Share

Kabanata 2

I closed my eyes, took a deep breath, and smiled. Here I am, standing in front of my sister's university, and I am now Shiyuri.

Kahit may pangamba ay tinuloy-tuloy ko ang paglalakad diretso sa meeting place namin. Malawak ang unibersidad ng kapatid ko, dahilan kaya ako nakihiwalay. Mas gusto ko ang payapa at malayo sa kaguluhan, bagay na siguradong mangyayari sapagkat hindi malayong pagkamalan ako bilang Shiyuri, at isa iyon sa mga iniiwasan ko. I am already settled in silence and this silence is where I belong.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kumakaway na babae sa kabilang dako ng kalsada, nakangiti sa akin at nagtatakbong lumapit nang hindi tumitingin sa kaliwa't kanan ng kalsada.

Umalingawngaw ang tunog ng busina ng paparating na kotse dahil sa biglaan niyang pagtawid.

"Ay!" Malakas siyang napasigaw, kinuha nito ang atensiyon ng mga taong nasa malapit.

"Tumingin ka kasi sa daan, Miss!" malakas na wika ng driver na bumusina sa kanya bago ito tuluyang nagpatakbo paalis.

Bumungisngis lang siya na parang hindi na siya muntikang namatay. Nang makalapit na, malakas akong hinampas sa braso. "Babagal-bagal ka kasi, gaga! Kailan ka ba magbabago? Lagi kang late comer, pati ba naman sa exciting event like this!" Umasta siyang parang Buddha, nakalahad ang mga kamay at nakatingala sa langit.

Pinilit kong ngumiti kahit na wala akong ideya kung sino siya. Isa pa, ang weird niya, o baka sa standard ko lang. Saglit kong inisip kung nabanggit ba ito ni Shiyuri sa akin. Imposibleng hindi, bilang lang din naman ang mga ganitong tao na sobrang close sa kanya.

Pero hindi ko talaga maalala. Natataranta na rin kasi ako, lalo pa at bigla siyang umabrisete sa akin. Muntik ko na nga'ng naitulak kung hindi lang ako nakapagpigil.

"Comesha." Hinila niya ako. Wala na akong nagawa kun'di magpatianod at sumabay sa pagtawid. Hindi pa ako masyadong nakaka-adjust sa presensiya niya pero mukhang wala na akong panahon para dito.

Napakaraming estudyante ang nagkalat sa paligid, karamihan ay mga kalalakihang napapasunod ng tingin sa amin. Mabuti na lang at wala namang kumukuha ng litrato. Kung mayroon man, at least ay hindi ko na napapansin. Pawang mga mayayaman at may kanya-kanyang career din naman ang mga estudyante rito, hindi na marahil big deal ang pagiging isang model artist.

"Kahit simple ang suot niya, maganda pa rin," naulinigan kong bulong ng isa sa mga grupo ng kababaihang nadaanan namin. Kumibot nang kaunti ang aking labi upang magpakita sana ng isang simpleng ngiti ngunit hindi ko ito nagawa.

"Parang beastmode."

"Mukha bang beastmode 'yan? Nahihiya ang hitsura niya."

"Gosh, are you dreaming? We know Shiyuri. Hindi siya ganyan."

Natigilan ako sa narinig. Shiyuri? They mean, me? Napataas ako ng noo at sinubukang gayahin ang paglalakad ng kapatid ko. Ang hirap pala. No matter how hard I try to smile, still, I'm not confident enough. I can't really be my sister.

"Bakit ang tahimik mo, Shi? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tumingin sa akin ang kasama ko. Pansin din yata niya na iba ang aura ko, dahilan para lalo akong kabahan.

Akmang hahawakan na niya ang noo ko nang bigla kong natabig ang kamay niya at bahagyang napalayo. Uh-oh. Wrong move.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" Ramdam ko na ang pagkainis sa boses niya.

Pinaghalong gulat at iritasyon ang naramdaman ko. Ang sarap lumayo, ang sarap mapag-isa. Ang hirap din namang nangangapa ako ng kung sino ang sino, lalo pa at hindi ako masyadong maalam sa pakikihalubilo.

"A-ayos lang ako. Napuyat lang." I want to punch myself for stammering, but I remembered, I am not the actress here. 

"Hindi ba't ayaw mo ang napupuyat?" naka-arko ang kilay na tanong niya habang pinagmamasdan ako sa mukha. "Pero teka. Ay, oo. Nagpupuyat ka nga. May tigyawat ka sa gilid ng noo, o!" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang humagalpak ng tawa.

Big deal nga naman ang tigyawat kay Shiyuri. Actress ito kaya kung maaari ay walang tumubo na kahit anong sagabal sa makinis nitong balat. Samantalang ako ay walang pakialam, although hindi naman ako nahuhuli pagdating sa fashion. Medyo mas manang lang kaunti kung ikukumpara sa kapatid ko.

"Oo nga, e. Saklap." Bahagya kong hinimas ang pimple sa noo ko at saka pasimpleng ngumiti.

Nanlaki ang butas ng ilong niya at pasimpleng nagkamot ng ulo. "Sabihin mo lang kung naiwan mo 'yung bunganga mo sa bahay n'yo, balikan natin."

Kulang na lang ay tapikin ko ang pisngi ko sabay sabi, 'Gising!'. Pero kahit gising ako ay hindi ko pa rin makakayang gayahin si Shiyuri. Ang layo ko sa kapatid ko, kung puwede nga lang humingi ng kaunting siya.

I slightly moved my body. "Saan ba kasi ang meeting place? Inip na ako." Pinilit kong minanipula ang boses ko sa medyo mas professional at mas mabigat na boses upang gayahin si Shiyuri. I even inserted a hand figure and articulation para mas maging kapani-paniwala.

"Ayun. Bumalik na siya," natatawang komento ng kasama ko. "Sa room muna tayo. Iyan, ha. Nakakaganda ba masyado ang hindi pakikinig sa teacher tuwing nagbibigay ng instructions? Gigil."

Sumunod na lang ako sa kasama ko dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Ngayon lang ako pumanhik dito. At si Shiyuri naman, wala man lang siyang binanggit tungkol dito, na nakalimutan ko ring alamin. Somehow, I am thankful that I am with this girl here.

Kahit sa paglalakad namin ay hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtataka sa mga mata ng babaeng kasama ko tuwing bahagya akong nililingon habang hila-hila ang kamay ko. Nakakabahala, pero mas mahahalata ako kapag nagtanong ako kung bakit ganyan ang reaksiyon niya. Sapat nang mabuwisit ako internally dahil napaka-clingy niya masyado.

Mayamaya ay pumasok na kami sa may kalawakang silid at nabungaran ko ang mahigit dalawampung katao. Sampu lang ang staffers sa school namin habang dito nama'y dinoble ang bilang namin. Obviously, this school has a bigger population. Hindi naman ito crowded dahil napakalawak nito. Although wide, the huge number of students is still evident in every corner I put my eyes on.

"Shiyuri and Alminaza, take a seat."

Sumunod ako sa kasama ko papuntang likuran nang sinabihan na kaming umupo.

"Buhaghag ang hair," maarteng saad niya habang sinusuklay ang mahaba, abot-baywang niyang buhok. 

Napatitig ako sa kanya nang mag-sink in sa isip ko ang pangalang itinawag sa kanya.

Hanggang baywang na buhok. Alminaza. Ami . . .

Fish tea. Halos mahigit ko ang aking hininga nang maalala ang mga ito It's my sister's bestfriend for Pete's sake! Why the hell did I forget about it?

"Don't wanna comb your hair?" baling niya sa akin.

Umiling lang ako bilang tugon habang parang pipi na hindi makapagpalabas ni isang salita. God, I almost there. Almost in the trouble.

***

Lutang ako hanggang sa matapos nang mabanggit ang mga instructions. After all of these, we started to ready ourselves as we carried our bags. Nagsitayuan na kami.

"Leggo." Ami flipped her hair and excitedly held my arm. 

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa'king labi. Pareho sila ni Shiyuri. Sweet and clingy. Iritado pa rin ako sa sobrang lapit niya, pero nang maalala kong kaibigan siya ng kambal ko ay humaba ang pasensiya ko sa kanya.

"Palawan Palawan Palawan. OMG! Sana madala ko r'on ang bf ko, sayang!" pagtatalak ni Ami habang nasa daan kami.

Pansin ko ang paminsan-minsang pagsulyap ng mga tao sa akin gan'on na rin ang iba ko pang kasamahan. I know that there is something in those glances. They are full of doubts, of judgments. But I can only guarantee that their assumptions are right if I show them how they affect me.

We lined ourselves in entering the bus. Tumigil muna kami sa isang fast food chain bago kami dumiretso sa airport at lumipad na patungong Palawan.

"St. John's Bay, hmm. What happened to Secosana? MK? Voyager? Juicy couture? Luis Vuitton?"

Natawa ako sa mga brand ng bag na sinabi ng kaibigan ni Shiyuri. Mukhang pati ito ay madalas nilang pag-usapan. Very unusual to my kind-plain and boring.

"Nah, I have a lot of collections. Y'know," I answered, prolonging the last syllable of my line.

"Yeah, yeah, I know," natatawa namang tugon niya.

As the plane started to fly, I automatically gripped the little pillow on my lap, bitting my lower lip. Sinunod ko ang bilin sa akin ng kapatid ko na huwag masyadong mag-inhale. Exhale and exhale or if possible, hold my breath. Gulp. Release air. The pressure of the plane during take-off is unexplainable. Parang pinipigilan ang aking hininga na ewan.

Sensitive kasi ako sa mga ganitong bagay. Kaunting yanig lang sa kinaroroonan ko ay naduduwal na ako. Ayaw ko itong mangyari sapagkat maliban sa nakakahiya ito, ayaw ko ring ibuking ang sarili ko. Shiyuri already got used to this so they will surely wonder if ever I show them that it's my weakness. As a matter of fact, mahilig si Shiyuri sa mga heights and rides. Mga ganitong bagay ang nagpapasigaw sa kanya sa tuwa.

"Ayos ka lang, Shi? Namumutla ka." May pag-aalala sa boses ni Ami nang mapansin ang reaksiyon ko sa mukha.

Pinilit kong tumango kahit na halos hindi na ako makagalaw. Under take-off pa lang kaya pinigilan ko ang aking sarili. 'Tsaka na ako magsusuka kapag steady na ang lipad ng eroplano. May banyo naman, buti na lang.

After a couple of minutes, take-off is done.

"Take a nap," sabi ni Ami sa akin bago siya pumikit.

Ako naman ay nagmamadaling kinalas ang seatbelt at patakbong pumunta sa toilet. Sa kasamaang-palad ay nabangga ko ang matangkad na stewardess na kasalukuyang nag-iinstruct sa mga pasahero ng mga dapat gawin in case of emergency.

Napapikit ako nang mariin. Napamura. Hindi ko na nakayanan at bigla kong nailabas ang lahat ng kinain ko kanina.

I vomited in front of the eye of all the passengers. Partida, sa palda pa ng nakahilatang stewardess dumiretso ang lahat ng dumi.

God, have mercy!

Napapikit ako sa malaking kahihiyang idinulot ko. This is the most embarassing thing I've ever done. I am a topnotcher in school, now, it seems like my brain left on a drainage. Napako ako sa aking kinatatayuan. All I should do now is to run and hide my face. Ngunit 'di ako nakagalaw.

"Shiyuri!" Alminaza shouted. Hinila niya ako at siya na ang humingi ng paumanhin sa stewardess na ngayo'y kasalukuyang tumatayo at bakas sa mukha ang pandidiri.

My sight is blinking and my heart thumps so loud. Hindi halos mag-steady ang paningin ko pero nagawa kong bumalik sa upuan. Nalalasahan ko pa ang hindi kaaya-ayang lasa sa labi ko at umiikot ang paligid ko. Lihim na lang akong nagpasalamat kay Alminaza hanggang sa unti-unti nang pumikit ang aking mga mata.

***

"Nasa Puerto Prinsesa na tayo!"

Umalingawngaw ang sigaw ng aking mga kasamahan habang exited na bumababa ng eroplano. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang napakaraming dayuhan na pumarito't pumaroon. Ang ilan ay paalis na habang ang iba naman ay naghihintay pa ng mga bagahe.

"May nakahanda nang hotel na matutuluyan. Huwag muna kayong humiwalay sa grupo habang hindi pa settled ang lahat. Follow us."

Sumunod naman kami gaya ng sinabi ng kasama naming professor pero bumaling ito sa akin at pinatigil ako. Bakas ang pagod sa mukha niya at litaw sa kurba ng kanyang mukha ang iritasyon. Matanda na yata, bakit kasi siya pa ang naatasang sumama sa trip na ito?

"Oh, Shiyuri, why are you coming? Hindi ba sa ibang hotel ka tutuloy? Hintayin mo rito 'yung kasama mo."

Napatunganga ako sa narinig hanggang sa tuluyan na silang umalis. Pati si Ami ay mukhang walang ideya sa nangyayari pero napilitan siyang iwan ako.

What's the meaning of this? Shiyuri didn't mention that I'll be staying separately from her schoolmates.

"Shiyuri Cruz?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang mangilan-ilang kababaihang halos kaedad ko lang base sa hitsura. Mukhang mga Pilipino rin sila.

"That's her!"

May sumigaw naman ulit sa kabilang-dako ko at nakita ang isang babae't lalaki na matatangos ang ilong at reddish-white ang balat.

I forgot. Bumundol ang kaba sa aking dibdib nang mapagtanto kung ano itong pinuntahan ko. Uh-oh. Not again.

The next thing I knew, a lot of people screamed as they saw me. Dinumog ako ng mga tao, halos pagtulakan. Unti-unting nagkalat ang flash sa paligid. Halos mapaluha ako sa pagkakasilaw sa mga ito.

Ang ingay, ang sikip, at ang layo sa buhay na pinapangarap ko. Paano ito nakakayanan ni Shiyuri? The chaotic crowd, the puzzling noise, and the smile she needs to keep in order to look happy in front of everybody. It's distressing.

Napakasikat ng kambal ko. Laging nasa kanya ang limelight. Habang ako, nagtatago pero pinagkakaguluhan. Ang kapatid ko, halos palaging may mga body guards dahil nga sa artista ito at hindi p'wedeng dumugin ng mga tao nang basta-basta. Pero ako, mag-isa kong haharapin ito. Palaging lumalabas na walang kasama, kaya kapag pinagkaguluhan, siguradong masasaktan din mag-isa.

Sanay na ako. Sanay na sanay na. Pero hindi ko naman alam na kahit dito ay mangyayari pa ang bagay na 'to. Pagod ako sa biyahe tapos ito ang sasalubong sa akin? I came here to refresh my mind, to find peace, not to get hurt. And it's all because of pretending-being what I'm not, wearing what I will never be.

Nag-unahan ang mga tao sa pagpapa-autograph sa akin. Because of frustration, I accepted their pen, papers, and any other objects, signing with the letters, 'SarCruz'. I don't care about what their reactions will be.

ShiCruz ang aking kapatid pero wala na akong lakas para magbago pa ng pirma. Besides, my signature is beautiful. Para itong magandang ukit lalo sa 'S'. A calligraphy stroke. It's already their advantage.

Minsan lang naman akong pumipirma. Kapag book signing ko lang ito ginagawa at sa loob pa mismo ng sarili kong mundo-k'warto kung saan ko tinatambak lahat ng kayamanan ko. Ini-aaddress na lang sa akin ang mga ito at binabalik ko naman through delivery. Oo, hindi nila ako nakikita. Nagta-trabaho ako nang patago. Sumisikat ako nang palihim. Kung ibabase ko sa followers at dami ng reads ko sa w*****d, hindi na ako matatawag na 'undiscovered'.

Kung sa libro, kailanga'ng maganda ang pirma ko. Ang kapatid ko ay kung saan-saan lang naman siya pumipirma, minsan sa tissue pa-'yun ay kung papatulan pa niya ang kabaliwan ng mga fans niya. Bugnutin pa naman iyon minsan, sinisikap lang maging mabait sa mata ng karamihan.

Sa pagdaan ng minuto ay unti-unti nang sumasakit ang kamay ko pero nang tingnan ko ang paligid ay mukhang hindi ko pa nakakalahati ang mga taong naghahangad sa aking lagda.

"OMG! Sa wakas nalapitan ko na siya nang ganito."

"Oo nga. Ang ganda niya at napakasikat pa. We're lucky that we met her here unexpectedly."

Napakagat-labi ako. Hindi naman ako ang tinutukoy ng mga ito. Kating-kati na akong isigaw na hindi ako si Shiyuri. Hindi ako ang kambal ko. Ako si Sarina. Iba ako. Iba!

"Ang sexy rin niya!"

"Pero para siyang lola ngayon."

"Nadadala naman niya, still. Pero oo, tama ka nga."

Nagpantig sa aking tainga ang mga salitang 'yon na sinabayan pa nila ng pagtawa. Hindi na nahiya, mga nasa tabi ko pa. Nakakarinding malaman na hinahangaan ang kambal ko, habang ako, kinukutya at iniinsulto.

Tagaktak ang pawis ko sa noo. Gusto ko nang umiyak at isigaw na pagod na ako, na ayaw ko na dahil hindi ko na kaya. I am physically and emotionally hurt. Nasu-suffocate na ako sa init at sakit dahil sa mga naririnig. At pagod ako sa biyahe kahit ilang minuto lang iyon.

Nangatog ang nga binti ko. Mukhang hindi ko na kaya. Parang bibigay na ako lalo na nang mas naipit ako sa pagdagsa ng maraming taong nakarinig sa balitang nandito ako, na nandito si Shiyuri.

I suddenly felt weak. I was about to fall on the floor when a pair of arms caught me from falling. Inilayo ako nito sa grupo ng mga tao. Nanlalabo ang paningin ko, hindi siya luminaw-linaw sa aking paningin habang buhat-buhat niya ako sa paglalakad. Ilang minuto lang ay naramdaman kong ipinasok niya ako sa isang sasakyan.

Unti-unting bumalot sa aking katawan ang lamig na buhat ng air-condition ng kotse. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at parang tinambol ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko sa aking nakita. Nag-init ako at walang nagawa ang lamig sa akin.

The darkness inside the car wasn't enough not to recognize those tantalizing eyes that I saw years ago. Nakahawak ako sa dibdib ng kaharap ko habang nakapalibot naman ang matitipuno nitong braso sa aking baywang.

We are so near, staring like we really haven't seen each other for years. Tuluyan nang nahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Sorry, Honey. I am late," bulong nito sa akin.

Third Montecarlo . . .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status