LOGINZenjiro POV
“Hoy, babae, labas! Lumabas ka diyan!” sigaw ko sa kaniya habang kinakatok ang pintuan ng kuwarto.
Hindi siya sumagot. Siguro ay nagbibihis. Pinakelaman pa ata ang mga gamit nung nasa loob ng kuwarto. Lagot ako nito kay Lola Celia. Na-stress tuloy ako bigla dahil sa kaniya. Bakit kasi may baliw na bigla-bigla nalang pumapasok dito. Sayang, maganda pa naman siya. Saka, shit, laki talaga nung dalawang bundok niya kanina nung makita ko. Ganito na pala ang mga baliw ngayon. Magaganda at sexy.
Maya maya ay lumabas na ulit ang babae para harapin ako. May hawak na siyang patpat.
“Hindi ka ba aalis dito o ipupokpok ko sa ulo mo ito?!” sigaw niya habang galit na rin ang mukha.
“Aba, talagang mananạkit ka pa ah!” sigaw ko rin. “Subukan mong ipukpok ‘yan sa akin, tatamaan ka rin talaga!” galit ko ring sagot.
“Alis na sabi, e!” sigaw pa ulit niya.
“May susi ka ba ng bahay na ito?” tanong ko. Sa nakikita ko kasi ay parang may mali.
“Of course!”
“Then prove it.”
“Why would I prove anything to you? Ikaw ang dapat magpakita ng pruweba mo!”
“Fine! I’ll call the owner!”
“Go ahead!” Matapang niyang sagot.
Nakatiklop ang mga braso niya sa dibdib habang nakataas ang kilay. Samantalang ako naman ay halos kumulo na ang dugo sa inis.
Bilang pediatrician, sanay akong makitungo sa mga batang nagwawala. Pero ibang klase pala kapag isang babaeng hindi mo kilala ang nakikipagsigawan sa iyo sa loob mismo ng bahay mo.
“What’s your name?” tanong ko.
“Why? Para maisumbong mo ako?”
“Para malaman ko kung sino ang babaeng dapat kong ipaaresto.”
“Zenjiro ba pangalan mo?”
Napakunot ang noo ko.
“How do you know my name?”
Tinuro niya ang maliit na name tag na nakakabit pa sa bag ko. Napatingin ako roon. Hindi ko pala natanggal ang identification ko mula sa clinic.
“Ang ganda sana ng pangalan mo, pero kriminal ka naman,” sabi niya.
“Excuse me? Ako ang kriminal?”
“Yes! You heard me!”
Napailing ako. Hindi ko na alam kung matatawa ba ako o tuluyan nang mawawalan ng pasensya. Kaya naman kinuha ko na ang cellphone ko at agad na hinanap ang number ng may-ari ng bahay.
Sakto namang bago ko pa mapindot ang pangalan ni Lola Celia ay biglang nag-ring ang cellphone ko.
Napatingin ako sa screen.
Lola Celia Calling...
Agad kong sinagot iyon dahil gustong-gusto ko siyang makausap talaga.
“Good evening po, Lola,” bungad ko sa kabilang linya.
“Zenjiro, apo, nasa bahay ka na ba?”
“Opo. May problema nga po sana akong sasabihin sa inyo.”
“Sandali, iho. Bago ang lahat, gusto ko munang humingi ng pasensya.”
Napakunot ang noo ko. “Pasensya po? Bakit naman po?”
“May nakalimutan akong ipaalam sa iyo. Alam mo naman, matanda na ako. Marami na ring nakakalimutan.”
Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Nakatingin din siya sa akin habang nakataas ang isang kilay.
“May nangyari po ba?”
“Ang apo ko kasi, si Soleia. Umuwi siya ngayong bakasyon. Kanina pa pala siya nakarating sa bahay.”
Bigla akong natigilan. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone mula sa tainga ko at muling tiningnan ang babaeng kaharap ko.
Soleia?
So, siya ba iyon? Apo pala siya ni Lola Celia?
Shit, shit, shit!
“Zenjiro? Naririnig mo ba ako?”
Muli kong inilapit ang cellphone sa tainga ko. “Opo, Lola. Naririnig ko po.”
“Pasensya ka na talaga, iho. Hindi ko naisip na hindi ko pa pala naipapaalam sa iyo. Nawala rin talaga sa loob ko,” patuloy niyang paghingi ng pasensya.
Napapikit ako sandali. “Ah, ganoon po ba?”
“Oo. Si Soleia ang apo ko. Baka nagulat ka nang makita mo siya. Hindi kasi niya alam na may umuupa sa bahay na iyan. Akala niya siguro ay wala. Medyo pasayahin mo ‘yang apo, ha? Kakagaling lang kasi niyan sa hiwalayan. Ilang beses nang naloloko at sinasaktan, kaya pinagbakasyon ko muna siya diyan. Palagi kasing niloloko ng mga lalaki sa city, kawawa naman, kaya diyan muna kako siya sa probinsya mag-move on at mag-relax.”
Napatingin ulit ako sa babae. Ngayon ay nakangisi na siya.
Parang nanalo siya sa isang malaking paligsahan!
“Ah, ganoon po ba?” tanging nasasabi ko na lang kasi hiyang-hiya na ako sa mga oras na iyon.
Nung magpaalam na si Lola Celia, doon ko na ulit hinarap si Soleia.
“Oh, ano?” matapang niyang tanong.
“Apo ka pala ni Lola Celia,” sabi ko habang kalmado na ang boses.
Shit, nakakahiya talaga. Pinakita ko pa naman sa kaniya ang ano ko kanina. Akala ko kasi tresspassing at magnanakaw. Akala ko nakikipaglokohan lang siya.
“So, sino sa atin ang aalis ngayon? Ako na ba ang tatawag ng pulis?” matapang niyang tanong.
“Wait, Soleia, umuupa kasi ako rito. Kahit tawagan mo pa ang lola mo. Matagal na akong nandito,” paliwanag ko sa kaniya. Nakakainis, ako na nga tuloy ang nagpapaliwanag sa kaniya.
“Seryoso?!” nanlalaki ang mga mata niya.
“Oo, may ilang buwan na rin,” magalang kong sagot.
“Hindi puwede. Magtatagal ako rito. Dito ako buong bakasyon. Ayoko ng kasama. Ayoko ng lalaki. Ayoko sa inyong mga lalaki. Mga manloloko, buwisit, siraulo at panira ng araw palagi!” galit na galit niyang sabi.
Ayon, damay lahat ng lalaki tuloy. Damay ang mga good boy sa mga cheater at siraulong lalaki na mahilig manloko ng mga kababaihan.
“Grabe, ibahin mo naman ako. Saka, huwag mong lahatin. Marami pa ring matinong lalaki,” depensa ko kasi ang sakit niya magsalita.
Ganoon siguro talaga kasi ang dami nang nanloko sa kaniya kaya hindi ko rin masisi.
“Shut up! Umalis ka rito. Ayoko ng kasama sa bahay namin!” galit pa rin niyang sabi.
“Soleia, naka-advance ako ng bayad dito sa bahay ninyo. Isang taon na ang binigay kong bayad sa Lola mo, kaya hindi mo ako puwedeng paalisin na lang bigla,” paliwanag ko sa kaniya. “Saka, may contract akong pinirmahan,” dagdag ko pa para hindi niya ako mapaalis. Sunday bukas, rest day ko, ayokong maging hakutan day bukas at lipatan day, nakakapagod iyon.
Napailing na lang siya. Wala na siyang masabi nung magpaliwanag ako.
“Buwisit, hindi naman kasi agad sinabi ni Lola na may makakasama pala ako rito. Nakakasira naman ng araw!” galit pa rin niyang sabi. Wala na siyang nagawa. Bumalik na lang siya sa kuwarto niya. Nagdabog pa ito sa pagsarap nung pintuan.
Ang lala. Naisip ko tuloy kung hanggang kailan kaya siya rito? Pakiramdam ko ay magiging hell month ang buong Mayo ko dahil sa kaniya.
Zenjiro POVNakasukbit na sa balikat ko ang bag ko at hawak ko na rin ang susi ng motor nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sa labas ng clinic.“Seriously?”Napahinto ako sa may pintuan at napatingin sa kalangitan. Kanina lang ay maaliwalas pa ang panahon. May kaunting ulap, pero hindi naman mukhang uulan. Kaya hindi na ako nagdala ng kapote o payong dahil ang akala ko ay makakauwi ako nang walang aberya.Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng clinic habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.Parang may bagyo!Napakamot ako sa ulo. Paano ako makakauwi nito? Naka-motor pa naman ako. Kahit magdala ako ng payong, wala rin akong magagawa dahil tiyak na mababasa pa rin ang kalahati ng katawan ko. Ayokong umuwi nang basang-basa, lalo na at malamig ang panahon.Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng clinic.“Maghihintay na lang muna ako,” bulong ko sa sarili.Isinara ko ang pintuan at iniwan ang mga susi sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay nagtungo a
Zenjiro POVWala nang tao sa clinic ko nang matapos kong asikasuhin ang huling medical record ng pasyente ko.Napatingin ako sa wall clock. Alas singko na ng hapon. Medyo marami ang naging pasyente ko ngayong araw, pero mabuti na lang at wala namang seryosong kaso. Karamihan ay mga batang may lagnat, sipon, at ubo lang.Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng lamesa at isinara ang laptop ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mga bagong message ba galing sa mga emergency patient. May ilang notification mula sa mga magulang ng pasyente, pero wala namang kailangang sagutin ka agad.Nang maisilid ko na ang mga gamit ko sa bag, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen.Aurelia is calling...Video call pa, kaya dali-dali ko iyong sinagot.“Hello, baby!” Agad na bumungad sa screen ang magandang mukha ng girlfriend ko. Nasa loob siya ng ospital at mukhang nasa nurse station. Nakasuot siya ng puting uniporme, may nakasabi
Soleia POVNakakainis kasi ang dami ng tao nang makarating ako sa tapat ng sikat na bilihan ng inihaw na manok dito sa Savaya Town.Pagkababa ko pa lang ng tricycle, agad kong napansin ang napakahabang pila sa labas ng tindahan. Halos umabot na sa gilid ng kalsada ang mga taong naghihintay. May mga pamilyang bibili ng ulam, may mga naka-motor na halatang pauwi na galing trabaho, at mayroon ding mga kagaya kong nagmamadaling makabili bago maubusan.Napangiwi ako. Naku! Ang haba naman ng pila! Sumilip ako sa loob ng tindahan. Nakita kong abala ang mga empleyado sa paglalagay ng bagong ihaw na manok sa mga lalagyan. Mabango ang amoy ng litson na manok, lalo na kapag naaamoy mo ang timpla ng marinade at ang usok mula sa ihawan.Pero hindi iyon ang pangunahing problema ko.Si Zenjiro! Tiyak na malapit na siyang umuwi mula sa clinic niya, at kung magtatagal pa ako rito, baka maabutan niya akong wala pa sa bahay. Gusto ko sanang maihanda ang hapunan bago siya dumating.Iyon ang request niya
Soleia POVAlas tres na ng hapon nang magising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay. Akala ko ay nananaginip pa ako. Akala ko sa pinapanuod ko kanina sa TV ko. Pero hindi kasi totoong nanggagaling sa labas ang ingay na iyon.“Delivery! Hello! May tao ba diyan? Hi, kanina pa po ako rito, yohoooo!!”Kasabay niyon ang sunod-sunod na pagpindot sa busina ng motor. Napaka-ingay. Napangiwi ako at pilit na dinilat ang mga mata. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Katatapos ko lang ding managinip nang bigla akong ginising ng kung sinong napakaingay sa labas.Nakakabulaho na rin siya ng ingay sa mga kapitbahay.“Delivery po! May delivery! May tao po ba diyan? Hello po!”Napabuntong-hininga ako. Sino ba naman ang nag-order? Wala namang nabanggit sa akin si Zenjiro na may parcel siyang parating? Kung sa kaniya ito, malalagot talaga siya sa akin. Panira siya ng tulog.Bumangon na ako mula sa kama at inayos ang gulo-gulo kong buhok. Hindi ko na rin pinag-abalahan pang magpalit ng damit dahil pantulog l
Soleia POVHabang kumakain kami ni Zenjiro ng tanghalian, hindi ko maiwasang mapansin na parang sanay na sanay na siyang makatanggap ng kung anu-anong pagkain mula sa mga pasyente niya.Kanina pa kasi ako nakikinig sa mga kuwento niya tungkol sa clinic. May mga batang nagpapatingin, may mga magulang na kung anu-anong tanong ang itinatanong, at mayroon ding mga nanay na nagdadala ng pagkain bilang pasasalamat daw sa kaniya.Napaisip tuloy ako.“Zenjiro.” Napatingin siya sa akin habang nagsasandok ng sabaw.“Oh?”“Totoo bang maraming nagdadala sa ‘yo ng pagkain sa clinic o mga order mo iyon?”Natawa siya sa tinanong ko. Alam ko naman na kasi kung ano ‘yung totoo. Wala lang, gusto ko lang makausap siya habang nandito pa. “Oo. Bakit?”“Anong mga pagkain?”“Kung anu-ano. Minsan cake, minsan tinapay, may mga nagdadala rin ng prutas. May mga nanay na nagluluto pa ng ulam at ipinapadala sa clinic.”Napataas ang kilay ko. “Wow! Ang dami naman pala talaga.”Napakamot pa siya bigla sa ulo. Ewan
Soleia POVPagkauwi ko sa bahay, hindi ko maiwasang mapasimangot habang isinasara ang gate.Nakakainis! Sobrang nakakainis!Nag-effort pa naman akong pumunta doon, tapos ganoon lang mapapala ko.Pinauwi lang ako at sinabihan pang hindi pambatang pagamutan iyon!Ganoon lang?Wala man lang tanong kung gaano kasakit ang ulo ko? Hindi man lang nag-alok na tingnan ako? Hindi man lang nagsabing magpahinga muna ako sa clinic niya?Pambata nga ang clinic niya, pero doktor pa rin naman siya! Hindi ba puwedeng bigyan niya ako ng gamot doon?Napailing ako habang naglalakad papasok sa bahay.Pogidok nga pero ang cold naman pala kapag nandoon na sa clinic niya.Pagdating ko sa sala, ibinaba ko ang dala kong bag sa sofa. Nasayang lang ang dala-dala kong tinolang manok at kanin.Pagkatapos ay dumiretso ako sa dining area para uminom ng tubig. Naupo ako sa silya at sumandal.Ano ba naman kasi ang inaasahan ko?Hindi naman kami magkasintahan. Hindi niya obligasyong alagaan ako o mag-alala sa akin. Is







