings, maging ang nakakasalubong niyang mga tauhan.

"Ano'ng nangyayari kay Boss?" tanong ng isang lalaki.

"Hindi ko alam. Nagwala na siya simula nung dumating na rito."

"Trinaydor ba siya?"

"Sa tingin ko, babae ang dahilan."

"ALL OF YOU, GET THE FUCK OUT OF HERE!" bulyaw ni Michael kaya't nagsipag-alisan ang kaniyang mga tauhan.

Tinungo ni Michael ang bar counter at uminom ng tequila. Halos bumuhos na sa kaniyang suot ang kaniyang iniinom dahil sa paglagok niya rito.

"Hindi ko matatanggap ang sinabi mo, Fortuna. Kahit na kailan, hinding hindi ako makakapayag na hindi mo 'ko mahalin pabalik," matalim na sabi ni Michael sa kaniyang sarili, habang ang kaniyang mga ngipin ay nagngangalit sa galit.

ILANG ARAW lamang ang nagdaan ay na-discharge na si Vincent mula sa ospital. Masaya si Fortuna na sa wakas ay makakauwi na silang muli sa kanilang tinutuluyang bahay.

Nang bilangin ni Fortuna ang natitira sa perang natanggap niya mula kay Michael ay marahang nanlumo ang kaniyang mukha. Dahil sa sinabi niya kay Michael ay hindi natuloy ang pagbabayad nito ng hospital bills. Sa laki ng gastos ay halos kumalahati na ang perang naiwan.

"Mama, makakapasok na po ulit ako sa school?" masaganang tanong ni Vincent sa kaniyang ina.

"Oo naman! Papapasukin na kita sa mga susunod pa'ng araw siguro, anak. Sa ngayon, magpapalakas ka pa muna, ha?"

"Opo, Mama."

Sa pag-alis ng mag-ina sa ospital ay hindi nila batid na lihim silang sinusundan ni Michael na nakasakay sa kotse.

"Tambangan niyo yung sasakyan. Siguraduhin niyong hindi tayo pag-iisipan nang masama," sabi ni Michael sa dala niyang radio.

"Areglado."

Nang makaalis ang trycicle na sinakyan nina Fortuna at Vincent ay saka naman nagtungo ang kotse ng tauhan ni Michael sa harapan at huminto, kunwari ay na-traffic.

Samantala, bumaba naman si Michael at sinilip ang loob ng trycicle.

"Hi, Vincent. How are you?" Nakangiting tanong ni Michael.

"Tito Mike!" masayang sabi ni Vincent at walang ano-ano'ng bumaba at niyakap si Michael. Samantalang pagtataka at kaba ang naramdaman ni Fortuna.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" nautal na tanong ni Fortuna.

"Ano pa ba? E 'di para sunduin kayo. Manong, igilid mo na lang at susunduin ko na ang mag-ina ko."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   12

    Abalang abala si Fortuna sa pag-aasikaso kay Vincent upang makapasok na ito sa eskwelahan. Naka-ready na ang bata na kumakain ng almusal."Anak, basta yung mga ibinilin ko, h'wag mong kalilimutan, ha?" paalala ni Fortuna sa kaniyang unico hijo."Opo, Mommy. H'wag po kayong mag-alala, hindi ko po makakalimutan yung mga binilin po ninyo sa 'kin," tugon naman ng bata."Dalhin mo na yung isang sandwich at prutas d'yan para hindi ka magutom. Halika na, anak, baka ma-late ka pa."Umalis ang mag-ina upang maihatid na sa eskwelahan si Vincent na excited na rin'g pumasok. Matapos lamang ang ilang minuto ay nakarating na sila. Agad namang tinungo ni Fortuna ang anak sa classroom kung saan ito kabilang."Baka may kailangan ka pa, anak, ha? O baka may nakalimutan ka?" tanong ni Fortuna bilang paninigurado."Wala na po, Mommy. Okay na po ako.""Hmm... Sige, mag-iingat ka palagi, ha? Kapag may problema, h'wag kang mahihiyang magsabi sa teacher mo, okay?""Opo, Mommy."Niyakap ni Fortuna ang kaniyan

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   11

    Nagtungo si Fortuna sa kinaroroonan ng pwesto. Marahan pa'ng hinila ni Michael ang kaniyang uupuan upang makaupo nang maayos ang dalaga.Samantala, napapansin ni Michael ang titig ni Brandon sa dalaga na tila hindi makapaniwala sa gandang taglay nito."You didn't tell me na boyfriend mo pala si Mr. La Vierre, Fortuna," sabi ni Cindy na natutuwa sa nalaman, samantalang kunot-noo namang napatingin si Fortuna sa gawi ni Michael na ngayon ay nakangiti na sa gawi niya.'Boyfriend?!' gulat na gulat na tanong ni Fortuna sa kaniyang isipan."So bakit mo pala kami inimbitahan ni Cindy?" tanong ni Brandon kay Fortuna. Bakas sa expression ng mukha nito at sa tono ng pananalita na may inis."Bakit naman hindi? Cindy is my friend. Fiancé ka niya, 'di ba? So isasama ka niya," sagot naman ni Fortuna, confidently.Nang makaupo na ang lahat ay saka naman lumabas ang dalawang waiter upang hainan kami ng appetizer at drinks."Ano'ng ganap, Fortuna? You know what? Hindi ko akalain na ang nanliligaw sa 'y

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   10

    Ilang araw ang nagdaan ay tuwang tuwa si Vincent dahil pwede na siyang pumasok ng school. "Mama, saan ka po pupunta? Aalis ka rin po ba?" tanong ni Vincent sa kaniyang ina habang abala siyang inaasikaso nito. "May pupuntahan lang ako saglit. Mamaya, susunduin din kita, ha? H'wag kang aalis sa school hangga't wala ako," bilin naman ni Fortuna. Matapos ang kanilang pag-aasikaso ay nagtungo na sila sa labas kung saan ay may naghihintay ng taxi. "Mama, kailan po ba tayo babalik kay Tito Mike?" tanong ni Vincent nang makasakay silang mag-ina. "Hindi ko pa alam, e. Basta kapag hindi na siya busy, dadalaw tayo sa kaniya. Sinamahan ni Fortuna ang kaniyang anak hanggang sa maihatid na niya ito sa eskwelahan. Muli siyang sumakay sa taxi para naman magtungo sa isang restaurant kung saan ay magkikita-kita silang magkakaibigan noong high school. Sa ilang minutong pagbyahe ay nakarating na siya sa isang mamahaling restaurant. Nang makapasok siya ay agad napukaw sa kaniyang pansin ang kinaroro

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   9

    Si Fortuna muna ang naging tutor ni Vincent habang nasa bahay pa ito at patuloy na nagpapalakas. Hindi niya kinalilimutan ang gampanin bilang ina habang sa gabi ay patuloy siyang kumakayod. "Tapusin mo muna 'yan, Vincent, ha? Sandali lang at magre-ready lang ako ng foods natin," paalam ni Fortuna bago siya tumayo at nagtungo sa kusina. Habang abala sa paghahain, bigla namang nag-ring ang telepono. Sandaling tinigil ni Fortuna ang ginagawa upang sagutin ito. "Hello?" "Hello, is this the Fortuna Candelario?" "Speaking. Who's this?" "AAHHH!..." Biglang nilayo ni Fortuna ang telepono sa kaniyang tainga sa malakas na sigaw ng babae sa kabilang linya. "Fortuna! Hi! Si Cindy 'to. Naaalala mo pa ba ako?" Kunot-noong inisip ni Fortuna ang pangalan na 'yon. Marahang nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala niya ito. "Cindy? As in Cindy Martel?" paniniguradong tanong ni Fortuna. "Yes! OMG! Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita at nagkausap. Alam mo, miss na miss ko na ang

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   8

    "Pwede ba'ng h'wag mong gamitin ang anak ko, Michael? Masyado mo kaming ginugulo. Kung sa 'kin ka may galit, ako lang ang guluhin mo," inis na inis na sabi ni Fortuna sa binata habang nasa loob sila ng isang silid. "Fortuna, hindi ko ginugulo si Vincent, at hindi ko siya ginagamit. Natural lang ang pagmamahal ko sa kaniya," sagot ni Michael habang nakatingin sa mga mata nang dalaga. "Pwes sabihin mo sa kaniya na hindi kami pwede rito. Ikaw ang gumawa ng alibi sa kaniya," sabi pa ni Fortuna. "Ang pinupunto mo ba, gusto mo 'kong magsinungaling sa bata?" tanong ni Michael. "Hindi sa gano'n—" "But you're telling me to lie to him. Fortuna, wala akong magagawa kung masaya si Vincent kapag kasama ako. Ayaw mo ba na maranasan niya ang pagmamahal ng isang tumatayong ama?" tanong pa ni Michael. Kumunot ang noo ni Fortuna at hindi nagustuhan ang sinabi nito. "Hindi ka magiging pangalawang ama ni Vincent kahit kailan," depensa agad niya kaya't natawa si Michael. "Hindi ko pinipilit ang sar

  • Oh, Mickey! You're So Fine! (SSPG)   7

    Walang nagawa si Fortuna kundi ang pumayag sa nais ni Mickey. Kapalit ng magandang buhay, pagkikita nila ng kaniyang ina at ang muling mapasakamay niya ang negosyo ng kaniyang yumaong ama ay siya mismo ang magiging kabayaran. Labag sa kaniyang loob ang pagnanasa ni Michael para sa kaniya. Gusto niyang maiyak sa labis na kalungkutan habang abala ang binata sa paglasap sa kaniyang leeg. "Hmm...." sambit ni Michael at mas lalong dinidikit si Fortuna sa kaniyang katawan. "Ahh!..." sambit bigla ng dalaga nang itulak siya nito sa ibabaw ng kama. Masama niyang tinignan ang gawi ni Michael, habang ito ay malagkit na nakatingin sa direksyon niya. Isa-isang tinanggal ni Michael ang butones ng kaniyang suot na polo at nilantad sa dalaga ang matipuno niyang katawan. Agad niyang pinaibabawan si Fortuna upang siilin muli ng kaniyang mapusok na halik. Dahan-dahang bumigay ang katawan ni Fortuna at hinayaang damhin ang mainit na pagnanasa sa kaniya ni Michael. Pinunit din ng binata ang kaniyang s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status