Share

Kabanata 41

"He's really good in soccer."

Isang tango na may kasamang ngiti ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang ekspertong paggalaw ni Gray sa soccer field kasama ang ibang grade 12 mula sa STEM strand.

"Naaalala ko noong una ko siyang napanood na maglaro ng soccer, tinamaan ako noon ng bola. Hindi man lang siya nag-sorry."

Natawa si Shiela sa sinabi ko. Malutong siyang tumawa at matinis ang boses niya. Kung sa hitsura, mas mature akong tingnan pero mas childish pa rin akong mag-isip kaysa sa kanya.

"Bakit hindi ko nakita ang side niyang iyon?" parang may patatampo sa tono ng boses niya. "Ang daya naman."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. May parte sa akin na naiinis kapag naaalala ko kung paano niya ako asarin noon, kung paano niya ako paiyakin dahil sa mga kagagawan niyang nagpamukha sa aking hindi ako karapat-dapat maging prinsesa. Pero may parte rin sa puso ko na natutuwa kapag naaalala ko ang dahilan kung bakit niya nagawa ang lahat ng iyon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status